You are on page 1of 4

Guro: Dianne M.

De Asis Petsa: Oras: 11:00- 12:00 PM


January 27,
2020

DLP Blg. Asignatura: Baitang: 9 Markahan: 4 Oras:


Filipino 1
CODE:
Mga Kasanayan: Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at F9PB-
HangosaGabayPangkurikulum natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa sa IVc-57
nobela.

Susi ng Pag-unawa na Paghihinuha sa mga katangian ng mga tauhan at


Lilinangin: natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa sa nobela.

1. Mga Layunin

Kaalaman Natutukoy ang kahulugan ng mga mahihirap na salita na


nasa akda.

Kasanayan Nakakagawa ng isang simbolo batay sa salitang ina.

Kaasalan/kahalagahan Naisasabuhay ang mga mahalagang aral na nakukuha


mula sa akda.

2. Nilalaman
Paksa Paghinuha sa katangian at kahalagahan ng mga tauhan.

Sanggunian Pinagyamang Pluma 9, Aklat 2, Aralin 11: Si Sisa at Si


Basilio (Mga Kabanata XVI at XVII) pahina. 580 - 586
3. Mga kagamitang
Pampagtuturo Kagamitang Biswal

4. Pamamaraan

Patugtugin sa klase ang pinasikat na kanta ni Carol


4.1 Pagganyak Banawa na pinamagatang “ Iingatan ka” na tumatalakay
sa labis na pagmamahal ng ina sa anak. Matapos
pakinggan ang kanta ay tatanungin ang klase sa mga
sumusunod:
1. Ano ang iyong nararamdaman habang pinapakinggan
mo ang kanta?
2. Tungkol saan ang kanta?

-Hahatiin ang klase sa dalawa, paramihan sa pagsulat sa


pisara ang mga mag-aaral sa katangiang taglay ng
kanilang ina.
Pag-aalis Sagabal
4.2 Paglalahad Pagtuonan ng pansin ang mga salita at kahulugan nito na
ginamit sa kabanatang babasahin upang makatulong sa
mas malalim o mabisang pag-unawa sa teksto.
Kabanata XVI
• Bahid – bakas ng dumi
• Kapritso – luho, layaw
• Nahumpak – namayat, lumubog ang psingi
• Namumurok – nanaba, halos pumutok na sa
katabaan
• Paggunita – pag-alala

Aatasan ang mga mag-aaral na bumubo ng pangungusap


batay sa mga salita na napag-usapan. Tatawag ng 5 piling
mag-aaral na magbigay ng kanilang sariling
pangungusap.
( Si Sisa )
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong
4.3 Pagtatalakay santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San
Diego pagkatapos na makapag-ukol ngdalangin sa
kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay
gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa
labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang
kanyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng
lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol
at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga
anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio
at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas
nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang
pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na pag-uwi ng
kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ngkatawan.
Nananakit ang lalaki. Gayunman, para kay Sisa ang lalaki
ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay
anghel. Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina
Basilio at Crispin. Mayroong tuyong Tawilis at namitas ng
kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay
Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong
bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang
inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng
puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang
ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng
sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng
puntahan niya ang mga ito sa simbahan.
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng
magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang
kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga pagkaing
nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang
dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa
ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at
nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng
anak.
Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi
umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel.
Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang
ngkanyang walang pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang
nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang
darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya
napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang
iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil
niya ang pagaawit ng kundiman at pinukulan niya ng
tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran.
Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan
siyang dumadalangin sa Mahal na Birhen, nang
gulantangin siya ngmalakas na tawag ni Basilio mula sa
labas ng bahay.
GABAY NA TANONG:
Unang Pangkat
1. Ilarawan ang pisikal na anyo ni Sisa.
2. Paano mo mailalarawan si Sisa bilang isang
asawa? Bakit para sa kanya ay isang diyos ang kaniyang
asawa at ang mga anak niya ay kaniyang mga anghel?
3. Maituturing mo bang ulirang may-bahay si Sisa?
Bakit?

Hahatiin ko kayo sa limang pangkat at bawat pangkat


4.4 Paglalapat gagawa ng isang simbolo batay sa salitang ina. Bibigyan
ko lamang kayo ng limang minuto sa paggawa. At bawat
pangkat pipili lamang ng isang representante na siya
yung magpapaliwanag sa harapan.

4.5 Paglalahat Gaano ba kahalaga ang pagkaroon ng magulang para sa


isang anak?

Paano mo pinapahalagahan ang sakripisyo ng inyong


ina?

Ano ang mahalagang aral na mapupulot sa aralin?

5. Pagtataya Sa isang buong papel magbigay ng kahit ilang katangian


ng inyong ina na mahintulad mo kay Sisa.

6. Takdang - Aralin Sumulat ng isang salita na naglalahad ng katangian ng iyong


ina, ilalahad ito sa pamamagitan ng akrostic na pamamaraan.

You might also like