You are on page 1of 20

NSTP 2 - Group 2

(Script for Roleplay)

Alicia Domondon
Ana Gomez
Angielyn Difontorum
Anjeliza Franco
Denver Dale Calica
Desieree Ysabelle Mamaril
Edralyn Tabongbong
Jesson Hilarde
Jonalyn Cornel
Alpia Estal
RainBhell Hernandez
Rhoda Mae Mupas
Vanessa Nicole Mayo
Cast

Denver - as Al; tatay


Vanessa - as Lina; tunay na anak
Alicia – as Tintin; girlfriend of Ed
Jesson – as Ed; boyfriend of Tintin
Edralyn – as Alex; tunay na anak
Jonalyn – as Emy; nanay
Desieree – as Jen; friend of kylie
Anjeliza – as Kylie
RainBhell – as Nelly; ampon
Rhoda – as Nanay Tina
Ana – as Ana; ampon
Pia – as Belen
Angielyn – as Lani; tunay na anak
Denver (Narrator): Masasaksihan natin kung gaano kalawak, kalalim, at karami ang iba’t ibang
klase ng pagmamahalan na maaaring ibahagi ng iisang puso. May isang ina na sakabila ng
masidhing kahirapan sa pagtataguyod ng kaniyang mga sariling anak sa lansangan, nakuha pa
niyang mag-alaga ng mga batang ni hindi naman niya kadugo. Dito, matutunghayan natin ang
masalimuot at masayang pagsasama ng pamilang ito sa kabila ng mga pagsubok na dadating sa
kanilang buhay.

(nakahiga si jonalyn, van, edralyn, angielyn, denver)


Nanay Emy: Mga anak, mga anak, gumising kayo. Mga anak, mga anak, halina kayo. Tumakas na
tayo, tumakas na tayo.
Al: Ano ba, natutulog ang tao ah. Anong – tatakas ka? Tatakas ka?! Ano?! (hahatakin si emy)
Nanay Emy: Ano ba, bitiwan mo na ko!
Al: Hindi kayo makakatakas! Mamamatay muna kayo bago makatakas! Balik!
Alex: Ayaw na namin, Tay!
Lina: Tay, hayaan ninyo na kami! Pakawalan mo na kami!
Alex: Ano ba, Tay gusto na naming umalis! Wala ka namang ginawa kundi saktan kami, lalo na si
Inay!
Lani: Pabayaan niyo na kami, Tay! Ayaw na namin sa puder mo!
Al: Hindi pwede, papatayin ko muna kayo bago kayo umalis!

Denver (Narrator): Makalipas ang isang taon. Wala na sila sa puder ng kanilang tatay at mag-isa
na lang tinataguyod ni Nanay Emy ang kanyang mga anak. (Close curtains then open then next
scene)
Alex: Nay?
Nanay Emy: Alex! Alex! Alex, dito ka lang, wag mong iwan si nanay.
Alex: Opo, inay. Dito lang po kami sa tabi niyo.
Lani: Nay! Nay, bakit po? Nay, nay, nay!
Lina: Nay, bakit po? Nay, ano pong nangyari?
Emy: Dito ka lang. Dito lang kayo mga anak. Wag niyong iwan si Nanay, ha?
Lina: Bakit, Inay? Napanaginipan ninyo po ba ulit ang Tatay?
Alex: Nay, wag niyo na po siyang isipin. Matagal na tayong nakatakas sa Bicol, nay. Hindi na niya
tayo masasaktan.
Lina: Tama si Alex nay, malayong-malayo na po tayo sa kaniya, hindi na niya tayo mahahanap.
Lani: Nako, Nay! Kaya kayo binabangungot e, kulang lang kayo sa kain e. Tara na lang po sa
parke natin.
Emy: Parke? ha? Eh, wala naman tayong parke.
Alex: Anong wala nay, meron po. Tayo na po diyan, Nay.
Lina: Tara na po, nay, maligo na tayo.
Lani: Tara na, dali, dali!
Emy: Sariling parke?

(Close curtain, next scene)

