You are on page 1of 8

Kabanata XVII: “Si

Basilio”
Buod ng Kabanata:

 Labis na natakot at nangamba si Sisa nang Makita niyang


duguan at nag-iisang umuwi ang kanyang anak na si
Basilio na tumakas mula sa kumbento. Ang kanyang
Bunsong anak na si Crispin ay naiwan sa kamay ng
sakristan mayor at pilit na pinaaamin at pinananagot sa
ibinibintang na salang pagnanakaw.
Mga matatalinhagang salita sa loob ng
kabanata:
 bakol- malaking basket na maluwag ang bibig
 balikwas- mabilis na pagbangon
 dumaloy- umagos
 impit- mahina at pigil na tunog
 kuwartel- himpilan ng mga kawal
 nabuwal- natumba
 nakabulagta- nakadapa; nakatihayas
 nanghihilakbot- natatakot
 napalugmok- napaupo o napasandal dahil sa labis na panghihina
 nasira- namatay o namayapa na
 sinita- pinagbawalan; tinawag ang atensyon
 umimik- kumibo; nagsalita
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo nito.
Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga Guwardiya sibil at
pinahihinto sa paglalakad at tinanong siya ng Quien vive , pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat
nangangamba siyang kapag nahuli ay parurusahan at paglilinisin ng kuwartel gaya ng ginawa nila sa
kaibigang si Pablo na hanggang ngayon ay may sakit pa. Hindi siya pwedeng umuwi hangga’t ‘di pa alas
diyes ng gabi. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril, dinaplisan siya ng bala sa noo. Sinabi niya din sa
ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa at nilinisan ang sugat ni Basilio.

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng
dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan
Mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak at sinabing ang mga dukhang na katulad nila ang nagpapasan
ng maraming hirap sa buhay. Sinabi ni Sisa na pinasasabi ng kanilang ama na magpakabait daw silang
magkapatid at di na aalis sa piling nila ang ama na hindi naman totoo, sinabi ni Basilio na mas mainam ang
kanilang kalagayan kung sila nalang tatlo na pinagdamdam ni Sisa. Hindi na tumikim si Basilio ng pagkain
at natulog na lamang sa labis na pagod.
Sa pagtulog ni Basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niyang nag-uusap ang kura
at sakristan mayor sa salitang hindi niya maintindihan. Palinga-linga ang luhaang si Crispin.
Hinarap ito ng kura at binirahan ng sunod-sunod na palo. Dahil sa sakit ay nanlaban si Crispin.
Nanipa. Sumigaw. Nabuwal sa kasasangga ng dumurugong kamay. Dahil sa labis na hirap ay
napilitang sigurin ni Crispin ang kura at kinagat sa kamay. Napasigaw ang kura at nabitiwan ang
pamalong yantok. Nakakuha ng baston ang sakristan mayor at pinalo sa ulo ang bata.
Nakabulagta ang sugatang si Crispin at pinagsisipa pa ng kura. Sigaw ng sigaw ang pagulong-
gulong si Crispin. Dahil sa kanyang malakas na pag-ungol siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni
Sisa kung ano ang napanaginipan ng anak sa halip na sabihin ni Basilio ang napanaginipan ay
sinabi niya ng ang nanaginipan niya na silang mag-ina ay nanggapasan sa bukid.
Hindi na nagpilit pa si Sisa na alamin ang ang totoo sapagkat ay ‘di naman siya naniniwala sa
panaginip. Napagpasyahan ni Basilio na sabihin sa ina ang kanyang binabalak. (1) Ihihinto na
silang magkapatid sa pagsasakristan (2) Hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng
kanyang baka at kalabaw at mag-aaral naman si Crispin sa tulong ni Pilosopong tasyo at (3) Kung
Malaki-laki na siya ay hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siyang kapirasong lupa na masasaka.
Dahil sa planong ito ay ipagtitigil ni Basilio ang ina sa pananahi ng damit. Nasiyahan si Sisa sa
Plano ng anak ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak ang kanyang ama sa
mga balak.
Ano ang mga Sinisimbolo ng mga karakter
sa loob ng kabanata?

Sisa- Isang ina na Mapagmahal at gagawin ang kanyang makakaya para sa mga Anak at
makatotohanan din ito. Sumisimbolo siya sa mga Inang Pilipina.

Basilio- Isang anak at kapatid na Gagawin ang lahat para sa pamilya at may matayog na
pangarap sa buhay. Ayaw niyang nasasaktan ang ina o kapatid ng kanyang ama kaya pinili
niyang ‘di na isali ang Ama sa plano niya. Sumisimbolo siya bilang Batang Pilipinino na
sa murang edad ay iniisip ang ikabubuti nila sa hinaharap.
Noon at Ngayon
Noon
Sa murang gulang ay nagtratrabaho ang mga bata para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ngayon
Ipinagbabawal ng batas ang pagtratrabaho ng mga bata sa murang edad, bawal magtrabaho ang mga batang
mas mababa ang edad sa labinwalong gulang.
Noon
Walang Karapatan ang mga Bata na Makapag-aral, maglaro, o kahit magkaroon ng payapang kapaligiran.
Ngayon
Meron ding Batas na ipinatupad ang pamahalaan hinggil sa mga Karapatang pambata ayon sa PD 603- The
Child and Youth Welfare na binibigyan ng sapat na kalinga, tulong at gabay ang sanggol hanggang sa kabataan
at ibinibigay ang sapat na karapatan ang mga bata kabilang na dito ang edukasyon at proteksiyon.
Noon
Walang pag-aalinlangang sinasaktan o pinaparusahan ang mga bata may kasalanan man sila o wala.
Ngayon
Ipinagbabawal ng saktan o parusahan ang mga bata dahil ayon sa Republic act 7610 or Anti-harassment,
discretion, and any harmful acts towards someone (physical, verbal, emotional, and mental stability of
someone) ipinagbabawal ang pananakit o pang-aabuso sa mga bata lalo na kung menor de edad pa ito at
maaring makulong ang nanakit nang isang taon at higit pa.
Salamat
sa
pagtunghay!!!

You might also like