You are on page 1of 9

Magsisimula ang istorya sa isang ordinaryong klase sa asignaturang Kasaysayan ng pilipinas.

Scene #1: Stack ng Libro (Black Fades to white)(Bell Ring) pagsisimula ng klase
Scene #2: (Panning shot) ng buong klase from the Back view
Scene #3: ipalalabas ng propesor ang mga libro ng studyante ( focus sa prof habang nagsasalita )
Scene #4: Prof: Ngayon ay pag aaralan natin ang Pinagmulan ng Himagsikan sa Pagitan ng mga Pilipino at mga
espanyol (insert shot* kukuha ng Libro ang studyante sa kanyang bag)(Music in the background still going)
Scene#5: (Pagbuklat ng libro) Then from Top shot camera enters the book then (fade to Black)

Scene #1-5# Scene:


Setting: School (Daytime)
Characters: Professor
Students
Attire: School Uniform, Teacher’s Uniform
Props: Books

Then dito na papasok yung mga Scene ng past, kung saan nagsimula ang himagsikan at kung paano nagsimula

Scene #6 : (BFTW) table then Tilting up then marereveal si Rizal Panning zoom out (Ito yung scene kung saan
nabuo na ni rizal ang la liga Filipina at nagkakaroon sila ng pagpupulong)

Rizal dialogue: “Matibay ang aking paniniwala na ang ligang ito ay simula ng pagbabagong nais natin, layunin ng
la liga Filipina ang mapagkaisa ang bayan, Malabanan ang karahasan, Mabigyan ng proteksyon ang bawat isa
kung kinakailangan at mapag-aralan ang reporma para sa bayan, Sa mapayapang paraan.

Scene #7: Panning shot from the back of the head ni rizal then marereveal sa harap nya si andres bonifacio

then
A: Andres bonifacio, laking tondo (Makikipagkamay) (insert shot ng kamay)
R: (Shot angle for rizal) Kumusta ka Andres?
A: Mabuting mabuti Ho! Tumatak sa aming isipan ang inyong mga nobela (shot angle for rizal and andres)
A: Dr. Rizal ipagpaumanhin ninyo, gusto ko lang maunawaan sa parehas ninyong nobela ang armadong
himagsikan ay hindi nagtatagumpay
R: Dahil hindi Patalim o pistol ang daan patungo sa kalayaan andres, kailangan nating armasan ang ating mga
sarili Dito (ilalagay ang kamay sa gilid na bahagi ng ulo) ( extra shot angle of andres) higit lalo ( insert shot
ilalagayn ang kamay sa puso)
R: iyon ang mga sandatang inagaw sa atin ng mga kastila, iyon ang kailangan nating ibalik sa ating bayan. (shot
angle rizal) (ilalagay ang kamay nya sa balikat ni andres at ngingiti) Fade to black
Scene #6 & #7:
Setting: Lumang bahay (Daytime) (sa hapagkainian o isang mahabang lamesa)
Characters: Rizal
Andres Bonifacio
Mga kasapi ng Laliga
Attire: Formal
Props: none

Scene #8: naglalakad si andres ng bigla syang patigilin ng gwardiya sibil ng espanyol (Panning side view)
G: san ka pupunta indio? (SA)
A: dito lamang ako nakatira galling ako sa trbaho (SA) akmang dudukot ng baril si andres ng bigla syang sitahin
ng Gwardiya
G: Cedula! (akmang dudukot ng baril si andres ng bigla syang sitahin ng Gwardiya) (SA) (SAAndres)
Dahan-dahan ang Galaw Indio.
A: ibinigay ang cedula sa Gwardiya at ibinalik nman agad ito pagkatapos tingnan (SA) (SAG) Fade to Black

Scene #8:
Setting: Labas ng bahay (Night) (sa hapagkainian o isang mahabang lamesa)
Characters: Gwardiya sibil
Andres Bonifacio
Attire: Tshirt white (for gwardiya) at pants or formal (for andres)
Props: Baril (Pistol only)

Scene #9 : Pagkalipas ng ilang araw may isang kasapi ng la liga na Pumunta sa bahay ni andres upang ibalita ang
pagkahuli kay rizal (SA) Pagbukas ng pinto.

