Ako si Basilio ang aking ina ay si Sisa kapatid ko si Crispin ang aking ama
ay walang pakialam sa amin, namasukan kami ng aking nakababatang
kapatid sa kumbento ngunit sa kasamaang palad ay napagbintangang siya ay isang magnanakaw, gusto na sana naming umuwing magkapatid sa aming tahanan ng hapong iyon sapagkat sabik na kaming Makita an gaming ina bukod doon nag handa ang aking ina ng isang hapunang pangkura para daw iyon sa aming magkapatid, ngunit hindi kami pinayagan na umuwi ng maaga ng kura sapagkat pilit niyang pinalalabas ang ninakaw daw angking kapatid na si Crispin, ilang saglit lang ay pinanuntahan kami ng sakristan mayor at pilit na pinalalabas ang onsa na kinuha daw ni Crispin sinaktan ng sakristan mayor ang aking nakababatang kapatid gustong gusto ko siyang tulungan ngunit kinaladkada ang aking kapatid pababa ng hagdan pilit na lumalaban ang aking kapatid na si Crispin sa nanakit sa kanya ngunit wala itong magawa, pinalo ng isang matigas na bagay ang aking kapatid na si crispin bumagsak ito sa sahig at nawalan ng malay, di pa natapos doon ang kalupitan sa kanya ng kura, sa takot ko ay ay tumakas ako sa kumbento,sa aking pagtakas ay nakita ako ng guwardiya sibil at pinaputukan ako at dumaplis sa aking nuo ang bala. Pagdating ko sa aming tahanan ay nag-aalala sa akin ang aking ina ng Makita na may dugo ang aking noo, di ko sinabi sa aking ina ng tunay na nang yari kay Crispin dahil ayaw ko na siya ay mag-alala, sinabi ko pa sa aking ina na sabihin sa mga taong magtatanong sa kanya na kaya siya nagkasugat sa noo ay dahil nahulog ako sa puno. Sa aking panaginip ay nakita ko ang kalunos lunos na nagyari sa aking kapatid, pero di ko parin pinagtapat sa aking ina, nais ko sanang huwag ng magtrabaho sa kura nais ko na magtrabaho na lamang kay Crisostomo Ibarra dahil naniniwala ako na kasing buti rin siya ng kanyang ama.Gust kong makakain kami ng masasarap na pagkain tuwing pasko at makapagsuot ng mga bagong damit gusto kung mapag-aral ang aking kapatid na si Crispin nais ko siyang pagtapusin ng ng Medisina napakarami kung pangarap para sa aking kapatid at ina.