You are on page 1of 4

JUCO: BASILIO

SAGER: CRISPIN
MALAPITAN: SISA
YABUT: ASAWA NI SISA AT SAKRISTAN MAYOR.

KABANATA 15: MGA SAKRISTAN


NARRATOR: Ang magkapatid na Basilio at Crispin ay pawang mga sakristan, sila ang taga batak ng
kampana ng simbahan at sa anyo ng magkapatid sila ay hilahid sa hirap. Isang araw,
napagbintangan si Crispin na nagnakaw ng pera sa simbahan. Habang nasa loob ng simbahan
ang magkapatid naguusap ang dalawa tungkol sa problemang kinahaharap ni Crispin.

CRISPIN: Kuya kung kasama lang natin si inay di sana ay hindi ako mapagbibintangang isang
magnanakaw at kung malalaman ni ina na ako ay pinagmamalipitan tiyak na siya ay hindi
papayag.

Ang anyo ng pangamba kay Crispin ay nababakas.

BASILIO: sa aking palagay Crispin na ganoon nga ang gagawin ng ating ina.

CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya?

BASILIO: Dalawang piso, bakit ba?

CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko.

BASILIO: Ano Crispin? Diba’t tatlumpu’t dalawang piso ang binibintang nila sa iyo? Kahit isang
taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan.

CRISPIN: Mas mabuti pa ngang magnakaw na lang ako.

BASILIO: Nagaalala ako Crispin na kung malaman ito ni inay tiyak na mamagalit sya.

CRISPIN: Ngunit hindi maniniwala ang inay at ipapakita ko ang aking mga latay sa kanya. Kaya
lamang ako napagbintangan at sapagkat ang ating ama ay mabisyo, lasenggero at sabungero.

Naguguluhan si Crispin dahil alam niyang mahirap ang pinasukan nilang gusot. At gusto na
lamang niyang umuwi sa kanilang tahanan. At nasambit ni Crispin ang mga katagang…

CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya…Kapag nalaman ‘to ng
Inay...natatakot ako.

BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. ‘Wag kang mawalan
ng--
Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor.

SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng
kampana…At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw
mo!

CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw.

SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa!

Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin
si Basilio sa kapatid.

BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n’yo na po—

Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito’y hindi na halos makatayo. Muli niyang
hinila si Crispin at ito’y ikinaladkad pababa ng hagdan.

CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako!

BASILIO: Crispin…

Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang
lubid ng kampana.

End of Scene.

KABANATA 16: SI SISA.


NARRATOR: Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na bahay sa labas ng bayan. Siya ay mahirap dahil
nakapangasawa siya ng isang siguralo na lalaki.

Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak.

SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya
naghanda ako ng masarap na pagkain...

Biglang dumating ang lasing na si Pedro.

PEDRO: May makakain ba?

SISA: Mayroon.
PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo’t nagugutom na ako!

SISA: Ahh- Oo. Narito na.

Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain.

SISA: Wala nang natira? Ngunit paano’ng mga anak mo?

PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?!

SISA: Wala. Wala—

PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon?

SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila—

Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa.

SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin?

PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto!

At umalis na nga si Pedro.

SISA: Kawawang mga anak ko. Magsasaing na lamang ako ulit.

Si Sisa ay nagantay sa pagdatong ng mga anak ngunit gabi na ay hindi pa ito dumarating sa kanila.
Siya ay kinabahan na at nanalangin sa Mahal na Birhen. Habang siya ay nanalangin siya ay
nagulantang ng isang malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay!

KABANATA 17: BASILIO


NARRATOR: Nagulat si Sisa nang dumating si Basilio na sugatan ang ulo.

SISA: Basilio! Anak ko! Anon’ng nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan?

BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po--

SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya?

BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan
siyang nagnakaw.
SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating
magdusa?

BASILIO: Inay…

SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak
ko.

BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay.

SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama.

BASILIO: Dumating si Itay?

SISA: Oo.

BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba?

SISA: Basilio!

BASILIO: Patawad po, Inay.

Isinara ni Sisa ang pinto at siya’y napabuntong-hininga.

SISA: Diyos ko... Ano bang gagawin ko?

Habang natutulog si Basilio siya ay binabangungot at sa panaginip niya ay nakita niya ang kapatid
na si Crispin na pinapalo ng kura at sakristan hanggang sa ito ay mawalan ng malay tao. Dahil sa
lakas ng pagungol ni Basilio siya ay ginising ni Sisa. Tanong ni Sisa….

SISA: ano ang napanaginipan mo?

BASILIO: wala poI nay ngunit ang balak ko po ay hihinto na kaminh magkapatid sa pagiging
sakristan, hihilingin ko kay Ginoong Ibarra na kunin akong pastol ng kanyang mga baka at kalabaw
at kung malaki na ako hihilingin ko na ako ay kanyang bigyan ng lupa na masasaka.

Niyakap ni Sisa si Basilio.

End of Scene.

You might also like