You are on page 1of 21

“Hanggang sa dulo ng

Magpakailanman”
Scene 1
(Dadating si Lola Tina at kanyang madadatnan ang kanyang mga apo na masayang nagkekwentuhan, umupo siya sa
kanyang paboritong upuan at sinamahan sa pagsasaya ng kanyang mga apo.)

Lola Tina: Magandang hapon mga apo! Kamusta kayo?

Mga Apo: Magandang hapon rin Lola. Okay lang po kami, nagkekwentuhan lang po ng mga bagay bagay.

Lola: Mga apo, nais niyo bang makarinig ng isang kuwentong tungkol sa pagibig?

Mga bata: Opo!

Lola: Ito ay isang kwento nang dalawang tao pinagtapo pero hindi itinadhana.

Aling Esther: Bili na kayoooo, puto't kutsinta.

Cristina: Inay, parang hindi masyadong mabenta ang ating paninda ngayon.

Aling Esther: Kaya nga anak, tara umuwi na lang tayo. Bilisan natin at parang uulan na.

*Tumakbo si Cristina at ang kanyang ina*

(Nauuna nang pagtakbo si Aling Esther dahil hindi masyadong makalakad ng maayos si Cristina dahil sa kanyang
kasuotan. Napatingin siya sa ulap dahil ito'y makulimlim na. Habang nakatingala sa kalangitan, hindi napansin ni
Cristina ang kanyang dinadaanan hanggang sa nakabangga na pala siya.)

*Natumba si Cristina, kaya naman tinulungan sya ng lalaking nakabangga sa kanya*

(Napatingin si Cristina sa lalaking nakabunggo sa kanya, napatulala siya at di nya alam ang gagawin dahil kumabog ng
malakas ang kanyang dibdib)

Nakakakaba
Nakakaaliw, Nakakakilig, Nakakabaliw
Napapakanta, Napapaisip, Napapangiti
Nakakabaliw Oh oh pag-ibig, Oh oh pag-ibig
Oh oh pag-ibig, oh oh

Gabriel: Paumanhin Bata.

(tinulungan ng lalaki si Cristina at agad agad tumakbo, naiwang nakatulala si Cristina)

Scene 2
(Makalipas ang sampung taon)

Cristina: Daniela! Kamusta ang bakasyon?

Daniela: Ayos lang naman, ikaw ba Cristina?

(May dalawang batang nagkabungguan at naalala ni Cristina ang pagkakataong nakita niya ang lalaking
pinangarap niya simula noon.)

Cristina: Alam mo kahit ilang taon pa ang lumipas, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Kahit na hindi ko
naitanong ang kanyang pangalan, nakatatak naman sa aking isipan ang napaka gwapo
nyang pagmumukha (habang nakatulala)
Daniela: Haynako ayan ka na naman sa pananaginip mo ng gising, halika na nga!

Scene 3

(Sa paaralan)

Gng. Mercado (Guro): Magandang umaga sa inyo

Mag aaral: Magandang umaga din po Gng. Mercado.

Guro: Mayroon nga pala kayong magiging bagong kaklase (lumingon sa pinto) halika na dito Mr. Montero,
magpakilala ka.

Gabriel: Magandang umaga ako nga pala si Gabriel Montero (ngumiti ng nahihiya)

(Pumasok ang lalaki, kaya napatingin ang mga mag-aaral, habang si Cristina ay napatulala dahil ang lalaking iyon ang
lalaking matagal na nyang gustong makita muli)

Guro: Mr. Montero umupo ka na sa bakanteng upuan. (Naghanap ng bakanteng upuan) Doon ka na lang umupo sa
tabi ni Ms. Andrada.

(Tumabi si Gabriel kay Cristina habang itoy nakatulala pa rin kay Gabriel)

Oh kay tagal kitang hinanap


Oh kay tagal ko ring nangarap
Na makapiling ka
Oh aking mahal...
Pangakong hindi ka iiwanan
At hindi pababayaan
Oh anong saya ang nadarama

Gabriel: M-Magandang Umaga *nahihiyang bumati kay Cristina*

(Ngumiti lang si Cristina dahil hindi nya alam ang kanyang sasabihin)
(Nagturo na ang guro at lumipas ang oras at tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase.)

Scene 4

(sa bench)

Cristina: Daniela! Natupad na ang aking kahilingan!

Daniela: Mag hunos dili ka nga, ano ba ang iyong sinasabi?

Cristina: Ang lalaking nakabanggaan ko dati! Sya ang bagong kaklase natin ngayon!

Daniela: *lumaki ang mata* Talaga? *tumili*

(Tinakpan ni Cristina ang bibig nito dahil sobrang lakas ng boses nito)

Cristina: Pero malamang hindi na nya ako naaalala dahil matagal na panahon na ang lumipas

Daniela: Ang mahalaga ay nandito na sya Tin, natupad na ang isa sa mga pangarap mo. *Kinikilig para kay Cristina*

Cristina: Halika na nga at umuwi na tayo, tutulungan ko pa si inay sa paglalako.

(Naglakad na ang dalawa)

Scene 5

(Naglalako ng kakanin si Cristina at ang kanyang ina. Napansin ni Cristina na masama ang pakiramdam nito.)

Cristina: Mabuti pa nay ay bumalik na kayo sa bahay, ako na ang mag lalako nito.

Aling Esther: Ayos lang ba anak? Pasensya na siguro'y sobrang napagod ako sa paglalaba kahapon kaya sumama ang
pakiramdam ko.

Cristina: Sige na nay, umuwi na po kayo, ako nang bahala dito.

(Umalis na ang kanyang ina at habang naglalakad ay bigla na lang may kumuha ng bag niya kung saan nakalagay ang
perang kinita niya.)

Cristina: Hoy magnanakaw! Tulong!

(Bago pa man makatakbo si Cristina sa magnanakaw ay tumumba na ito dahil sa suntok ng isang lalaki. Nagulat si
Cristina dahil ang lalaking iyon ay si Gabriel. Dinampot ng mga tanod ang magnanakaw at Ibinalik ni Gabriel ang bag
kay Cristina.)

