You are on page 1of 3

Immaculate Heart Academy

Pag-asa, Dumalinao Zamboanga del Sur


Junior High School
S.Y. 2020-2021

TEACHER’S LEARNING PLAN IN GRADE 9 FILIPINO

Bilang ng Gawain: 7
Markahan: Unang Markahan
Paksa: Aralin 3 – Panitikan: Ang Pamana Wika: Wastong agmit ng mga salitang Naglalarawan
Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang sariling pananaw at naihahambing ito sa pananaw ng iba tungkol
sa pagkaiiba o pagkatutulad ng paksa sa mga tulang Asyano.
1.1 Naibibigay ang kahulugan ng mga matatalinghagang salita/pahayag; at
1.1 Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang salita.
Sanggunian: Ailene G. Baisa-Julian, et al. Pinagyamang Pluma Wika at Panitkan 9, Phoenix Publishing
house Inc.,
Pagpapahalaga: Caring
Pangganyak: Ano ang iyong mararamdaman kapag isa sa pamilya mo ay umalis papuntang ibang bansa
upang magtrabaho? (5 minuto)
I. Mga Mahalagang Kaisipan (15 minuto)

Ang Pamana

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin


at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

II. Mga Gawain sa Pagkatuto (20 minuto)


A. Paglilinaw sa Natutuhan
Gawain 1
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang nakaitalisado sa mga
pahayag.

humulma nag-alay alaala bangkay kaluskos nag-alay

Pahayag Kasingkahulugan
a. Ang mga labi ng aking kaluluwa.
b. Ang Hunyong humubog sa mukha ko’t paa.
c. Maaari ko bang iwan ang masasayang gunita?
d. Ang ilog na sa aki’y naghandog ng katahimikan.
e. Ang pagaspas ng sanga ay hindi nangangahulugan ng hagayhay.

Gawain 2: Think – Pair - Share


Panuto: Ibigay ang pagpapakahulugan ng mga sumusunod na saknong:

Maaari ko bang lingunin ang ilog na sa Kahulugan:


aki’y naghandog ng katahimikang
maari kong panghawkan?

Ang ilog kung saan ang pagaspas ng Kahulugan:


mgasanga ay hindi nangangahulugan ng
hagayhay kundi ng mga matsing na
nanunuhay?

At limutin ang mga naging matalik kong Kahulugan:


kaibigan na nagkaoob sa akin ng mga
puspos ng maririlag na musika?

Maaari ko bang iwan ang masasayang


gunita at malinamnam na tikka; o ang Kahulugan:
Hunyong humubog sa mukha ko’t mga
paa at sa aki’y nangusap ukol sa mga
manga sa Maynila?

B. Mga Gabay na Tanong (10 minuto)


Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Naging madali ba sa iyo upang magawa ang gawain? Ipaliwanag.


2. Tunay ba na sa lahat ng anyo ng mga akdang pampanitikan, higit na gumigising ng
damdamin ang tula? Bakit mo ito nasabi?
3. Bilang isang Filipino, ano ang maaari mong gawin upang mapangalagaan ang mga akdang
pampanitikan ng ating bansa?
C. Pagsasabuhay sa Natutuhan (5 minuto)
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba.

Natuklasan mo sa tula na ang persona ay nalulungkot


sapagkat lilisanin na niya ang lugar na kanyang kinamulatan.
Sa iyong opinyon, gaano kahirap para sa isang tao na
mahiwalay sa lugar na kanyang kinagisnan at sa mga taong
kanyang minamahal.

D. Paglalagom ng Konsepto (5 minuto)


Panuto: Dugtungan ang panimulang pahayag bilang paglalagom sa paksang napag-aralan.

Napag-alaman ko na ang “tula” ay


________________________________________.
Hihikayatin ko ang mga kabataan na magsulat at
magbasa ng mga “tula” sa pamamagitan ng
________________________________________
_.,____________________.

You might also like