You are on page 1of 4

Kasaysayan Ng Isang Ina

( Tale of Sisa )
Isinulat ni Mary Angel F. Razon
( Group 4)

Makikita sa entablado si Sisa na patakbong umuwi sa kanyang bahay na gulo ang pag-
iisip. Tumatakbong lipos ang kalungkutan, pinag-uusig ng takot at ng mapanglaw na
guniguni, Patuloy na tinatawag ang pangalan ng kanyang mga anak.

Sisa: Crispin! Basilio! Mga anak, andito ang nanay. Basilio! Crispin! Mga anak na
saan kayo? Sagutin niyo ang nanay! Mga anak! ( At unti-unting hahagulgol sa
pag-iyak. Kamamasdan ang sakit at pagod sa kanyang mukha at biglang
matutumba).

Ilang segundo ay maririnig ni Sisa ang hakbang ng dalawang guwardiya sibil, biglang
babangon na masisilayan ang pangamba sa mukha at nagtatanong na mga mata.

Guwardiya Sibil (1): Sabihin mo ang totoo at kung hindi ay itatali ka namin sa
kahoy at babarilin.

Guwardiya Sibil (2): Ikaw ba ang ina ng mga magnanakaw, ikaw nga ba?

Sisa: Ina ng mga magnanakaw?! (ulit ni Sisa)

Guwardiya Sibil (1): Nasaan ang kuwaltang ibinigay sa iyo kagabi ng mga anak
mo?

Sisa: A, ang kuwalta ( Kamamasdan ang kalituhan sa kanyang


wangis).

Guwardiya Sibil (2): Huwag mong ikaila at sasamain ka! Naparito kami upang
hulihin ang iyong mga anak, at ang malaki ay nakatanan, saan mo itinago ang
maliit?

Sisa: ( Napabunting hininga si Sisa ) Ginoo, mahaba-habang araw na po na hindi


ko nakikita ang anak kong si Crispin. Inaasahan kong makikita sya sa kumbento
kaninang umaga, ngunit doon ang sinabi lamang nila sa akin ay

Makahulugang nagkatinginan noon ang dalawang sibil.


Guwardiya Sibil (1): Kung gayon, ibigay mo sa amin ang kuwalta at pababayaan
ka naming makalaya.

Sisa: ( Nakikiusap ng kulang-palad na Sisa ) Ginoo, ang mga anak ko po ay hindi


magnanakaw kahit na sila ay nagugutom. Kami po ay bihasa nang magtiis ng
gutom. Si Basilio ay hindi nagbigay sa akin ni isa mang kuwalta. Saliksikin niyo
ang buong bahay namin at kung makakita kayo ng sikapat, ay gawin ninyo sa
amin ang inyong maibigan. Kami pong mga maralita ay hindi magnanakaw na
lahat.

Guwardiya Sibil (2): Kung gayon ay sumama ka sa amin. Ang mga anak mo ang
bahala nang magsilitaw at magsauli ng kuwaltang ninakaw. Sumunod ka sa amin.

Sisa: ( Nagmamakaawang lumuluhod ) Kunin niyo na po ang lahat ng bagay na


inyong matagpuan sa aming tahanan, basta at, hayaan niyo lang po akong
maging malaya at huwag isama.

Guwardiya Sibil (1): Hindi maaari.

Sisa: E kung gayon po ay, maaari niyo po ba akong tulutan man lang na mauna
sa inyo nang malayong agwat sa paglakad.

Guwardiya Sibil (2): Hindi ka namin papayagan sapagkat maaari kang tumakas
anumang oras. Subalit, papahintulutan ka lang naming na mauna nang dalawang
hakbang kapag tayo ay makapasok na ng bayan.

Papasok ang mga Chismosa. Maririnig ang tunog ng kalesa .

( Nang sila ay lumalakad na at mapagitna si Sisa sa dalawang sundalo, ay halos


mamatay sya sa kahihiyan . Tinakpan ang mukha ng taglay na panyo, at halos pikit ang
matang lumakad ).

Guwardiya Sibil (1): Nais mo bang mamahinga?

Sisa: ( May halong takot ang pagsagot ) Hindi na po.( At nagpatuloy sa


paglalakad).

Guwardiya Sibil (2): Oy, dito ang daan! ( Itinulak si Sisa, at matutumba)
( Mahihirapang tumayo dahil sa sakit na nadarama ).
Guwardiya Sibil (1): Nasaan ang sarhento? Naibigay-alam na ba sa alperes ang
babaeng ito?

Biglang dadating ang alperes.

Alperes: Iyan ay gawa-gawa lamang ng praile! Kung ibig niyang mabawi ang
nawala ay hingin niya ito kay San Antonio. Pakawalan niyo yan.

Itinulak sya paalis sapagkat wala na siyang lakas na tumayo pa.

( Nang mapakawalan siya ay matuling lumakad patungo sa kanyang bahay. Pagdating


niya doon ay pumanhik walang imik, nilibot ang kabahayan -nanaog at lumakad na
naman nang walang sadyang tinutungo . Patuloy na sumisigaw at naghahanap sa
kanyang mga anak). ( Maririnig ang pag-agos ng tubig sa ilog ).

Sisa: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Crispin! Basilio! Asan kayo mga anak?
Andito ang Nanay! Mga anak, Crispin! Basilio! Umuwi na kayo! Andito na ako!

Sa paghahanap ay may nakita siyang pilas ng damit at inaaninaw ang damit ay may
bahid ng dugo. ( Hahagulgol at aakapin ang pilas ng damit).

Sisa: Crispin! Basilio! Mga anak! Anak ko! Nakita niyo ba ang aking mga anak?
Anak ko. ( Patuloy pa din sa pag-iyak).

Hanggang sa mawala sa katinuan

Tatayo at maglalakad , hihinto ng sandal at biglang luluhod.

Sisa: Anak? ( Ilalahad ang dalawang kamay ) wag kang magtago, wag mong
taguan ang nanay. Halika, ( Tapos biglang iiyak ulit ). Hindi ko kayang protektahan
ang aking sarili, halos wala akong magawa, maging kina Crispin at Basilio.
Sana……. Sana kung nasaan man sila ay nasa mabuti sana silang kalagayan.

You might also like