You are on page 1of 6

 

Filipino play: Si Sisa

MAIN CHARACTER:
Sisa: Nana Aerith Nadela
Crispin: Micaellah Penido 
Basilio: Jae Cachuella 
Asawa ni Sisa: Aaron Manambay

SUPPORTING CHARACTER: 
Padre Salvi: Jed Barrangco

Mga kusinero: 
Kusinero 1: Peter Abelarde
Kusinero 2: Janelle Reballos

Walong mga babae:


1.Balisalisa -Unang babae
2.Bariquit - pangalawang babae
3.Dablo
4.Hornada- pang apat na babae
5.Remolana- pang limang babae
6.Dacono
7.Blah 
8.Tagacay

Lalaking palakad lakad:


Nejad Disalongan 

Dalawang manang:
manang 1: Krystelle Sales
manang 2: Ayesha Macatimbol

Coadjutor/utusan: Rian Dacera  

Scene 1: 

(Tahimik na natutulog ang lahat. Himbing na himbing na ang mga mag-anak na nag-ukol ng paggunita sa
kanilang mga patay. Sa labas ng bayan ay naroroon ang bahay ng mag- iinang Sisa, Basilio at Crispin.
May isang oras itong lakarin mula sa kabayanan. Si Sisa ay asawa ng isang malupit na sabungero.) 

*Nakaupo sa isang kahoy ang magkapatid na


parehong hawak ang lubid ng kampana

1-1 Basilio: Hilahin mo ang iyong lubid, Crispin

*Mahinang tunog ng kampana na sinabayan ng kulog 

1-2 Crispin: kung nasa atin sana tayo na kasama ang nanay, Doon ay hindi ako matatakot, sa bahay
natin ay walang magbibintang na magnanakaw ako *Tinugtog ng malaki ang kampana

1-3 Crispin: ganito lang ba tayo kuya? Bukas sana ay magkasakit ako, matagal na magkasakit, para
alagaan ako ng nanay at hindi pabalikin sa kumbento. sa gayon ay walang magsasabing magnanakaw
ako, hindi rin ako mapapalo, pati din ikaw kuya! 
1-4 Basilio: Aba! Huwag! pare-pareho tayong mamamatay, ang nanay ay dahil sa sama ng loob, at tayo
namang dalawa ay sa gutom..

1-5 Crispin: Magkano nga pala ang sasahurin mo sa buwang ito, kuya? 

1-6 Basilio: Dalawang piso, tatlong beses kasi ako pinagmulta

1-7 Crisipin: Bayaran mo na kuya ang sinabi nilang ninakaw ko, para hindi na tayo tawagin magnanakaw,
bayaran muna kuya! 

1-8 Basilio: Naku, Crispin! Ano pa ang ibibili ng pagkain ng nanay? At saka sabi ng sakristang mayor ay
dalawang onsa raw ang ninakaw mo. *Binilang bilang ni Crispin ang kanyang daliri

1-9 Crispin: Anim na daliri at dalawang kamay, at bawat daliri ay piso. ilang kuwalta ba ang piso? 

1-10 Basilio: Sandaan at animnapu

1-11 Crispin: Naku po! Magkano naman ang sandaa't animnapu? Mas mabuti pa palang ninakaw ko na
nga!

1-12 Basilio: Crispin! 

1-13 Crispin: huwag kang magalit kuya, sabi ng kura ay papatayin daw niya ako sa palo pag hindi ko
inilabas ang pera. Kung totoo ko sanang ninakaw e di maililitaw ko, at saka patayin man nila ako ay may
maibibili kayo ng damit ng nanay *Tinugtog ulit ni Basilio ang kampana 

1-14 Basilio: Ang inaalala ko ay makakagalitan ka ng nanay pag nalaman ito

1-15 Crispin: Ganon ba kuya? sabihin mo sa nanay na marami na akong natanggap na palo. Ipapakita ko
sa nanay ang mga latay ko. Pati ang butas kong bulsa.

1-16 Basilio: kung magsumbong ang kura? 

*Umiyak si Crispin 

1-17 Crispin: kung ganon ay ikaw nalang ang umuwi, sabihin mo sa nanay na may sakit ako! Hindi ako
uuwi 

1-18 Basilio: huwag kang umiyak crispin, hindi maniniwala sa kanila ang nanay. At saka hindi ba sabi ng
matandang tasyo na masarap daw ang inihandang pagkain sa atin ng nanay? 