Denver (Narrator): Habang nakaupo silang pamilya. Tinitignan ni Nanay Emy ang kaniyang mga
anak at ang kanilang tirahan. Makikita mo sa kaniyang mukha ang awa hindi sa kaniyang sarili
kundi sa kanyang mga anak dahil sa buhay na meron sila ngayon.
(kumakain)
Emy: Pasensiya na kayo mga anak ha. Haggang ngayon, dito pa rin tayo nakatira sa park.
Alex: Ok lang yun, Nay.
Emy: Hayaan ninyo kapag nakahanap ako ng madang pagkakakitaan, lilipat tayo. Dun sa may
kuryente, dun sa matibay na bubong, dun sa may malambot na higaan at sa may malinis na
tubig.
Alex: Huwag mo na pong alalahanin yun, nay. Ayos na po sa amin dito, mas masaya, walang
magagalit, napakalawak pa.
Lani: Tama, Nay, sa sobrang lawak, pwede tayong matulog dito, doon, o kahit don.
Lina: Kami prinsesa, ikaw ang reyna. Reyna ng mga basura. Kaya ligo-ligo rin nay kapag may
time. Medyo mabantot na po kayo e.
Emy: Oh, sige na. Ako ang reyna ng baho, kayo ang prinsesa ng kulit.
(Close curtain, next scene)
Emy: Sige na, magsipasok na kayong lahat, maglilinis pa ako sa park.
Alex: Opo, Nay.
Emy: Na sa inyo na yung baon niyo ha?
Lani: Salamat po. Babye nay.
Emy: Oo, sige na, : niyo.
Lina: Nay.
Emy: Oh?
Lina: Kung tumigil na po ako sa pag-aral? Sasamahan ko na lang po kayong mangalakal. Naaawa
na po kase ako sa inyo e. At saka isa pa nay, para na rin may kasama ka.
Emy: Lina, di ba sinabihan na kita? Na kahit na anong mangyari, walang hihinto sa inyong lahat.
Wag ninyong intindihin tong paghihirap ko, ang intindihin niyo ang pag-aaral ninyo. Ke mahirap,
ke mayaman, ang pag-aaral, responsibilidad yan ng magulang. Oh, ano pang tinatayo-tayo mo
riyan, pumasok ka na.
Lina: Sige po.
Kagawad: oh Emy, magandang umaga.
Emy: Oh, kagawad, magandang umaga din.
Kagawad: Nako, siguro kung wala ka, ang kalat-kalat na nitong park. Ang tiyaga-tiyaga mong
linisin to bago ka mangalakal.
Emy: Eh, kase parang bayad ko na rin to sa libreng pagtira namin dito. At saka isa pa, parang
tirahan na rin namin tong park.
Kagawad: Sige, paano, salamat. Magbabantay pa ako sa barangay e.
Emy: Sige Kagawad.

(sa dami ng unos na dumtating sa buhay nila, isa ito sa unos na hindi nila inaasahan at
nagpahirap sa kanila)
Alex: Nay!
Emy: Anong nangyayari?! Bakit? Anong nangyayari sa bahay namin?
Lani: Wag po! Maawa po kayo sa amin!
Emy: Mamang pulis, mamang pulis. Parang awa niyo na, wag ninyong gibain yung bahay namin.
Pulis: Eh misis, illegal po talaga to. Public place tong park eh.
Emy: Mamang pulis, wala po kaming maling ginagawa. Parang awa niyo na, mamang pulis.
Mabuting tao kami, wala po talaga kaming ginawang masama lalo na yung mga anak ko.
Pulis: Pasensiya na talaga, misis, utos lang po ng nakatataas. Sige, kunin ninyo lahat ng yan,
bakbakin ninyo, wala dapat matitira.
Emy: Mamang pulis, parang awa mo na. kung gusto ninyo, yung mga anak ko matutulog diyan.
Dun na lang ako sa kalye. Mga anak. Yung banig natin. Wag yan, wag yan, mamang pulis.
Pulis: Misis, basura na yan, aanhin niyo pa ba?
Emy: Kung sa inyo basura to, kayamanan to sa amin. Kunin niyo na yung bahay namin, wag lang
itong mga to.
Alex: Kuya akin na.
Emy: Ito po yung buhay namin, parang awa niyo na mamang pulis. Akin na to kuya.
Pulis: Sige na, sige na, ibigay niyo na nang matapos na rin tayo rito. Diyan pa, diyan pa, dalhin
niyo na yan.
Emy: Nasan na yung ano natin – yung mga, yung mga banig, yung mga kumot, kunin ninyo. Mga
anak.
Lina: Nay.
Lani: Nay, nay.
(mauupo na lang sila dito habang kinukuha mga gamit nila pero biglang dadating mga
kabarangay tapos magbibigay ng mga banig or something)

