You are on page 1of 4

Ang Pasko sa Ermita

Ika-25 ng Disyembre taong 2022. Ngayon ay malaya namang tumatanaw ang isang dalaga tungo
sa kaniyang pag-ahon mula sa pagsubok ng kaniyang mga pinagdaanan at nakaraan. Ang ala-ala
ng kaniyang mga pagsusumano sa kaginhawaan ay nalagpasan ng kaniyang matibay na
katiyagaan. Isang taong nagpatunay na minsan, ang paghinto ay hindi nangangahulugang
pagsuko ngunit pagpapatuloy at pag-usbong.

"Sana ngayong pasko, ay maalala mo pa rin ako"

Hati na ang gabi at umaga ngunit maingay pa rin ang kalsada. Mga tunog na maindak at
malungkot (May mga tunog na maindak, may mga tunog na malungkot) – tignan kung ito ay
mas aangkop - na nagmumula sa iba't ibang ang nga (mga) musika sa lansangan. Nagkikislapan
ang mga neon lights sa bawat kanto st sulok; nagmimistulang mga christmas light na wala sa
lugar ang pagkakasabit – sala-salabat at pulu-pulopot. Maraming tinig ang sumasambit ng mga
awiting ngayon ko lamang narinig. Napakaraming tao— iba't ibang laki; iba't ibang kulay; iba't
ibang amoy; iba't ibang lahi at wika. Subalit iisa ang tangan, ang Pinay na tulad ko.

Ito ang kinamulatan kong lugar. Magulo, maingay, mabaho, mapera at punong-puno ng tukso.

"Psst miss! Magkano?"

Para kay nanay, na kailangang bumili ng gamot. Para kay (sa aking) kapatid na kumakalam ang
sikmura, para sa aking tatay na kailangang magpakonsulta sa doktor. At siyempre sa pangarap
kong maging isang abogado. Tinanggap ko ito. Kahit mahirap sa kalooban, dahil lalabing- apat
na taon pa lamang ako, ganito na ang laro na aking ginagawa.

" Ganito na kami tignan ng mga tao, pero kailangan namin ng pera. Karapatan naming
mabuhay. "

Marami akong trabahong pinapasok sa pagsapit ng pasko. Tagalinis ng estero, tagabuhat, at


paglilingkod tagapaglingkod sa mga kalalakihan. Ito na ang nagbibigkis sa aking katauhan.
Ako'y isang batang kalyo (kalye?) sa lansangang uhaw makakuha ng salaping makabubuhay at
makapagpupundar sa aking pangarap.

Ika- 21 ng Disyembre taong 2016. Kinabukasan, nagising akong tahimik ang paligid. Wala na
yata akong kasama sa bahay, iniisip ko baka nauna nang namulot at nangalakal ng basura sila
nanay, tatay, at si bunso. Patuloy pa rin akong naghahanap maski sa labas ng aming tahanan.
Babalik na sana ako sa loob ng aming bahay nang matapakan ko ang isang sulat "Nak, patawarin
mo si nanay ha. Hindi mo naman na kailangang magtrabaho para sa amin. Para sa iyo na lang,
hayaan mo't mauubos din ang oras namin. At wala ka nang papasanin. Sarili mo ang iyong
isipin. Pasensiya ka na, at binuhay kita sa mundong ito para mahirapan. Huwag mong isuko ang
laban ng iyong buhay. Kampihan mo ang iyong sarili, Gabriela."

Sa labis kong pagkabigla, nalukot ko ang munting papel na sinulatan ni nanay. Tila huminto ang
aking mundo at pilit na ginigising ang sarili sa bangungot na ito. Baka naman, pagod lang ako?
Magkakasama pa kami kagabi. Magkakayakap at baluktot ang pagkakahiga dahil sa maliit na
espasyo ng tirahan naming isang ihip na lang ng hangin.

Maaari bang mamahinga na rin? Patuloy ang pag-agos ng aking luha habang tangan ko ang
tatlong malalamig na katawan ng aking ina, ama at kapatid. Bakit? Saan na ako nagkulang? Sabi
nila kasipagan naman ang susi sa kahirapan? Ngunit bakit mas lalong lumalala ang paghihirap na
humahampas sa akin? Nay, paano na ako magpapatuloy? Parang awa mo na, bumalik kayo.
Susubukan kong pasukin ang anumang trabaho, hindi naman mahirap eh. Kahit babuyin na nila
ko, may mauwi lang akong pera para sa inyo.