1-19 Crispin: Masarap? Hindi pa nga ako kumakain. Hindi raw ako papakainin habang hindi ko inililitaw
ang pera, paano kung maniwala sa kanila ang nanay? 

*Natigilan ang pag uusap ng magkapatid nang dumating ang sakristang mayor. 

1-20 Sakristang mayor: Magmumulta ka ng kalahati basilio, pagkat mali ang tugtog mo sa kampana! At
ikaw naman crispin ay maiiwan ka rito hanggang sa ilitaw mo ang iyong ninakaw.

1-21 Basilio: May pahintulot na po kaming makauwi, hinihintay na po kami ng aming ina. 

1-22 Sakristang mayor: Hindi! mamayang alas-diyes kapa makakaalis.


1-23 Basilio: Ginoo, alas-nwebe pa lamang po ay hindi na maaaring maglakad sa daan, sigurado akong
mahuhuli kami ng-

1-24 Sakristang mayor: Aba! Inuutusan mo ba ako!? (*Hinila ang braso ni basilio papalapit sa kanya) ito
tatandaan mo ha. Mas mataas ang posisyon ko sa inyo, isaksak mo yan sa kukote mo! Naintindihan mo? 

1-25 Basilio: opo

1-26 Sakristang mayor: maiiwan ka rito at ikaw naman (ituturo si crispin) sumama ka sa akin 

*Hindi gumalaw si crispin kaya hinila ito ng kura

1-27 Crispin: (*nagsimulang umiyak) kuya!! Tulungan moko, kuya!! 

(Hindi magawang mailigtas ang kanyang kapatid,Ilang oras pa ay nagbalak na tumakas si basilio sa
sakristan mayor. mag alas onse ng gabing iyon ay sa labas ng bayan naman abalang naghahanda ng
makakain ang kanilang inang si Sisa, para sa kanyang dalawang anak at sa kanyang asawa.) 

Scene 2: 

*Biglang dumating ang asawa ni sisa at pinaspasan ang kain

2-11 Asawa ni Sisa: buti naman naisipan mong magluto ng mga masasarap gaya nito.
(Hinimas ang tiyan) 

2-12 Asawa ni Sisa: sya nga pala, asan na sila crispin at basilio? 

2-13 Sisa: darating din ang mga iyon. *Napangiti habang tinitignan ang asawa 

(Napangiting nasisiyahan si Sisa. Nasabi tuloy sa sarili na hindi na sya maghahapunan. sapagkat ang
natirang pagkain ay hindi na huhusto sa tatlong tao. Sapat na ang pagtatanong ng lalaki sa magkapatid
para makadama ng pagkabusog si Sisa.) 

(Kinuha ng lalaki ang kanyang sasabungin at anyo) 

2-14 Sisa: Hindi mo na ba hihintayin ang mga anak mo? Sabi ni pilosopong tasyo ay marunong nang bu-
masa si Crispin, at saka baka maka sweldo ngayon si Basilio.. 

2-15 Asawa ni Sisa: Aba! e, di ipagtira mo ako ng piso! (Wika nito na sinabayan ng alis) 

*Napaluha si Sisa. Gayunman ay mabilis nya itong pinahid nang maalala ang mga anak.

2-16 Sisa: (Abalang naghahanda ulit ng makakain) Tiyak na masarap ang kain nila pagdating, malayo
ang pinanggagalingan nila, at walang pinatatawad ang gutom ng sikmura..

*Habang naghihintay sa mga anak ay inihuni niya ang isang kundiman malapit sa kanilang bintana
* Pagkatapos kumanta ay biglang nagdasal

2-17 Sisa: Panginoon, sana po ay makauwi ng ligtas ang aking mga anak, ilayo nyo sila sa mga mas-
asamang gawain, nawa'y tulungan po ninyo silang lutasin ang mga pagsubok na dumating sa kanilang
buhay. 
Scene 3: 

2-18 Basilio: Buksan n'yo ang pinto, Nanay! Buksan n'yo!

2-19 Sisa: Mga anak ko! (dali- dali syang tumakbo at niyakap ang anak habang hindi mapigilan na
maiyak) 

2-20 Basilio: Huwag po kayong mag alala nanay, nasa kumbento si Crispin.. 