(nang makaraos sa unos n akanilang dinanas, salamat sa tulong ng mga taong nakapaligid sa
kanila, nakatagpo na naman si nanay emy ng mga batang aampunin niya)
Emy: Oh, gusto niyo ba ng kumot? malamok dito e.
Tintin: Pinaparentahan ninyo po ba to? Pasensiya po, wala po kaming pera.
Emy: Nako, hindi, kaya lang baka kayo ay magkasakit sa kagat ng lamok kaya magkumot kayo.
Tintin: Talaga po? Salamat po. Salamat po talaga.
Emy: Teka, bakit ba kayo nagtitiyaga na matulog diyan? Bat hindi kayo umuwi sainyo? Baka
hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo.
Ed: Hindi po kase kami pwedeng umuwi e. Nagtanan na po kase kami.
Emy: Ganon? Eh madilim na yung langit e, parang uulan. Mababasa kayo rito. Kung gusto ninyo,
dun na muna kayo sa mansiyon ko. (At tumalikod)
Tintin: Sige, umalis ka, iwan mo ko! Alam ko namang umpisa pa lang, hindi mo ako mahal e!
Maghahanap na lang ako ng ibang lalaki!
Ed: Ano?! Maghahanap ka ng ibang lalaki?! Ipagpapalit mo ako?!
Tintin: Oo!
Ed: Ulitin mo nga yung sinabi mo!
Tintin: Maghahanap ako ng iba! Yung hindi duwag na katulad mo!
Ed: Ulitin mo nga. Ipagpapalit mo ako?! (sasampalin sana)
Emy: Sige! Subukan mong saktan siya, makikita mo ang hinahanap mo! Ni katiting, wala kayong
karapatan para saktan ang mga babae!

(Next scene)
Denver (Narrator): Habang nakaupo si Nanay Emy. Lumapit ang magkasintahan sa kaniya at
humingi ng tawad.
Ed: Nay Emy, sorry po sa bulahaw namin kagabi. Okay na rin po kami ni Tintin. Salamat din po
pala sa pagpapatuloy sa amin.
Emy: Mabuti naman at nagkasundo na kayo. Saan na kayo pupunta niyan?
Tintin: Hindi pa nga po namin alam nay Emy, bahala na po. Kung saan-saan na muna kami.
Emy: Sandali, kung talagang wala na kayong matutuluyan, p’wedeng magtiyaga diyan sa
mansiyon ko.
Ed and Tintin: Talaga po?
Tintin: Sobrang bait niyo po, nanay Emy.
Emy: Pero, ayokong nagsasakitan kayo ah at hindi ko kinukunsinti ang pagtatanan ninyo.
Kailangan humarap pa rin kayo sa mga magulang ninyo. Sigurado ako, hinahanap na kayo ng
mga ‘yun.
Ed and Tintin: Salamat po, nay Emy.
(unti-unti nang gumagaan ang buhay nila nanay emy nang makita nila ang taong nagpabalik sa
kanila sa masalimuot nilang nakaraan)
Emy: Bakit kase sumama pa kayo?
Lina: Eh Nay, wala naman po akong pasok ngayon eh atsaka, hayaan mo na po akong tumulong
sayo, kahit paminsan-misan lang.
Alex: Tama po, lalo ngayon, dumadami na po ang obligasyon niyo. Siksikan na nga po tayo sa
barang-barang nating bahay. Isang kahig, isang tuka na nga po tayo, tapos nag-aampon pa
kayo.
Emy: Ano ba naman, anak. Nakakatulong din naman sa paghahanap buhay si Tintin at si Ed.
Atsaka ang pagtulong, wala naman sa mahirap o mayaman ‘yan e. Ito anak, buti nga maswerte
tayo , nakakaraos tayo sa pangaraw-araw. Hindi nagpapabaya ang Diyos sa kaniyang binibigay.
(Ganon na lang ang takot ni Nanay Emy nung nakita niya ang kaniyang asawa na hinahanap sila.
Kaya dali dali silang nagtago ni Alex)
Emy: Yung, yung, yung tatay mo. (takot na takot at nanginginig pa)
Tintin: Nay, sino po ba ‘yung lalaking yun?
Emy: Tatay nila.
Tintin: Yun naman po pala e, bat parang takot na takot kayo sa tatay nila?
Emy: Demonyo yun
(Flashback, close curtain)

Mga anak: Tay, tay, tama na po.


Emy: Bakit na naman ba, galing akong trabaho.
Al: Sa trabaho?! Yang todo make up?! Nakapostura ka pa?!
Emy: Galing nga akong trabaho.
Al: Ang sabihin mo, may lalaki ka! Niloloko mo ako!
Alex: Tay, nagsasabi po ng totoo si nanay, kasama niya po kami ni Lani kanina.
Al: Pinagtatanggol mo pa tong babae na to ha?! Gusto mo tamaan ka ng tubo ko?!
Emy: Anak, lumayo kayo, baka madamay ka pa.
Lani: Eh totoo naman po yung sinasabi namin nay. Kayo na nga po tong naghihirap magtrabaho,
tapos ayan, naglalasing-lasing lang!
Al: Aba, sumasagot kang bata ka ha!
Emy: Tama na, tama na! wag mong idamay ang mga bata!
Mga bata: Nay! Nay!
(Close curtain, back to the scene)
Emy: Araw-araw, para kaming nakikipagpatintero kay kamatayan. Gusto kong gumanti, gusto
kong pumatay ng tao, kaso paano kapag nakulong ako. Paano ‘yung mga anak ko? Kaya
tumakas kami. Kaya dito kami napadpad. yung bahay namin, kahit ganiyan yan, para kaming
nasa langit.
Ed: Kaya po pala ganon na lang ‘yung galit ninyo sa akin nu’ng subukan ko saktan si Tintin.

