You are on page 1of 18

5

MAPEH
Ikaapat na Markahan – Modyul 3

AIRs - LM
MAPEH 5
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat
Music : Vilma P. Dingle – Teacher III
Arts :
P.E : Lito D. Fontanilla Jr
Health : Roderick S. Palabay – Teacher III

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team


Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Delia P. Hufalar, Ph.D, EPS in Charge of MAPEH
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
MUSIC

Aralin
Ang Texture
3

Sapulin

Sa mga nakaraang aralin, natutunan mo kung paano makakapukaw ng


damdamin ang isang awitin gamit ang tempo at ang dynamics.
Sa araling ito, matututunan mo ang iba’t ibang texture ng musika.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


kaalaman,kakayahan at pag-unawa sa aralin:
 Nailalarawan ang texture ng isang awiting musikal
(MU5TX-IVe-1)
Mga Layunin sa Pag-aaral:
1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng texture
2. Natutukoy ang texture ng isang awitin
3. Nakikilala ang kaibhan ng iba’t ibang uri ng texture

Simulan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang
bilang.

____1. Ang texture na may isang melodiya ay tinatawag na_____________.


A. homophonic C. polyphonic
B. monophonic D. round
____2. Kapag ang melodiya ay sinasaliwan ng instrumento, ito ay ________.
A. homophonic C. polyphonic
B. monophonic D. rondo
____3. Ang texture na tumutukoy sa pagsasabay ng mga himig na may
sariling kaayusan ay tinatawag na __________.
A. homophonic C. polyphonic
B. monophonic D. rhythm
____4. Ito ay tumutukoy sa kapal o nipis o kaya’y gaan o bigat ng musika.
A. Dynamics C. Tempo
B. Harmony D. Texture
____5. Ang round o awit na paikot ay isang halimbawa ng _______________.
A. homophonic C. polyphonic
B. monophonic D. tempo

1
Lakbayin

Ang musika ay binubuo ng mga linya ng tunog na pinagsama-sama.


Isa sa nagbibigay kontibusyon sa kagandahan ng isang musika ay ang
texture.
Ang texture ay ang elemento ng musika na nagsasaad kung gaano
karami ang tunog o melody na naririnig sa isang awitin.

Ang Texture ng Musika


Manipis ang texture ng musika kung ito ay binubuo ng isang tunog
mula sa iisang boses o instrumento. Kapag ang musikang naririnig ay
binubuo ng dalawa o higit pang mga tinig o tunog, ang texture nito ay
makapal.

Ang Mga Uri ng Texture


1. Monophonic – hango sa salitang mono na nangangahulugang isang
tunog; may iisang linya o melodiya ng musika na pamboses o pang-
instrumento
Ang pag-awit ng koro nang sabay-sabay sa iisang tinig o unison
ay isang halimbawa ng musika na may monophonic texture. Ito rin ay
mga awiting inaawit nang walang kasabay na tugtog o inaawit ito ng
solo o A capella.
Narito ang isang halimbawa ng awitin na may monophonic
texture.

https://www.slideshare.net/edithahonradez/3-music-lm-q4-38488514
https://youtu.be/xTchyZ6gsMI?list=PL-5wm7QJscofFst-uwwy2KkyYnsKIthYQ

2. Homophonic – binubuo ng dalawang tunog, ang isa ay mula sa


boses at ang isa naman ay mula sa isang instrumentong nagsasaliw
ng melody. Kadalasang ginagamit ang piyano at gitara bilang
pansaliw. Ang ganitong uri ng texture ay mapapansin sa mga
awiting bayan.
Halimbawa:

2
https://www.slideshare.net/edithahonradez/3-music-lm-q4-38488514
https://youtu.be/ZteHrl8JXKE
3. Polyphonic – mula sa salitang poly na ang ibig sabihin ay marami
May mga awitin o tugtugin na binubuo ng dalawa o higit pang
melody nang sabay-sabay. May iba’t ibang uri ng awitin at mga
gawain na nagpapakita ng ganitong uri ng texture. Ito ay sa
pamamagitan ng pag-awit ng mga round songs at partner songs.