Cristina: Maraming salamat (nahihiyang tumungo)

Gabriel: Walang anuman, teka, kaklase kita diba? Ikaw ang katabi ko sa upuan.

Cristina: Oo ako nga, Cristina nga pala.

Gabriel: Ako si Gabriel *Inabot ang kanyang kamay*

(Matagal na nakahawak ang kanilang kamay sa isa’t isa.)

*Background Music*
Hawakan mo ang kamay ko
Ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
‘Di mo ba pansin?

Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo

(Napansin ni Cristina na magkahawak pa rin sila ng kamay at agad na binitawan ito. Natawa naman si Gabriel dahil sa
inasal ng dalaga.)

Gabriel: Alam mo nakakatawa ka, parang ang sarap mong kasama.

Cristina: H-ha? S-sige n-na k-kita na lang tayo bukas.

(Tumakbo na si Cristina at nang siya’y medyo nakalayo na, nilingon niya ang binata at nakita niyang nakangiti ito
sakanya. Agad siyang tumalikod, at hinawakan ang puso, pinakiramdaman ito at naramdaman niya ang bilis ng takbo
ng kanyang puso.)

Scene 6

(Naglalakad si Daniela papuntang paaralan, habang naglalakad ay nahulog ang mga gamit na dala dala nya sa
kanyang kamay dahil may nakabangga siyang tao. Hindi nito pinansin si Daniela, nagpatuloy lang ito sa paglalakad)

Daniela: Hindi man lang tumitingin sa dinadaanan! (habang pinupulot ang mga aklat sa lupa ay may kamay na
tumulong sakanya)

Gabriel: Ayos ka lang ba Binibini?


Daniela: *tumango* diba ikaw yung bago namin
kaklase?
Gabriel: Oo, papunta ka na rin ba sa room?
Daniela: Oo, nagmamadali na nga ako baka mahuli na ako
Gabriel: Tara sabay na tayo dahil parehas na tayong
huli sa’ting klase
Daniela: Sige
(Sabay silang nagtungo papunta sa room)
(Nang nakapasok na ang dalawa sa loob ay nakita iyon ni Cristina)
Cristina: Bakit magkasabay kayo ni Gabriel?
Daniela: Nagkasabay lang kami papasok.
(Tumatango lang si Cristina.)

Scene 7

(Nag uusap ang tatay ni Gabriel na si Ginoong Gabino Montero at ang tatay ni Daniela na si Ginoong Cruz)

Mr. Montero: Oh basta ba'y tayo ulit ang magkasosyo


sa negosyong ito
Mr. Cruz: Oo naman Gabino anupa't tayo magkaibigan,
siya nga pala balita ko'y lumipat na din dito ng pag-aaral ang iyong panganay na anak na si Gabriel
Mr. Montero: Oo, doon din sya nag aaral kung saan
nag aaral ang iyong anak na si Daniela siguro'y
magkaklase sila dahil magka edad lamang sila
Mr. Cruz: Siguro'y magkakasundo ang dalawang iyon,
at kung mamarapatin ay pwede silang maging
magkasintahan
(nagtawanan ang dalawa)

Scene 8
sa silid aklatan
(Mag isang naka upo si Cristina dahil inaaral nito ang kanilang leksyon)
(Sa kabilang banda'y naghahanap naman ng upuan si Gabriel, namataan nya si Cristina kaya lumapit sya dito)

*Background music*
Ikaw at Ako by Tj Monterde

Gabriel: Pwede ba akong umupo dito? Wala na kasing bakanteng upuan


(Nagulat si Cristina ng malaman na si Gabriel iyon)
Cristina: Oo naman, wala naman akong kasama dito
(Umupo na si Gabriel, tinuloy naman ni Cristina ang pagbabasa)
Gabriel: Mahilig ka rin pala magbasa ng mga aralin kapag may libreng oras
Cristina: Oo, kailangan kong mag aral ng mabuti upang hindi na mahirapan si inay sa paglalako ng mga kakanin.
Gabriel: Tiyak na magkakasundo tayo dahil ang silid aklatan din ang paborito kong tambayan
nagngitian ang dalawa

Lola: At naulit nga nang naulit ang pag sasama ng dalawa sa silid aklatan, halos araw araw ay silang dalawa ang
magkasama. Dahil dito ay unti-unti nang nahuhulog ang loob ng binata sa dalaga.

Scene 9
*sa ilalim ng puno*

(Umiiyak si Daniela)
(Naglalakad si Gabriel, nakarinig siya ng taong umiiyak, at nakita niyang si Daniela iyon)

Gabriel: Ayos ka lang ba Daniela? Bakit ka umiiyak?


(Tumingin lang si Daniela at pinunasan ang luha)
(Umupo si Gabriel sa tabi ni Daniela)
Gabriel: Pwede kang magsabi sa akin
bumuntong hininga muna si Daniela bago nagsalita

Daniela: Ang aking ama kase, sinabi nyang kapag natapos na ang pag aaral ko ngayong taon ay ipapakasal na nya ako,
hindi ko alam kung bakit sya ang nagdedesisyon ng buhay ko

Gabriel: Baka gusto lamang ng iyong ama na maging maganda ang iyong kinabukasan.

Daniela: Pero mali pa rin iyon, dapat ako ang may karapatan na magdesisyon dahil buhay ko ito

Gabriel: Wag mo nang alalahanin iyan, malay mo ay magbago pa ang isip ng iyong ama, tumigil ka na sa iyong pag
iyak pinunasan ni Gabriel ang luha ni Daniela sayang ang iyong ganda kung iiyak ka lamang.

Daniela: *natawa sa sinabi ni Gabriel* ikaw talaga (sabay hampas sa braso)


Gabriel: *tumayo* O siya mauuna na ako, may kailangan pa akong bilhin sa bayan
Daniela: Sige mag iingat ka

(umalis na si Gabriel)

Scene 10
(Habang naglalakad si Gabriel, nakita nyang naglalako ng kakanin si Cristina at nakikipag biruan pa ito sa mga
mamimili)

Gabriel: *sa isip* lalong gumaganda si Cristina kapag siya'y tumatawa kaya lalo akong nahuhulog sa kanya

*Background Music*
Ngiti by Ronnie Liang

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titingin sa akin


At baka matunaw ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling


At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin

Gabriel *sa isip* Balang araw ay masasabi ko rin sa’yo ang lihim kong pagtingin.