(hindi pa man nakakalimutan ni nanay emy ang nangyari, magkakatagpo ulit ang landas nila ng
taong nagdadala ng nakaraang gusto na niyang kalimutan)
Emy: Sagutin na natin to, sige na.
Ana: Nay, nay, sandali, ano po to?
Emy: Teka sandali. Ah, ganito, guhitan mo raw yung mali rito.
Ana: E, Nay, hindi ko po alam. Napakahirap naman. Bukas ko na lang po kaya gawin parang si
Nelly?
Emy: Bakit mo pa kailangan ipagpabukas? At oo nga, ikaw, Nelly, ba’t hindi mo pa gawin ‘yung
assignment mo.
Nelly: E nay, inaantok na po ako e.
Emy: Sige, pauuwiin ka ng teacher mo.
Nelly: Bahala na, nay. Uuwi na lang ako, inaantok na talaga ako.
Emy: Anong uuwi, hi-
Tintin: Nay Emy, hello po.
Nelly and Ana: Hello po!
Emy: Oh, Ed, Tintin.
Tintin: Nay Emy, magandang balita po. Nakapagpaalam na po kami sa mga magulang namin. E
pinayagan na po kami ni Ed.
Emy: Talaga ba, masaya ako para sa inyo. Anong plano ninyo, aalis na ba kayo?
Ed: Ay nako, nay Emy, hindi po.
Tintin: Napag-usapan po namin ni ed na dito muna kami sa mansiyon ninyo kase dito sa
mansiyon, walang problema.
Emy: Talaga. Ito nga, tulungan mo nga ‘tong mga ‘to
Tintin: Ano bang subject tong mga to?
Mga anak: Nay. Nay, bakit po, Nay?
(Dali dali silang nagtago)
Pulis: Tao po, tao po.
Al: Brad, pwede bang magtanong?
Ed: Sige ho
Al: May nakapag-sabi kasi na madalas nakikita tong babae na to dito.
Tintin: Ay oho, kilala ko to. Nakita ko to kanina, sinakay sila sa van. Sinama ng mga social
worker.
Pulis: Naka-alis na raw ho. Alam niyo ba kung saan dadalhin?
Tintin: Ang pagkakaalam ko, it-turn over po sila sa DSWD sa Maynila. Sayang ho, hindi ninyo
naabutan.
Ed: Bakit ho ba, kaano-ano ninyo tong mga to?
Al: Ah, wala.
Pulis: Kung gusto ninyo sir, ireport mo na lang na nawawala para maireport din sa Maynila. Para
mabilis din hong mahahanap. Sumama na lang po kayo sa presinto. (umalis na)
Tintin: Nay Emy, wala na sila, puwede na kayong lumabas diyan
Emy: Tara na, tara na mga anak.

(next scene)
Emy: Gusto ninyo lugaw?
Emy: Kung gusto ninyo, meron pa ron. Marami akong niluto. O kung gusto niyo, kupkupin ko na
kayo, basta ititigil ninyo ang pagbibisyo niyo.
Kylie and Jen: talaga po ba?

(Next scene)
Denver: Habang nagtutulak ng kariton si Nanay Emy nakita niya si Jen at Kylie na humihithit ng
rugby. Kaya dali dali niyang kinuha ito.
Emy: Oh, Kylie, Jen. Oh, di ba sinabi ko sa inyo, tigilan ninyo na ang paghihithit ng rugby. Sisirain
nito ang mga buhay ninyo. Peste tong rugby na to.
Kylie: Akin to, Nanay Emy. Kailangan namin to.
Jen: Kailangan namin to, para makalimutan namin ang lahat
Kylie: Ang sakit-sakit, nanay Emy. Iniwan ako ng boyfriend ko!
Emy: Pero hindi ito ang solusyon, Kylie. Ayusin mo na ‘yung buhay mo.
Kylie and Jen: Amin to, amin to.
Emy: Kylie!
Kylie: Pabayaan mo na ako! Hindi ka namin ina! Wala kang karapatang makialam sa buhay
namin! Hindi kita nanay!
Emy: Tumigil ka na!
Jen: Kylie, tama na, umalis na lang tayo.
Kylie: Hindi kita nanay, pabayaan mo ako. Gusto ko na mamatay!
Jen: Kylie! Hintayin mo ako! At nay Emy, pabayaan mo na po kami.