a. Round Song- mga awitin na may dalawa, tatlo, o higit pang


bahagi na inaawit ng dalawa, tatlo, o higit pang mga pangkat
-mga awitin na inaawit nang sabayan na ang isang
pangkat ay nauuna ng isang bahagi bago magsimulang
umawit ang pangalawang pangkat. Ang unang pangkat ang
siyang mauunang matapos sa pag-awit. Mahalaga na may
tamang rhythm at pitch sa pagkanta.
Makikita sa itaas ng mga staff ang hudyat ng bawat bahagi ng
awit.

https://www.bethsnotesplus.com/2013/08/row-row-row-your-boat.html
https://youtu.be/JttHbA6MDbI

b. Partner Song- ay dalawang awit na ang key signature at time


signature ay iisa at maaaring awitin nang sabayan.
Ang bilang ng measure ay magkahawig din.
Hindi lahat ng awitin ay maaaring awitin ng sabay
na magkapares. Dapat ang magkaparehong awitin ay
magkaparehas ng rhythm at haba.
Halimbawa ng mga partner song ay Pamulinawen at Leron-
Leron Sinta; Dandansoy at Sarung Banggi; Pamulinawen at

3
Inday Calachuchi; Leron-Leron Sinta at Ako Kini Si Angi.
Halimbawa:
Leron-Leron Sinta at Pamulinawen

https://youtu.be/JsBj1Ks7W-8

Galugarin
Panuto: Tukuyin ang uri ng texture ng mga sumusunod na awitin. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa bawat patlang.

1. Bahay Kubo ________________

2. Are You Sleeping Brother John _______________

3. Row Row Row Your Boat ____________________

4. Dandansoy at Sarung Banggi ________________

5. Leron-Leron Sinta at Ako Kini Si Anggi __________________

Monophonic Texture Polyphonic (Round Song)

Homophonic Texture Polyphonic (Partner Song)

4
Palalimin

Panuto: Maghanap ng mga awitin na nagpapakita ng iba’t ibang texture at


isulat ang sagot sa bawat hanay.

Monophonic Texture Homophonic Texture Polyphonic Texture


1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

Sukatin

Panuto: Isulat sa bawat patlang kung ang pangungusap ay TAMA o MALI.

_______1. Ang texture ay elemento ng musika na tumutuon sa patong-


patong na tunog ng musika.
_______2. Manipis ang texture ng awit na may tatlong linya ng musika.
_______3. Ang pag-awit ng solo ay nakabubuo ng polyphonic texture.
_______4. Lahat ng awitin ay maaaring pagtambalin bilang round song.
_______5. Ang pag-awit ng koro nang sabay-sabay sa iisang tinig o unison
ay isang halimbawa ng musika na may monophonic texture.
_______6. Ang round song ay binubuo ng dalawang melody na mula sa
dalawang magkaibang awitin.
_______7. Ang mga round songs ay nakabubuo ng monophonic texture.
_______8. Ang partner songs ay dalawang awit na ang key signature at time
signature ay iisa at maaaring awitin nang sabayan.
_______9. Maaaring gawing partner song ang mga awiting may parehas na
rhythm at scale.
______10. Mahalaga ang pagsunod sa tamang rhythm at pitch sa pag-awit
ng isang round song.

5
PHYSICAL EDUCATION

Aralin Malikhaing Pagsasayaw – HIP


3 HOP

Sapulin

Ang Hiphop ay isang sayaw sa kalye na nagpapakita ng mga iba't


ibang uri ng mga estilo ng sayaw. Itong bagong uri estilo ng sayaw ay
nagbago bilang bahagi ng larangan sa pagsasayaw at
nakaimpluwensya sa jazz na tinatawag nilang "jazz-funk”. Ang sayaw
na ito ay maaaring gawin sa loob o labas ng bahay. Sinasayaw ito
bilang isang libangan, makipagkumpetensya at para maging malakas
ang ating pangangatawan.

Sa modyul na ito, inaasahan sa iyo na:


Tukuyin at isagawa ang iba't ibang hakbang sa sayaw at ang
kanilang mga hakbang. PE5RD-IIIC-h-4

Simulan

Panuto: Ayusin ang sumusunod na mga salita upang bumuo ng isang


pangunahing kilusan sa sayaw.

1. NIKGBREA ----
2. PINGKRUM ----
3. PPINGHO ----
4. PINGPOP ----
5. WAYSING ----

6
Lakbayin

Ang Hip-hop ay isang sikat na sayaw na napakapopular sa mga kabataan.