(At nagpatuloy na siya sa paglalakad papuntang bayan)

Scene 11
(Nakadungaw sa bintana si Daniela habang nakatulala, hindi mawala sa isip niya ang pagdamay sakanya ni Gabriel
kanina)
*bigla na lamang siyang napangiti habang inaalala si Gabriel*

Daniela: Hindi ako maaaring mahulog sakanya, mahal na mahal siya ni Cristina, siya ang unang nagmahal sa lalaking
iyon. Hindi ko siya pwedeng ibigin.

Ipagpatawad mo, aking kapangahasan


Mahal ko, sana'y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa'yo, ayaw nang lumayo
Ipagtawad mo, ako ma'y naguguluhan
Di ka masisi na ako ay pagtakhan
Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa'yo, ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo, minahal kita agad

Aah, minahal kita agad


Aah, minahal kita agad
Ipagpatawad mo, ooh...

Scene 12
*nakaupo si Cristina labas ng room*
(Tumabi sakanya si Gabriel)

Gabriel: Cristina...

Cristina: Uy

Gabriel: Naiinip ako wala akong magawa sa oras na ‘to

Cristina: Alam mo para di ka mainip kekwentuhan na lang kita, halika maglakad lakad muna tayo.

(nagsimula na silang maglakad lakad)

Alam mo ba noong pitong taon pa lang ako, mayroon akong nakabanggang lalaki, unang kita ko pa lang sakanya
noon, iba na yung naramdaman ko, hindi ko alam, hindi ko mapaliwanag yung naramdaman ko nung araw na yon,
sobrang bata ko pa non pero ibang iba na ang naramdaman ko sa lalaking yon. Simula non hindi ko na nakalimutan
ang mukha niya.

Gabriel: Alam mo din ba, noong bata ako may pangyayari din sa buhay ko na kagaya ng nangyari sa buhay mo.
Sayang lang at hindi ko naitanong ang kanyang pangalaan noon dahil ako'y nagmamadali...... Teka, ang lalaking iyong
tinutukoy mo ba ay ako Cristina?

(humarap si Gabriel kay Cristina at hinawakan ang kamay nito)

Cristina*nagulat* Gabriel...

Gabriel: Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito para aminin sa iyo ang nararamdaman ko

(Umiyak si Cristina)

Gabriel: Mahal kita Cristina, alam iyan ng mga tala at buwan na syang kasama ko sa nakalipas na mga taon.

Cristina: Mahal din kita Gabriel.

(hinawakan ni Gabriel ang mukha ni Cristina at saka niyakap ito)

*Background music*
Sayo by Silent Sanctuary

Minsan oo minsan hindi


minsan tama minsan mali
umaabante umaatras
kilos mong namimintas
Walang ibang tatanggapin
ikaw at ikaw parin
may gulo ba sa'yong isipan
di tugma sa nararamdaman

Kung tunay nga


ang pag-ibig mo
kaya mo bang isigaw
iparating sa mundo

Tumingin sa'king mata


magtapat ng nadarama
di gusto ika'y mawala
dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
sa'yo lang ang puso ko

kung maging tayo


sa'yo lang ang puso ko

Lola: Naging masaya ang pagmamahalan nila Gabriel at Cristina, halos araw araw ay sila ang magkasamang dalawa.
Magkasundo sila sa lahat ng bagay. Gustong gusto din ni Aling Esther si Gabriel para kay Cristina dahil ito'y mabait at
may pangarap sa buhay. Ngunit ang mga magulang ni Gabriel ay hindi pa alam ang kanilang relasyon.

Scene 13
*sa bahay ng mga Montero*

Mr. Montero: Malapit nang malugi ang ating kompanya

Mrs. Montero: Hindi yan pwedeng mangyari, pano na lang ang kinabukasan ni Gabriel?
Mr. Montero: Kailangan natin ng tulong ng mga Cruz. Gagawin ko ang lahat upang maisalba ang ating kompanya

Mrs. Montero: Tama na ang labis na pag iisip, matulog na tayo, mahal kong asawa.

Scene 14
*sa bahay nila Cristina*

(Nagliligpit ng damit si Cristina nang biglang may narinig syang kumakanta sa labas ng bahay)
sumilip si Cristina sa bintana

(Nakita ni Cristina ang dalawang lalaki sa labas ng kaniilang bahay. Si Gabriel pala ito kasama ang kanyang kaibigan na
may dalang gitara.)

*Nagsimula nang kumanta si Gabriel*

Uso pa ba ang harana?


Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Hindi ba't parang isang sine


Isang pelikulang romantiko
Hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man
Sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'why maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo

Isang munting harana .... para sayo *nakatitig sa mga mata ni Cristina*

(Pagkatapos kumanta ay binigyan ni Gabriel si Cristina ng bulaklak)

*napangiti si Cristina*

Cristina: Ano ka ba, hindi mo naman kailangang gawin pa ang mga bagay na ito

Gabriel: Lahat ng ito ay gagawin ko para lang mapasaya ka, binibini ko *sabay halik sa kamay*

Cristina: Lagi mo na lang pinapasaya ang damdamin ko, kaya habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagmamahal
ko sa iyo.

Gabriel: Kaya binibini ko, huwag kang magsasawa sa akin, ikaw lang ang aking mamahalin hanggang sa dulo ng
magpakailanman.

Cristina: Hinding hindi ako magsasawa, Mahal ko. Sige na umuwi ka na dahil gabi na, baka kung ano pang mangyari
sayo sa daan. Mag iingat ka mahal ko.