(dahil sa kabaitan ni nanay emy, unti-unti nang nagbabago sina kylie at jen)
Kylie: Nay Emy. Nay Emy, sorry na po. Sorry na po kung hindi ko natupad yung pangako ko po sa
inyo. Nay, sorry na po.
Jen: Pasensiya na, nay Emy. Sorry na po.
Emy: Sorry din, Kylie. Ayoko naman talagang saktan ka. Kaya lang, gusto kong matauhan ka.
Alam niyo ba kung saan kayo pwedeng dalhin ng bisyo ninyo. Alam niyo ba kung anong
pwedeng mawala sa inyo? Ang buong buhay ninyo! Alam ko dahil napagdaanan ko na ‘yan.
Minsan na rin akong nakaranas ng masamang bisyo. kaya Kylie at Jen, pilitin ninyong magbago!
Pilitin niyong magbago, bago pa masira ang buhay ninyo, bago pa mawala ang lahat sa inyo!
Wag niyong sirain ang buhay ninyo!
Jen: Pasensiya, nay Emy. Hindi na namin uulitin. Magbabago na kami ni Kylie. Hindi rin po namin
sinasadyang masigawan ka. Sadyang pagod na rin po kaming mabuhay at gusto na lang din po
naming sumuko.
Kylie: Opo, nay Emy. Pinapangako po naming magbabago na kami.
(sa panahon na ito, unti-unti na ring nagkakaroon ng tampo ang mga tunay na anak ni nanay
emy. Dahil sa kagustuhan ni nanay emy na patigilin ang mga bata, hindi niya alam na
nasasaktan niya na ang mga ito lalo na ang isa niyang anak)
Alex: Nay, baon po namin?
Lani: Oo nga po pala, nay.
Lina: Muntik na po naming makalimutan.
Emy: Ah, oo nga. Eto, baon ninyo.
Alex: Nay, bakit ito lang po baon namin?
Lina: kayo naman po kase nay, talo mo pa bahay-ampunan. Ampon kayo nang ampon, e wala
nga tayong maayos na tirahan e.
Emy: Ano ka ba naman anak, mabuti ngang tayo ang tumutulong sa kanila.
Alex: Hindi nay, bakit kailangan naming isakripisyo ang baon namin para kay ate Kylie. Kami
naman ang tunay mong anak ha.
Emy: Mas mabuti ngang hindi tayo ang humihingi ng tulong sa kanila, anak.
Alex: Nagpapasalamat naman po ako dito sa baon na to, pero tunay mo kaming mga anak nay.
Makakakain pa rin naman kami nito pero—sige na nga, nay.
Emy: Hayaan mo na, di ba nga sabi, the more, the merrier. ‘yung iba nga diyan, andami-daming
pera pero hindi naman masaya. Sige na, sige na, pumasok na kayo
Lina and Lani: Sige nay, mauna na kami.

(sa isang tabi, hindi niya inaasahang makakatagpo ulit siya ng aampunin niya)
Ed: Nay, nay.
Emy: Oh
Ed: Kumita nga pala ako sa pagbabarker, sana makatulong to.
Emy: Talaga? Nako, salamat, anak ha. Malaking tulong na to sa atin.
Belen: Ate, magkano ho?
Emy: Alin dito sa paninda? Pumili ka na.
Belen: Hindi po yan ate, yung lalaki po sa likuran mo. Infairness ate ha, ang gwapo po nung
kasama mo. Magkano po isang kape?
Emy: Hoy, hindi ko binubugaw yung mga anak ko. Umalis ka na dito kung ayaw mong hampasin
kita ng mga paninda ko. Ginawa pa kong bugaw neto.
Belen: Ate, sorry po, sorry ate pasensiya ka na ha. Akala ko lang po kase. Pogi nung anak ninyo
ate e. Ako nga po pala si felisse ate. Teacher po ako, pero sa ginawa ko, mukhang marami pa po
akong matututunan sa inyo?
Emy: Ay, teacher ka? Pero kung teacher ka, anong ginagawa mo sa park?
Belen: Nagre-relax po ako. Dito sa park, masaya po ako, ‘yung kaya kong maging sino ako. E sa
bahay po, lagi akong pinapagalitan. Minsan nga ho, sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako
pupunta, basta ang gulo po. Ate, pasensiya na po talaga. Tuloy na po ako ate.
Emy: Belen, kapag wala kang mapuntahan, dito lang ako. Dito kami nakatira sa park
Belen: Sige po, salamat. Salamat po.

