You are on page 1of 5

Tauhan:

Crisanta
Tatlong kaibigan: ___________, ___________, ____________
Mang ___________
Deity # 1 __________
Santelmo
Kalaban 1: _________

Tagpuan:
Lungsod ng Maynila – Kinagisnan ni Crisanta na kung saan dinala ng mga magulang nito.
Bayan ng ___________ -

Kabanata 1: Ang Paghahanda

Hindi madali ang buhay na kinagisnan ni Crisanta. Kinailangang magsakripisyo ang kaniyang
mga magulang upang mailayo sa gulo ang pamumuhay nito. Ngunit, nakatakda na ang tamang
panahon upang hanapin ang tunay na dahilan kung bakit siya nabubuhay sa mundong ito.

Halina't samahan si Crisanta sa kaniyang paglalakbay.

Crisanta: Magandang Araw! Ako nga pala si Crisanta, ikaw ang isa sa magiging gabay ko sa
aking paglalakbay. Ikinagagalak kong makita kita ngayon.

Crisanta: Ito ang aming tahanan na kung tawagin ay apartment at ito ang aking kinagisnan.
Ngunit, may kulang, hindi pa buo ang aking pag-katao. Kaya ay samahan mo ako sa aking
paglalakbay upang hanapin ang aking sarili.

Crisanta: Halina't tayo ay magsimula!

Sa lungsod ng Maynila nakatira si Crisanta. Sa kabila ng mapang-aping tadhana, pinilit nito na


mamuhay nang mapayapa. Isang araw, may dumating na sulat mula sa estranghero na galing pa
sa kabing nayon. Ang nilalaman nito ay kaniyang misyon na kalabanin ang mga paparating na
kalaban mula sa kabilang nayon. Malalaman kaya nito ang tunay na dahilan ng paglusob ng mga
ito?
Misyon:
- Kalabanin ang mga paparating na kalaban.
- Ang isang kalaban ay may dalang liham galing sa kanilang pinuno na naglalaman ng
babala para sa susunod na kabanata. (“Huwag basta basta mag-titiwala sa paligid”)
- Hanapin ang susi upang mabuksan ang isang ‘warehouse’ upang kumuha ng mga
sandata para sa susunod na kabanata.

Bago lisanin ni Crisanta ang lugar na kung saan tinapos nito ang mga lumusob na kalaban,
nagpakita si Deity #1________ upang magbigay ng babala sa darating na panganib at bigyan ng
parangal (aral) dahil sa angking tapang na ipinakita hindi lamang para sa komunidad kundi ay
maging para sa sarili.
___________ : Binabati kita sa angking tapang na iyong ipinakita. Nakuha mo ito sa iyong ama
at iyong ina. Tila nga na ang babae ay hindi babae lamang. Ngunit mag-iingat ka sa susunod na
paglalakbay dahil may matutunghayan kang katotohanan tungkol sa iyong pagkatao.
Cristanta: Anong nalalaman mo tungkol sa pagkatao ko?
____________: Ikaw ang bahalang tumuklas nito. Hanggang dito na lamang muna ako.

Paglabas ni Crisanta sa Lungsod kung saan kinalaban nito ang mga kalaban, nakilala nito ang
kaniyang dating kaibigan na sina ______A_____, ______B______, at _____C______. Ilang
taon na rin ang lumipas noong huli nitong kita sa isa’t isa.
_A________: Crisanta! Ikinagagalak ka naming makitang muli. Kumusta ka?
Crisanta: Ikinagagalak ko rin kayong makitang muli A_________, B_________, at
C__________. Ayos naman, ako ay nasa isang paglalakbay upang mahanap ang katotohanan sa
aking pagkatao.
_B________: Ganoon ba? Maaari ka naming samahan sa iyong paglalakbay, upang mas
mapadali ang lahat.
_C_________: Kaya’t halina!
__A_at__C____: AAAAAAAAAAAAA!! Nakikita niyo ba ang mga paparating? Natatakot
ako…
Crisanta: Mga kalaban! Magsihanda kayo!

Nakipaglaban si Crisanta at ang kaniyang tatlong kaibigan sa mga kalaban. Pagtapos nito tapusin
ang mga kalaban, may ibinigay na isang Jigsaw Puzzle ang mga ito na siyang dagdag sa
koleksiyon ni Crisanta upang magkaroon ng ideya sa katotohanan.

___B_____: Kung may ibinigay na isang pirasong Jigsaw Puzzle, sa tingin ko ay mayroon itong
kasunod na paparating na bitbit ang iba pang parte nito.
Crisanta: Sa tingin ko nga, kung kaya ay maghanda pa tayo sa paparating na kalaban.

Nakipaglaban sila sa mga kalaban hanggang makabuo ang isang larawan mula sa isang puzzle.
Ngunit may isang piraso na hindi pa natutuklasan at ito ay gitnang bahagi ng larawan. Ngunit
bago ito, kailangan nilang pumunta sa arbularyo upang magpagamot sa sugat na natamo mula sa
mga kalaban. Siya si Mang _________, ang isa sa mahusay na albularyo ng bayan. Nang
makarating ang magkakaibigan sa tahanan nito, agad itong tinulungan ni Mang _________ at
binigyan ng lunas ang mga sugat nito.