Ika-22 ng Disyembre taong 2016. Mugto ang aking mga mata, maski pakikiramay ay wala akong
maramdamang presensya. Ito ba ang kapalit ng pagsasakripisyo ko ng aking dignidad? Kanino
ko ba dapat isisi? Sino ba ang tunay na may sala? Tila isa na lang akong kaluluwa, habang
pinagmamasdan ang payapang mga mukha ng aking mga minamahal. Sila ang nagmulat sa akin,
kung ano ang tunay na kahulugan ng pasko. Kung paano ang tunay na reporma ng pagmamahal.

“Gabriela, ano ka bang bata ka? Sabi ko naman sayo, ako na ang bahalang magtrabaho.” Inis
na sabi ni nanay.

“Eh nay? Paano na ang regalo ko para sa inyo?”

“Naku, ang pagiging mabait mo pa lang ay isa nang biyaya sa amin, pasensiya ka na hindi ko
kayo maialis dito sa pinaninirahan natin. Magiging maayos din ang lahat” Paulit- ulit niyang
sinasambit sa aking isip sa pag-asang mapatitibay pa lalo ang aking kalooban.

“Oh siya, tama na ang drama. Tadaaa! Ito na ang paborito mong kolorete nak, pinag-ipunan
namin ‘yan. (Tignan) mo nga naman o! Pang miss universe talaga ang ganda mo anak”

Abot-tainga ang aking ngiti sa mga panahong iyon. Subalit ngayon, nangilid ang aking luha
pinipilit na isunusuksok sa kukote ang bawat reyalidad na dapat kong tanggapin. Dahil sa ala-
alang kay sarap balikan ngunit hindi na muling maasam. Ang nakaraan na patuloy kong babalik-
balikan.

Ika-23 ng Disyembre taong 2016, mag- isa kong pinaglalamayan ang aking pamilya. Kailanman
hindi sumagi sa aking isipan na humingi ng tulong. Awang- awa na ko sa aking sarili, ganito na
lamang ba kami? Patuloy na tatapakan? Paano ko ba sila bibigyan nang lamay? Hindi ko na kaya
ang pagluluksa, sa malaking dampa ng basura, namamalagi ako kasama ang bangkay ng aking
pamilya. Nagtatago na tila pinagkakait kong masilayan nila ang kahabag-habag na sinapit namin.

Ika-24 ng Disyembre taong 2016. Hindi nakatulong ang malakas na pagbuhos ng ulan. Oras na
lamang ang binibilang sa nalalapit na araw ng pasko. Lumalamig na ang hangin, ngunit paano
sasalubungin ang pasko kung ako’y nababakit (napupuno) ng mga pangamba sa gitna ng
trahedya. Siguro oras na para sumuko? Ito na ang hudyat para mamahinga naman ako sa
problemang hindi ko naman ginawa. Siguro, kasalanan ngang mabuhay sa mundong ‘to.
Patuloy ang pagsuong ko sa bagyo. Walang habas ang pagsalit-salit ng kulog at kidlat sa mala-
abong kulay ng kalangitan, kasabay ng marahas na pagdanak ng tubig-ulan. Maski sumakit na
ang aking lalamunan sa pag-ubo na dinulot sa akin ng alimuom.

“Saan ko nga ba nais magtungo? Teka bakit narito pa rin ako? Alam ko, mahaba-haba na ang
nilakbay ko ah” gulong gulo kong sambit. At laking gulat ko nang may tumawag sa aking
ngalan.

“Miss, mag-ayos ka. Sumama ka sa akin, pangalanan mo ang iyong presyo.” Malaswang tingin
niya sa akin.

At sa unang pagkakataon, hindi ako natuksong lumapit sa mga ganitong uri ng lalaki. Hindi ko
alam kung ano ang dahilan subalit naagaw ng aking atensyon ang sentro ng establisyimentong
ito. Kung saan payapa, nakaluhod, at nakapikit ang mga mata na tila para bang buhay ang
kanilang isinasaalang- alang.

