You are on page 1of 26

PAG UULAT SA NOLI

ME TANGERE
By: Bernardo, Irish Joyce Rivas
TALASALITAAN
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga
sumusunod na salita at gamitin ito sa pangungusap.

1. Nahumpak
Luho
2. Umusa
Pag-alala l
3. Kapritso
Namayat
4. Namumurok
Bumigkas
5. Paggunita
Nanaba
MGA TAUHAN
Sisa
Isang masintahing ina. Napangasawa ang
batugan at sabungero na si Pedro.

Siya ay maganda at bata pa, bagama't mahal na


mahal niya ang kaniyang anak na sila Basilio at
Crispin, ay hindi niya kayang protektahan ang
mga ito mula sa mga pambubugbog ng kaniyang
asawa na si Pedro.
Pedro

Isang sugarol, lasinggero,


sabungero, makasarili at
pabaya sa pamilya.
Basilio

Nakakatandang anak ni
Sisa. Isang sakristan at
taga-tugtog ng kampana.
Crispin
Bunsong anak ni Sisa. Isa ring
sakristan at kasama ni Basilio na
tumugtog ng kampana sa
simbahan ng San Diego
Pilosopo Tasyo

Maalam na matandang
tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego.
TAGPUAN
Sa maliit na dampa sa labas ng
bayan ng San Diego.
Noli Me Tangere
Kabanata 16

Si Sisa
BUOD NG KABANATA 16
Abalang-abala si Sisa na ina nina Basilio
at Crispin sa isang maliit na dampa sa
labas ng bayan. Siya'y salat sa kabuhayan.
May likas mang ganda ngunit pinatanda
na siya ng panahon at pagdurusa.
Nakapag-asawa si Sisa ng isang lalaking walang idinulot sa
kanya kundi sakit sa kalooban. Tamad ito, mahilig sa sugal,
iresponsable at nagpapagala-gala lang sa lansangan. Wala
siyang pakialam sa kanyang mag-iina. Madalas pa nga ay
binubugbog nito si Sisa kapag siya ay umuuwi sa kanila.
Patuloy lamang na tinitiis ni Sisa ang ginagawa sa kanila ng
asawa. Minamahal pa rin niya ito at sinasamba na akala mo'y
diyos.
Nung araw na iyon ay naghanda ng masarap na hapunan si
Sisa para sa kanyang dalawang anak. Minsan lamang itong
mangyari dahil na rin sa kasalatan nila sa buhay. Inihain
niya ang paborito ni Crispin na tuyong tawilis at sariwang
kamatis samantalang tapang baboy-damo naman at isang
hita ng patong bundok ang para kay Basilio. Galing ang
lahat ng iyon kay Pilosopo Tasyo.
Ngunit sa kasamaang palad ay naunang dumating ang asawang
tamad at iresponsable ni Sisa na si Pedro. Inubos niyang lahat ang
inihain ng asawa para sa mga anak at hindi man lamang nagtira para
sa kanila. Ni hindi niya itinanong kung kamusta na ba ang kanyang
mag-iina, sa halip ay nagbilin pa ito na bigyan siya ng kwarta mula
sa kita ng dalawang bata. Wala nang nagawa si Sisa kundi
maghinagpis sa pag-aalalang wala nang masarap na hapunan ang
kanyang dalawang supling.
Nagluto siyang muli para naman may makain
ang mga anak pagdating galing sa simbahan.
Di nagtagal ay nainip si Sisa sa kahihintay sa
mga anak. Nakarinig na lamang siya ng
malalakas na tawag mula kay Basilio.
ARAL
Ang kahalagahan ng pag-aaruga at pag-aalaga sa
pamilya. Hindi sapat ang pagmamahal kung hindi ito
sinasamahan ng pag-aaruga at pagbibigay ng
pangangailangan sa pamilya. Sa kabilang banda, ang
pagpapabaya at pagiging iresponsable ng isang asawa
ay nagdudulot ng masamang epekto sa kanyang
pamilya.
Maikling
PAGSUSULIT
1.Sino ang ina ng magkapatid na Crispin at
Basilio?

A. Silda B. Sasa

C. Sisa D. Seli
2. Sino ang asawa ni Sisa na makasarili,
laging nananakit, walang puso, sabongero
at sugarol?

A. Andoy B. Pedro

C. Petro D. Serjio
3.Ano ang inihandog na hapunan ng ina nila
Crispin at Basilio?
A.Tuyong tawilis at sariwang kamatis, baboy-damo at
isang hita ng patong bundok
B.Tuyong tawilis at sariwang kamatis, pritong baboy at
isang hita ng patong bundok
C. Daing at sariwang kamatis, manok at isang hita ng
patong bundok
4.Ano ang katangian ng ama nina Crispin at
Basilio?

A. Sugarol at pabaya
B. Mapagmahal at maalaga
C. Masipag
Ano
5. ang pamagat ng kabanata 16?
KASAGUTAN:
1. C
2. B
3. A
4. A
5. Si Sisa
Maraming
SALAMAT!

You might also like