You are on page 1of 2

MONOLOGO ( SISA )

Ako si Sisa, isang simpleng maybahay. Palagi akong minamaltrato ng aking


asawa ngunit wala akong magawa. Mahal ko siya. Hindi ko siya kayang iwanan
ngunit natatakot din ako sa kanya. Pero nandiyan naman ang mga anghel ko, sina
Crispin at Basilio. Mababait sila at mapagmahal. Bilang isang ina’y
maipagmamalaki ko sila!

Oo nga pala! Uuwi ngayon mula sa kumbento ang aking mga anghel.
Kamusta na kaya sila? Nakababasa na kaya sila? Halos isang linggo ko rin silang
hindi nakita. Mabuti pa at ipagluluto ko sila. Naku! Paniguradong gutom na gutom
ang mga iyon.

Pagkatapos kong maihain ang hapunan, dumating ang aking asawang si


Pedro. Kinain niya ang mga ipinagluto ko at wala na naman akong nagawa para
pigilan siya. Kaawa-awa naman ang mga anghel ko. Anong gagawin ko? Walang
madadatnang pagkain sina Crispin at Basilio.

Sandali… may tumatawag sa akin. Si Basilio iyon! Diyos ko po! Bakit


puno ng sugat ang panganay ko? Si Crispin? Nasaan siya? Nasaan ang kapatid mo,
Basilio? Bakit ganyan ang ayos mo? Nasaktan ka ba? Anong nangyari sa inyo ng
kapatid mo?

Nagpunta ako sa kumbento kinaumagahan. Tao po? Tao po? Padre?


Maari ko po bang Makita ang anak kong si Crispin? Ano? Anong pinagsasabi nila?
Ang aking Crispin, isang kawatan? Ang aking Basilio, isang kriminal? Hindi iyon
totoo! Mahirap man kami ngunit marangal ang aming pamumuhay. Gusto kong
ipagtanggol ang aking mga anak ngunit wala akong magawa. Isa lamang akong
babae, mangmang at walang pinag-aralan.

Nang dumating ako sa bahay ay wala si Basilio at naroon ang dalawang


gwardiya sibil. Tinatanong nila ako tungkol sa aking mga anak. Pinipilit nila akong
sumagot ngunit wala naman akong masasagot. Hindi ko pa nakikita si Crispin.
Hindi ko na alam kung nasaan si Basilio. Pinapunta ako sa isang lugar kung saan
may itatanong pa sila sa akin. Isa itong kahihiyan! Para akong kriminal!

Crispin? Basilio? Mga anak nasaan kayo? Ah! Alam ko, ipagluluto ko
kayo ng handaan at kakantahan ko kayo ng kundiman. Crispin? Basilio? Nasaan na
kayo? Umuwi na kayo. Crispin? Basilio? Umuwi na kayo mga anak, gusto niyo
bang mag-alala ang inyong ina? Crispin! Basilio!

Nasaan na ang mga anak ko? Crispin, Basilio… Ikaw, nakita mo ba ang mga
anak ko? Baka napansin mo sila… maari bang sabihin mo sa akin kung nasaan
sila? Parang awa mo na, Ginoo... ituro mo… maawa ka na sa akin.

Crispin! Basilio! Mga anak ko!

You might also like