Ito’y binubuo ng mga iba’t ibang istilo katulad ng b-boying, locking at
popping. Ito ay nagsimula pinalagananap ng mga ibat ibang grupo sa
Estados Unidos.
Sa ating bansa, ang hip-hop ay nagsimula bilang isang contemporary
dance. Nagsimulang bumuo ang mga kabataan ng mga dance groups noong
mga taong 2000 na kung saan ito’y unang naging sumikat sa ating bansa.
Nagkaroon ng mga kompetensya sa iba’t ibang bahagi ng ating bans
na parte ng isang kasiyahan. Ang mga kasiyahan at mga contest na ito ang
siyang naging daan upan simikat ang mga mamaring dance crew.

HIP HOP DANCE


Anu – ano ang iba’t ibang movements sa Hip Hop?

1. Breaking- footwork, acrobat moves.

Breakers and Breaking are all the original, cultural names


for anyone who practices the dance of breaking and refers to
someone who lives the lifestyle of hip-hop culture.A B-Boy or
B-Girl is the right term for an individual male or female who
practices the dance of breaking. Breaker would be a gender-
neutral synonym.
https://www.google.com/url?s
a=i&url=https%3A%2F%2Fblog.u
demy.com%2Fbreak-dance

2. Krumping- Sharp, fast-paced moves

Krumping is a dance style that was derived from Clowning.


Whilst Clowning was initially created as a dance to
entertain children, Krumping evolved into a popular Street
Dance. Isolating body parts so that one body part is rigid,
whilst the other is Swinging, Stomping, or Popping, is a
key component of Krumping. https://www.google.com/url?sa=i&url=
https%3A%2F%2Fcanal-
midi.info%2Fkrumping-
definition&psig=AOvVaw1c_VMp3ed2V

3. Swaying- Waving hands in the air

4. Stumping- Feet making sounds


https://www.tickets4musical.com/wp
-content/uploads/2018/06/Stomp.jpg

7
5. Swagging- Body flex
To move heavily or unsteadily from side to side or up
and down; sway.
To hang loosely and heavily; sink down.

https://global-
uploads.webflow.com/5e2b8863ba7fff8df8
949888/5eab3c48b2e9d63e80a6fc7d

6. Turning- Body Making a move.


7. Hopping- Slight striding in the air.
The ‘Hop’ is performed with a straighten knee,
vertical hip and torso, flexion of the ankle and lower
leg. It can be performed with a single or double leg
https://encrypted-
action. tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9Gc
TeJKhHfElIiGp3wsSaTypdgNhVQcs-
8. Locking- Freeze or sudden L1oMlA&usqp=CAU

post.
Is a style of funk dance, which is today also associated with hip
hop. The name is based on the concept of locking movements,
which basically means freezing from a fast movement and
"locking" in a certain position, holding that position for a short
while and then continuing at the same speed as before. It relies
on fast and distinct arm and hand movements combined with
more relaxed hips and legs.
https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcT
Haw6l7mNpr_rjMWlWch9u8_WlxKn6Xg5
qrQ&usqp=CAU

9.Popping- Quickly contracting and relaxing the


muscles.
Popping is centered around the technique of popping,
which means to quickly contract and relax muscles to
create a jerking effect (a pop or hit) in the body.
Popping can be concentrated to specific body parts,
creating variants such as arm pops, leg pops, chest
pops and neck pops. They also can vary in
explosiveness. Stronger pops normally involve https://e7.pngegg.com/pngimages/28
popping both the lower and upper body 3/591/png-clipart-hip-hop-dance-
popping-the-electric-boogaloos-
simultaneously.

8
Galugarin
Pagsasanay: Pumili ng isang awitin at gumawa ng video ng sarili mong
sayaw gamit ang iba't ibang pangunahing kilos ng hip hop. Ngunit bago
sumayaw, gawin muna ang mga sumusunod na warm-up eexercises.

1. Lumakad pasulong at pabalik.


2. Apat na hakbang pasulong at apat na hakbang pabalik.
3. Maaari mong ulitin ito. Gawin ito nang mas mabilis o mas mabagal.

Palalimin

Panuto: Ibigay ang mga pangunahing hakbang sa pagsayaw ng hiphop na


tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_____________ 1. Body making a move.