Gabriel: Paalam binibini ko, mahal na mahal kita. *hinalikan sa kamay*

(Umalis na si Gabriel)

Scene 15
sa skwelahan
Guro: Magkakaroon kayo ng proyekto sa Filipino. Sa proyektong ito ay dalawang tao ang magkasama. Nandito ang
mga magkakapareha, una, Andres at Paula sumunod ay sina Paulo at Donna sumunod ay sina Cristina at si Juan, ang
sumunod ay si Gabriel at si Daniela.
nagulat si Daniela na si Gabriel ang makakasama nya
Guro: Ayun lang, makakalabas na kayo lumabas ang guro

Gabriel: Cristina binibini ko, hindi kita masasamahan ngayon pag uwi, gagawa kami ni Daniela ng proyekto sa Filipino,
doon lamang kami sa silid aklatan.
Cristina: Sige Gabriel basta't kapag natapos na kayo ay umuwi ka na kaagad. tumingin kay Daniela Daniela, bantayan
mo si Gabriel ah sabay tawa sige mauuna na akong umuwi
(Umalis na si Cristina)
Gabriel: Mag iingat ka binibini ko

Gabriel: Daniela, halika na para matapos na tayo agad.


Daniela: Sabi nga pala ni Paulo ay madami daw tao ngayon sa silid aklatan, wala na daw mauupuan.
Gabriel: Pano na yan, saan tayo gagawa ng proyekto?
Daniela: nag iisip ah! Alam ko na, doon na lamang tayo sa ilalim ng puno malapit sa bahay
Gabriel: Sige, halika na
(Sabay silang naglakad)

sa puno
Gabriel: Kailangan muna nating basahib ang nasa libro upang maintindihan natin ang ating gagawin.
Daniela: ahh sigesige
binuksan ni Gabriel ang kanyang libro at nagbasa na, habang si Daniela ay napatulala na lang sa mukha ni Gabriel
maya maya'y natauhan na sya kaya naman nagbasa na rin sya
(Makalipas ang ilang sandali)
Daniela: sinarado ang libro hayy wala akong maintindihan
tumayo siya at pumutol ng sanga ng puno
Daniela: Aray! nasugatan ang kanyang daliri dahil sa sanga
(Tumayo si Gabriel at agad kinuha ang kamay ni Daniela, nakita nya itong dumudugo kaya kinuha nya ang kanyang
panyo upang punasan ito)
Gabriel: Ano ba kaseng ginagawa mo, hindi ka nag iingat
(Nagulat si Daniela sa ginawa ni Gabriel, napatitig ulit siya sa mukha nito, napangiti na lamang sya sa ginawa sa kanya
ni Gabriel)

Kasalanan ko ba by Neocolors

Daniela:
Ibang-iba ang nadarama
Ng puso ko sa iyo
'di ko na kaya ang
Umiwas pa sa piling mo
Alam ko mayroon ng nagmamahal sa iyo
Bakit ngayon ka pa
Natagpuan sa buhay kong ito
Kasalanan ko ba
Kung iniibig kita?
'di ko naman sinasadya ang mahalin kita (ang mahalin kita)
Kasalanan ko ba kung ang nadarama
Ay pag-ibig na tapat?
Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga

Gabriel: Mabuti pa'y umuwi na tayo, bukas na lamang natin ituloy ito.
Daniela: Sige, mabuti pa nga
(Kinuha nila ang bag at naglakad na)
Gabriel: Ihahatid na kita sa inyo baka kung ano pang mang yari sayo
Daniela: Naku wag na, wag ka na mag abala pa
Gabriel: Ihahatid na kita baka ako'y sisihin pa ni Cristina kung may mangyari sayong masama
napatango na lang si Daniela at napangiti dahil sa pagiging maginoo ni Gabriel

sa tapat ng bahay nila Daniela


Daniela: Salamat sa paghatid Gabriel
Gabriel: Wala iyon, dahil kaibigan ka naman ng aking mahal na si Cristina
Daniela: Sige, papasok na ako sa loob
tumango si Gabriel saka naglakad palayo habanng si Daniela ay pumasok na rin

Scene 16
sa bahay nila Daniela
Mr. Cruz: Daniela, anak
Daniela: Oh Papa, nandiyan pala kayo
Mr. Cruz: Si Gabriel ba iyong naghatid sayo? Ang anak ni Gabino Montero?
Daniela: Ah opo papa, gumawa po kami ng proyekto kaya't hinatid na nya ako pauwi.
Mr. Cruz: Ah ganoon ba, sige anak pumunta ka na sa iyong silid at magpahinga
Daniela: Sige po lumakad na ito paalis

Dumating si Mrs. Cruz


Mrs. Cruz: Si Daniela na ba iyon?
Mr. Cruz: oo, pinagpahinga ko na sa kanyang kwarto. May naghatid sa kanyang lalaki, ang anak ni Mr. Montero, iyon
ang balak kong ipakasal kay Daniela, mukhang magkaibigan naman sila tiyak na magkakasundo sila kung sila man ang
magkatuluyan.
Mrs. Cruz: Sigurado ka na ba sa iyong desisyon na iyan?
Mr. Cruz: Oo naman lalo na't nalaman kong magkaibigan pala silang dalawa. Ipapaalam ko na ito kay Mr. Montero,
tiyak na papayag iyon dahil nalulugi na ang kanilang kompanya, ako lang ang maaaring makatulong sakanya.

nakadungaw si Daniela mula sa kanyang kwarto at narinig ang pag uusap ng kanyang mga magulang
Daniela: nagsasalita mag isa Si Gabriel pala ang gustong ipakasal sa akin ni papa, wala namang kaso sa akin iyon dahil
mahal ko si Gabriel, ngunit nagmamahalan sila ni Cristina, ayokong makagulo sakanila. napaupo na lang, problemado

Scene 17
Nag uusap si Mr. Montero at Mr. Cruz
Mr. Cruz: Balita ko'y nalulugi na ang inyong kompanya
Mr. Montero: Oo nga eh, hindi ko na alam kung pano isasalba ito
Mr. Cruz: Matutulungan kita dyan ngunit sa isang kondisyon
Mr. Montero: Kahit ano pa yan, gagawin ko para lamang sa aking kompanya
Mr. Cruz: Ipagkasundo mo ang iyong anak na si Gabriel sa aking anak na si Daniela
nagulat si Mr. Montero sa sinabi ni Mr. Cruz
Mr. Montero: Kung yan lamang pala ay kakausapin ko ang aking anak tungkol diyan.
Mr. Cruz: Madali ka talagang kausap Mr. Montero kaya nagkakasundo tayo eh.