Scene #9:
Setting: Lumang bahay (kubo o basta lumang bahay)
Characters: Kasapi ng La Liga
Andres Bonifacio
Attire: Kamisa chino
Props: none

Scene 10: ng malaman ni andres ang pagkakakulong kay Rizal Pinuntahan nya ito sa kulungan
(insert shot ng rehas or gate kung saan man pwede)

R: Andres?
A: Dr. Rizal (SAofR)
R: ikinalulungkot ko na sa ganitong pagkakataon tayo magkakausap
A: Nakahanda na ang mga kasama namin itatakas ka namin dito
R: kung lalabas ako dito hindi sa paraang pagtakas
A: Hindi ito ang pagkakataong igalang ang batas hindi kinikilala ng espanyol ang karapatan natin
R: andres kung ganiyan mangatwiran ang bayan magkakagulo, hindi magtatagal dadanak ang dugo
A: gustuhin man natin o hindi dadanak ang dugo
Biglang may tumunog sa likuran nila
R: umalis ka na andres mapapahamak ka lang dito
A: kapag mananatili ka rito papano na ang mga inumpisahan mong laban?
R: Katawan ko lamang ang kayang sapiin ng mga rehas na ito di nito kayang pigilan ang kaluluwa ng paglaban,
kaya sige na andres, sige na (SAof Andres and overtheshoulder shot of Rizal)

Scene #10:
Setting: Kulungan (sa lugar na may gate or bars kung saan pwede) (night)
Characters: Rizal
Andres Bonifacio
Attire: Kamisa Chino (andres) Formal without coat (Rizal)
Props: none

Scene #11 : Magpupulong ang natitirang miyembro ng La liga (nakaupo sila ng pabilog sa harap ng kandila ang
mga kasama si Andres)

(Panning all Around the head of each member)


Kasapi 1: anong mangyayari sa La Liga?
Kasapi 2: anong gagawin natin ngayon? Hindi naman pwedeng tumigil nalang tayo sa paglaban
Kasapi 3: Kailangan na nating kumilos, kailangan nating ipakita na lalaban tayo
Andres: Ang kailangan natin ay magbuo ng isang bagong samahan na magbubuklod sa buong taong bayan at
lalaban sa mga espanyol, hindi naging matagumpay mapayapang pagbabagong isinusulong ni Dr. Jose Rizal ang
nais natin ay tunay na kalayaan, wala ng ibang paraan Kundi ang Himagsikan!! (Closeup shot) ( fade to black)

Scene #11:
Setting: loob ng bahay (night) kailangan madilim tapos magsisindi ng kandila
Characters: Kasapi ng La Liga
Andres Bonifacio
Attire: Kamisa chino
Props: kandila

Scene #12: Insert shots of a Letter nagsusulat si andres (Then Mag vovoice over sya)
Andres: Mapanganib ang ating tatahakin, pero hindi dapat tayo matakot kahit sa kamatayan, isipin natin tayo’y
malakas, matibay, at makapangyarihan. Tayo! Ang Kataas-taasan, Kagalang galangang katipunan na mga anak
ng Bayan!.

Scene #12:
Setting: loob ng bahay (night) kailangan madilim tapos magsisindi ng kandila
Characters: Andres Bonifacio
Attire: any
Props: Panulat, Lumang papel ( susunugin yung gilid )
Scene #13: ipapatawag ni andres ang mga kasapi
Andres: Sabihin nyo sa pinuno ng mga konseho ipinapatawag silang lahat ng sumpremo (Closeup shot ) galit
Kausap ni Andres si Melchora Aquino ang ina ng katipunan (SAofAndMel)

M: Ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon, ay bahagi ng ating responsibilidad (ChangeAngle)


Tayong mga nauna, tayo na may lakas, tayo na may kakayahang lumaban, tayong makapagbibigay ng kalayaan
na nararapat sa kanila, Malaki ang Tiwala ko sayo andres Bilang Ina ng Katipunan pinauubaya ko sayo ang
desisyon na gawin kung ano ang sa tingin mo ang nararapat (close up kay Melchora)

Tatayo sa kinauupuan si andres (Slowmo) Panning susundan sya habang tumatayo


Andres (voice over): napakarami na ang naging biktima ng mga espanyol at mas marami pa ang mamamatay
kapag hindi natin pinigilan ang kanilang pang-aapi, sa labanang ito isusuuong natin ang ating mga buhay sa
panganib ilang araw mula ngayon

(Scene sa tapat ng lamesa pagpupulog) sa Gabi ng a bente nuebe sisimulan na natin ang rebolusyon!)