_____________ 2. Waving hands in the air

_____________ 3. Quickly contracting and relaxing the muscles.

_____________ 4. Slight striding in the air.

_____________ 5. Freeze or sudden pause.

_____________ 6. Footwork, acrobatic moves

_____________ 7. Sharp fast-pace moves.

_____________ 8. Feet making sounds.

9
Sukatin

Anong uri ng mga dance steps sa hiphop ang makikita sa sumusunod na


mga larawan? Isulat ang mga pangalan ng mga steps sa ibaba ng bawat
larawan.

1. 2.

3. 4.

5.

10
HEALTH

Aralin Panuntunan ng Pangunang


3 Lunas

Sapulin

Ano ang dapat mong gawin kapag may Nakita kang tao na biktima ng
aksidente o sakuna? Tutulungan mo ba siya Sa paanong paraan mo siya
matutulungan? Bakit kailangang suriin muna ang biktima ng sakuna bago
lapatan ng pangunang lunas? Bakit ng pinsala o karamdaman?

Sa modyul na ito, pag aaralan ang mga panuntunan ng ng


pangunang lunas at kung bakit mahalagang masunod ang mga ito.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


kaalaman,kakayahan at pag-unawa sa aralin:

Natutukoy ang mga panuntunan ng pangunang lunas;


Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga panuntunan ng pangunang lunas.
(H5IS-IVb-35)

11
Simulan

Panuto: Bumuo ng salita mula sa mga pantig. Isulat ang sagot sa


patlang.Ito ay may kaugnayan sa pangunang lunas.
1. I Y T A N K I ____________________
2. A N K I S A G T L A ____________________
3. L T A A N P A ____________________
4. A G N I H G A P ____________________
5. O B S E N E L E D _____________________
6. S U L N A _____________________

7. P A N A N G N G U NASLU _____________________

Lakbayin

Panuntunan sa Paunang Lunas

1. Matiyak na ito ay ligtas upang mamagitan. Iba’t-ibang aksidente ang


dumarating at ang iba rito ay ating nasasaksihan. Saksi tayo sa mga
pangyayaring hindi natin inaasahan. Malimit ang mga pangyayaring ito sa
isang pamayanan, sa ating kapitbahay, sa paaralan, sa palengke, sa parke,
at maging sa ating bahay. Sa mga aksidenteng ito, mapalad kung mayroong
mga propesyunal na doktor na maaaring makatulong sa mga taong
naaksidente. Paano na kung wala? Nasa ating mga kamay ang kaligtasan ng
mga taong ito.

2. Unang isaalang – alang ang kaligtasan ng biktima ng pinsala o


karamdaman. Laging isaalang-alang ang kapakanan ng biktima ng sakuna
sa lahat ng pagkakataon at dapat alamin ang pangyayaring naganap. Alisin
kaagad sa katawan ng biktima ang anumang bagay na mabmagat na
nakadagan o nakapatong sa kaniyang katawan. Sa mga tao naman na
biktima ng koryente kapag kasalukuyan itong nangyayari, patayin kaagad
ang pinagmumulan ng koryente at ilipat sa ligtas na lugar ang biktima.

3. Magsagawa ng pangunang pagsusuri. Kailangang suriin muna ang


biktima bago lapatan ng pangunang lunas. Unahin munang suriin ang mga
may kaugnayan sa daanan ng hangin, ang bibig at ilong ng biktima. Kung
walang balakid sa daanan ng hangin, dapat na isunod na suriin ang pinsala
na may kaugnayan sa sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan. Dapat

12
din alamain kung kailangan ng biktima ng resusitasyonng
kardyupulmonaryo o CPR( Cardiopulmonary Resuscitation).

4. Isagawa ang madaliang aksiyon o kilos. Unahin ang dapat unahin. Upang
makapagligtas ng buhay ng tao, kumilos kaagad at unahin ang nararapat
gawin. Dapat tandaan ng mga tagapagbigay ng pangunahing tulong
panlunas ang ABC o mga hakbang sa pagbibigay ng iba pang paglalapat ng
pangunang lunas.