(Next scene)
Emy: Sige na, magsipasok na kayo. Makinig kayo sa teacher niyo.
Belen: Galingan ninyo.
Emy: Ito yung baon niyo, kung sobra, bukas naman ha. Paghati-hatian niyo na yan. Ikaw, Belen,
bakit ka nandito?
Belen: Ano nay, nag-leave muna ako sa pagtuturo. Sasamantalahin ko muna tong
pagbabakasyon ko sa inyo para makapag-isip-isip naman muna ako.
Emy: Basta anak, kung ano man ‘yung desisyon mo, suporta kami sa ‘yo.
Belen: Salamat talaga, nay Emy. Mas nararamdaman ko pang tunay kitang ina. Mas
nararamdaman ko pa ang pagmamahal ng ina sa ‘yo, nay Emy.
(naglalakad)
Emy: ‘Di ba sinabi ko na sa inyo na huwag kayong mamamalimos? Ha? Kaya ko nga kayo
kinupkop e, para hindi na kayo mamamalimos. Ang titigas ng ulo ninyo! Alex! Alex! Halika nga
dito! Ikaw talaga, bat nandito ka! Akala ko nasa eskwelahan ka! Bat namamalimos ka! Sinabi ko
naman sa inyo na ako ang magt-trabaho ‘di ba?! Baka akala ng ibang tao, pinagkakakitaan ko
kayo! Ha!
Alex: e, nay, gusto ko lang naman—
Emy: Sumasagot ka pa! sumasagot ka pa ha!
Alex: Gusto ka lang namin tulungan nay! Ang mahirap kase sainyo nay mas mahal niyo pa po
yung mga ampon ninyo kaysa sa akin. (nagwalk out)
Emy: Alex! Alex! O kayo, uwi na, uwi na!
Ana: Ayoko pa, nay, dito muna ako.
Nelly: Ako rin, nay. Gusto pa po namin magpalimos.
Emy: Anong magpalimos, gusto niyo bang magaya kay Alex?!
Ana: E bakit ho ba kase ayaw niyo kaming patulungin?
Nelly: Oo nga po, nay. Mabuti naman ang intensiyon namin.
Ana: Andito lang din naman po kami sa gilid ng kalsada.
Emy: Wag na kayong sumagot, umuwi na kayo!
Ana and Nelly: Sige na nga po nay, mauna na po kami.

(hindi inaasahan ni nanay aemy ang tampo at selos na namuo sa puso ng mga anak ni nanay
emy. Dahil sa dami ng mga batang inampon ni nanay emy, hindi niya namamalayan ang
nararamdaman ng iba niyang mga anak)
Emy: Sigurado ba kayong hindi ninyo nakita si Alex?
Nelly: Hindi po talaga, nay.
Emy: P’wedeng tulungan niyo akong hanapin si Alex? Wala ba talaga sa park? Sa palengke? O sa
kahit saan?
Tintin: Sige nay, dun po kami ni ed sa park. Kayo?
Nelly: Du‘n na lang kami sa palengke, nay.
Ana: Dun naman po kami sa plaza
Emy: Oo, sige, salamat.
Belen: Wag kang mag-alala, nay, babalik din po si Alex. O kaya, mahahanap din nila.
Emy: Sana hindi ko sinaktan si Alex. dapat hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. Hindi ko naman
kase alam na nagseselos na siya sa iba kong ampon.
Belen: e, kase nay, ang hindi ko naman maintindihan, e kung bakit kailangan mong mag-ampon
pa samantalang may mga anak ka naman.
Emy: Naramdaman ko na kase kung paano ang pakiramdam nila. Pero ayoko na belen, ayoko
nang may madagdagan pang anak ko na may sama ng loob. Ayoko na, masakit belen.

(Next location pero same scene)