Scene #13:
Setting: sa Labas ng bahay nakaupo sila (umaga)
Characters: Andres Bonifacio, Melchora Aquino, Mga kasapi
Attire: kamisa chino (andres) , Balabal (melchora)
Props: none

Scene #14: ang ipinatawag na pagpupulong sa labas ng bahay nila andres

Andres: Pagmasdan ninyo ang munting papel na umaalipin sa ating lahat, Katipunan kailangan na nating
wakasan ang ilang daang taong pananakop ng espanya kulang man tayo sa sandata mas malakas man ang baril
at kanyon ng mga kastila lalaban tayo hanggang sa huling hininga, hindi tayo magpapalupig, tayo ang
magtatagumpay dahil tayo ang mga anak ng bayan! Tayo ang may ari sa mga lupang ito! Sa atin ang bayang ito!
Punitin ang mga cedula niyo, Mabuhay ang katipunan! Mabuhay ang rebolusyon! Mabuhay ang supremo!

Scene #14:
Setting: sa Labas ng bahay
Characters: Andres Bonifacio, , Mga kasapi ng KKK
Attire: kamisa chino
Props: Salakot, Mga cedula o mga papel

Scene #15 : (Present Scene)


Student 1: alam mo ba sabi nila na yung mga cedulang pinunit daw dati ang nagsasabi na si bonifacio ang
naging unang pangulo
Student: ano daw? Pinunit lang naging pangulo na kaaga ?
Prof: Ang ibig sabihin nya Mr. (?) na sa pagpunit ng cedula ay kumalas na tayo sa gobyerno ng kastila at ang
Katipunan ang naging unang gobyerno ng Pilipinas.
Student: sir ano na nangyari nung Pinunit nila yung mga cedula? Nalaman ba ito ng mga espanyol?
Prof: Ipagpatuloy natin, nung kinagabihan din ng araw na iyon naisapan ni Andres at ng mga kasapi ng bagong
Katipunan na sugurin ang base ng mga Espanyol, nagpalitan ng mga putok ng pistol, mga kalansing ng itak, at ng
mga sigaw ng Paglaban para sa sariling bayan, maraming buhay nasawi sa pagitan ng mgkalabang grupo. At Ang
labanan na iyon ang nagbigay ng lakas ng loob sa mga karatig lalawigan upang labanan ang mga kastila pero di
lahat ng mga laban na iyon nagtagumpay Dahil sa kakulangan ng mga sandata kaya’t buhay ng mga katipunero
ang naging kabayaran para sa Kalayaan ng Bayan.

Scene #15:
Setting: School (Daytime)
Characters: Professor
Students
Attire: School Uniform, Teacher’s Uniform
Props: Books

Scene #16: pagpupulong ng Magdiwang at magdalo para sa pangalawang paghahalal (Shot angle sa likod ng isa
habang nakaharap ang dalawa dito)
Kasapi 1: sunod-sunod na ang pagkatalo ng katipunan sa maynila hindi magtatagal tuluyan na itong babagsak
Kasapi 2: Sa Tingin ko walang kaakyahan si bonifacio para pamunuhan ang rebolusyon, kailangan natin ng
bagong Liderato

Kasapi 3: Magsagawa tayo ng isang Halalan, at imbitahan natin si Bonifacio

Scene #16:
Setting: Bahay
Characters: Andres, Mga kasapi, Tirona
Attire: Barong , o Kamisa Chino at Formal attire
Props: Baril (Pistol)

Scene #17: (SAsa mgakasapi at nagbibilang ng boto)


Tagabilang: Bilang Director de Gera, Emilliano de Dios (Palakpakan) bilang Direktor de Interior, Andres
bonifacio (Palakpakan)

Tirona: Saglit lamang! Hindi pwedeng hawakan ng isang hindi nakapagtapos sa abogasya ang posisyong ito,
alam naman nating lahat na si andres bonifacio ay hindi nakapagtapos! Ano sa tingin ninyo magagampanan ba
ito ng isang taong walang pinag aralan?

Andres: Tiroooooona! Kanina mo pa ako iniinsulto!! (Tatayo) hinahamon mo ba ako? Halika!! Mag Duelo tayo!!!
Kasapi: wag andres huminahon ka
Andres: Malinaw ang naging usapan nagkasundo tayo na gagalangin natin ang kalalbasan ng halalang ito pero
kayo na din ang sumira kaya bilang supremo ng Katipunan!! Ipinapawalang bisa ko ang halalang ito!!
(SAforkasapi)

Maglalakad si andres palayo (shot from behind): hindi ko itinataya ang buhay ko para magkaganito tayo, Hindi
ako ang kalaban.

