You are on page 1of 17

BAGUM- BAYAN

Panimula
Ipapakita o isasalarawan ang pagmamalupit, pagpapahirap ng mga kastila sa mga
babaeng Pilipino.
May isang sundalong kastila na hinihila ang isang babae at ang isa namang kastila ay
hinahampas ang isa pang babae .( nagiiyak ang mga babaeng inaapi at boses na
pagod na pagod na ) at ang iba namang mga babae ay nagmamakaawa sa mga
sundalong kastila na itigil na ang ginagawa sa mga kapwa nila babae.

Mga Babae : Tama na maawa kayo (nagmamakaawa)

IRIZ: Tama na maawa kayo (sabay luhod sa harap ng sundalong kastila )

ISASARA ANG TABING


II.

Sa lugar ng mga katipunero kung saan nagtitipon tipon ang lahat at namumuno si
Andres Bonifacio na para bang naglalabas ng saloobin sa mga kastila.

( IAN ): (galit) mga gahamang prayle, mga sakim na opisyales, sila ang nag hahari sa
ating bayan ? (habang nag sasalita si Andres Bonifacio
ay biglang dadating ang kapatid ni Pepe na si
Panciano ).
-At sa halip, ginagawa tayong tapunan ng mga inutil at mga
kriminal. Tinatrato tayong parang mga pinakamababang hayop .
-Alam kong mgarami sa inyong natatakot, ngunit matakot
din kayo para sa inyong pamilya. Wag na nating antayin na
pinatay na nila ang ating mga anak. Inabuso na ang ating mga
kababaihan. Bago tayo kumilos . Tatahimik nalang ba tayo ?
(galit )

MGA KATIPUNERO :( Sabay taas ng mga kamay kasabay ng


pag sagot) HINDI !. HINDI!
(IAN) : Ilabas niyo ang inyong mga sedula (saglit na tumigil sa
paglalakad at pinakita sa mga kasamahan ang hawak
niyang sedula )

(IAN) :Pag masdan ninyo ang kapirasong papel na umaalipin sa


ating lahat. (Naglakad muli )
Katipunan kailangan na natin wakasan ang ilang daang
taong pananakop ng espanya , (naglalakad parin ng
marahan pero may tikas )
kulang man tayo sa sandata , mas malakas man ang mga baril at kanyon
ng mga kastila lalaban tayo, hanggang sa huling hininga. (tumugil na sa
paglalakad )
Hindi tayo magpapa lupig, tayo ang mag tatagumpay, dahil tayo ang mga
anak ng bayan, tayo ang nagmamayari sa lupang ito . Sa atin ang bayan na
ito. PUNITIN ANG MGA SEDULA NIYO (sabay sabay na pinunit ng
mga katipunero ang kani kanilang sedula ng may galit ).

(IAN) : handa ba kayong lumaban ? (pasigaw )

MGA KATIPUNERO : OO! OO! (PASIGAW )

(IAN) : Mabuhay ang Pilipinas!

MGA KATIPUNERO: Mabuhay !!

(IAN) : Mabuhay ang katipunan !!

MGA KATIPUNERO: Mabuhay !!

(IAN) : Mabuhay si Dr. Jose Rizal !

MGA KATIPUNERO : Mabuhay !!

ISASARA ANG TABING


III.

Sa Malacanan nag pupulong ang mga general ,nag paplano kung saan
sisimulang ang kanilang pinaplanong pag katake.

(RHODNIE ): Ang ating sandatahan ay tutungo sa proninsya nang Bulacan.

Habang nag pupulong bilang pumasok si Monsignor Nozaleda

(ADO-AN ):(pasigaw ) Blanco !! Anong rebelyon ?


Mga walang kwenta

(RHODNIE ): Pero mga kaaway mo sila ?

