You are on page 1of 5

Ang Simula ng Panibagong Kabanata

(Pamagat ng kabanata 40)

1. Narrator(ROSE): Ang binatang si Basilio ay naka-dungaw sa isang bintana habang


pingamamasdan ang kumikislap na mga bituin sa kalangitan at umaasang
mamamayagpag parin ang katarungan at buhay parin si Simoun hanggang ngayon. Sa
oras na siete y media ay mayroon siyang narinig sa labas ng kanyang tahanan.

2. Basilio(IVERSON): Ano ang ingay na iyon?! (Dali dali niya itong pinuntahan. Nakita sa
kanyang mukha ang pagka gulat)

[May isang batang babae ang pinagbabato ng mga paslit]

3. Basilio(IVERSON): Itigil ninyo iyan! (pasigaw)

[Nang Makita ng mga bata si Basilio ay huminto sila sa pagbabato at tumakbo papalayo]

4. Narrator(RAYA): (VOICE OVER) Nilapitan ni Basilio ang batang babae pilay at sa kanyang
paglapit ay kanya itong tinulungan]

5. Basilio(IVERSON): Akin na ang iyong kamay. (Tinulungan tumayo) Kung maaari ba’y
ihahatid nalamang kita sa iyong tirahan? Upang mapanatag ang aking kalooban na hindi
ka na babalikan ng mga batang paslit na iyon?

6. Cristina(LOUIE): Napaka-buti niyo naman po Ginoo. Maraming Salamat din po sa inyong


pagtulong saakin at paglalakad saakin patungo sa aking tirahan.

7. Narrator(IRISH): Sa mga oras na sila’y naglalakad, mayroong katanungan ang sumagi


sa isipan ni Basilio

8. Basilio(IVERSON): Kung iyong pahihintulutan, nais ko lamang malaman ang dahilan


kung bakit iyo pang nakakaya ang panunukso at pang-aapi ng mga batang katulad mo?
At sa mura mong edad, hindi ba dapat ay nag-aaral ka kahit papaano o di kaya
nakikipaglaro sa iyong kapwa bata?

9. Cristina(LOUIE):Pamilya. Sila ang nag-iisang dahilan kung bakit koi to ginagawa. Hindi
ko nais na Makita silang nahihirapan samantalang ako’y walang magawa upang tignan
nalamang sila (Naiiyak si Cristina)

10. Narrator(ROSE): Naihatid na ni Basilio ang bata. Habang siya’y naglalakad papauwi
ay naalala niya ang kanyang pamilya na siyang nag-sakripisiyo at minahal siyang tunay.
(On this part, pinapakita na si Basilio and voice over na) Hindi na kinaya ang nararamdaman
at tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Basilio.

11. Narrator(JEMNARY): (voiceover) Sa mga oras na iyon, si Padre Florentino ay


magbabalik na sa kanyang tahanan, ang bawat hakbang na kanyang ginawa ay nadama
niya ang pasakit at kapighatian na naranasan ni Simoun sa katangian ni Ibarra. Sa
kanyang pag-akyat patungo sa silid kung saan namayapa si Simoun, ay mayroon siyang
nakita.
12. Padre Florentino(TYRONE): Ano ito?! Sino ang nag-iwan nito rito? Hindi kaya-
(Binuksan ang papel). I-I-Ito… (exhales)

13. Narrator(JEMNARY): (Voice Over)Sa mga oras din na iyon ay pumasok si Isagani mula
sa pintuan. Habang kanyang tinatanggal ang suot niyang sapatos ay nakita niya ang
mga dugo sa sahig.

14. Isagani(TYRONE): Ano ito?! Si-si-si Padre Florentino! (Dali-daling tumakbo papunta sa
kwarto ng Padre) Padre Florentino!

[Sa kanyang pagbukas ng pintuan..]

15. Padre Florentino(CURTIS): (Naluluha at nang kanyang tinignansi Basilio ay kanyang


pinunasan ang luha nito) Ang bagong bayan ay malapit nang isilang.

[Kinabukasan, lumabas si Basilio sa kanyang tinitirhan upang bumili ng isang libro]

16. Basilio(IVERSON): (Tumitingin ng mga libro)

[Mayroong pumasok mula sa pintuan na hindi nasisilayan ang itsura]

17. Isagani(TYRONE): (Tumabi kay Basilio at sa di kaalaman ni Basilio ay mayroong


inilagay si isagani sa bulsa ni Basilio)

18. Basilio(IVERSON): Ito po ang baya-(Nang iaabot ni basilio ang bayad para sa libro ay
mayroon siyang nahugot maliban sa salapi). (Binuklat ni Basilio ang papel at natukoy
niya kung kanino ito nagmula) [Nakangiti]

[Nagtungo si Basilio sa isang lugar na nakalagy sa papel at nakita ang lalaing kanyang
nakadikit sa bilihan ng libro].