2-21 Sisa: sa kumbento!? Naiwan sa kumbento!? Buhay ba si Crispin?

*Tumingila si basilio at tumango 

2-22 Sisa: Buhay si Crispin! Iniwan mo sya sa kumbento! Pero bakit may dugo ka sa noo!? Nahulog
kaba!? 

2-23 Basilio: Nang kunin ng sakristang mayor si Crispin ay sinabing hindi ako pwedeng umuwi kundi alas-
diyes ng gabi. Tumakas po ako. Sa bayan ay sinita ako ng mga civil. Binaril nila ako at nadaplisan sa
noo. 

2-24 Sisa: Diyos ko! Diyos ko! Isang pulgada pa at napatay kana nila! Napatay nila ang aking anak, Hindi
na nakaalala sa kanilang mga ina ang mga guardia civil na yan! 

2-25 Basilio: Nanay, ang sabihin niyo sa kanila ay nahulog lang ako. Hindi dapat malaman ng sinuman na
hinabol at binaril ako ng mga civil. 

2-26 Sisa: Bakit naiwan sa kumbento si Crispin? 

( Saglit na tinignan ng anak ang ina. Pagkatapos ay niyakap ito at ikinuwento ang tungkol sa bintang kay
Crispin. Ngunit sinadyang hindi banggitin ang ginawang pagpapahirap sa kapatid.unti- unting nauubos
ang langis sa ilawan. Ilang sandali silang hindi umimik na mag ina) 

2-27 Sisa: kumain kana ba? Hindi? May tuyong tawilis

2-28 Basilio: wala po akong gana kumain, nanay inumin nalang po

2-29 Sisa: Oo anak, alam kong wala kang hilig sa tuyong tawilis. Ipinaghanda ko kayong magkapatid ng
masarap na hapunan, pero dumating ang tatay nyo..

2-30 Basilio: dumating ang tatay!? 

2-31 Sisa: Dumating sya, Ang sabi, pag nagpakabait daw kayo ay babalik sya at hindi na aalis sa ating
piling *masiyahing tono

2-32 Basilio: Ahh

2-33 Sisa: Anak (parang nakikiusap ang tinig) 

2-34 Basilio: patawarin nyo ako nanay, pero hindi ba lalong mabuti kung tayong tatlo na lamang? Kayo, si
Crispin at ako?... Umiiyak kayo, nanay? O, sige ituring na lamang ninyo na wala akong sinabi..

2-35 Sisa: Sige Anak, ayaw mo rin lang kumain ay matulog na tayo, hating gabi na 
( Isinara ni Sisa ang pinto at bintana. Sa tabi ng kanyang ina natulog si basilio nakaramdam sya ng
magkahalong lamig at init. Pilit na ipinikit ang mga mata ngunit para pa rin nyang nakikita ang kapatid na
naiwan sa kumbento. Hindi nagtagal at inaantok din sya hanggang sa tuluyang makatulog.)

( nanaginip si Basilio nakita nyang pinaparusahan ng kura ang luhaang si crispin, binigyan ito ng sunod
sunod na palo, nakabulagta si crispin at pinag sisipa ng kura dahil sa pag- ungol ay ginising ni sisa si ba-
silio) 

2-36 Sisa: basilio? Basilio! Binabangungot ka, iyak ka ng iyak

2-37 Basilio: masama ang panaginip ko nanay, diyos ko! Sabihin nyo nanay na hindi totoo ito, na ito'y is-
ang panaginip lamang! 

2-38 Sisa: Ano ang napanaginipan mo Anak? Sabihin mo? 

*Hindi ipinagtapat ni Basilio kung ano ang kanyang napanaginipan 

2-39 Basilio: Nanay.. may binabalak po ako ngayong gabi 

2-40 Sisa: Anong balak? 

2-41 Basilio: Aalis napo ako sa pag sasakristan, Nanay! 

2-42 Sisa: Ano?

2-43 Basilio: Makinig po kayo nanay, kakarating po lamang ni crisostomo Ibarra, anak ng nasirang si Don
Rafael Ibarra, sundin po ninyo bukas si Crispin. kunin ninyo ang sahod ko at ipakisabi sa kura na ayoko
nang mag sakristan. Pag magaling na ako ay makikiusap ako kay Don Crisostomo na gawin akong pastol
ng kanilang baka at kalabaw. Si crispin naman ay makakapag aral kay pilosopong tasyo, ano po sa
palagay nyo nanay? 