(ADO-AN ): Hindi alam ng gobyerno ang inyo ginagawa (galit )

(RHODNIE ) : Ginagawa namin ang lahat (Pagalit na tugon )

(ADO-AN ) wala ka bang alam na baka si Rizal ay may pakana ng


Rebulusyon na yan ? ( galit at pasigaw )

(RHODNIE ) walang ebidensya na Rizal ang may pakana ng ng Rebulusyon na yon


(pasigaw )

(ADO-AN ) : Sinasabi ko sayo gusto mo ba ikaw ang tumanggap na


kaparusahan (sabay turo sa dibdib ni blanco gamit ang
tungkod na hawak )

ISASARA ANG TABING


IV.
Sa fort santiago may mga sundalong kastila na nakapila sa dalawang tabi ni
Jose Rizal habang sila ay naglalakad patungo sa loob. Pag dating sa loob inalis ni
Rizal ang kanya Sumbrebro. At may biglang nagsalita
(RENNIEL): Buong Pangalan ? (Patanong )

(CHRISTOPHER LUNA): Jose Rizal Mercado y Alonso. ( pagkasabi ng pangalan


nilagay ang sumbrero sa ibabaw ng mesa )

(RENNIEL): Edad? (patanong )

(CHRISTOPHER LUNA): Pasensya !! ano yun ?

(RENNIEL) Edad ? ( Pagalit na tanong )

(CHRISTOPHER LUNA) Tirenta Anyos ( pinagmamalaki ) pero sabi ng iba muka


daw akong bata .

(RENNIEL):(pagalit na tanong ) profession ?

(CHRISTOPHER LUNA) : Pysician

(RENNIEL): kilala mo ba si Bonifacio ? ang pinuno ng Katipunan ?

(CHRISTOPHER LUNA): Hindi ko alam, kung alam ko ?

(RENNIEL): ( may hawak na sigarilyo ) nagkita na ba kayo sa isang pagpupulong ?

(CHRISTOPHER LUNA) : Pano mo nalaman ang tungkol sa bagay na yan ?

(RENNIEL): (sabay tayo sa kinauupuan at galit na galit )


walang sinuman ang makakapag lihim mula sa espanya ?
(CHRISTOPHER LUNA): anong gusto mo bang sabihin ko sayo ?
Kasinungalingan ? (may diin ang bigkas )
(CHRISTOPHER LUNA) : Senyor ?
Bigyan niyo nang kapayapaan ang aking pamilya

(RENNIEL): (galit ) kung hindi mo kilala si Bonifacio ? bakit ang iyong pangalan ay
nakalagay sa katipunan ?

(CHRISTOPHER LUNA): ( iiling ) Hindi ko alam ?


Pero ayon sa aking ina ang pangalan ko ay ginagamit para humingin ng
donasyon.
(lalakad palapit sa colonel ) Colonel sinisigurado ko sa inyo na wala
akong alam tungkol sa sinasabi niyo ?

(RENNIEL): ( galit )Isa ka bang traydor Dr. Rizal

(CHRISTOPHER LUNA): Colonel !!

(RENNIEL):(galit ) ang tinatanong ko ay kung isa ka rin bang traydor katulad ni Fr.
Burgos?
Naaalala mo ba na ang huling laman ng iyong novela ay inaalay mo sa
kanya ? (galit na inikutan si Jose Rizal ).

ISASARA ANG TABING


Ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Naging isang kilalang magaling na mangagamot si
Rizal sa Dapitan at doon niya na kilala ang isang banyagang babae na
nagngangalan na Josephine .

JOSEPHINE - Good morning my I speak to Dr. Jose Rizal?

CHRISTOPHER LUNA- good morning a beautiful lady (nakipag kamay si Rizal


kay Josephine)

JOSEPHINE - I would like to ipa gamot ang aking ama sa iyo .


At lumapit si Rizal sa ama ni Josephine na nakaupo sa isang tabi.
Sa tagal nang pamamalagi nila Josephine sa Dapitan ay aging mag kaibigan si
Rizal at Josephine. At naging mag kasintahan ang dalawa.
Makalipas ang ilang taon na pamamalagi ni Rizal sa Dapitan ay bumalik na muli
sya sa Maynila
Sa loob ng kulungan dadalhan ng pagkain si Jose Rizal ng isang lalaki. At
binuksan ng sundalong kastila ang kulungan ni Jose Rizal. Pagkabukas ng
kulungan binigay ng lalaki ang dalang pagkain kay Rizal at umupo sa mesa at
kumain. Habang kumakain nag salita ang lalaki.

