You are on page 1of 3

SCRIPT SA FILIPINO 7: BRODCASTING

Pangalan ng estasyon: Calamba Ngayon!

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)

Tagline: CALAMBA NGAYON! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.

Anchor: Mark Colin Cabrera

News Presenters: Maria Beatriz Laurito Andres Vallejo

Jarred Cantos Gabriel Nunez

(Sound effects malakas)

Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, nagaalab, nagliliyab na balitang hatid sa mamamayan.

Ito ang Calamba Ngayon!

Mark: Mga kaganapang nakalap sa loob ng bansa…. Mga isyu a balitang tinututukan

Voice: Calamba Ngayon!


(Sounds effects)

Mark: Ang oras natin ngayon ay ______ minuto makalipas ang alas ______ ng ______ , araw ng

____ ,ika-______ ng Enyero sa taong dalawang libo dalwang pu

(Sounds magpapalit)

(Background music lively)

Mark: Isang Mapagpalang ______ Pilipinas!

Ito ang inyong tagapagbalita ngayong araw, Mark Colin Cabrera

Mark: At kayo’y nakikinig sa….

Voice: Calamba Ngayon!

(Sound lalakas)

Voice: Para sa ulo ng nag babagang balita.


Mark: Isang 40ft, pinailawan sa Christmas Village, sa Plaza ng Calamba.

(Transition)

Mark: Calamba, hinirang bilang lungsod na may pinaka malinis na hangin

(Transition)

Mark: Para sa kaunting kaalaman, Bahay ng bayaning si Gat Jose Rizal, ating alamin ang historya dito
lang sa TRIVIA TIME

(Transition)

Mark: Alamin ang kalagayan ng kalangitan dito sa Calamba. Ulat na hatid ni Gabriel Nunez

(dagling pagputol ng kanta)

Mark: Para sa mga detalye ng mga balita

(Continue ng Background sound)

Mark: Christmas Village sa Plaza ng Calamba, dinagsa ng mga Calambeno. Pakinggan ang buong balita
mula kay Andres Vallejo. Andres pasok!

(Sounds Malakas mag papalit)

Andres: (REPORT NI ANDRES)

Mark: Maraming salamat Andres, sunod na balita..Calamba, hinirang bilang lungsod na may pinaka
malinis na hangin, Ulat mula ni Bea Laurito, Bea?

Bea: (REPORT NI BEA)

Mark: Iyon po ang ulat mula kay Bea. Maraming salamat Bea. Para sa isang paalala, magbabalik po ang..

Voice: CALAMBA NGAYON!

(Sandaling pag putol ng sounds)

(Bagong Sound effects)

Voice: Akala ko ba mahalaga ako sayo ? Eh bakit hindi mo pinaparamdam? Tubig lang ako,
nababawasan, nauubos din.
Ikaw na nga ang nag sabi walang forever, kaya pag hindi mo ko tinipid, iningatan at
pinahalagahan mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito sa mundo. kaya
mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko.

Panahon na naman para mas magtipid at gamitin ng wasto ang tubig.


(Malakas na pasok ng kanta Papahina)

(Pasok ng bagong kanta)

Mark: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …

Voice: CALAMBA NGAYON!

(Sounds-Mag papalit)

Mark: Para naman sa kaunting kaalaman. Narito sa Jarred upang ihatid ang balita tungkol sa bahay ni
Jose Rizal dito sa Calamba. Jarred, ibahagi mo

Jarred: (REPORT NI JARRED)

(Sound lalakas)

Mark: Salamat Jarred. Ngayon naman alamin ang panahon para buwan ng Enyero. Balita mula kay
Gabriel Nunez. Gab?

Gab: (REPORT NI GAB)

Mark: Inyo pong narinig ang balita mula kay Gab, Salamat Gab…

(Sandaling pag putol ng sounds)

(Bagong Sound effects)

Mark: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid ng sariwa kundi
balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.

Mark: Ito ang inyong tagapagbantay, Mark Colin Cabrera.. At kayo ay nakikinig sa

Voice: CALAMBA NGAYON!

You might also like