 Airway – Ang daanan ng hangin / Ang daanang panghininga


 Breathing – Buga ng paghinga / Bantayan ang katangian ng paghinga
 Circulation – Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan

May ilang mga bansa na nagtuturo ng tatlong B (ang 3 B), na katulad ng


ABC ang pagkakasunud-sunod ng kahalagahan:
 Breathing – Buga ng paghinga / Bantay-hininga
 Bleeding – Balong ng dugo
 Bones – Butu-buto o Buto o Baling buto

Galugarin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuntunan ng pangunang


lunas. Punan ng tamang salita ang mga kulang sa patlang. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.
1. Tiyakin kung ligtas na __________ng pangunang lunas ang biktima ng
pinsala o karamdaman.
2. Laging isaalang-alang ang __________ ng biktima ng sakuna sa lahat ng
pagkakataonat dapat alamin ang pangyayaring nagaganap.
3. Magsagawa ng pangunang pagsusuri. Kailangan suriin muna ang
__________ bago lapatan ng pangunang lunas.
4. Isagawa ang madaliang __________ o kilos. Unahin ang dapat unahin.
5. Humingi ng tulong. Kapag walang sapat na kaalaman sa paglapat ng
pangunang lunas, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga
__________ upang makapgasalba ng isa o mahigit pang buhay.

eksperto biktima kapakanan

kasanayan lapatan aksiyon

13
Palalimin

Panuto: Ipaliwanag ang ibig sabihin o ipakahulugan ng mga slogan na nasa


larawan. Pag-usapan ito ng grupo at ibahagi sa kamag-aral.

RUBRIK SA PAGSAGOT NG TANONG (WRITTEN OUTPUT)

Napakahusay Mahusay Nangangailangan pa


Pamantayan ng Kasanayan
4–5 2–3 1
Napakahusay at Mahusay at May kahusayan
talagang naaayon ang ngunit hindi tiyak
Nilalaman naaayon ang nakapaloob na ang ilang nakapaloob
(5 puntos) nakapaloob na kaisipan sa na kaisipan sa sagot.
kaisipan sa sagot.
sagot.

Sukatin

Panuto: Naalala mo pa ba ang isinasaad ng mga sumusunod? Isulat kung


ano ang kahulugan ng bawat isa.:

1. ABC 2. 3B
A – _____________ B - _____________________
B – _____________ B - _____________________
C – ______________ B - _____________________
3. LOC - ________________
P - ___________________
R - ___________________
E - ___________________
S - ___________________
S - ___________________

14
Susi sa Pagwawasto

MUSIC

PHYSICAL EDUCATION

15
HEALTH

Sanggunian
Copacio, Hazel P., et. al.,2016 Halinang Umawit at Gumuhit 5 Batayang Aklat
( pp.88-93), (DepEd-BLR) Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600
Sunico, Raul M., et. al., 1999 Musika at Sining 6 Batayang Aklat (72-73)
102 B. Gonzales St., North Xavierville Quezon City, Philippines
MELC-K to 12 Curriculum, Music 5 (p. 258)
Gatchalian, Helen et. Al.(2016), Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5,
K to 12 Teacher’s Guide (Health TG), Yunit 3-Aralin 3
MELC-K to 12 Curriculum, HEALTH 5

Books:
Enjoying LifeThrough Music, Arts, Physical Education and Health
Copyright 2017 by Marissa C. Pascual, Irene Feliz S. Reyes, Ma. Elvira M. Garcia,
Ma. Mignon C. Artuz andPHOENIX PUBLISHING HOUSE
MAPEH WORKS 5
Philippine copyright 2018 by DIWA LEARNING SYSTEM INC.
BY: Antonio P. Africa, Evelyn B. Moros, Eleazar C. Enguero

moves%2F&psig=AOvVaw0vjBKxXl8dLUyfWnlGOfej&ust=1616586662512000&sou
rce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLim6puxxu8CFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fcanal-
midi.info%2Fkrumping-definition&psig=AOvVaw1c_VMp3ed2VObkvV3UYxR-
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fblog.udemy.com%2Fbrea
k-dance

https://www.slideshare.net/edithahonradez/3-music-lm-q4-38488514
https://youtu.be/xTchyZ6gsMI?list=PL-5wm7QJscofFst-uwwy2KkyYnsKIthYQ
https://www.slideshare.net/edithahonradez/3-music-lm-q4-38488514
https://youtu.be/ZteHrl8JXKE
https://www.bethsnotesplus.com/2013/08/row-row-row-your-boat.html
https://youtu.be/JttHbA6MDbI
https://youtu.be/JsBj1Ks7W-8

16

You might also like