Emy: Alex! Alex, nasaan ka na? Alex! Sandali, anak ko ‘yan. Anak, saan ka pupunta.
DSWD (Cristina): Sandali lang ho, misis. Taga-DSWD po kami. Nakita po namin tong si Alex na
pakalat-kalat sa lansangan. Kung kayo po ang ina niya, bakit niyo po pinababayaan?
Emy: Hindi, hindi, nagkaroon lang kami ng kaunting hindi pagkakaunawaan. ‘di ba, anak?
Sabihin mo sa kanila, anak
DSWD: Eh, misis, kahit pa.
Emy: Hindi po, wag niyong kunin ang anak ko Anak ko to.
DSWD: E paano ‘yan misis, mukhang ayaw na sumama sa inyo ng anak niyo. At ayon din sa
pagsisiyasat namin, wala pala kayong permanenteng tirahan at maayos na hanapbuhay. Alam
niyo ho, may kapangyarihan ang dswd na kunin sa puder niyo ang anak niyo kapag unfit kayo
bilang isang magulang.
Emy: Hindi ho, wag niyo pong kunin ang anak ko. Wag po.
Belen: Ay sir, hindi niyo po pwedeng kunin ang anak ni nanay Emy.
DSWD: at sino naman kayo?
Belen: Kami po ang anak-anakan ni nanay Emy.
Mga anak: Nay, nay.
Belen: Sandali lang muna, sandali. Siguro naman po, sapat na itong proweba para maipakita na
hindi pabayang magulang si nanay emy kundi matulungin at mabait na tao ho siya. Nakita niyo
naman po. Kaya ikaw Alex, halika nga rito, wag kang magagalit sa akin ha. Gusto ko lang sabihin
sa ‘yo na napakabait ng nanay mo. Mahal na mahal ka ng nanay mo. Kami, kaming lahat,
namamalimos lang sa pagmamahal ng nanay mo.
Mga anak: Ate Alex, Ate Alex umuwi na po tayo. Ate Alex, dito ka lang po sa amin.
DSWD: Tignan niyo na lang ho ang bata, wag kayong pakalat-kalat sa daan. Sa susunod na
mangyari ito, kailangan na ho naming ideretso sa DSWD ang mga anak mo. Sige na, sige na.
Emy: Sige ho, maraming salamat po. Salamat po talaga. Hindi na po mauulit ang pangyayaring
ito.
Mga anak: Maraming salamat po, salamat po.
(Next scene)
Emy: Sige na, kumain na kayo.
Tintin: Kumain ka na rin, nay.
Emy: Mauna na kayo. Oh, Kylie, ba’t hindi ka kumakain, kumain ka na.
Kylie: busog pa ako, nay
Emy: oh sige.
(dadating bagong aampunin)
Emy: Nay, gusto niyo pong makisalo sa amin?
Tina: kaya pa ba?
Emy: Oo, nay, meron pa naman. Halika.
Ana: nay, upo po kayo.
Nelly: Dito ka nay, makisalo ka na sa amin
Ed: La, kain na po.
Alex: kain na po, nay.
Lina: magandang gabi ho
Emy: ano bang pangalan ninyo, nay?
Tina: Ako si Tina.

(dahil sa patuloy nilang pagtiyatiyaga, pagpupursige, at pagtutulungan, naka-ipon sila ng sapat


na perang panghulog sa isang maliit na paupahan)
Tina: Emy, Emy! Kylie! Si kylie!
Emy: bakit, nay? Ano, nay?
Tina: si Kylie, si Kylie.
Emy: oh, nay, anong nangyari kay Kylie? Ano bang nangyari?
Tina: Si Kylie.
Emy: diyan lang kayo.
(Next scene) Pagkatapos mawala ni kylie, unti-unti nang umaalis at nagpupunta sa iba’t ibang
lugar ang kankyang mga inampon upang mapabuti ang kaniya-kaniya nilang buhay
Emy: Kung gutom kayo, kumain kayo ro’n
Belen: Yung iba, maligo na. wag na kayong magpasaway.
Emy: Alam mo, sa pagkawala ni Kylie, parang nawalan din ako ng tunay na anak. Hindi na tayo
kumpleto. Kung alam ko lang nang mas maaga na sira na ang baga niya, sana nakagawa ako ng
paraan para ipagamot siya. Oh, may sasabihin ba kayo sa akin?
Tintin: Nanay Emy, magpapaalam na rin sana kami ni Tintin. Sa Maynila na muna kami titira.
May nag-alok po kase ng magandang trabaho sa amin du’n e. Sayang naman po ‘yung
oportunidad kung hindi namin susunggaban
Ed: Oo nga po, nay Emy. Sige po, mauna na po kami, baka mahuli pa kami sa byahe namin.
Tintin: Maraming salamat sa lahat, nay Emy. Salamat sa lahat ng naitulong ninyo.
Emy: Sige, palagi kayong dadalaw ha. Andito lang ako parati. Mag-iingat kayo.
Ed: Opo, nay Emy.
Belen: Ito nay, may ichichika ako. Nga pala, medyo madalang na ang pagpunta ko rito, kase
nalipat na ako ng medyo malayong division school pero at least, okay na yun kase
makakapagsimula na ako ng bagong buhay dun, nay. Atsaka sa bagong lilipatan ko, tanggap nila
ako, nay. ‘di ba ang sabi mo, ‘yun ang importante. Kain na tayo?

