You are on page 1of 3

BUHAY NI SISA

Narrator: Habang nagta-trabaho si Crispin at Basilio sa simbahan, nalaman nilang may


inihandang pagkain si Sisa para sa kanila.

Prayle: Eres un ladrón!

Crispin: Saan nanggagaling ang mga paratang na ibinibintang mo sa akin? Hiling ko sana'y
madapuan ka ng sakit.

*Dinaluhan ni Basilio Si Crispin*

Narrator: Biglang dumating ang galit sacristan mayor at nilapitan ang dalawa.

Sacristan Mayor: Mga walang kwenta! Mali ang ginawa niyong pagtugtog! Wala na kayo
ginawang tama, at nagnakaw ka pa talaga Crispin. Kinakailangan nyong magbayad ng
dalawang onsa bilang kabayaran sa nagawa mo! *Dinuro si Crispin, at kinaladkad*

Narrator: Si Sisa ay isang halimbawa na mapagmahal na Ina, ngunit may iresponsableng


asawa.

Sisa: Sayang naman at hindi nila naabutan ito (nililigpit ang pagkain)

Pedro: Bakit mo nililigpit ng mga iyan? Alam mo naman na hindi pa ako nakakakain!
*Pinalo ni Pedro ang lamesa*

Sisa: Paumanhin, huwag kang mag-alala, ito'y ihahanda ko muli para sa iyo.

Basilio: Inaaay! inaaaaay! Nasaan ka?

Sisa: Anak ko! Anong nangyari sa iyo? Bakit ka nagtamo ng mga sugat sa iyong katawan?

Basilio: Habang nagta-trabaho ho kami sa simbahan ay napagbintangan si Crispin at kami'y


napagalitan.

Sisa: Nako po! Bakit nya ginawa iyan sa inyo! Hindi makatarungan ang pagmamalapastangan
na ginawa nya sa inyo! Mga anak ko :((((

Basilio: Nay pu-pwede ho bang umalis na tayo sa puder ng aming ama?

Sisa: Huwag mo sabihin iyan anak.


Narrator: Nagtungo si Sisa aa kumbento dala dala ang mga sariwang gulay, at umaasang
makikita si Crispin.

Sisa: Mawalang galang na po, nakita nyo pp ba ang aking anak na si Crispin?

Taga-luto: Sya ay tumakas dahil nalaman ng prayle na sya ay nagnakaw. Walang utang na
loob ang iyong anak!
*Tinakpan ni Sisa ang kanyang tainga dahil sa mga paratang na sinasabi ng tagaluto*

Narrator: Napagdesisyunan niyang pumunta sa dampa dahil siya ay nagbabaka sakaling


makita niya si Crispin.

Gwardyang Sibil: Nasaan ang iyong anak? Pinatakas mo ba ang iyong anak?

Sisa: Tulad nyo, hinahanap ko rin ang aking anak.

Gwardyang Sibil: Hindi kami naniniwala! Kaya dadalhin muna kita sa kura.

Narrator: Sa dalawang oras na pagkakakulong sa kanya, pinaya siya ng alperes dahil naawa
siya rito.

Sisa: Crispin? Basilio? Nasaan kayo aking mga anak?

Narrator: Sa kanyang pagkauwi, hinanap niya agad ang kanyang mga anak. Nang biglang
nakita niya ang duguang damit no Basilio.

Sisa: Anak? Anak ko! Nasaan kayo mga anak koooo? *Hinawakan at hinagkan niya ang
damit*

Narrator: Habang umaawit si Sisa sa kwartel, nainis si Donya Consolacion. Inutusan nya ito
ngunit hindi ito sumunod.

Donya Consolacion: Usted no vale nada! Istupido! Hindi ka sumusunod sa akin! Dapat sa iyo
ay pinaparasuhan! *Sabay hampas ng latigo*

Narrator: Hindi natagpuan ni Basilio ang kanyang ina sa dampa.

Basilio: Inaaaaay! *Siya ay biglang napatigil dahil may bumato sa kanyang isang babae*

*Nakita ang kanyang ina na tumatakbo papalayo sa mga tanod*

Narrator: Sila ay napadpad biglang napadpad sa gubat. At may hindi inaasahang pangyayari si
Basilio.
Sisa: Hijo, sino ka at maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?
Basilio: Inay? Anong nangyari ay bakit ka nagkaganyan?

Narrator: Hinang hina silang nag-uusap, at nawalan sila ng malay.

Basilio: *Dumilat ang kanyang mata* A-anong nangyari? *Tumingin sa gilid at nakita ang
kanyang ina na walang malay* Inaaaaaay! Inaaay koo!

You might also like