You are on page 1of 5

FOR ZAMBOANGA CITY DIVISION USE ONLY 1

NOT FOR SALE

Schools Division Office of Zamboanga City Region IX,


Zamboanga Peninsula Zamboanga City
ASIGNATURA MAPEH-
AT BAITANG MARKAHAN 1 LINGGO 1 ARAW
Music 4 dd/mm/yyyy

PAKSA IBA’T IBANG URI NG NOTE AT REST


KASANAYAN SA
PAGKATUTO
A. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng note at rest. (MU4RH-la1)

SAGUTANG PAPEL para sa mga Gawain at pagtataya.

ARALIN NATIN
PAGKILALA SA MGA IBA’T IBANG URI NG NOTE AT REST

Ano ba ang note at rest?

Ang note at rest ay mga simbolong pangmusika. Ang note ay nagbibigay tunog sa musika
samantalang ang rest naman ay walang tunog o pahinga sa musika. Ang kahalagahan ng note at rest sa
musika ay nagpapahaba o nagpapaikli ang tunog.

Narito ang mga simbolo ng notes at rest at ang kanilang kumpas o beat
Bilang ng
Uri ng Note Simbolo Uri ng Rest Simbolo
Kumpas

Eighth Note ½ kumpas Eighth Rest

Quarter Note 1 kumpas Quarter Rest

Half Note 2 kumpas Half Rest

Whole Note 4 kumpas Whole Rest

Pagtatasa ng Pagkatuto 1:
Ano ang pagkakaiba ng note sa rest?
Pagtatasa ng Pagkatuto 2:
Ano ang kahalagahan ng note at rest sa isang awit?
KILALANIN ANG MGA NOTE AT REST SA MUSICAL SCORE

Suriin ang musical score. Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa bawat sukat.

Ang kumpas ng musical score ay 3/4 three-four (tatluhan), ibig sabihin bawat sukat ay
nagtataglay ng tatlong halaga. Napapansin mo ba ang mga simbolo o sagisag sa musical score?

Sa unang sukat makikita ang dalawang quarter rest at dalawang eighth note
kung saan ang kumpas ng quarter rest ay isa at ang kumpas naman ng eighth note ay one-half
(kalahati), kung kaya dalawang quarter rest (1+1) at dalawang eighth rest (1/2+1/2) makabuo ng
tatlong halaga sa unang sukat.
Sa ikalawang sukat, makikita ang tatlong quarter note na bawat quarter note ay
nagbibigay ng isang kumpas.
At sa huling sukat ang simbolong ginamit ay ang half note na ang halaga ay
dalawang kumpas at dalawang eighth note.
Pagtatasa ng Pagkatuto 3:
Anong note at rest ang nagtataglay ng isang kumpas?

SANAYIN NATIN
GAWAIN 1

A. Sagutin ang sumusunod. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Iguhit ang quarter note .________________________

2. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang eighth note? ____________________________

3. Anong note ang katumbas ng dalawang eighth note? ___________________________

4. Kung ang simbolong ito ay whole rest, ano naman ang tawag sa simbolong ito ?
_____________________________________
5. Anong note ang nagtataglay ng apat na kumpas ?_____________________________
GAWAIN 2

B. Kilalanin ang mga bawat simbolo ng musika, isulat ang ngalan ng note o rest sa linya bago
ang bilang.

________________________1. ________________________4.

________________________2. ________________________5.

________________________3.

TANDAAN
MAHALAGANG PUNTOS

❖ Ang bawat note ay may katumbas o katapat na rest. Ang bilang ng kumpas na tinatanggap
ng note ay siya ring bilang ng kumpas na tinatanggap ng kaugnay na rest.

SUBUKIN NATIN!
Sukatin ang iyong natutuhan

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan, isulat ang titik ng tamang sagot sa linya bago ang bilang.

_________1. Ano ang simbolong pangmusika ang may tunog?


A. Kanta B. Note C. Rest D. Rhythm

_________2. Alin sa mga ito ang eighth note?

A. B. C. D.
_________3. Alin sa mga rest ang may dalawang kumpas?
A. B. C. D.

_________4. Aling note ang may katumbas na halaga sa quarter rest?

A. B. C. D.

_________5. Alin sa mga note ang may katumbas na bilang nito ?

A. quarter note B. whole note C. half note D. eighth note


_________6. Aling sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng note?
A. Ang note ay nagpapahiwatig ng katahimikan C. Ang note ay may halagang apat na kumpas
B. Ang note ay nagpapahiwatig ng tunog. D. Ang note ang nagpapaganda sa isang awit.

_________7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga simbolo ng note?

A. B. C. D.

_________8. Alin dito ang may pagkakasunod ng note base sa kanilang kumpas?
A. half note , whole note, quarter note, eighth note
B. quarter not, eighth note, whole note, half note
C. eighth note, quarter note, half note, whole note
D. whole note, quarter note, half note, eighth note

_________9. Tingnan ang iskalang ito , alin ang tamang pagbasa nito?
A. Half rest, quarter rest
B. Half note, quarter rest
C. Half note, half rest
D. Half rest, quarter note

_________10. Alin ang tamang pagbasa ng simbolo sa ikatlong sukat?

.
A. Quarter rest, quarter rest, eighth note, eighth note
B. quarter note, quarter note, quarter note
C. half note, eighth note, eighth note
D. quarter rest, quarter note, half note

You might also like