*nagtawanan ang dalawa*

Scene 18
*sa bahay nila Gabriel*

(Kumakain sina Gabriel at ang ina nito)

Nanay ni Gabriel: Kamusta na ng iyong pag aaral anak?


Gabriel: Ayos naman po Mama

*dumating si Mr. Montero*

Nanay ni Gabriel: Oh nakauwi ka na pala, halika na dito at kumain na tayo.


lumapit si Mr. Montero
Mr. Montero: May kailangan akong sabihin sayo Gabriel
Gabriel: Ano po iyon Papa?
Mr. Montero: Alam mo namang nalulugi na aking kompanya, kaya naman nanghingi ako ng tulong kay Mr. Cruz.
Gabriel: Cruz? Pamilya ni Daniela yan diba?
Mr. Montero: Oo anak, tutulungan nya ako ngunit sa isang kondisyon.
Gabriel: Ano naman iyon papa?
Mr. Montero: bumuntong hininga tutulungan niya ako kung magpapakasal ka sakanyang anak.
Gabriel: Ano? Papa, hindi maari!
Mr. Montero: Bakit naman? Binata ka naman at walang masama doon
Gabriel: Papa, may kasintahan na po ako
Mr. Montero: Ano? Hindi maaari, ito lang ang tanging paraan para maisalba ang kompanya, hiwalayan mo na ang
iyong nobya.
Gabriel: Pero papa-
Mr. Montero: Hiwalayan mo na yan tapos ang usapan. *tumayo ito at umalis*

Scene 19
*sa skwelahan*
(nadatnan ni Daniela na mag isa si Gabriel sa room)

Daniela: Gabriel pwede ba tayong mag usap? umupo ito sa tabi ni Gabriel
Daniela: Siguro'y alam mo na ang plano ni Papa at ng iyong ama.
Gabriel: Alam mong hindi maaaring mangyari iyon Daniela, mahal na mahal ko si Cristina.
Daniela: Ngunit wala tayong magagawa sa naging desisyon nila, kailangang magpakasal tayo.
biglang dumating si Cristina
Cristina: Kasal? Sinong ikakasal?
Gabriel: Cristina.. Wala iyon
Daniela: Gabriel sabihin mo na sakanya ang totoo.
Cristina: Totoo? Anong totoo? humarap kay Gabriel
Daniela: Na ikakasal kami ni Gabriel

Cristina:
Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan

Cristina: Gabriel totoo ba ito?


Gabriel: hinawakan ang kamay ni Cristina Oo Cristina pero-
Cristina: bitawan mo ako! bumitaw si Gabriel at tumakbo palayo si Cristina
(Susundan dapat ni Gabriel si Cristina ngunit pinigilan sya ni Daniela)
Daniela: Hayaan mo muna sya Gabriel
Gabriel: Bakit mo sinabi sakanya? *pagalit*
(hindi na hinintay ni Gabriel na sumagot si Daniela at sinundan na nya si Cristina)

Scene 20
*hinabol ni Gabriel si Cristina*

Gabriel: Cristina, sandali lang mag usap tayo


Cristina: *humarap* Bakit hindi mo sa akin sinabi yon? *umiiyak*
Gabriel: Dahil hindi ko naman gustong mangyari yon! Ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang papakasalan ko.
Cristina: Bakit sa dami dami ng babae dyan bakit kay Daniela pa na kaibigan ko?
Gabriel: Pareho naman naming hindi gusto ang bagay na yon, Cristina hinawakan ang kamay kakausapin ko si papa
huwag kang mag alala walang mangyayaring kasalan sa pagitan namin ni Daniela.
(hindi makapagsalita si Cristina dahil sa luha kaya niyakap na lang siya ni Gabriel.)

Scene 21
*sa bahay nila Daniela*
(Pinuntahan ni Mr. and Mrs. Cruz si Daniela sa kwarto nito)

Mr. Cruz: Daniela anak, may pag uusapan tayo.


Daniela: Ano po iyon papa?
Mrs. Cruz: Tungkol sa pagpapakasal mo
Mr. Cruz: Sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal kayo ni Gabriel Montero
Daniela: hindi nagulat Kung yan po ang gusto nyo, pumapayag na po ako papa
Mrs. Cruz: Talaga anak? Bakit tila hindi ka nagulat?
Mr. Cruz: tumawa siguro'y nagkakamabutihan na silang dalawa kaya hindi na sya tutol.
(napangiti na lang ng hilaw si Daniela dahil sa sinabi ng kanyang ama)

Scene 22
*sa skwelahan*
(Mag isang nagbabasa ng libro si Cristina ng biglang dumating si Mr. Montero)

Mr. Montero: Iha..


Cristina: M-mr. Montero *nagulat*
Mr. Montero: Ikaw ang nobya ni Gabriel diba?
Cristina: Ako nga ho, Mr. Montero
Mr. Montero: Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, didiretsuhin na kita........Hiwalayan mo na ang anak ko
Cristina: Hindi ko po magagawa yan, pasensya na po tumalikod si Cristina upang maglakad
Mr. Montero: Kay Gabriel nakasalalay ang kinabukasan namin, kung hindi nya mapapakasalan ang anak ni Mr. Cruz,
tiyak na malulugi kami at maghihirap, gusto mo bang mahirapan si Gabriel?.......Pag isipan mo ang sinabi ko Iha
umalis na ito

(Napaupo na lamang si Cristina sa lupa dahil sa narinig)


Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan

Scene 23
*sa room*

Daniela: Gabriel
Gabriel: Ano yon Daniela habang nakatingin pa rin sa binabasa
Daniela: Sabi ni papa na pinaplano daw nilang sa susunod na taon tayo ikasal
Gabriel: sinarado ang libro at tumingin kay Daniela Bakit hindi mo man lang pigilan ang kasal na ito? Alam mong
nagmamahalan kami ni Cristina.
Daniela: Gusto mo talagang malaman? Sige.... Dahil mahal din kita!
Gabriel: nagulat Mahal? Bakit? Paano?
Daniela: Hindi ko alam, basta paggising ko na lang isang araw mahal na kita.
Gabriel: Hindi maaari, si Cristina ang mahal ko at hinding hindi kita mamahalin.
tumayo at lumabas ng room
(Naiwang magisa si Daniela)
(Kung ako ba siya by Khalil Ramos)

Daniela:

Matagal ko nang itinatago


Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa'yo
Bakit di mo pansin itong aking pagtingin
Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala
Ang tingin mo sa akin
Kung ako ba siya
Mapapansin mo
Kung ako ba siya
Mamahalin mo
Ano bang meron siya
Na wala ako?
Kung ako ba siya
Iibigin mo...

Scene 24
(paglabas ni Gabriel ng room, nakita nya si Cristina sa labas)

Cristina: Pwede ba tayong mag usap *seryoso*


Gabriel: Oo naman, ano bang pag uusapan natin binibini ko?
Cristina: Itigil na natin to.
Gabriel: Cristina, anong sinasabi mo?
Cristina: Itigil na natin tong relasyon na ito.
Gabriel: Bakit? Anong dahilan?
Cristina: Naisip kong hindi na ko masaya, baka hindi tayo ang para sa isat isa
Gabriel: Bawiin mo ang sinabi mo Cristina
Cristina: Wala akong babawiin Gabriel, ayoko na, tapos na tayo tumalikod at umiiyak
Cristina: (Hanggang dito na lang- Tj Monterde)

Hanggang dito na lang


Hanggang dito na lang
Ikaw ba ang nagbago
O ako
O tayo
Baka tayo

Hanggang dito na lang


Hanggang dito na lang
Kung tunay ang paalam
Wag ka ng magparamdam
Dahil humihirap lang
Hanggang dito na lang

Gabriel: (Kung wala ka by Hale)

Natapos na ang lahat


Nandito parin ako
Hetong nakatulala
Sa mundo, Sa mundo

Hindi mo maiisip
Hindi mo makikita
Mga pangarap ko
Para sa'yo, para sa'yo

Ohh, Hindi ko maisip


Kung wala ka
Ohh, Sa buhay ko

(Pagkatapos kumanta, napaupo sa lupa, umiiyak)


*biglang dumating si Daniela*
Daniela: Gabriel! Anong nangyari sayo?
Gabriel: Wala na... wala na siya umiiyak
(Niyakap ni Daniela si Gabriel)

Daniela: (Kung ako na lang sana)

Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal


‘Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal
‘Di ka na muling luluha pa
‘Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa’yo

Scene 25
*sa bahay ni Cristina*

(Nakaupo si Cristina sa kanyang silid ng biglang nakarinig siya ng sumisigaw)

Gabriel: Cristina!! Lumabas ka dyan! Mag usap tayo! Huwag natin tong tapusin sa ganto! Cristina Pakiusap!

(nakasilip lang si Cristina at biglang humagulgol)

Gabriel: (14 by Silent Sanctuary)

Ilang beses ko bang sasabihin na


Wala nang kwenta ang nakaraan
Pero iyong pinipilit

Ikaw lang ang nais kong makasama


Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling

Sige na, tahan na, dahil mahal na mahal kita


Ikaw lang kasi, maniwala ka

Ikaw lang ang nais kong makasama


Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling

Lola: Noong araw na iyon tiniis ni Cristina na hindi na magpakita pa kay Gabriel dahil ayaw nyang mas maging
mahirap ang sitwasyon. At napagtanto ni Gabriel na hindi na nga babalik sa kanya si Cristina. Kaya't pumayag na ang
binata na magpakasal kay Daniela, dahil ayaw ni Gabriel na guluhin pa si Cristina ay umalis sila ng kanyang asawa sa
bayang iyon. Pagkalipas ng apat na taon, nakapagtapos ng pag aaral si Cristina sa kursong business management,
pagkatapos makapag aral ay naghanap agad ng trabaho si Cristina, nang makapag ipon ipon ay nakapag patayo sya
ng isang tindahan ng mga bulaklak.

Scene 26
sa tindahan ni Cristina
(Sya'y nakaupo nang marinig niyang may pumasok)

Babae: Gabriel mahal, tingnan mo itong bulaklak na ito, napakaganda.


(Nagulat si Cristina sa narinig, akala nya ay si Gabriel na mahal nya ang tinutukoy nito ngunit hindi pala)
Lalaki: Sige mahal kunin mo na iyan kung nagagandahan ka.
(Pagkatapos mabayaran ay umalis na ang dalawa)
*napatulala na naman si Cristina dahil naalala nya ang kanyang dating sinisinta*

Cristina: (Gisingin ang puso by Liezel Garcia)

Nadarama ko pa
Ang iyong mga Halik na hindi ko mabura
Sa isip at diwa, tila naririto ka pa
Naririnig mo ba... mga patak ng aking luha
Mananatili nang sugatan ang damdamin sinta

Sa bawat araw, bawat tibok ng puso


Ikaw ang nasa isip ko

Ala-ala mo sa akin ay gumugulo


Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
Sana'y Gisingin ang aking puso

Scene 27
*sa bahay ni Gabriel at Daniela*
(Mag isang nakaupo si Gabriel sa labas ng bahay nila habang tinitingnan ang litrato ni Cristina)

Gabriel: Kamusta ka na kaya mahal kong binibini? Kay tagal ko nang hindi nasisilayan ang yong matamis na ngiti. Lagi
kong pinagdarasal na sana'y nasa mabuti kang kagawang iwanan ito.

