Noli Script

You might also like

You are on page 1of 3

SCRIPT MGA KINASAPITAN NG ISANG MAESTRO SA ESCUELA Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.

Itinuro ng guro kay Ibarra kung saan panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Guro: Sa bandang dulo ng lawa, itinapon ang bangkay ni Don Rafael at kasama si Tenyente Guevara ng itapon ang kanyang bangkay. Wala akong magawa kung hindi makipaglibing na lamang. Sinalaysay ng guro an gang kabutihang loob ni Don Rafael. Guro: Malaki ang utang na loob ko kay Don Rafel. Siya ang tumustos ng aking mga pangangailangan sa pagtuturo. Bilang isang guro, madaming mga balakid

Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan. UTUSAN: Para saan ang mga yan ale? SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap. UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito? SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin. UTUSAN: Crispin? Kung ganon, ikaw ang ina ng magnanakaw? Abay matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak. SISA: Hindihindi magnanakaw ang mga anak ko.

KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama! Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil. GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw?

SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko. GUARDIA CIVIL: Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin!

SISA: Seor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin.

GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak!

SISA: Seor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw, maniwala kayo.

GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila. SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Seor. Parang awa nyo na, wag nyo po akong ikulong Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel. GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo! Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa. ALPERES: Kamalian yan ng kura! Pakawalan nyo siya at wag nyo na siyang gagambalin pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin nyo sa kanya na manalangin siya kay San Antonio! Agad nilang pinakawalan si Sisa. GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sayo! Ha! Ha! Ha!

Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay. SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo? May nakita siyang damit na duguan. SISA: Ano to? Damit ni Basilio? DugoBakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo! At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa.

You might also like