(BALLESTEROS): Balita ko magaling kayong magsulat?

(CHRISTOPHER LUNA) : sana !!

(BALLESTEROS) Yun ang sabi nila ? pero ako, hindi marunong


bumasa.
Hindi ba’t lagi kayong pinapahamak ng mga sinusulat niyo (tonong
nag aalala )
(CHRISTOPHER LUNA) : oo dahil sa mga Prayle

(BALLESTEROS) : ie yun pala ie bakit hindi kayo tumigil ?


Gusto niyo ba ng ganto ? lagi kayong nakakulong (nagaalala )
Edukado pa naman kayong tao ? ang taas taas ng inyong
pinagaralan ? ang dami dami niyong nalalaman, pero nasan kayo
ngayon ?
Tingnan niyo ako, walang alam kaya walang kalaban ? (tonong
nagmamalaki )
(CHRISTOPHER LUNA) : may ipagtatapat ako sayo . ( sabay punas sa kanyang
labi gamit ang puting bimpo)
Noon akala ko ang tanging mahalaga ay ang edukasyon, pero naisip
ko depende pala yun sa pinagaralan.
Meron palang uri na nakakabulag, na ngayon ko lang nakikita
(BALLESTEROS): mahusay na guro ang inyong ina, dapat nakinig kayo sa inyong
ina ?

ISASARA ANG TABING

Habang naka upo si Rizal sa loob nang kulungan kasama ang lalaking utusan ,
ay nag punas ng labi si Rizal gamit ang isang puting basahan ay nag kwento siya
tungkol sa kanyang nanang .

(CHRISTOPHER LUNA) : noong buntis palang sa akin ang nanang, habang


nangungumpisal siya, narinig na nila akong umiiyak ,
nasa tiyan palang ako ng nanang gusto mo daw lumabas at
gusto ko na daw makita ang mundo.

(BALLESTEROS): ( ngumiti kay Rizal ) hindi nyo na napigilan ang inyong


sarili, kailangan matutunan niyo lahat.
(CHRISTOPHER LUNA) : Kailangan ko muna makita ang lahat .

(BALLESTEROS): dispensa ho senyor, pero sa tingin ko tama ang inyong ina.

Napatawa na lamang si rizal sa sinabi ng lalaki. At biglang dumating ang


isang lalaki na nag pakilala bilang isang abogado . at naputol ang pag
kukwentuhan ng dalawa.

(RANDOLF LAYLO): Luis Taviel de Andrade, ang iyong abogado (at nakipag
kamay kay Rizal)

Napatayo si Rizal sa kinauupuan at nakipag kamay sa abogado at nag


pakilala nag maayos .

(CHRISTOPHER LUNA) : Kinararangal ko , JOSE RIZAL

Inaya ni Rizal ang Abogado na maupo muna


(CHRISTOPHER LUNA): maupo muna tayo

(RANDOLF LAYLO) : maraming salamat

(CHRISTOPHER LUNA) : nasa iyong kamay pala ang aking buhay (nagdududa )

(RANDOLF LAYLO) Uunahan na kita (nagbababala )


Kaunti palang ang nalalaman ko sa batas

(CHRISTOPHER LUNA): wag kang mag alala, kokonti nalang ang natitira na
naniniwala sa batas.

(RANDOLF LAYLO) kapatid ko si Jose Taviel

(CHRISTOPHER LUNA) : oh si tukayo ? kamusta na sya ?

(RANDOLF LAYLO) marami siyang nakukwento sakin tungkol sayo

(CHRISTOPHER LUNA) Sana ay magaganda lamang ang nasabi niya sa iyo .

(RANDOLF LAYLO) marami akong hindi pinaniniwalaan

(CHRISTOPHER LUNA) katulad nang ?

(RANDOLF LAYLO) hindi mahalaga ang tungkol sayo ? ay isipin niyo ay tungkol
sa sasabihin ng ibang tao.

(CHRISTOPHER LUNA) Na ano ? ( nagtataka )

(RANDOLF LAYLO) na kayo ay isang pulibustero at walang utang na loob.


