You are on page 1of 3

Ma. Abegail F.

Moran
9-Receptor

Sisa

Ako si Sisa, isang mapagmahal na ina kina Crispin at Basilio at mabuting asawa kay Pedro.

Mahal kita Pedro kahit paulit-ulit mo akong sinasaktan. Hindi kita kayang iwanan dahil mahal na

mahal kita. Si Pedro ay aking diyos at ang mga anak ko ay ang aking mga anghel. Mababait ang

mga anak ko at mapagmahal. Bilang isang ina, maipagmamalaki ko sila.

Oo nga pala’t uuwi na sila galling simbahan mabuti pang paghandaan ko sila ng pagkain. Tawilis

at kamatis na paboritong ulam ni Crispin at tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok sa na

gusting kainin ni Basilio. Ilang araw ko na silang hindi nakikita. Sabik na sabik na akong makita

silang muli. Sana ay nasa maayos na kalagayan sila ngayon.

Pagkahanda ko ng pagkain ay dumating ang aking asawang gutom na gutom. Ang mga pagkain

ay inubos niya at tanging tatlong inihaw na tawilis nalamang ang itinira. Hindi man lang niya

inisip ang kapakanan ng kanyang mga anak at ang sariliat peralamang ang iniisip. Hindi ko alam

ang aking gagawin dahil walang madadatnang pagkain sina Crispin at Basilio. Kaawa-awang

mga anak ko patawarin nyo sana ako dahil hindi ko napigilan ang inyong ama sa pagkain ng mga

inihanda ko sa inyo.
Lubos kong ikinatuwa ang pagbabalik ni Basilio ngunit bakit hindi niya kasama si Crispin at

bakit mayroon siyang mga sugat? Ano na ang nangyayari sa mga anak ko? Marami akong mga

katanungan sa kanya ngunit pagod na siya at kailangan na magpahinga. Si Basilio ay tila may

tinatago sa akin. Ayos lang kaya ang anak kong si Crispin? Hindi na ginalaw ni Basilio ang

pagkain at uminom na lamang ng tubig at natulog.

Kawawa naman ang mga anak ko dahil sa murang edad ay nakararanas na sila ng paghihirap.

Umungol ang anak ko at mukhang binabangungot ito. Ano bang problema Basilio? Ano ang

napanginipan mo? Sinabi niyang kami ay nasa bukid at nag-aani ng palay at naniwala na lamang

ako sa sinabi niyang iyon. Natuwa ako sa sinabi ni Basilio dahil hindi na sya magsasakristan at

makakasama ko na ng mas matagal ang aking mga anak. Gayunpaman, Ikinalulungkot ko ang

hindi pagsama ni Basilio kay Pedro sa kanyang magandang pangarap.

Kinabukasan ay bumisita ako sa kumbento upang sunduin si Crispin. Naguguluhan ako. Bakit

pinagbibintangang magnanakaw ang anak ko? Pinagbibintangan nilang kriminal ang anak ko.

Walang katotohanan ang mga sinasabi nila! Mahirap man kami ay marangal ang pamumuhay

namin. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Ligtas pa ba kayo mga anak ko?

Pagkabalik ko sa bahay ay nakita ko ang mga guwardiya sibil. Tinatanong nila sa akin kung

nasaan ang aking mga anak. Hindi ko alam kung saan naroroon ang mga anak ko kaya wala

akong naisagot sa kanila. Dahil hindi nila madakip ang mga anak ko ay ako na lamang ang

dinakip nila. Nasaksihan ng maraming tao kung paano ako ipagtutulakan ng mga guwardiya
sibil. Isa itong kahihiyan. Dalawang oras akong nakabilanggo sa loob ng kwartel. Gustong-gusto

kong hanapin ang mga anak ko ngunit wala akong nagawa kundi maghintay na lamang na

palayain nila ako.

Nakita ko itong isang pilas ng damit ni Basilio na nakasabit sa dingding. Naku! Sana walang

nangyareng masama sayo anak ko. Ano ba na ang kalagayan ng mga anak ko? Hindi ko

napigilang lumuha habang hinahanap ko sila. Gustong-gusto ko na makita kayo mga anak ko!

Crispin! Basilio! Mga anak ko nasaan na kayo?

You might also like