Gabriel: nakaupo pa rin (Bakit Ba by Michael Pangilinan)

Mula nang aking masilayan


Tinataglay mong kagandahan
'Di na maawat ang pusong sayo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan
Bakit pa ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw ng paawat nang aking damdamin tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay parin at aasa

Cristina: (kakanta ng Bakit Ba by Michael Pangilinan)

Masaya ka ba pag siya ang kasama


'Di mo na ba ako naaalala
Mukha mo ay bakit 'di ko malimot-limot pa
Laman ka ng puso't isipan
'Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan

Gabriel:

Bakit pa ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa


Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba

Cristina:
Ayaw ng paawat nang aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay parin at aasa

Cristina at Gabriel: (DUET)

Sa pag-ibig mo na may nagmamay-ari na


Nais ko lang malaman mo na minamahal kita
Bakit pa ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw ng paawat nang aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay parin at aasa

Cristina: *kinakausap ang sarili* Ano ba yan Cristina, bakit palagi mo na lang iniisip ang lalaking yon, siguro'y masaya
na sya kasama si Daniela.

(Sa kabilang dako)


Daniela: Gabriel pumasok ka na sa loob tayo'y kakain na
Gabriel: Mauna na kayong kumain wala akong gana gusto na lamang magpahinga. *tumayo at pumunta sa kwarto*

Scene 28
*Nasa ilalim ng puno si Cristina*

Cristina: Kay gandang pagmasdan ng lugar na ito. Kay sarap balikan ng nga panahon na lagi kaming pumupunta ni
Daniela dito.
(Biglang dadating si Gabriel)
Gabriel: Cristina?
Cristina: humarap kay Gabriel G-gabriel...
Gabriel: tiningnan si Cristina mula ulo hanggang paa ang laki na ng iyong pinagbago
Cristina: Madami na talagang nagbago Gabriel.... simula noong nawala ka
Gabriel: Patawad.... kung iniwan kitang mag isa dito, patawad kung hindi ako lumaban, patawad Cristina.

Cristina: Hindi mo kailangang humingi ng tawad, dahil ako dapat ang humihingi ng tawad sayo..... Patawad kung
bumitaw agad ako, patawad kung hindi ko ipinaglaban ang pag-iibigan natin patawad kung natakot ako na harapin
ang problema at sumuko.

Gabriel: Mahal na mahal pa rin kita Cristina

Cristina: Kailangan mo nang isuko ang pagmamahal mo sa akin Gabriel, dahil may mga taong masasaktan. Hindi ko
nais na guluhin pa kayo. Tanggapin na lamang natin na hindi tayo ang para sa isa't isa.

Gabriel: Hindi man tayo ang para sa isa't isa sa panahong ito, tandaan mo na mahal na mahal kita hanggang sa dulo
ng magpakailanman.
(Nagyakapan ang dalawa)

Background music (Pagdating ng Panahon by Aiza Seguerra)


Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin
Alam kong hindi mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin
Hahanapin mo din
Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari yon kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng Panahon

Lola: Lumipas ng lumipas ang marami pang taon, tatlo nga ang naging anak nina Gabriel at Daniela habang si Cristina
ay nanatiling dalaga, inisip ng dalaga na hindi na sya iibig pang muli dahil ang kanyang puso ay mananatiling nasa
iisang tao lamang.

Dahil sa katandaan ay nagkasakit si Daniela, pinili nitong bumalik sa dating Bayan upang doon lamang bawiin ang
kanyang buhay kapag dumating na ang panahon, ngunit ang asawa nitong si Gabriel at mga anak ay naiwan sa dating
bahay dahil ito'y may mga trabaho. Nang makauwi si Daniela ay pumunta ito sa bahay ng dating kaibigan na si
Cristina.

Daniela: Tin....*umuubo*
Cristina: nagulat D-daniela...ikaw ba yan??
Daniela: ngumiti ngunit kita ang lungkot sa mga mata nito patawad yumuko sabay humikbi patawad kung dahil sa
akin ay ganito ang yong naging kapalaran.

Cristina: Daniela... wala ka dapat ikahingi ng tawad, nagmahal ka lang din Daniela at hindi kita masisisi kung bakit
pinakasalan mo ang taong mahal ko. Matagal na kitang pinatawad, matagal ko na din tinanggap ang nangyari
*ngumiti ng slight

Background music
(Kaibigan mo by Yeng Constantino and Sarah Geronimo)

Umiiyak ka na naman
Lumapit ka sabihin ang dahilan
Ba't ka lumuluha, ba't ka lumuluha
Tutulungan na gumaan
Andito lang ako, ika'y pakikinggan
Wag ka nang lumuha, wag ka nang lumuha
Tahan na
Ako, ako ang kaibigan mo
Di mawawala sa piling mo
Dumaan man ang mga bagyo
Andito lang ako para sa'yo
Ako, ako ako

Scene 29
Lola: Hindi naglaon at namayapa na si Daniela. Sobrang nalungkot si Gabriel dahil sa pagkawala ng kanyang asawa.
Aminin man niya o hindi minahal pa rin naman niya si Daniela. Di man mawala ang pagmamahal niya kay Cristina,
naging malaki pa rin naman ang parte ni Daniela sa puso niya. Natutunan niya itong mahalin sa kabila nang galit niya
dati dahil hindi siya nito tinulungan sa pagpigil sa kasal dahi alam naman nitong si Cristina talaga ang tunay niyang
mahal.
(Nakita ni Cristina na umiiyak ang mga bata.)
Lola: Oh mga apo? Bakit kayo umiiyak?
Mga Apo: Nakakaiyak po kasi yung kwento mo lola.
: Gusto ko pong magkatuluyan si Cristina at Gabriel.
: Kawawa naman po si Daniella.
: Nakakabitin naman po. Hindi niyo na po ba itutuloy lola?
Lola: Tama kayo mga apo, nakakabitin nga. Pero wala tayong magagawa dahil hanggang doon na lang ang aming
kwento?
Mga apo: Inyong kwento lola?
Lola: Oo apo, ako si Cristina at aking matalik na kaibigan si Daniela. At si Gabriel, na minahal naming dalawa ay tunay.
Totoong kwento iyon. Iyon ang kuwento namin.
(Napaluha si Cristina)
Nakakalungkot kasi parehas silang nawala sakin.
(Tumungo si Cristina sa kanyang silid at naiwan ang mga apo niyang umiiyak at nauwi sa pagkekwentuhan ulit.
Pagkadating ni Cristina sa kanyang kwarto, kinuha niya ang isang kahon kung saan naroon lahat ng bagay na
magpapaalala sakanya kay Gabriel. Mga liham, letrato at regalo mula kay Gabriel.)
*Kinuha ni Cristina ang larawan ni Gabriel at ito’y kinausap.
Cristina: Aking mahal, ikaw pa rin pala hanggang ngayon. Aminin ko man o hindi, umaasa pa rin ako sa’yong
pagbabalik. Na baka pagdating ng panahon, ika’y makakasalubong at baka may pangalawa pang pagkakataon, ngunit
imposible iyon kaya’t aking na lang tatanggapin ang masakit na katotohanan.