(CHRISTOPHER LUNA) walang utang na loob, KANINO ? (mataas ang tono ng
boses )

(RANDOLF LAYLO) sa Espanya !! na pinagkakautangan mo ng lahat . pati na ng


iyong edukasyon .

(CHRISTOPHER LUNA) sa kanya mo din ba natutunan ang iyong edukasyon ?

(RANDOLF LAYLO) kaso mo ang pinaguusapan natin dito.

(CHRISTOPHER LUNA) sa bagay !!! tama ka ? totoo ? marami akong natutunan sa


kanilang unibersidad, na pinatatakbo ng kanyang mga
prayle na hindi lahat ng tao ay pantay pantay ang trato.
(RANDOLF LAYLO) Noon pa man ay mahilig kana bumangga sa pader ?

(CHRISTOPHER LUNA): lalo n akung ang pader ay puno ng kasinungalingan


lamang. At hindi nag sasabi ng katotohanan.

(RANDOLF LAYLO) Kinalaban mo ang mga inglesya , ang mga prayle, sila ang
nagsalita at nag utos ng batas dito sa pilinas.

(CHRISTOPHER LUNA) isa akong manunulat (nagyayabang ) kalaban ko ang


lahat, pati sarili ko

(RANDOLF LAYLO) sa pag susulat mo, pinakita mo lamang ang panig ninyong
mga pilipino.Pano naman ang mga panig ng mga prayle at
mga kastila ?

(CHRISTOPHER LUNA) (nagyayabang ) eh di magsulat din sila ng novela , kung


gusto nila marinig ang panig nila.

(RANDOLF LAYLO) hindi ba responsibilidad ng mga manunulat ang magsulat ng


katotohanan, kanino man ito panig?
JOSE ang ginawa mo ay hindi arte kung hindi isang propaganda
(sabay kuha ng drayo sa ibabaw ng mesa at binasa ito sa harapan
ni Rizal )
Ang nilalaman nang iyong nobela ay laban sa gobyerno,
relihiyon ang mga kastila ay kawani ng katarungan at katapatan
ng mga espanya. (at biglang sumabat si rizal sa abogado )
(CHRISTOPHER LUNA): napakarami ko namang kinalaban ?

(RANDOLF LAYLO) kaya minabuti nila na ipag bawal ang pagbebenta ng mga
libro mo dito sa pilipinas.
(CHRISTOPHER LUNA) lahat ng bagay na isinulat ko ay naayon at nakaugat sa
katotohanan. Sa mga naisulat ko ay matatagpuan ng bawat pilipino
ang kanilang mga sarili. Ang kanilang kasaysayan, sa lumipas na
sampung taon.

(CHRISTOPHER LUNA) pinatay nila ang aking ama, hinukay sa libigan, itinapon
ganyan ang ginawa ng inyong mga kakabayan para sa kanilang
katarungan at kasaysayan ng iyong mga kalahi.(galit )

(RANDOLF LAYLO) hindi naman siguro ganun kasama ang lahat Senyor Rizal .?

(CHRISTOPHER LUNA) ( tumingin sa abogado na may galit sa kanyang mga


mata ) ilang taon kana ba dito sa pilipinas Taviel ?
(RANDOLF LAYLO) (nagtatakang sumagot ) bakit ?

(CHRISTOPHER LUNA) pareho ba tayong nang nakikita o meron kang ayaw


makita ?(madiin ang pag bigkas )

Walang imik na tumayo, ang abogado sa kinauupuan at walang ano ano ay


naglakad patungo sa pintong bakal ng rehas sa loob ng Kulungan ni Jose Rizal at
humarap at biglang nag salita.

(RANDOLF LAYLO) ano ang nag bibigay sayo ngkarapatan para mag sulat?
(CHRISTOPHER LUNA): (nagulat sa tanong ng abogado at napasandal sa
kinauupuan ) naranasan ko ng lahat, nawalan ako ng asawa, anak at
pamilya……
Inalisan ng karapatan at kalayaan.
(umalis sa pagkakasandal sa kinauupuan ) niloko nila ako
(mataas ang tono ng boses )

(RANDOLF LAYLO) tingin mo isa kang superyor? (mataas din ang boses )
Dahil nagdaan kana sa madaming hirap ?

