You are on page 1of 5

Parusang kamatayan sa mga nanggagahasa dapat

nga bang ipatupad?

L: Wendy Encina

Mapagpalang araw mga manunuod,

Naririto ang inyong magandang lingkod,

Ako ang lakandiwa sa ating balagtasan,

Wendy Encina ang aking ngalan.

Ang paksang pagtatalunan at pagtatagisan ng katwiran,

Dapat nga bang ipatupad ang parusang kamatayan?

Sa mga nanggagahasang walang pakundangan,

Ngayon, ang mga makata'y ating pakinggan.

M1: Don Arellano

Mapagpalang araw mga kaibigan,

Don Arellano ang aking ngalan,

Ngayon ako'y magsasabi ng tapat,

Ako'y gwapo mukha mang patpat.

Hoy, babaeng aking nasa harapan,

Ngayon tayo ay mag-aalitan,

Ako'y sang ayon sa parusang kamatayan,

Ipaglalaban ko ito at 'di mo mapipigilan.

M2: Kris Lazara

Hindi ko na kayo babatiin,


Sabik na ako kalabanin 'tong si patpatin,

Pero ako si Kris Lazara kung tawagin,

At ngayon isasabog ko ang aking saloobin.

Oy, oy, oy, pare!

'Wag ka masyadong pakampante,

Sa parusang kamatayan ako'y tumatanggi,

At sa huli, aba! Wala kang masasabi.

L: Wendy Encina

Aba! Nakakatindig balahibo magpakilala,

Ang ating mga mala-dragon na makata,

Dito palang ay kasindak-sindak na,

Paano pa kaya sa katwiran nila?

Alam niyo na ang kanilang pinaglalaban,

Handa na ba kayo sa kanilang katwiran,

Ang pag-aalitan ay atin ng umpisahan,

Tara na't magbigay ng masigabong palakpakan.

M1: Don Arellano

Mga manggagahasa ay nararapat na mahatulan,

Mahatulan ng parusang kamatayan,

Masakit mawalan ng kadalisayan,

Lalo na't ito'y bunga ng kasalanan.

M2: Kris Lazara

Hindi! 'Yan ang sagot ko d'yan!

Ako'y magiging diretsahan sa aking katwiran,


Walang sinuman ang may karapatan,

Ang may karapatan sa pagkitil ng buhay ninuman.

L: Wendy Encina

Magaling, magaling!

'Yan ang aking saloobin,

Para sa mga makatang butihin

Nakakasabik naman na kayo'y dinggin.

M1: Don Arellano

Ayun sa Bibliya, ang Diyos na rin ang may gawa,

Pamahalaang may kautusan ay natala,

Parusang kamatayan ay kanyang itinakda,

Kaya dapat matakot, taong mapaminsala.

M2: Kris Lazara

May takda panahon ang ating kamatayan.

Ang Diyos ang hahatol sa bawat kasamaan.

Sino sa atin dito ang walang kasalanan?

Pagkitil ng buhay, wala tayong karapatan.

M1: Don Arellano

Ngunit, lalong lalaganap ang krimen sa ating bansa.

M2: Kris Lazara

Paano kung ang napagbintangan ay inosente pala?


M1: Don Arellano

Magagaling ang kapulisan at gobyerno sa ating bansa.

M2: Kris Lazara

Nakakasiguro ka ba?

M1: Don Arellano

Oo!

M2: Kris Lazara

Tandaan mo 'to, ang dalawang pagkakamali ay hindi kailan man nakagagawa ng tama.

M1: Don Arellano

Ang milyong krimen ay hindi nakakapabuti sa bansa.

M2: Kris Lazara

Ngunit —

L: Wendy Encina

Ako po ay sisingit sa gitna ng usapan.

Tila umiinit ang paksa ng balagtasan.

Bawat opinyon niyo, kami'y naliwanagan,

Mga madla'y nalilito kung anong papanigan.

M1: Don Arellano

Panggagahasa’t pagpatay ay isigaw mo,

Patawan ng kamatayan ang kapalit nito,

Bigyang hustisya ang ginawa nilang ito,


At ‘wag hayaang mabulok lang sa preso.

M2: Kris Lazara

Pagtibayin ang sistema ng hustisya,

Siguraduhin ang seguridad ng bawat isa,

Tanging parusang kamatayan lamang ang dapat maibasura,

Sa usapin ng buhay o kamatayan, wala tayong karapatan magdikta.

L: Wendy Encina

Sa wakas! Natapos din ang pangangatwiran,

Sino kaya ang mananalo sa balagtasan?

Sino nga ba ang uuwing luhaan?

Madla na ang bahala sa resulta na 'yan.

Parehas na nagwagi ang mga makata,

Nagwagi sa pangangatwiran nila,

Ako at ang madla ay namangha,

Muli, tayo na't magbigay ng masigabong palakpakan.

You might also like