Scene #17:
Setting: Bahay
Characters: Andres, Mga kasapi, Tirona
Attire: Barong , o Kamisa Chino at Formal attire
Props: Baril (Pistol)

Scene #18: Pagdakip kay Andres Bonifacio (Slowmo) adlib

Tagahatol: Voice over habang ipinapakita ang pagdakip kay andres bonifacio
Napatunayan ng hukumang ito ng walang pag aalinlangan na ikaw procopio bonifacio at Andres
bonifacio ay nagbalak na pabagsakin ang pamahalaan, Paslangin ang Presidente at ang declara ng himagsikan!
Laban sa Pamahalaan Kayo ay hinahatulan ng parusang Kamatayan!

Prof: (voiceover) Traydor nga bang ituring ang taong ibinigay ang lahat alang-alang sa kalayaan? Putok ng Baril
*Boom*

Scene #18:
Setting: Bahay
Characters: Andres, Procopio, Tagahatol
Attire: Barong , o Kamisa Chino
Props: Baril (Pistol)

WAKAS….

Characters:
Professor: Marcelo
2 studyante: Rheymilyn, Roselyn
Andres Bonifacio : Joshua
Dr. Jose Rizal: Roel Francis
Mga kasapi ng La liga: lahat bukod kay Josh at Roel
Gwardiya sibil : John Millan
Mga kasapi ng KKK: Lahat din same lang sa La liga
Melchora Aquino: Shannen Labrada xD!
Procopio Bonifacio: Leinster
Tagahatol : Brix, Pascual, Ocampo
Daniel Tirona: Jeremy Vivas

Alam ko Maraming sa inyo hindi pa alam yung flow ng story although nagsend na ako ng script hindi nman lahat
may net para ma download yung file so ito papaliwanag ko muna sa inyo para maintindihan nyo  

so ganito kasi yung Konsepto ng ating gagawing maikling pelikula, tungkol ito sa kung paano nagsimula ang
himagsikan o yung tinatawag natng rebolusyon sa pagitan ng Pilipino at mga espanyol na mananakop pero may
konting twist bali para may bago sa pelikula sinubukan kung ipagcross o pagsamahin yung present at pass so
ganito po ang mangyayari

Scene 1-5
bali Present day to so sa scene 1-5 magsisimula to sa school parang regular na klase then ayun nga May prof
at student bali ang subject nila sa araw na to ay yung kasaysayan ng pilipinas so after ipakuha ng Prof yung libro
sa estudyante pagkabuklat ng libro magpifade black na yung camera then sunod na dito yung Mangyayari sa
Past bali ganito imbis na Ididiscuss ng prof bali parang dun na magstart mismo yung parang film na about sa
Kasaysayan

Scene 6-7
ayun na nga so dito mag start yung past sa scene at 7 dito mangyayari yung naganap na pagpupulong ng La
Liga Pilipina na Binuo ni Dr. Jose rizal at dito nya nga makikilala si Andres Bonifacio bilang isa sa mga kasapi nga
ng la Liga pilipina

Scene 8-10
After ng Pagpupulong uuwi ng mag isa si andres tapos habang naglalakad sya pauwi ay pinatigil sya ng mga
espanyol na sundalo ( diba nga dati sobrang higpit satin ng mga espanyol na sundalo na bawal na may paggala-
gala ng gabi ganun) edi ayun na nga pinatigil si andres at para kausapin kung san ito galling at kung anong
ginagagwa nito sa dis oras ng gabi tapos ayun hihingin sa kanya ng sundalo yung cedula nya tapos pag nakita
ayun tapos na scene 8, Scene 9 pagkalipas ng 3 araw Dito nasa bahay si Andres adlib na dito may ginagawa lang
kung ano ano basta kunwari nagluluto ganun tapos biglang may kakatok sa pinto nila at ibabalita na dinakip na
nga si rizal ng mga espanyol na sundalo ganun tapos ayun okay na Scene 9 diba mabilis lang? so scene 10 After
nga malaman ni andres na nakulong si rizal palihim nya itong pinuntahan para itakas pero di pumayag si rizal
tapos dito na sila nag usap sa mga plano nila laban sa gobyerno ng mga espanyol