(tumayo si Rizal sa kinauupuan at lumapit ng bahayan sa abogado


na galit )

(CHRISTOPHER LUNA): ang hinihinge ko lang naman ay pagkakapantay pantay .


(mataas ang boses ) isang mapayayapang pagbabago tunggo sa
edukasyon at gawaing sibiko. At pagkilala sa mga pilipino kapantay
ng mga kastila.

Kinabukasan habang nakatulala si Jose Rizal, ay dumating ang kanyang


abogado at tinawag si Rizal ngunit hindi niya ito marinig.

(RANDOLF LAYLO) : Rizal !! Rizal

(CHRISTOPHER LUNA) : may sinasabi ka Taviel ?

(RANDOLF LAYLO) sinasabi ko, na minsan ba hindi sumagi sa iyong isipian ang
mag pakasal.?

(CHRISTOPHER LUNA) (matagal na sumagot ) Minsan

(RANDOLF LAYLO) anong nangyari ?

(CHRISTOPHER LUNA) nagpunta akong Europa alam muna yun ?


(RANDOLF LAYLO) iniwan mo si Leonor para sa Europa ? Bakit ?

ISASARA ANG TABING


Nag tungo si Jose Rizal si Taviel sa korte upang kilatisin si Rizal tungkol sa
kanyang mga nobela.Habang natayo si Rizal ay nagsalita ang isang husgado.

Rhodnie - Dr. Jose Rizal Mercado, na inutang ang lahat sa Espanya simula
noong siya ay nasa kolehiyo at nag aaral ng medisina.

Umupo si Rizal at ang mga taong nanunuod sa korte at nagsitayo. At papasok ang
iba pang mga husgado.

RHODNIE - (galit) Dr. Rizal


(iikot sa kinauupuan ni rizal )Ang iyong mga nobela na NOLI ME
TANGRE AT EL FILEBUSTERISMO ay nag lalaman ng laban sa
simbahan, sa prayle at mga kastila.

Pag katapos magsalita ng lalaki ay may sumigaw sa likurang bahagi ng korte.


LALAKING SISIGAW : mabuhay ang Espanya !!!

At sisigaw ang lahat sa ng tao sa loob ng korteat sabay palakpakan maliban sa mga
husgado at sa abogado Rizal at si Rizal

MGA TAO SA LOOB NG KORTE: Mabuhay !!

At biglang tumayo ang abogado ni Rizal na si Taviel at nag patuloy sa paghiyaw


ang mga tao sa likurang bahagi ng korte.

RANDOLF LAYLO : sa maraming taon (naglakad patungo sa harapang ng


korte )
Si Rizal ba ay gumawa ng labag sa batas? Inangkin ba niya ang
lupain ng Espanya ?
Si Rizal ay sumulat lamang ng dalwang nobela na naglalaman
ng hindi pag respeto sa mga espanyol. (naglakad patungo sa
likuran ni Rizal.)

Pag katapos magsalita ni Taviel ay tumayo si Rizal sa kanyang kinauupuan.

CHRISTOPHER LUNA - respeto sa inyo, mula hulyo 6, 1892 wala akong


kaugnayan sa politika.
Si Dr. Valenzuela ay nagtungo sa akin upang malaman
ang tungkol sa pag aalsa.
Wala kayong kahit anong pruweba kahit isang letra
mula sa akin.
Ang nais ko lang sa aking bayan ay kalayaan, hindi
gamit ang rebulusyon kung di ang EDUKASYON.

Patuloy na nagsalita si Rizal hanggang sa basahin ng hatol kay Rizal ng mga


husgado.

RHODNIE - Don Jose Rizal y Mercado ikaw ay pinapatawan ng kamatayan.

ISASARA ANG TABING

Kinabukasan pag katapos manggaling sa korte ni Rizal ay tahimik siya sa loob ng


kulungan at galit na dumating si Taviel .

RANDOLF - mga punyeta !!!

