BULAG NA INA,
Characters:
Nida, Nanay ni Manuel
Manuel, anak ni Nida
Grace, kapatid ni Nida
Alona, asawa ni Manuel
Edward, Panganay ni Manuel
Jonathan, Bunso ni Manuel
May Isang pamilya na bulag na nanay at isang 3 taong gulang na kanyang anak,
maagang iniwan Ng kanyang ama dahil na rin sa pagpanaw sa virus na dumapo sa
kanya at Ang naiwan lamang ay Ang bulag na Ina at Ang paslit na bata. Sa
hirap Ng Buhay ay itinaguyod Ng nanay Ang kanyang anak kahit itoy nahihirapan
dahil narin sa kanyang kapansanan ay Hindi madali Ang Kanyang paghahanap
Buhay.
makalipas Ang ilang taon ang bata ay gusto niyang mapag aral kaya Pinasok na
niya Ang LAHAT Ng trabaho pagbebenta Ng kalakal at pagbebenta Ng turon sa
bangketa para sa kagamitan Ng kanyang anak.
Scene 1
(Nida,a blind lady holding a baby smiling. Grace comes in to give the baby
bottle for the kid to suck on)
Scene 2
(Nida na nakaupo sa gilid ng kalsada, katabi si Manuel na mungkahing
sumisigaw para bilhin ang kanilang tinda, dadating si Grace para dagdagan ang
kanilang tinda)
Scene 3
( naglalako si Nida at Grace at lalapitan siya ni Manuel na nakasuot pa ng
uniporme galing eskwela upang ipakita at ikwento ang tungkol sa graduation at
scholarship grant. Pupunta sila sa bilihan ng sapatos. Mumuwestrang sasabihin
ni Nida na kunin ang benta nito para ipambili ng sapatos. Bibilangin ito ni
Manuel ngunit kulang ito. Malungkot si Manuel at makikita ito ng tindero kaya
ibibigay ito ng tindero kahit kulang ang bayad)
Scene 4
(naglalakad sa palengke)
NIDA: anak, excited ka na ba bumili ng mga gamit mo?
Manuel: (tahimik)
NIDA: Naku, Makakapasok ka na sa prestihiyosong eskwela malapit sa atin.
MANUEL: (tahimik pa rin)
NIDA: Alam mo anak, proud ako sa’yo. Kahit lagi mo akong tinutulungan
magtinda, hindi mo pa rin nakakalimutang mag-aral.
MANUEL: (tahimik pa rin at mukhang malalim ang iniisip)
NIDA: Anak? Manuel?
MANUEL: Nay, uwi na lang kaya tayo. Panggastos na lang natin yan sa bahay.
‘wag na lang ako pumasok sa eskwela.
NIDA: bakit Naman?
MANUEL: nagaalala kasi ako, ‘nay. Walang mag-aalaga sayo pag nagluluto si ate
Grace. Ako na lang magbabantay sayo ‘nay.
NIDA: Ano ka ba? Huwag mo na ako alalahanin. Bulag lang ako pero hindi ako
baldado. Kaya ko ang sarili ko kahit wala kayo ni Grace. Saka Ang pagpasok mo
sa school ang tanging maipapamana ko sayo bilang nanay mo. huwag mo naman
ipagkait sa akin yun.
MANUEL: (makukumbinsi) sige na nga po.
(Yayakapin ni Nida si Manuel)
Manuel: Salamat po, ‘nay. Napaka swerte kong ikaw ang nanay ko
(Masaya silang bumili ng pangangailangan Ni Manuel)
Scene 5
(unang araw ng pasukan ay Pina damit Niya Ang kanyang anak at Pina almusal
niyakap Niya ito
ng mahigpit at sinabing mag aral ka Ng mabuti at hinalikan ito)
Anak: ‘nay ‘wag na lang ako pumasok. Sasamahan na lang kita habang nagluluto
si ate grace ng paninda.