Mang _____________: Mag-iingat kayo sa paligid ninyo, maraming panganib ang darating.
Naniniwala ako sa inyong kakayahan na maprotektahan ang bayan na inyong pinagmulan.
Crisanta: Ano pong ibig ninyong sabihin?
Mang _____________: Hanapin ninyo ang mapa sa bayan ng __________, ito ang magbibigay
sa inyo ng direksyon patungo sa nais ninyong puntahan.

Crisanta: Maraming Salamat po! Hanggang sa muli!

Nagpunta si Crisanta kasama ang kaniyang mga kaibigan sa bayan ng _________ upang hanapin
ang nawawalang mapa. Alam nito na kulang pa rin ng isang pirasong jigsaw puzzle upang
mabuo ang isang larawan, ngunit, ibinahala na muna at hanapin ang mapa. Masayang nag-lakbay
ang magkakaibigay sa dahilang muli nitong pagsasama. Pagdating sa bayan ng _________,
naroon ang mga nagliliwanag na tahanan na tila ba’y bukas ito para sa lahat sapagkat makikita
rito ang mga ilaw na nakakabit sa bawat tahanan. Umihip nang malakas na hangin tanda na
panganib na paparating. Tama nga ang naging kutob ni Crisanta, may kalaban na naman silang
kakaharapin ngunit iba ito sa mga naunang kalaban. Nang lumabas ang mga kalaban, natakot si
____A______ at agad na tumakbo papalapit sa kaibigan nito.
Kalaban _________: Anong ginagawa ninyo sa bayang ito? Alam kong may kailangan kayo,
kaya sabihin ninyo!
Crisanta: Ang mapa, nasaan?
Kalaban _________: Hindi ninyo iyon makukuha! Kailangang ubusin muna ang aming hanay at
dumiretso sa aming panginoon. Ikaw lamang Crisanta ang nais niyang makita.
Crisanta: Handa namin kayong harapin!

Nagsimula ang magkakaibigan na kalabanin ang bawat kalaban, hirap ito dahil hindi pa nahahasa
ang kakayahan sa pakikipaglaban ngunit nagawa pa rin nitong wakasin ang lahat. Nang matapos
ito sa pakikipaglaban ay awtokmatiko itong napunta sa isang hindi maipaliwanag na lugar.
Madilim ang paligid na tila ay tanglaw lamang (torch) ang nagsisilbing linawag dito. ‘Nasa
kweba ako!’ bulong si Crisanta sa kaniyang isipan. Nang magsimulang maglakad si Crisanta at
sundan ang liwanag, lumabas ang hindi maipaliwanag na imahe ng isang halimaw, at iyon ay si
Santelmo. Si Santelmo ang isang uri ng espiritu ng apoy na katulad ng imahe ng isang tao ngunit
balot na balot ito ng mainit na karasanan, ang apoy.

Santelmo: Kanina pa kita hinihintay, Crisanta. Alam ko ang iyong layunin ay makuha ang isang
mapa ngunit bago ko iyon maibigay ay kailangan mo muna akong wakasin. Iyon ng tanging
paraan upang makalaya ako sa pait ng nakaraan. Kung iyon ay matatalo mo ako.

Crisanta: Alam kong lahat ng bagay ay may dahilan, hinayaan mong lusubin ka ng sarili mong
hinanakit at dalamhati. Kaya, hanggang ngayon, masakit ang apoy na ipinaramdam sa iyo ng
sarili mong karanasan…
Crisanta: Hayaan mong tulungan kita.

Santelmo: Hindi ko kailangan ng tulong mo! Tatapusin kita ngayon din!

Nagsimulang maglaban ang dalawa, gumamit si Santelmo ng kaniyang mga kasanayan sa


paggamit ng mahika ng apoy. Hirap si Crisanta na tapusin ito dahil sa angking galing at mahika
ng kalaban. Ngunit dahil sa tapang at talinong ginawa ni Crisanta, natapos nito si Santelmo at
nagsimulang manghina dahil sa mga sugat na natamo nito.

Crisanta: Mabuti kang tao, nararamdaman ko iyon. Hinayaan mong kainin ka ng apoy ng
nakaraan. Ngunit hindi pa huli ang lahat upang magsilimulang muli sa buhay.

Santelmo: Ikinagagalak kong makilala kita, ito ang mapa na iyong ninanais, ibibigay ko rin sa
iyo ang aking mahika na nakakapaglabas ng apoy upang maging dagdag sa iyong proteksyon.
Salamat, naiintindihan ko na ang lahat. Magiingat ka hiha, hanggang sa muli.

Pagkatapos maglaho ni Santelo ay bumalik si Crisanta sa reyalidad. Nakita nito ang kaniyang
mga kaibigan na naghihintay sa kaniyang pagbabalik. Lumapit ang mga ito kay Crisanta at agad
na tinanong.
_____B____: Anong nangyari?
Crisanta: Mahabang kwento, hayaan ninyong ikuwento ko sa inyo sa susunod. Ngunit sa ngayon,
ako na lamang mag-isa ang maglalakbay upang walang mapahamak pa sa inyo. Salamat sa pag-
sama, hindi ko iyon malilimutan.
___A______: Naiintindihan naming ang iyong nais mangyari, tanggap naming kung ano ang
iyong magiging desisyon.
Crisanta: Salamat!

Ito ang kaganapan bago umalis si Crisanta sa Kabanata 1: Ang paghahanda. Makikita na may
lagusan ito patungo sa pangalawang kabanata.

You might also like