You are on page 1of 19

5

MUSIKA
Unang Markahan:
Mga Nota, Rest, Rhythmic
Pattern at Time Signatures
Musika – Ikalimang Baitang
Unang Markahan : Mga Nota, Rest, Rhythmic Pattern at Time Signatures
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jezreel Rae A. Mulit
Ana Marie M. Lecera
Editor: Unique Labra –Sajol
Derleanne M. Tumanda
Ariel B. Perote

Tagasuri: Isaias E. Maghuyop


Tagaguhit: Jezreel Rae A. Mulit
Ana Marie M. Lecera
Tagalapat: Jecson L. Oafallas
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Dr. Josephine L. Fadul
Dr. Melanie P. Estacio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI-Division of Tagum City


Office Address: E-Park Apokon, Tagum City, Davao del Norte
E-mail Address: tagumcity@deped.gov.ph
5

MUSIKA
Unang Markahan:
Mga Nota, Rest, Rhythmic
Pattern at Time Signatures
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit
ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral
ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

ii
Aralin
Ang mga Not a at Rest sa
1 MUSIKA

Alamin Natin

Magandang araw mga bata, handa naba kayo?

Sa araw na ito, ating tuklasin at kilalanin ang mga simbolo sa Musika.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang,


Natutukoy ang mga iba’t ibang uri ng Nota at Rest sa awitin.

MU5RH-Iab-1

Nakikilala ang rhythmic patterns gamit ang quarter note, half note,

dotted half note, dotted quarter note and eight note na may

simpleng palakumpasan. MU5RH-Iab-2

Natutukoy ng wasto ang tagal ng mga nota at rests sa na

palakumpasan.

iii
Alamin Natin
Sa aralin na ito kikilalanin natin ang iba’t ibang mga simbolo ng
note at rest sa musika. Maipapakita ang wastong beat ng note at
rest sa pamamagitan ng pag-awit o pagpalakpak. Upang makabuo ng
makabuluhang musika na maitatanghal, tatalakayin natin kung paano
maaaring pagsama-samahin ang mga simbolo ng note at rest.

Subukin Natin

Panuto: Tingnan at alamin ang mga simbolo ng musika na


nasa ibaba. Kilalanin ang bawat isa nito at isulat ang sagot sa ibaba
ng bawat larawan.

1. _______ 2. ______ 3. _______ 4. _______ 5._______


_

Aralin Natin

May isang elemento sa musika na tinatawag na rhythm, ito ang


maituturing na pangunahing element na kailangan sa pag-
aaral ng musika at magbibigay din ng buhay at daloy sa musika.
Mayroon din iba’t ibang uri ng notes at rests ang bumubuo ng
ritmo. Ang bawat nota at rest ay may kaukulang halaga
(value/duration) o bilang ng kumpas. Ang notes ay
nagpapahiwatig ng tunog habang ang rests ay nagpapahiwatig
ng katahimikan.

Ang mga Note at ang mga Rest

Tinatawag na note ang bawat tunog na naririnig natin sa


musika. Samantalang tinatawag na rest kung nakakarinig tayo ng
saglit o mahabang katahimikan sa awitin o tugtugin. Pag-aralan ang
tsart sa ibaba at tukuyin ang paagkakapareho at pagkakaiba ng mga
note at ng mga rest.

1
Bilang ng Beat
Mga Note Bilang ng Beat Mga Rest
Whole Rest
Whole Note
4 4

Half Note Half Rest


2 2

Quarter Note Quarter Rest


1 1

Eighth Note Eighth Rest


½ ½

Sixteenth Note Sixteenth Rest


¼ ¼

Ang whole note ay katumbas ng dalawang half-note.


Dalawang quarter note naman ang katumbas ng isang half note.
Magkakaugnay din ang rest katulad ng note.
Ang bawat nota at pahinga ay may kaukulang halaga
(value) o bilang ng kumpas. Nakalarawan sa ibaba ang iba’t
ibang uri ng nota at katumbas na pahinga. Nakasulat din ang
bilang ng kumpas na tinatanggap ng bawat isa.

2
Gawin Natin
Panuto: Subukan natin awitin ang “Leron Leron Sinta” at
sagutin ang mga katanongan sa ibaba.

1. Anu-ano ang nota at rests na nakikita sa awitin?


2. Isulat ang pangalan ng mga nota at rests na nakikita.

Sanayin Natin
Panuto: Ipakita ang wastong beat ng bawat note sa pamamagitan
ng pagpapalakpak nito.

1. 3. 5.

2. 4.

Tandaan Natin

 Ang rhythm ay maituturing na pangunahing element na kailangan sa


pag-aaral ng musika at magbibigay din ng buhay at daloy sa musika.
 Tinatawag na note ang bawat tunog na naririnig natin sa musika.
 katahimikan sa awitin o tugtugin.
 Ang bawat note at rest ay may wastong bilang ng beat.