19. Isagani(TYRONE): [Nakatakip parin ang mukha] Naaalala mob a ang aking boses
makalipas ang ilang buwan?

20. Basilio(IVERSON): I-i-isagani? [Naluluha]

21. Narrator(RAYA): (Voice Over)Ang magkaibigan ay nagyakapan at…

22. Isagani(TYRONE): Basilio, nais kong sumama ka saakin ngayon din! At hindi ako
tatanggap ng sagot na hindi

23. Basilio(IVERSON): Ngunit saan tayo pupunta?

24. Isagani(TYRONE): Iyong malalaman kapag tayo’y nakarating na roon.

25. Narrator(IRISH): (Voice Over) Habang sila’y papunta sa tahanan ni Padre Florentino ay
mayroon silang nakitang mga taong nag-uusap at hindi nila naiwasang mapakinggan
ang kanilang pinag-uusapan.
26. Kabataan 1(IRISH): Paniguradong nagtatago parin si Simoun sa kamay ng batas

27. Kabataan 2(ROSE): Ako’y nakakasiguradong siya’y napaslang na, kundi man ang mga
guardia sibil paniguradong ang mga tulisan ang kumitil sa buhay ni Simoun.

28. Narrator(RAYA): [Voice Over] Dahil sa narinig ni Basilio, siya’y nakatulala lamang
habang naglalakbay.

29. Isagani(TYRONE): Basilio, ika’y gumising na sapagkat narito na tayo

30. Basilio(IVERSON): Hindi ba’t ito ang tahanan ni Padre Florentino?

31. Isagani(TYRONE): [nakangiti] Narito tayo sa kadahilanang may nais kumausap sa iyo

32. Narrator(JEMNARY): Nagtungo si Basilio sa isang kwarto , samantalang si Isagani ay


nagtungo s akusina upang gumawa ng tsaa

33. Basilio(IVERSON): [Umupo sa isang upuan sa loob ng kwarto]

34. Padre Florentino(CURTIS): [Pause for 3 Seconds] [Nakadungaw sa bintana at


nilalanghap ang sariwang hangin at biglang…] Iyo bang kilala ang taong may adhikaing
baguhin ang Pilipinas? Kilala mo ba si Simoun? Paumanhin, Iyo bang kilala si Ginoong
Crisostomo Ibarra?

35. Narrator(RAYA): [voice over] Napatayo si Basilio sa kanyang kinauupuan na gulat na


gulat at napangiti ang prayle sapagkat kanyang nakuha ang sagot na kanyang ninanais.

36. Basilio(IVERSON): [Napatayo si Basilio sa kanyang kinauupuan na gulat na gulat]

37. Padre Florentino(CURTIS): [Napangiti ang prayle sapagkat kanyang nakuha ang sagot
na kanyang ninanais.]

38. Narrator(JEMNARY): [Voice Over] Dinala ni Padre Florentino si Basilio sa kagubutan


kung saan inilinbing si Simoun.

39. Basilio(IVERSON): [Habang tinitignan ni Basilio ang puntod ni Simoun, unti-unting


tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.] A-A-Anong nanyare?! Bakit?! Papaano
ito nanyari?!” Padre Florentino: [Yumuko ang prayle at iniabot kay Basilio ang liham] Ito
ang huling liham na isinulat ni Simoun bago siya namayapa. Sa aking hinuha, mayroon
siyang nais ipahayag saiyo.

40. Basilio(IVERSON): [Kinuha ang liham at binuksan at habang ito’y kanyang binabasa
ay patuloy parin siya sa pagluha]

41. Padre Florentino(CURTIS): Noo’y nais niyang baguhin ang Pilipinas mula sa kamay ng
mga Kastila ngunit dahil sa sinapit na kapalaran nang kanyang iniirog, ama, at kaibigan
ay nagbago ang kanyang pananaw. At sa kanyang pagpanaw, kanyang ninanais muli
ang pagbabago ng Pilipinas sa pamamagitan ng karunungan, pagmamahal sa bayan, at
pag-alala sa mga minahal.
42. Basilio(IVERSON): Ang kanyang pagkamatay ay tanda ng pagmamahal sa kanyang
bayan at sa kanyang mga minamahal.

43. Padre Florentino(CURTIS): Sa aking palagay, nais ni Simoun ang makakabuti saiyo.
Hindi hadlang ang nanyari saiyo upang hindi mo na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.

44. Narrator(JEMNARY): [Voice Over] May isang karwahe ang tumigil sa isang paaralan sa
Espanya at mula rito’y bumababa ang isang matikas na binatang may kasuotang pang-
amerikano, may dalang libro’t panulat. Ito’y tumingala, at binaggit ang mga salitang
“Comienzo De Un Nuevo Capitulo.” Ang binatilyo ay nasinagan ng araw at nakita ang
kanyang ngiting nais ipagpatuloy ang pangarap at ang ngiting nais baguhin ang
Pilipinas. At siya ay si...

[End it with Basilio’s picture and after that, Put the title “Ang Simula ng Panibagong
Kabanata”

NOTES:
- KAPAG MAG SESEND NG VID ILAGAY NATIN YUNG NUMBER PARA ‘DI MALITO YUNG
MAG EEDIT. (4, narrator)

- Every part natin tig-iisang clip yon so bali, kung 3 yung line ko 3 din isesend kong vid
kay Tyrone.

- SEND NATIN KAY Tykesramos02@yahoo.com

You might also like