Nanay: ( ngumiti at niyakap Ang anak) anak wag kang mag alala. Kaya ko. (
sinasabi habang naka ngiti)
MANUEL: Sige po ‘nay. Aalis na po ako. Ingat po ha. Huwag niyo po kalimutan
kumain. (nagmamadali)
GRACE: (papasok sa eksena hitsurang galing kusina) Hala, naiwan pala ni
Manuel ang baon niya. Naku hindi makakakain yun.
(Lalabas sa eksena si Grace para dalhin sa eskwela ang naiwang baon ni
Manuel)
(Kakapain ni Nida ang baunan at aalis siya)
(Papasok sa eksena si grace dala ang bag at iba ang suot. Magtataka dahil
wala si Nida at ang baunan. Hahanapin niya ito)
Scene 6
Guardiya: Excuse me ho, Nay. bawal po ang Pulubi dito.
Nida: Grabe ka naman kuya. Hindi ako nandito para manglimos. pupuntahan ko
lang naman anak ko kasi naiwan niya Ang baunan Niya.
Guard: Hindi ho talaga pwede.
Nida: sige na, hayaan mo nang ibigay ko ito sa kanya. Hindi naman Ako
magtatagal (pinipilit ang guard na papasukin)
Guard: sige na nga
(sinamahan Siya Ng guard)
Ng dumating sa room Ng bata:
Guard : excuse ho kay Manuel Maglangit? hinahanap Kasi Ng nanay niya.
(Ipapasilip ng guwardiya si Nida sa pintuan ng classroom, mapapatayo si
Manuel)
Bata 1: omg what is that?
Bata 2: where?
Bata 1: look over at the door!
Bata 3: (screams)
Bata 4: aswang!
(nagsisigawan lahat ng bata at binabato ang gawi ni Nida. natameme ang
guwardiya. Tatakbo si Manuel papunta kay nida)
Manuel: Nay anong ginagawa mo dito?
Bata 3: aswang umalis ka rito!
Bata 1: Manuel, is that your mom?
Manuel: No!
(hinila ni Manuel si Nida palayo sa classroom)
MANUEL: nay naman bakit ka pumunta sa school?
NIDA: para ibigay sayo baunan mo. ayaw mo ba?
Anak: ok lang naman ako eh. Kaya iniwan ko yung baon ko para may kainin pa
kayo mamaya ni ate Grace
Nay: sabi ko naman sa’yo huwag mo na kami alalahanin ni Grace. Huwag mo na
akong alalahanin dahil kaya ko naman.
MANUEL: nanay naman eh! (galit na)
NIDA: bakit? Ikinakahiya mo ba na nagpunta ng eskwela mo ang nanay mo? Noong
tinanong ka kung nanay mo ba ako sabi mo hindi. Ang sakit mo naman. (magwwalk
out)
Manuel: Nay hindi ko sinasadya yun. nay…
(dadating si Grace)
Grace: sabi na nga ba andito ka lang ate eh. Kung saan saan pa ako naghanap.
Halika na po. Uwi na tayo.
(maiiwang nakatulala si Manuel at ang guwardiya)
Scene 7
MANUEL: nanay, gagarduate po akong with high honors. May inoffer din po sa
akin yung school. Ipapadala po nila ako sa Canada. Sagot po nila lahat pati
pamasahe ko at gastusin doon.
NIDA: (tahimik)
MANUEL: apat na taon po ako doon Nay.
NIDA: (tahimik pa rin)
MANUEL: Nay, masama pa din ba ang loob mo?
NIDA: Congratulations anak…
MANUEL: (maiiyak) Ma, sorry na po. Hindi ko naman po talaga sinasadya yun.
Nasaktan lang din ako. Sa mga ginawa at sinabi nila sa iyo.
NIDA: anak pinapatawad na kita. Proud ako sa mga nakakamit mo sa buhay.
MANUEL: Nanay…
NIDA: ipangako mo lang sa akin… na hindi mo na ako itatanggi bilang magulang
mo.
MANUEL: opo, ‘nay.
NIDA: pag nasa ibang bansa ka na huwag mong kakalimutan na magpadala ng
mensahe.
MANUEL: opo ‘nay.