CHRISTOPHER LUNA - ngayon lag kita narinig na mag mura


Masuhay ka pala !!

RANDOLF Hindi makatarungan ang nangyari ?


minadali nila ang pag lilitis niloko nila tayo ?

CHRISTOPHER LUNA bakit ka ba galit na galit ie ako tong mamamatay ?

RANDOLF hiyang iya ako sayo !!

CHRISTOPHER LUNA bakit ?

RANDOLF : dahil isa akong kastila !!

ISASARA ANG TABING

Sa malacanan pupunta ang nanay ni Rizal kasama ang kanyang dalawang kapatid
na babae upang kausapin si Governor Polavieja.
Ngunit may mga sundalong kastila sa harap ng pintuan na nakabantay dito..

LHANIE : (nagmamakaawa sa mga kastila ) maari ko bang makausap si


Gobernador POLAVIEJA ? hihinge lang ako ng tulong tungkol sa anak kong
si Jose Rizal .
ANDREW : walang panahon ang gobernador / (pasigaw )

Lhanie : (luluhod sa harap ng sundalo ) humihine ako ng awa ang buhayng anak
mo ay nasa kanyang kamay .
ANDREW: pasensya senyora

LHANIE : (PASIGAW ) gobernador !gobernador !!


biglang dadating ang gobernador at sasalungin ito ng ina ni rizal at ng
dalwang kapatid na babae ni Rizal.

MICHAEL : pasensya senyora

LHANIE : nagmamakaawa po ako

MICHAEL : wala akong panahon para dyan.

LHANIE : parang awa niyo na para sa anak ko .

MICHAEL : patawad !!( sabay talikod sa ina ni Rizal )

LHANIE : Gobernador !!!

ISASARA ANG TABING

Sa loob ng kulungan ay nag susulat si Jose Rizal ng isang sulat para sa kanyang
pamilya. Na biglang dumalaw ang kanyang ina at mga kapatid sa kulungan

CHRISTOPHER LUNA : ( gulat ) ( sabay mano sa kanyang ina ) nanang !!!

Pilit na yayakap ang kanyang ina kay Rizal ngunit pinigilan sila ng mga sundalo.

CHRISTOPHER LUNA : NANANG !!!

LHANIE : PEPE !!!


CHRISTOPHER LUNA: pag kamatay ko po hilingin niyo po agad ang aking
bangkay at baka dahil itapon lamang nila ako kung saan , ibaon niyo po
ako sa lupa, lagyan niyo ng isang bato at isang krus ilagay niyo ang
aking pangalan, yun lamang po manang.!!

Pag kalabas ng nanang ni Rizal sa kulungan ay kinausap niya ang kanyang tatlong
kapatid na babae at may inapot na isang bagay .

CHRISTOPHER LUNA : reaglo to sa aking ng mga Taviel , hihilingi ko sa opisyal,


na ipadala ito sa inyo pag kamatay ko. (at hinawakan ang pisnge ng isang kapatid
na babae sabay yakap sa tatlo )

ISASARA ANG TABING

Kinaumagahan tinali ang dalawang kamay ni Rizal sa kanyang likuran. At


naglakad na patungo sa BAGUMBAYAN na may nakaalalay na mga sundalong
kastila. Maraming tao ang nag aabang sa Bagumbayan andon din si Josephine
upang masaksihan ang pagkamatay ni Rizal.

CHRISTOPHER LUNA : meron akong huling kahilingan, maari bang harapin ko


ang mga babaril sa akin ?

KLYE : imposible !!

At tumalikod na si Rizal sa mga taong nasa kanyang paligid, at sumigaw ang


pinuno ng mga sundalong babaril kay Rizal.

RHODNIE : Magsihanda !!( pasigaw )

At nag salita si Rizal

CHRISTOPHER LUNA : Tapos na ba ?


Sabay putok ng mga baril galing sa likuran ni Dr. Jose Rizal at bumagsak si Rizal
sa lupa at lumapit ang isang sundalo at binaril pa muli si Rizal

SUNDALO : a mercy shot ( sabay putok ng baril )

THE END !!!

You might also like