(Next scene)
ana: Nay, magsimba tayo. Matagal-tagal na ring hindi tayo nakakapagsimba.
Nelly: oo nga po, nay. Tara, tara nay!
Emy: oh, sige, tara na

(Close curtains, simbahan na)


Ana: Lord, sana po marami pa po kaming mabentahang mga basura para makabili ako ng mga
gusto ko.
Jen: ako rin, ako rin! Sana mas gumanda pa ang buhay namin, lord. Kylie, kung nasaan ka man
ngayon, sana nasa maayos na lugar ka na. miss ka na namin nila, nanay Emy.
Lina: Lord, ako naman, sana humaba pa ang buhay ni inay. Hindi namin kaya kung mawawala
siya
Emy: Panginoon ko, napakarami kong tanong sa iyo. Bakit kailangan mawala Kylie, bakit isa-
isang umaalis ang mga anak ko, masakit, panginoon. Ngunit, labis din akong nagpapasalamat sa
lahat ng ibinigay mo sa amin. Nagkaroon kami ng maayos na tahanan, ng sapat na pagkain sa
isang araw, malusog na pangangatawan.
Tina: Emy, alam mo, nakikita ng Diyos ang paghihirap mo. Alam kong sa tiyaga, kabaitan, at
sipag mo, gaganda pa ang buhay ninyo. Pero Emy, magpalaalam na rin ako.
Emy: pagkatapos nila, aalis ka na rin, nay Tina.
Tina: e kailangan. Nabalitaan ko na may sakit ‘yung isa sa mga anak ko. Baka kailangan nila ako.
Emy: Bakit ganon tayong nga magulang, kahit meron tayong tampo o sama ng loob sa mga anak
natin, bakit ganon? Hindi natin sila kayang tiisin.
Tina: Tapos ang mga anak natin, madalas tayong binabalewala. Emy, alam ko, nararamdaman
ko, nagtatampo ka sa ibang mga anak-anak mo dahil hindi ka na nadadalawa dito. Emy, kung sa
mga anak natin, dumarating ang oras na iiwan tayo, yun pa kayang hindi natin kaano-ano. Kaya
kung ako sa ‘yo, tigilan mo na yang pag-aampon para hindi ka na nasasaktan sa huli.
Emy: Nasasaktan? Hindi naman nanay Tina. Siguro, nalulungkot lang, kase itong mga ampon na
sinasabi mo, sila mismo yung nakagamot sa sugatan kong nakaraan.
Tina: Hindi ko maintindihan.
Emy: Kase nanay Tina, nung bata ako, masiyado akong pasaway, sakit ako ng ulo ng nanay ko.
Hanggang sa namatay yung nanay ko, dun ko lang nalaman na hindi ko pala siya tunay na ina.
Na kinupkop niya lang ako at inaruga kase alam niyang anak ako sa labas ng tatay ko. Namatay
siya nang hindi man lang ako nakapagpasalamat. Kaya itong pag-aampon ko, ito yung
pagpapasalamat ko sa kaniya. Na kahit hindi niya ako kadugo, minahal niya ako.

(Sa pag-alis ni nanay Tina, tuloy-tuloy pa rin ang pag-alis ng iba niyang mga anak-anakan na
siyang nagpalungkot sa kaniya. Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin sa pag-aampon si nanay
Emy)
Emy: Nasaan kaya ‘yung mga batang ‘yun. Wala naman dito. Baka kinalumutan na ako a.
Nasaan na kaya sila?
Mga anak: (kakanta ng happy birthday) yey, happy birthday, nay.
Emy: Akala ko kinalimutan niyo na ako e. Salamat ha, maraming salamat sa inyo.
Tintin: Akala niyo po makakalimutan namin ‘no? siyempre hindi nay. Lahat ng aral at pagtuturo
niyo sa amin, hinding-hindi namin makakalimutan
Ana: Tama, kase para po sa amin, kahit hindi man po kayo ang tunay naming nanay, kayo pa rin
po ang dabest at kayo pa rin po ang natatangi naming ina. Mahal na mahal ka po namin, nanay
emy.
Nelly: Hindi pa po natatapos ang sorpresa namin, nay.
(Dumating ang kaniyang asawa)
Al: Wala akong planong manggulo, gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang
nagawa ko sa yo at pati na rin sa anak natin.
Emy: Halika, Al, ito ‘yung mga anak mo.
Alex, Lina, and Lani: tay, tay!
Emy: kumain na tayo.

At dito nagtatapos ang kuwento ng isang ina na nagsakripisyo para sa kaniyang mga anak na
hindi naman niya kadugo. Isang ina na may busilak ang puso, isang ina na gagawin ang lahat
para sa kaniyang anak at isang ina na mapagmahal(mii dagdagan mo na lang or palitan if hindi
ok) Wala nang hihigit pa sa pagmamahal, aruga, at patnubay ng isang ina. Ang halaga ng
kanilang sakripisyo at pagtataguyod sa pamilya ay tunay na hindi matutumbasan.

You might also like