You are on page 1of 6

FILIPINO 8 ACTIVITY SHEETS

FLORANTE AT LAURA- 4TH Quarter

ACTIVITY SHEET A
Paksa: KAY SELYA
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang matalinghagang pahayag sa binasa (F8PT-IVa-b-
33)

Pangalan: Baitang/Seksiyon: Petsa:

PAGBABALIK-TANAW

Ang Matalinghagang Pahayag ay ang mga ekspresyong may malalalim na


salita o may hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng Wikang Filipino.

Ang akdang may pamagat na “Kay Selya” ay bahagi ng Florante at Laura na


naisulat ng isang bantog na manunulang si Francisco Baltazar. Binubuo ito ng 22
saknong na may tig-aapat na taludtod. Bawat taludtod ay naglalaman ng mga salita o
matalinghagang pahayag na nagtataglay ng mga malalalim na kahulugan mula sa
binasa.

 Halimbawa:

Kung pagsaulan kong basahin sa isip


Ang nangakaraang araw ng pag-ibig
May mahahagilap kayang natititik
Liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

Ang nasa itaas ay ang siniping saknong ng akdang “Kay Selya” na sumasalamin
sa pag-ibig ni Kiko para kay Selya. Pansinin ang naka-italisadong parirala sa unang
taludtod ng awit. Sa unang beses ng pagbabasa mo’y hindi mo kaagad mawari ang
kahulugan nito sa lalim ng salitang ginamit ng may-akda. Para higit na maunawaan ang
parirala o pahayag ay tukuyin lamang ang salitang ‘di pamilyar at mag-isip ng mga
pahiwatig na kahulugan nito sa mga sumunod na taludtod. Samakatuwid, mula sa mga
kasunod na parirala nito’y nais ipahiwatig na ang nakata-italisadong pahayag sa ibaba
ay:

Kung pagsaulan kong basahin sa isip

a. Balikan sa isip ang nakaraan


b. Kalimutan sa isip ang nakaraan
c. Pawang hindi mahalaga ang mga napagdaanan
d. Itanim sa isip ang nakaraan

Ang naka‘bold’ na parirala sa itaas ay ang angkop na hiwatig ng talinghagang


“Kung pagsaulan kong basahin sa isip” na mula sa mga kasunod na saknong nito’y
ninanais ng may-akda na balikan ang kanyang nakaraang pag-ibig.

 Gawin Mo!
Panuto: Bilugan lamang ang titik na may pinakamalapit na kahulugan sa mga
sumusunod na naka’bold’ at nakaitalisadong talinghaga o pahayag mula sa akdang
may pamagat na “Kay Selya” ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar
1. Makaligtaan ko kayang 'di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

a. Ang mga ginawang paghihirap at pagdadalita


b. Ang mga pagtitiis at pangungulila
c. Ang mga pasakit at pangamba
d. Ang mga sakripisyo at pang-aalipusta

2. Ang kaluluwa ko'y laging dumadalaw


sa lansanga't nayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw

a. Sinusuyo ng kaluluwa ang panahon


b. Dumurungaw ang kaluluwa sa dating tagpuan
c. Binabalikan ng kaluluwa ang tamis na suyuan
d. Sinusuyo ng kaluluwa ang pag-ibig ng nakaraan

3. Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik


sa buntung-hininga nang ika'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring-Langit,
Paraiso naman ang may tulong-silid.

a. Ang mga pag-alinlangan sa sarili


b. Ang mga hindi maikukubli
c. Ang mga hindi mawaring gawi
d. Ang mga dilemma sa buhay na iwi

4. Sa larawang guhit ng sintang pinsel,


kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at 'di mananakaw magpahanggang libing.

a. Ang iniirog na lapis na nakaguguhit


b. Ang nagguhit ang iniirog na lapis
c. Ang imaheng gawa ng lapis
d. Ang imaheng nabuo gamit ang mahiwagang lapis

5. Ngayong namamanglaw sa pangungulila,


ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

a. Sa iyong larawang walang ginhawa


b. Sa iyong larawang makikita ang ginhawa
c. Sa iyong larawang hatid ay pasakit at luha
d. Sa iyong larawang makikita ang pagdurusa

Inihanda ni: Iniwasto ni: Binigyang-pansin ni:

GLENN A. TORION GINA L. LARANJO SHIELA G.BALBON


Guro sa Filipino 8 Tagapamuno ng Akademiko Principal 1
FILIPINO 8 ACTIVITY SHEETS
FLORANTE AT LAURA- 4TH Quarter

ACTIVITY SHEET B
Paksa: KAY SELYA
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang matalinghagang pahayag sa binasa (F8PT-IVa-b-
33)

Pangalan: Baitang/Seksiyon: Petsa:

PAGBABALIK-TANAW

Ang Matalinghagang Pahayag ay ang mga ekspresyong may malalalim na


salita o may hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng Wikang Filipino.

Ang akdang may pamagat na “Kay Selya” ay bahagi ng Florante at Laura na


naisulat ng isang bantog na manunulang si Francisco Baltazar. Binubuo ito ng 22
saknong na may tig-aapat na taludtod. Bawat taludtod ay naglalaman ng mga salita o
matalinghagang pahayag na nagtataglay ng mga malalalim na kahulugan mula sa
binasa.