Suriin Natin
Panuto: Sa isang sagutang papel, isulat ang TAMA kung
nagsasaad ng wasto ang pangungusap at MALI kung ito ay hindi.

_____ 1. Simbolo ng tunog sa musika ang mga note.

3
_______2. Ang note na may pinakamahabang tunog ay eight note.
_______3. Binubuo ng dalawang whole note ang anim na beat.
_______4. Ang saglit o mahabang katahimikan ay kinakatawan ng simbolo
na tinatawag na rest.
______ 5. Ang bilang ng beat ng isang half note at dalawang quarter note ay
pareho.

Payabungin Natin

Piliin mula sa Hanay B ang katumbas na nota sa mga bilang


ng kumpas na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
A (Bilang ng bawat nota) B (mga nota).

Pagnilayan Natin
Ang musika ay binubuo ng iba’t ibang uri ng rhythm na
nagmumula sa haba o ikli ng mga nota at mga rest. Ang wasto at
hustong kaalaman tungkol sa mga uri ng mga nota at mga rest
ay nakatutulong upang tayo ay makalikha ng iba’t ibang uri ng
musika.

4
Aralin
Rhythmic Pattern at Time
2 Signatures, Ating pag-aralan

Alamin Natin

Magandang araw mga bata, handa naba kayo?

Sa araw na ito, ating tuklasin at kilalanin ang mga simbolo sa Musika.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang,


Natutukoy ang mga iba’t ibang uri ng Nota at Rest sa awitin.

MU5RH-Iab-1

Nakikilala ang rhythmic patterns gamit ang quarter note, half note,

dotted half note, dotted quarter note and eight note na may

simpleng palakumpasan. MU5RH-Iab-2

Natutukoy ng wasto ang tagal ng mga nota at rests sa na

palakumpasan.

5
Alamin Natin
Isa sa pinakamahalagang elemento ng musika ay ang ritmo.
Ang ritmo ang nagbibigay ng kaayusan o porma sa daloy o
takbo ng musika. Kinabibilangan ito ng mga mahahalagang aspekto
tulad ng pulse, rhythmic pattern, mga rhythmic syllable, nota, rest, at
beat. Dito rin natin higit na mauunawaan ang kaugnayan ng pulse at
ritmo. Sa modyul na ito, matutunan mo ang rhythmic patterns gamit
ang iba’t ibang mga nota sa simpleng time signature at inaasahan na
makamit mo ang mga sumusunod:

Subukin Natin

Panuto: Ipalakpak o itapik ang kamay habang sinasabi ang


wastong bilang ng mga beats ayon sa daloy ng rhythmic patterns.

6
Aralin Natin
Isa sa pinakamahalagang elemento ng musika ay ang rhythm. Ang
rhythm ang nagbibifgay ayos o porma sa daloy o takbo ng musika.
Kinabibilangan ito ng mahahalagang aspekto tulad ng pules, rhytmic
pattern, mga rhythmic syllable, note, rest at beat. Sa araling ito, higit nating
mauunawaan ang kaugnayan ng pulse at rhythm. Matututuhan natin ang
wastong pagsunod sa rhythm sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagpadyak,
pagpitik, at iba pang galaw ng katawan.

Ang Rhythm ng Musika

Lahat ng uri ng musika y may beat o pulse na mararamadaman natin


sa tuwing tayo ay makikinig ng musika. Ito ay gumagabay sa mga mang-
aawit at mga manunugtog upang makasunod sa tamang bilis at daloy ng
awit. Ang beat ay pinakasimpleng yunit ng musika. Ito ang basehan ng iba’t
ibang note at rest.
Ang beat ng musika ay maaari nating iparamdam sa pamamagitan ng
paggalaw ng ating paa, ulo, kamay, daliri at maging sa pagkembot ng ating
baywang. Ito ay nararamdaman at naririnig din natin tuwing ang bola ay
tumatalbog at sa tuwing ang orasan ay tumitiktak.

Ang Rhythmic Pattern


Ang mga note at mga rest ay maaring pagsama-samahin upang
makabuo ng rhythmic pattern. Ang rhythmic pattern ay ang batayan upang
masundan nang wasto ng mga mang-aawit at mga manunugtog ang musika
at titik ng awitin na kanilang inaaral o itinatanghal.
Ang pulse ng musika ay maaaring pangkatin nang dalawahan , tatluhan
o apatan .

7
Ang Rhythmic Syllable
Isa sa mga aspekto ng rhythm na nakatutulong upang maging
epektibo ang pag-aaral ng awit o musika ay ang rhythmic syllable. Bawat
nota ay may angking rhythmic syllable na nakatutulong upang higit na
maunawaan ang kabuoan ng isang rhythmic pattern. Ang mga syllable ay
binibigkas habang ipinagagawa ang rhythmic pattern. Narito ang mga uri ng
nota at kani-kanilang rhythmic syllable.