SCENE 8
(nakaupo si Nida hawak ang mga sulat na ipinadala ni Manuel.)
Grace: ate, hindi pa rin nagpapadala ng sulat si Manuel.
Nida: mahigit apat na taon na siyang nasa Canada. Magmula noong nagtapos siya
ng kolehiyo hindi na siya nakapag-padala ng sulat.
Grace: hayaan mo ate, gagawan ko ng paraan. Magtatanong ako sa school kung
may contact pa sila kay Manuel.
NIDA: salamat grace.
(aalis si Grace sa eksena. Maiiwan si Nida at yayakapin ang mga sulat ng
anak.)
SCENE 9
Nakauwi na si Manuel galing Canada pagkalipas ng 15 years. Dadalhin niya ang
kanyang mag-anak sa kanyang nanay)
ALONA: Honey, bakit tayo nandito? Ang baho. Ang daming basura. Di katulad sa
Canada. Mabango at malinis. May snow pa
MANUEL: pagpasensyahan mo na. Pero dito sa lugar na ito, dito ako lumaki.
Halika, ipapakilala ko kayo kay nanay Nida. hindi pa rin pala nagbabago ang
hitsura nito pagkatapos ng labinlimang taon.
ALONA: Ugh, do I have to go? Yung kids na lang! Hindi ko kaya ang lugar na
ito. Nakakasulasok! Makaalis na nga. Kids, go with your dad. Mags-spa lang
ako. Ugh, ka-stress!
Edward: Where are we going Dad?
MANUEL: bibisitahin natin ang lola niyo. Matagal ko na rin siyang hindi
nakikita.
JONATHAN: Dad, are we gonna live here? It’s so smelly here.
Manuel: no anak—
(makikita ni Grace, akay si Nida, si Manuel na kasama ang kanyang mga anak)
Grace: Manuel?
MANUEL: Tita Grace? Nanay! Kumusta na kayo? (yayakapin si Grace at Nida)
Nida: Manuel anak ko?
MANUEL: opo ako nga! Bakit parang gulat kayo na andito na ako? Hindi pa ba
dumadating ang sulat na ipinadala ko?
GRACE: nagpapadala ka ng sulat?
MANUEL: hindi niyo ba natatanggap?
EDWARD: Dad, sila na ba yun? Hello po. I am Edward,
MANUEL: oo nga pala! Nay, Tita Grace, si Edward at Jonathan. Mga anak ko.
(magmamano si Edward. Kakalabitin ni Edward si Jonathan at magmamano din ng
labag sa loob)
(dadating si Alona)
Alona: Hon, nakalimutan ko kunin yung susi ng car.
Manuel: (hihilahin si Alona) eto po si Alona, ang asawa ko. Nanay nilang
dalawa (ituturo si Edward at Jonathan)
Alona: Hello… (kakamayan si Grace ng labag sa loob) (hihilahin si manuel sa
gilid)
(mumuwestrang makikipag-usap si Edward kay Grace at Nida, magkukumustahan sa
background)
Manuel: Bakit hon?
Alona: dito ba yung sinasabi mong house and lot na binili mo? It’s so gross
here!
MANUEL: Hon naman…
Alona: I don’t wanna live here! Buy another lot o magfa-file ako ng divorce
papers. Isasama ko ang mga anak mo! (walk out)
MANUEL: (babalik kina Grace) tita Grace, nanay—
GRACE: Ang ganda naman ng asawa mo. ang babait pa nito ni Edward at Jonathan.
EDWARD: Thanks po mami Grace.
NIDA: salamat at bumalik ka Manuel ko. Miss na miss na kita. Mananatili na ba
kayo dito sa Pilipinas?
MANUEL: opo nanay.
JONATHAN: Dad, where did mom go? I wanna go to her!
Manuel: yes anak—, Tita Grace, Nanay, aalis na ho muna kami.
NDA: sige anak.kailan kayo babalik?
MANUEL: baka po sa makalawa.
EDWARD: Bye mami Grace. Bye Lola (magmamano)
JONATHAN: Dad! Let’s go!