Unang beses kong makapasok sa simbahang ito. Kailanman, hindi sumagi sa aking isipan ang
gawain ito. Hindi naman kasi itinuro sa akin ni nanay at tatay ito. At sa tingin ko, sayang ang
oras ko na dapat iginugugol ko na lang sa paghahanap-buhay.

“Napakarami naman ng kanilang mga kahilingan, kung kanino man sila humihiling. Tingin ko
ay hindi ito diringgin. Marahil, ang iba’y mapalad pero ang iba naman ay hanging lilipas.”
Natatawa kong sambit at unti-unti nang inilabas ang mga paa sa lugar na iyon upang bumalik na
sa aming tahanan at nagbabakasakali pa rin akong gumising sila nanay.

Limang minuto na lamang ang nalalabi. Nararamdaman ko nang hindi na talaga babalik yung
dating saya ng pasko para sa ‘ming pamilya. Sa wakas, ito na. Handa ko nang harapin ang
pahinga na gustong-gusto kong namnamin. Ako ngayo’y nakatungtong na sa upuan, may lubid
na naksabit sa kisame naming ubod ng agiw. Tulad ng kung paano ko naabutan ang aking
pamilya nang sila’y malagutan ng hininga. Isa.. dalawa… Tat—

“Sa aming bahay, Sa aming bati, Merry Christmas nagluluwalhati! NAMAMASKO PO!”

Tuluyan akong bumaba sa kinatutungtungan at agad na kumaripas ng takbo upang silipin ang
ingay na nagmumula sa kalsada.

Bumungad sa akin ang nagniningning na ilaw mula sa simbahan. Tila hinihikayat akong sundan
ang liwanag tungo sa pag- asang aking dapat masilayan.

“Hindi ka nag-iisa” “Narito kami upang tulungan ka” “Sa pamatnubay ng Diyos, muli kang
makababangon sa kung ano ang pinagdaraanan mo ngayon”
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, napaniwala ako sa kaniyang pagkakasambit ng mga salita.
Tila ba pawang katotohanan ng buhay ang lumalabas sa kaniyang bibig.

“Maligayang Pasko, at Manigong bagong taon sa inyong lahat.”

Siguro ito ang oras hindi para magwakas ang istorya ng aking buhay. Ito ay ang panahon na
dapat ako ay bumangon.

“Magaling anak! Ikaw ang Pilipinong nagpapatunay na kahit minsan ang mundo na ang
pumipigil sa’yo ay nasa tao pa rin ang pagpapatuloy”

Ika-25 ng Disyembre 2022. Nay? Tay? Bunso? Ito ang regalo na nais kong matanggap ngayong
pasko. Ang pagbisita niyo sa aking panaginip. Isang matamis na ngiti ang aking binitawan sa
pagmulat ng aking mga mata sa araw ng kapaskuhan.

Sa pamamagitan ng pasko sa Ermita, nabigyang buhay ang aking pangarap. Ngayon ako'y nasa
kolehiyo na, marami man ang nagbago at naglaho. Patuloy akong lulusong. Ipinangangako kong,
“Ina'y makaaalis ako sa lugar na ito.” Subalit palagi ko pa rin itong bibisitahin sa pagsapit ng
pasko. Dahil dito sa Ermita, ako’y lubusang nasubok ng Panginoon. At dito ko rin unang
nasilayan ang pag-asa sa oras at araw ng pasko.

Sa bawat paghapyaw at pagsaling ng mga unos sa ating buhay ay ang pag-usbong naman ng pag-
asa at kaisipang matatapos din ang bawat delubyong dumaraan sa ating harapan. Kagaya kung
paanong sumisibol ang araw matapos ang bagyo, ay ganon din natin tinatanaw ang
pakikipagbuno sa kabang buhay ang nakasalalay. Mapuno man ng pagkatalo at pagkalugmok
ang dilim na tila walang katapusan, ang liyab ng pagpupursigi at pagmamahal sa pamilya ang
lumalamyos sa ating mga pusong nais kumawala sa dilim. At sa huli, sino nga ba ang
makakagapi sa mga taong malinaw ang tanaw sa kinabukasan? Wala. Ni dilim o delubyo ay
hindi makapipigil sa ating pag-usbong at paglaban.

Muli, maligayang pasko.

- Sister Gabriela

You might also like