Scene 11-12
Pagkatapos makausap ni Andres si Rizal sa kulungan ay kinausap nito ang mga natitirang miyembro ng la liga
pilipina pinagusapan nila kung ano ng gagawin nila ngayong nakakulong na si rizal, then si Andres nagsalita sya
na Wala naman daw nangyayari sa mapayapang pakikipaglaban na ginagawa ni rizal kaya nung gabing ito din
nagdesisyon si andres na bumuo ng Grupo o pangkat na handing lumaban para sa kalayaan ng bansa natin soa
yun na nga dito na nagsimula kung paano nabuo yun KKK so ayuun ito lang yung sce 11 at 12

Scene 13
ito na yung scene kung saan kinakausap ni Melchora ang ina ng katipunan si andres, binibigyan ng payo sa
kung ano ang dapat nitong gawin kung tama bang gawin o buoin ang KKK o hindi ganun at dito na din yung time
na ibinigay ni melchora ang Itak ni andres bonifacio na gagamitin nito sa pakikipaglaban

Scene 14
Ayun dumating na nga yung mga taong pinatawag ni rizal tapos may mga sinabi si rizal dito about sa pamumuno
ng gobyerno , mga tungkol sa karapatan ng mga tao sa sarili nilang bansa ganun ganun then pagkatapos ng
pagpupulong sabay sabay nilang pinunit ang kanilang mga cedula ..

Scene 15
sa Scene naman na ito since mahirap mag shoot ng Gera naisip ko na balik na namn sa present yung part na
to so diba nga sa una parang maglelecture yung prof about sa kasay sayan so sa part na to magtatanong yung
studyante kung ano na nangyari after na punitin ng mga tao yung cedula tapos ayun ang gagawin dito ng prof
ikikwento nya yung mga nangyari pero habang kinikwento nya may piniplay tayong Clip na galling sa ibang
movie pero gera din pero yung gera talaga ng mga espanyol at Pilipino madilim yun kaya di naman kita kung
tayo yung nandun o hindi HAHAHA! Basta ayun..

Chapter 16-17
Balik nan man tayo sa past neto ayun diba nga sinugod ng KKK yung base ng mga Espanyol na military so
nakarating ito ngayon sa mga kasapi ng Magdiwang at napagisipan ng kasalukuyang gobyerno ng pilipinas na
magsagawa ng halalan ulit dahil sa sunod suno na pagkatalo ng kkk sa mga laban nito sa manila laban sa mga
espanyol, nagkaroon nga ng halalan at itinalaga si andres bilang Director de Interior ngunit tumutol dito si Daniel
tirona at sinabing walang kakayahan si bonifacio na pamunuan pa ang KKK dahil wala itong sapat na pinag aralan
so ayun na nga

Chapter 18
last scene after ng ilang araw nalaman ni Emilio Aguinaldo kasalukuyang tumatayong lider naman ng MAgdalo
ang Ginawang pagsugod ni Andres sa mga base ng espanyol dahil nga dahas ang ginamit ni andres sa
pakikipaglabas at maaari itong makaapekto sa plano ng Magdalo at magdiwang laban sa espanyol Nagdesisyon
si Emilio na ipadakip si Andres sa mga kasalanang o bintang na bantang pagpatay at pagtatraydor sa Grupo ng
Magdalo at magdiwang so ayun sa last scene na ito nandito po scene na hinuhuli si andres at ang kapatid nito na
si procopio dahil sa pagsali nito sa Masonry o secret society laban sa mga espanyol tapos mag vovoice over lang
yung judge sa mga hatol kay andres at sa kapatid nito tapos bago matapos babalik sa present may phrase na
sasabihin yung prof parang cliff hanger sa huli then Biglang may puputok na BARIL!!! BOOOM! Tapos tapos na
yun na yun

Scene #8,10,11
Tomorrow (Sunday)
Call Time 5:00pm-7:00pm
Members: Roel
Joshua
John Millan
Leinster
Ocampo
Orca
Attire: dala kayo extra na tshirt white sana para dito sa scenes na nandito
Props: Baril (Pistol) baka may pellet gun kayo dyan guys
Place: Kila Shannen Sana kasi nandun yung Table na need natin tsaka pwede na din yung bahal nila
pagshootingan kun pwede

You might also like