 Halimbawa:

Kung pagsaulan kong basahin sa isip


Ang nangakaraang araw ng pag-ibig
May mahahagilap kayang natititik
Liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

Ang nasa itaas ay ang siniping saknong ng akdang “Kay Selya” na sumasalamin
sa pag-ibig ni Kiko para kay Selya. Pansinin ang naka-italisadong parirala sa unang
taludtod ng awit. Sa unang beses ng pagbabasa mo’y hindi mo kaagad mawari ang
kahulugan nito sa lalim ng salitang ginamit ng may-akda. Para higit na maunawaan ang
parirala o pahayag ay tukuyin lamang ang salitang ‘di pamilyar at mag-isip ng mga
pahiwatig na kahulugan nito sa mga sumunod na taludtod. Samakatuwid, ang ‘di
pamilyar na salita sa nakaitalisadong pahayag ay ang salitang “pagsaulan” na may
kahulugan na:

PAGSAULAN= B A L I K A N

 Gawin Mo!

Panuto: Basahin ang ilan sa mga siniping saknong ng akdang may


pamagat na “Kay Selya”. Bigyan ng kahulugan ang mga salitang
nagtataglay ng malalalim na kahulugan. Punan lamang ang nawawalang
letra sa kahon para mabuo ang kahulugan nito sa bawat tambilang.

KAY SELYA

Kung pagsaulan kong basahin sa isip


Ang nangakaraang araw ng pag-ibig
May mahahagilap kayang natititik
Liban na kaySelyang namugad sa dibdib?

Yaong Selyang laging pinanganganiban,


baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

Makaligtaan ko kayang 'di basahin,


nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

Lumipas ang araw na lubhang matamis


at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

Ngayong namamanglaw sa pangungulila,


ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

Sa larawang guhit ng sintang pinsel,


kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at 'di mananakaw magpahanggang libing.

Ang kaluluwa ko'y laging dumadalaw


sa lansanga't nayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw.

Di mamakailang mupo ang panimdim


sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik


sa buntung-hininga nang ika'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring-Langit,
Paraiso naman ang may tulong-silid.

1. HILAHIL= A I A

2. DUMADALAW= B I B I T A

3. KUSA = U S O
4. SINTA= I G

5. NINITANG= A I I N G

Inihanda ni: Iniwasto ni: Binigyang-pansin ni:

GLENN A. TORION GINA L. LARANJO SHIELA G.BALBON


Guro sa Filipino 8 Tagapamuno ng Akademiko Principal 1
FILIPINO 8 ACTIVITY SHEETS
FLORANTE AT LAURA- 4TH Quarter

ACTIVITY SHEET C

Paksa: KAY SELYA


Layunin: Nabibigyang kahulugan ang matalinghagang pahayag sa binasa (F8PT-IVa-b-
33)

Pangalan: Baitang/Seksiyon: Petsa:

PAGBABALIK-TANAW

Ang Matalinghagang Pahayag ay ang mga ekspresyong may malalalim na


salita o may hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng Wikang Filipino.

Ang akdang may pamagat na “Kay Selya” ay bahagi ng Florante at Laura na


naisulat ng isang bantog na manunulang si Francisco Baltazar. Binubuo ito ng 22
saknong na may tig-aapat na taludtod. Bawat taludtod ay naglalaman ng mga salita o
matalinghagang pahayag na nagtataglay ng mga malalalim na kahulugan mula sa
binasa.

 Halimbawa:

Kung pagsaulan kong basahin sa isip


Ang nangakaraang araw ng pag-ibig
May mahahagilap kayang natititik
Liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

Ang nasa itaas ay ang siniping saknong ng akdang “Kay Selya” na sumasalamin
sa pag-ibig ni Kiko para kay Selya. Pansinin ang naka-italisadong parirala sa unang
taludtod ng awit. Sa unang beses ng pagbabasa mo’y hindi mo kaagad mawari ang
kahulugan nito sa lalim ng salitang ginamit ng may-akda. Para higit na maunawaan ang
parirala o pahayag ay tukuyin lamang ang salitang ‘di pamilyar at mag-isip ng mga
pahiwatig na kahulugan nito sa mga sumunod na taludtod. Samakatuwid, mula sa mga
kasunod na parirala nito’y nais ipahiwatig na ang nakata-italisadong pahayag sa ibaba
ay:

Kung pagsaulan kong basahin sa isip ibig sabihin Balikan sa isip ang nakaraan

Ang naka‘bold’ na parirala sa itaas ay ang angkop na hiwatig ng talinghagang


“Kung pagsaulan kong basahin sa isip” na mula sa mga kasunod na saknong nito’y
ninanais ng may-akda na balikan ang kanyang nakaraang pag-ibig.

 Gawin Mo!

Panuto: Bigyang kahulugan ang nakaitalisado at naka’bold’ na


matalinghagang pahayag mula sa siniping akdang may pamagat na “Kay
Selya” ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar. Isulat lamang sa
patlang ang sagot.

1. Makaligtaan ko kayang 'di basahin,


nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

2. Ang kaluluwa ko'y laging dumadalaw


sa lansanga't nayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw

3. Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik


sa buntung-hininga nang ika'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring-Langit,
Paraiso naman ang may tulong-silid.

4. Sa larawang guhit ng sintang pinsel,


kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at 'di mananakaw magpahanggang libing.

5. Ngayong namamanglaw sa pangungulila,


ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

Inihanda ni: Iniwasto ni: Binigyang-pansin ni:

GLENN A. TORION GINA L. LARANJO SHIELA G.BALBON


Guro sa Filipino 8 Tagapamuno ng Akademiko Principal 1

You might also like