2-44 Sisa: syempre, ano pa sasabihin ko kundi oo! (Niyakap ang anak) 

Scene 4: Simbahan 

(Mag- iikapito na ng umaga nang matapos ni Padre Salvi ang pang-ulo at huling misa na patungkol sa
mga kaluluwa) 

Kura: ngayon araw, sa pagbabalita sa inyong lahat ay umaayos na ang aking pakiramdam. bagama't kail-
angan ko pa rin ng pahinga *inubo pinilit ko tapusin ang misa para sa inyo dahil batid kong marami sa
inyo ang pumunta rito para lamang makinig at makita ako. kaya maraming salamat sa inyong pagdalo 

2-55 Manang 1: May sakit pa yata ang pari, 

2-56 Manang 2: Matamlay sya ngayon, Wala ang dati niyang sigla. 

*May nakasalubong si Padre salvi na walong babae at isang lalaking palakad- lakad na naghihintay sa
kanya. Sinalubong sila pagkakakita sa pari para magmano ngunit hindi iniabot ni Padre Salvi ang kamay 

2-57 Pangalawang babae: sa tingin nyo sino kaya ang napili ni padre salvi para pabigkasin ng sermon sa
pistang bayan? 

2-58 Unang babae: Si padre Damaso? 


2-59 Pang apat na babae: O di kaya si Padre Martin? 

2-60 Pang limang babae: O di kaya naman ang coadjuctor na syang katulong na pari ng kura. 

(Masayang nagkukwentuhan ang grupo habang hinihintay ang tawag ni Padre Salvi. Pinag- uusapan nila
ang mga paraan kung paano sila magkakamit ng Indulgencia plenaria o kapatawaran sa naghihirap ng
mga kaluluwa sa pugatoryo. Ilang oras pa ay dumating na si sisa) 

- Kusina sa kumbento

2-61 Sisa: Saan ko ilalagay ang mga gulay na ito? 

2:62 Kusinero: Kahit saan dyan! 

2:63 Sisa: puwede po bang kausapin ang pari? 

2-64 Utusan: may sakit…

2-65 Sisa: Si crispin po? Nasa sakristiya po ba? 

2-66 Utusan: Si Crispin? (ulit nitong naka noo) wala ba sa bahay ninyo? 

2-67 Sisa: gusto pa yata ninyong pagtakpan? 

2-68 Utusan: si basilio po ang nasa amin pero si crispin ay naiwan dito..

2-69 Sisa: gusto ko syang makita 

2-70 Utusan: naiwan nga sya rito, pero matapos magnakaw ay tumakas. Pinapunta ako ng kura sa
kuwartel para isuplong sa mga guardia civil siguro ay nasa bahay ninyo sila para huliin ang inyong mga
anak. 

2-71 Pangalawang kusinera: wala kayong mapapala sa ganyang klaseng anak. Mabuti kayong may ba-
hay pero ang mga bata ay sa ama nagmana. Pag ingatan ninyo ang maliit at baka maging mas masama
pa kaysa sa iyong asawa. 

*Nagtawanan ang iba habang si Sisa ay may gustong sabihin ngunit wala isa mang salitang lumabas.

(Nanaog at umiyak na si Sisa na halos ipagtulukan ng mga naroroon. Malapit ng gumabi ay hinahanap
nya ang kanyang mga anak. Sinabayan ng kidlat na sinusundan na dumadagundong na kulog. 
Parang ibinubuhos ang ulan at humahaginit ang malakas na hangin. Nasa kalye si Sisa habang tinatan-
ong ang mga nakikitang tao kung saan ang kanyang mga anak.)

2-72 Sisa: Ang mga anak ko! Nakita nyo ba sila crispin? Basilio?

*Titingin sa mga audience

2-73 Sisa: kayo? Nakita nyo ba sila? Asan na sila? *Hindi mapigilan hindi maiyak

2-74 Sisa: Oh panginoon ko! Bakit nangyayari ang lahat ng ito sakin at sa mga anak ko!

-End-

You might also like