You are on page 1of 2

BASILIO MONOLOGUE

(Intro)
Si Basilio ay isang batang lalaki na nakatira sa San Diego at ang nakatatandang kapatid ni
Crispin. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang ina at pagkawala ng kanyang kapatid, tumakas si
Basilio sa bayan at dinala ni Kapitan Tiago. Nakatira sa Maynila, siya ay naging isang medikal
na estudyante, sumapi rin sa organisasyon ng mga mag-aaral na nagtatangkang magtatag ng
Castilian Academy.

Ako nga pala si Basilio, Ina ko ay si Sisa. kapatid ko si Crispin, Mahal ko Ang aking Ina at
Kapatid . Mahirap lamang ang buhay, gusto ko lang naman, na makasama ang aking pamilya at
magkaroon ng masaya at magandang buhay. Inay, wag ka mag-alala nasa kumbento si Crispin,
ngunit si Crispin, si Crispin ay hindi na natin makakapiling. Ako'y nagtanan nang makita kong
kinaladkad si Crispin ni Sakristan Mayor at ayaw akong paalisin kundi ikasampu ng gabi
Nakasalubong ko ang ilang Gwuardiya Sibil at sinigawan ako ng quien vive, ako'y tumakbo.
Pinaputukan nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo. Sumunod na gabi
napaginipan ko si Crispinna nagtatago sa Kura. Hinampas si Crispin ng yantok. Hindi natiis ni
Crispin ang sakit kaya kinagat niya ang kamay ng Kura.Sinunggaban ng Sakristan Mayor ang
tungkod at pinalo kay Crispin dahilan ng pagkawala ng aking nakababatang kung Kapatid.
Bakit?...Bakit ito nangyari kay Crispin?.

KATANGIAN NI BASILIO

1. Sa Noli Me Tangere si Basilio ay isang mapagmahal sa kanyang naka babatang kapatid na si


Crispin.

2. Siya ay matapang dahil sa murang edad pa lamang noon ay pilit niyang ipinagtatangol ang
kanyang kapatid sa pag paparusang ginagawa dito.

3. Si Basilio ay isang mapagmahal na anak, lagi niyang inaalala ang kanyang ina.

4. Si Basilio ay puno ng pangarap

5. Si Basilio ay masikap na bata, sapagkat sa murang edad ay nagtrabaho na sila ng kanyang


kapatid upang makatulong sa kanilang ina.

6. Si Basilio ay malakas ang loob at matalino, nagawa niyang tumakas sa Kumbento ng saktong
alam niyang nasa panganib na ang kanyang buhay, ginamit niya ang isang kumot upang
makatakas. Siya ay nagtago sa kagubatan sa takot na matunton siya ng mga guwardiya sibil at
matulad siya sa kanyang kapatid na si Crispin.

You might also like