Ta-a-a-a Ta-a Ta ti-ti

Ta-a-a Ta-am
Kapag may rest na kabilang sa rhythmic pattern, hindi
kailangang bumigkas ng syllable, maaaring naka-bukas lamang ang
mga kamay.

Ang Time Signature


Sa musika, ang mga nota at rest ay napagsasama-sama gamit ang
simbolo na tinatawag na time signature. Ito ang ginagamit na batayan upang
maisaayos nang wasto ang pagpapangkat ng mga nota at rest sa isang
measure. Ang bawat time signature ay nagsisilbing gabay upang makabuo
ng mga rhythmic pattern.

Ang na Time Signature


Ang time signature ay karaniwang ginagamit sa musikang
pangmarta. Sa time signature na ito, ang bawat measure ay may dalawang
beat lamang at ang quarter note ang tumatanggap ng isang bilang. Ang
accent sa time signature na ito ay matatagpuan at mararamdaman sa uang
beat. Ang ikalawang beat ay walang diin.

> > >

1 2 1 2 1 2

Narito ang wastong pag


kumpas ng kamay sa time
signature na dalawahan.

8
Ang na Time Signature
Ang time signature ay may tatlong beat sa bawat measure at ang
quarter note ang tumatanggap ng isang bilang. Ang time signature na ito ay
pangkaraniwang ginagamit sa mga balse o waltz. Ang accent nito ay nasa
unang beat samantalang ang ikalawa at ikatlong beat ay walang diin.

> > >

1 2 3 1 2 3 1 2 3

Narito ang wastong pag


kumpas ng kamay sa time
signature na tatluhan.

Ang na Time Signature


Ang time signature ang madalas na ginagamit sa mga komposisyon.
Sa time signature na ito, ang accent ay nasa unang beat ng bawat measure.

> > >

12 34 12 34 12 34

Narito ang wastong pag


kumpas ng kamay sa time
signature na apatan.

9
Gawin Natin
Panuto: Subukang bigkasin ang sumusunod na nota
gamit ang rhythmic syllables mula sa dalawahan, tatluhan
at apatan na palakumpasan.

dalawahan

tatluhan

apatan

Sanayin Natin
Panuto: Ibigay ang wastong palakumpasan kung ito ba ay
dalawahan , tatluhan o apatan . Ilagay sa kahon ang iyong
sagot.

10
Tandaan Natin
 Ang rhythm ang nagbibigay-ayos o porma sa daloy o takbo ng musika.
Kinabibilangan ito ng mahahalagang aspekto tulad ng pulse, rhythmic
pattern rhythmic syllable, note, rest at beat.
 Ang mga nota at rest ay maaaring pagsama-samahin upang makabuo
ng rhythmic pattern.
 Ang isang sukat ng rhythmic pattern ay maaaring pandalawahan,
pantatluhan o pang-apatan na beat.
 May dalawang bilang na matatagpuan sa bawat time signature na
ginagamit na batayan upang maipangkat ang mga nota at rest. Ang
bilang na ansa itaas ay nagsasaad kung ilang beat mayroon ang
bawat measure. Samantala ang bilang sa ibaba ay tumutukoy sa nota
na tatangap ng isang beat.

Suriin Natin
Panuto: Subukang awitin ang “Bagbagto” at lagyan ng
rhythmic syllable ang bawat nota sa ibaba nito.

11
Payabungin Natin
Panuto: Magbigay ng wastong bilang ng beat gamit ang
mga nota o rest sa bawat time signature.

Pagnilayan Natin
Ang musika ay binubuo ng iba’t ibang uri ng rhythm na
nagmumula sa haba o ikli ng mga nota at mga rest. Iba’t ibang uri ng
notes at rests ang bumubuo ng ritmo. Ang bawat note at rest ay may
kaukulang halaga (value/duration) o bilang ng kumpas. Ang note ay
nagpapahiwatig ng tunog habang ang rest ay nagpapahiwatig ng
katahimikan. Maaari nating pagsasamasamahin ang mga tunog
upang makabuo nga rhythmic pattern. Ito ay ang kombinasyon ng
mga tunog na di naririnig na may pareho o magkaibang haba.

12
13
Aralin2
Suriin Natin
Aralin1
Suriin
Natin
Aralin1
Subukin Natin
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Copiaco, Hazel P. and Jacinto, Emilio Jr S. 2016. Halinang Umawit


at Gumuhit. Vibal Group Inc.
Robie317 2019. Accessed, August 30,
2021https://www.youtube.com/watch?v=firHRhLsprc
Sir C.G. Apr 14, 2019. Date Accessed August 30, 2021.
https://www.youtube.com/watch?v=NUBQHV019n0

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

14

You might also like