Pasensya na, kung papatulugin na muna


Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa

Isusuko na ang sandata aatras na sa laban


Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan
mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan

Mangangarap hanggang sa pagbalik


Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli


Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik
Malaya ka na
Mala-

Mga apo: Lola Tina, mayroon pong naghahanap sainyo!


(Tumungo si Cristina sa pinto at nagulat siya sa kanyang nakita. Nasa harap niya mismo ang taong matagal niya nang
hinihintay na bumalik. Naroon si Gabriel at kita na rin ang katandaan nito. Ngunit, halata pa rin naman na malakas pa
rin siya.)
Gabriel: Magandang hapon binibini. Nais ko lang ho itanong kung nariyan ang aking mahal na si Cristina?
Cristina: napatawa sa kalokohan ng matandang lalaki Ikaw talaga Gabriel. Halika at pumasok ka muna

Scene 30
(Nagtungo sila sa sala at nagusap.)
Gabriel: Kamusta ka na mahal ko? Wala pa ring kupas ang iyong kagandahan.
Cristina: Ikaw talaga Gabriel, hindi rin kumupas ang iyong kalokohan.
(Nagtawanan sila ngunit naging seryoso rin sila nang humingi sila ng kapatawaran sa isa’t isa.)
Cristina: Gabriel, Patawarin mo ko. Paulit ulit ko iyang sasabihin sa’iyo. Patawad dahil hindi kita pinaglaban. Patawad
kung hinayaan kitang makasama ang kaibigan ko. Ngunit iyon ang tama. Kinausap ako ng iyong papa na ika’y
hiwalayan dahil para rin naman iyon sainyong pamilya, ayokong mahirapan ka nang dahil sakin Gabriel. Mahal kita
kaya’t mas pipiliin kong mapabuti ang kalagayan mo.
Gabriel: Kinausap ka ng aking papa? Bakit hindi mo sinabi sakin? Edi sana pinaglaban kita, Cristina. Akala ko, hindi ka
na lang talaga masaya sa ating relasyon nung panahon na iyon.
Cristina: Bakit Gabriel? Kapag ba sinabi ko iyon, maayos ba lahat? Hindi, pinili ko na lang na maghintay ng matagal at
masaktan ng buong buhay ko para lamang sa ikakaginhawa mo, Gabriel.
Gabriel: Napakabuti nang iyong kaloobang, Cristina. Sayang lamang at hindi ikaw ang pinakasalan ko.
Cristina: Hayaan mo na, Gabriel. Ang nakalipas ay mananatiling alaala na lang.
Gabriel: Ngunit, mahal pa rin kita hanggang ngayon!
Cristina: Huli na ang lahat, Gabriel. Matatanda na tayo.
Gabriel:
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi nalang
Pipilitin pang umasa para sa'ting dalawa
Cristina:
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas ng hindi na masaktan
Kung hindi ikaw ay sino pa ba
Ang luluha sa umaga para sa'ting dalawa
Gabriel:
Giniginaw at hindi makagalaw
Cristina:
Bumibitaw dahil di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong ibang sinisigaw?

Gabriel:
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Gabriel at Cristina:
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Gabriel: Pwede bang sa pang-apat na pagkakataon Cristina, pagbigyan muli natin ang ating mga puso?

Cristina: Mahal pa rin kita Gabriel, ngunit ...

(Inatake si Gabriel sa puso, dahil mayroon nga siyang sakit at bawal sakanya ang makaramdam ng sobrang kasiyahan
o kahit sobrang kalungkutan.)

Cristina: Gabriel! Gabriel, ano ang nangyayari sayo mahal ko?

Gabriel: hinawakan ang mukha ni Cristina Mahal na mahal kita Cristina.

Cristina: Dadalhin na kita sa ospital.


: Mga apo, dito lang kayo at dadalhin ko lamang si Gabriel sa ospital. Kiko, samahan mo kami at ikaw na ang
magmaneho.

Kiko: Sige po.

Mga apo: Magiingat po kayo.


(habang nasa sasakyan)

Cristina: Mahal ko, lumaban ka.


*tumungo lamang si Gabriel at inuubo*
(May kotseng hindi maayos ang pagmamaneho ng drayber. Ito siguro’y lasing kaya;t pa liko liko ang ruta nito. Sa hindi
inaasahan, aksidenteng nabangga nito ang sasakyan nila Cristina at sa kasamaang palad, nasugatan silang dalawa pati
na ang kanyang apo. Naghihingalo na ang dalawa at halatang mamayapa na. Ngunit, nangako pa rin sila sa isa’t isa.)

Gabriel: Cristina, aking mahal. Ako’y sayo ngayon at magpakailanman.

Cristina: Mamahalin kita Gabriel hindi lang hanggang sa’king huling hininga kundi hanggang dulo ng ating walang
hanggang pagmamahalan.

Gabriel: Tatandaan mo, Cristina. Mamahalin kita hanggang sa dulo ng magpakailanman.

(Kasabay ng kanilang mga huling linya ay kasabay rin ito ng kanilang huling hininga. Ngunit natapos man ang
kanilang buhay ngayon, hinding hindi matatapos ang kanilang buhay at pagibig magpakailanman.)

*Background music
Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit na ikaw
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka

Kung 'di rin tayo sa huli


Aawatin ba ang puso kong ibigin ka
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka

You might also like