You are on page 1of 4

Yunit 1

Aralin1: Ang Mga Simbolo at Konsepto sa Musika

Panimula
Ang bawat komposisyong musikal ay binubuo ng ibat-ibang
simbolong pang musika tulad ng ibat-ibang uri ng note at rest. Sa araling ito,
matututunan ang pagkilala, pakikinig, pagbasa, paggalaw at pagsulat ng rhythmic
pattern gamit ang ibat-ibang note at rest.

Gawin Natin
Gawain 1
Rhythmic
Panuto: Ipalakpak ang mga sumusunod na rhythmic pattern sa dalawahan, tatluhan at
apatang kumpas.

Tonal

Awitin ang Lupang Hinirang, ang pambansang awit


ng Pilipinas. Tungkulin mo ang mahalin at ipagtanggol
ang iyong bayan kayat marapat na maawit mo ito nang
wasto, mahusay at buong pagpipitagan.

BALIK-ARAL
Panuto: Bigkasin ang chant. Ipalakpak ang rhythm.Ipadyak ang beat.

Gawain 2

Suriin ang iskor ng awiting Oh! What a Beautiful Mornin.


Basahin ang titik ng awit.
Tungkol saan ang awit?

Isaisip Natin
Tandaan na ang bawat note ay may
katumbas na rest at rhythmic syllable.

Repleksiyon
Ano ang kahalagahan ng mga note at rest sa paggawa ng isang
komposisyong musical?

Sagutin Natin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano ang hitsura ng half note? Iguhit mo ang iyong sagot.

2. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang quarter note?


3. Ilang kumpas/beat mayroon ang quarter note?
4. Ano ang hitsura ng quarter note? Iguhit mo ang iyong sagot.
5. Ano-ano ang mga note na nasa ika-limang measure ng awiting Oh! What a Beautiful
Mornin?

You might also like