You are on page 1of 2

Pangalan: Breanna Liao Petsa: Setyembre 22, 2022

Akda: Balintawak ni Emmanuel Barrameda


Dimensyon sa Pagbasa: Mapanuri o Kritikal na Pagbasa

Balintawak
ni Emmanuel Barrameda

Sumisigaw ng balut si Andres. May ilang lumalapit sa kanya at nagtatanong kung may penoy?
May suka? May asin? May tsitsaron? Oo naman ang sagot niya sa lahat ng mayroon siya.
Nagpatuloy siya sa paglalakad, sa pagtitinda at sa pagsisigaw ng balut. Walang bumibili ng balut
pero mayroong bumibili ng penoy at tsitsaron at mayroong nagpapalagay ng suka at asin. Nang
makarating siya sa may Balintawak, muling sumigaw si Andres ng balut, balut, balut, balut kayo
riyan. Pero kakumpitensya niya ang mga nagdaraang 10 wheeler truck na tinatahi ang kalsada
papuntang pier ng Maynila at mga probinsya sa norte ng Luzon. Kahit na wala siyang nakikitang
tao ay nagpatuloy siya sa pagsigaw sa Balintawak.

Balut, balut, balut kayo riyan. Ang paulit-ulit niyang sinigaw sa kalaliman ng gabi at kalawakan
ng Balintawak. Hanggang sa wakas ay may bumili na rin sa kanya ng balut. Isang umpukan ng
mga pulis na nagdidilig ng alak sa kanilang mga lalamunan habang namimingwit ng mga
kawatan. Isa, dalawa, tatlo, apat, isang dosena, dalawang dosena—naubos ang balut ni Andres.
Sa wakas makakauwi na siya sa kanyang pamilya ng maaga-aga.

“Mga tsip, 300 ho lahat.” Magalang niyang paniningil.

“Anong 300? Hindi ba’t libre ‘to, dahil birthday ngayon ng asawa ko! Tarantado ka pala e.”
Pagalit na panunumbat ng isang pulis.

“Hindi po, wala po sa usapan natin yan mga bossing!”

“O eto, makipag-usap ka sa baril ko!”

At umalingawngaw ang isang putok ng baril na wumakwak sa sintido ni Andres. Namayani ang
katahimikan sa Balintawak na minsang may boses na sumisigaw ng balut sa kalaliman ng gabi.
At ang katahimikan ay nagpatuloy hanggang sa korte—nang magtanong ang hukom,

“May nakakita ba kung paano namatay ang balut vendor?”


Bilang isang lugar na dinadaanan ng marami mula noon hanggang sa kasalukuyan, tumpak ang
paggamit ng lugar na Balintawak upang ilahad at ilarawan ang kwento ng isang Pilipinong
nagtratrabaho. Mula sa pagpapakita ng kumpletong panindang penoy, bulat, suka, asin, at
tsitsaron hanggang sa dinadaraanang 10-wheeler-truck, tunay na sa Balintawak nagaganap ang
mga pangyayaring ito. Sa pagiging mas palarawan ng pagpapahayag ng mga pangyayari ay
naging mas mainam ang pagbasa.

Maraming suliranin at isyu ang kinalalabasan ng kwento mula sa simula hanggang sa hulii. Higit
pa rito, tilang araw-araw nating naririnig ang mga ito mula sa mga balita. Minsan ay nagiging
pangkaraniwan ito na hindi na lamang pinapansin ng mga Pilipino. Bukod rito, ang mga diyalogo
ni Andres, mga pulis, at ang hukom ay napaka-prangka, tulad ng mga balitang mga ito. Nagiging
mas malupit at matindi ang ating sangkatauhan, lalo na sa ating bansa, ang Pilipinas. Habang
dapat mas umuunlad ang pagiging tao at miyembro ng lipunan ay mas nawawalang bisa ang
malasakit at pagiging makatao sa kapwa.

Hindi man natin maiiwasan na ang mundo ay tumatakbo dahil sa pera at ang halaga nito, ngunit
nawa’y lahat ay gumalaw upang ay maging mas malapit ng isang hakbang ang lahat tungo sa
pagkapantay-pantay ng mga oportunidad at yaman ng bawat isa. Tulad sa kinatatayuan ni
Andres, patuloy siyang nagpupursigi para makaipon ng pera at mas maging maginhawa ang
kanyang buhay. Bilang kapwang miyembro ng pamayanan na nais maging matatag ang kalidad
ng buhay, huwag na tayong maging kadlang para mangyari rin ito sa iba. Sa masamang palad, sa
pagkakataong may benta si Andres imbes na kanyang paninda ay ang buhay niya ang naging
kapalit.

Kung sa pera at baril ang pag-usapan ay malaki ang hamak sa buhay, lalo na kung isa sa
dalawang partido ay mas may kapangyarihan. Sa mga salita ng pulis na “O eto, makipag-usap ka
sa baril ko!” ay natatanggal ang pagiging tao ng mga Pilipino, kahit mayaman man o mahirap.
Makikita rin ang pagiging pabaya ng pulis sa kanyang pagiging lasing at ng korte dahil sa
sariling daan bilang tagaharap ng krimen at sa mga salitang “May nakakita ba kung paano
namatay ang balut vendor?” Tilang naging tamad ang mga dapat maging maayos sa kanilang
tungkulin, lalo na ang buhay ang nakasalalay sa mga pangyayari. Nawawalang bisa ang ating
mga batas, karapatan bilang tao, at ang hustiya para sa mga biktima ng mga panganib at pinasala.

Ang pagkakaroon ng mataas na kapangyarihan ay may katumbas na malaking responsibilidad,


isang halimbawa ay ang pagiging lasing at ignorante sa mga bagay-bagay ay may malaking
peligro sa sarili at sa kapwa. Lalo na bilang isang estudyante na nais maglingkod sa kapwa sa
pamamagitan ng pagiging abogado, aking itataga sa bato ang aking bunsod sa pagbibigay
malasakit sa kapwa. Mula sa kwento ni Emmanuel Barrameda, kailangan nating lutasin ang mga
suliranin ng kahirapan, kawalang-katarungan, at korapsyon mula sa sariling pananaw tungo sa
kabuoan.

You might also like