MANUEL: (hahalik sa nanay) babalik po ako ha?
(tuluyan nang umalis ang mag-anak)
Scene 10
( pumunta si Manuel kina Nida pagkatapos ng dalawang linggo pero nakita niya
na maraming tao at maliwanag sa kanila makikita din niya si Grace)
Manuel: tita Grace! Anong meron bakit maliwanag ang bahay? Bakit maraming
tao?
Grace: (iiyak. Yayakapin siya ni Manuel) ang tagal mo! Hinintay ka ni ate.
Hinitay ka ni ate pero hindi mo siya sinipot! Hinitay niya pati mga sulat mo.
Manuel: anong hindi dumadating ang mga sulat? tita anong anong nangyayari?
Sabihin mo sa akin!
Grace: si ate… (itinuro ang kabaong)
Manuel: Nay? (lalapitan ang kabaong. Kukumirmahin ang sitwasyon) nay! Nay!
(umiiyak)
Grace: heto (iaabot ang isang sulat) ipinasulat sa akin ng nanay mo. (aalis)
Manuel: (bubuksan ang sulat at maiiyak.)
Liham:
Mahal kong anak,
Pasensya na kung hindi na kita nahintay. Ang sabi mo kasi babalik ka sa
makalawa. Sabi mo rin noon sa huling sulat mo na uuwi ka kasama ang
napangasawa mo. masayang masaya ako noong bumisita kayo. Pero umalis ka agad.
Hindi man lang tayo nakapag kwentuhan. Maikwento mo man lang ang mga panahon
na hindi ka nakapag-padala ng sulat sa akin.
Sa narinig ko anak, mukhang malayo na ang narating mo. ipinagmamalaki kong
naging anak kita. Napakabuti mong anak at napakabuti mong tatay sa mga anak
mo. magalang ang anak mong si Edward. Ganun din si Jonathan. Tinanong ko si
Edward kung bakit hindi ka nakakapag padala ng sulat. Ang sabi niya halos
linggo linggo kung magsulat ka at iniaabot ito sa asawa mo para maipadala sa
post office.
Kung ano man ang nangyari, anak ko, hayaan mo na. Ang mahalaga nakabalik ka.
Nakauwi ka bago ako lumisan sa mundo… may ipagtatapat pala ako sa iyo.
Naalala mo noong nagtatanong ka kung bakit ako nabulag at si Grace ang
parating sumasagot ng tanong mo? Ang totoo niyan anak, kaya ako nabulag dahil
ibinigay ko sa iyo ang aking mga mata. Hindi ka makakita noong sanggol ka pa
lang. Buti sinabi ng doktor na magka match tayo ng dugo. Buti na lang din at
maaari kong ibigay sayo ang mga mata ko.
Lagi kong sinasabi sa iyo noong bata ka pa lamang na ikaw ang mga mata ko.
Tama nga. Ikaw ang naging mga mata ko hindi lang dahil ibinigay ko sa iyo ang
mga mata ko, kundi ikaw ang nagbukas ng aking isipan tungkol sa buhay.
Ang sabi ko dati kay Grace bago ka ipinanganak, hindi kita mapapalaki ng
maayos. Maipapasa ko lang din sa iyo ang mga napagdaanan ko noon. Pero noong
mahawakan kita. Marinig kitang umiyak, nagbago ang aking pananaw. Nabuhay ako
ng dahil sa iyo. Ikaw ang naging tanglaw sa buhay ko.
Kaya anak, sa mga anak mo, sana gawin mo din silang tanglaw sa buhay mo sa
mga panahong pakiramdam mo nalulugmok ka. Kung sumusuko ka na sa buhay,
isipin mo ang mga anak mo. maaaring umalis sila, pero sandali lang iyon.
Babalik at babalik sila sa iyo. Katulad mo sa akin.
Mahal na mahal kita anak.
-Ang iyong ina
(bubuhos ang luha ni Manuel habang pinapanood siya ng mga tao. Si grace ay
nasa gilid at pinapanood din si manuel habbang umiiyak.)
-WAKAS-