You are on page 1of 16

5

Physical Education
Quarter 2 – Module 3

Kasanayan sa Katutubong Sayaw na


Cariñosa at Polka sa Nayon

0
Panimula

Ang Self-learning Module (SLM) na ito ay dinisenyo at sinulat para sa batang katulad mo
upang malaman ang mga kasanayan sa sayaw na Cariñosa at Polka sa Nayon . Ang mga
gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa iyo upang lubos mong
maunawaan ang aralin.

Ang Self-Learning Module na ito ay naglalaman ng:

Aralin 4 – Kasanayan sa Katutubong Sayaw na Cariñosa at Polka sa Nayon

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. natatalakay ang iba’t ibang kasanayan na angkop sa isang partikular na sayaw
2. nagagamit ang mga kasanayan na kailangan at naaangkop sa isang sayaw
3. nagagaya ang mga kasanayan sa sayaw
4. naipapakita ang iba’t ibang kasanayan sa pagsali sa sayaw

1
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa
hiwalay na papel.
1. Ano ang ibig sabihin ng Cariñosa?
A. Malambing B. Malungkot C. Masaya. D. Matapang

2. Anu-ano ang mga kailangan sa pagsayaw ng Cariñosa?


A. Bilao at panyo
B. Panyo at abaniko
C. Bulaklak at abaniko
D. Tsinelas at salakot

3. Sino ang grupo ng mga dayuhan na nagpakilala ng sayaw na Cariñosa?


A. Tsino B. Hapon C. Espanyol D. Amerikano

4. Saang lugar unang naging ang sayaw na ito?


A. Cebu B. Panay C. Palawan D. Bukidnon

5. Anu- ano ang mga hinahawakan ng mga mananayaw ng Cariñosa?


A. Panyo B. Abaniko C. Panwelo D. Abaniko at Panyo

6. Ano ang sinasayaw sa mga kapistahan at malalaking pagtitipong sosyal noong


panahon ng kastila sa Batangas?
A. Kuratsa B. Cariñosa C. Tinikling D. Ballroom Polka

7. Anong kasuotan ng mga babae sa pagsasayaw ng ballroom polka?


A. Kimona B. Balintawak C. Maria Clara D. Patadyong at Kamisa

8. Paano inilarawan ang sayaw na polka sa nayon?


A. Kilalang sayaw sa pagtatanghal.
B. Namanang sayaw sa mga kanunununuan.
C. Sayaw sa pakikipaghalobilo sa mga panauhin.
D. Ito ay kilalang sa sayaw sa panahon ng kastila.

9. Saan isinasayaw ang ballroom polka noong panahon ng mga kastila?


A. Bataan B. Butuan C. Batangas D. Baclaran

10. Paano isinasayaw ang Polka sa Nayon?


A. Sosyal B. Kasalan C. Pakikidigma D. Paghahanapbuhay

2
Aralin 4

Kasanayan sa Pagsayaw ng Cariñosa

Cariñosa
Ang Cariñosa ay isang popular na sayaw na ipinakilala sa atin ng mga
Espanyol noong ika -16 na siglo naging tanyag sa buong Pilipinas.
Pinaniniwalaang ito ay nagmula sa pulo ng Panay na kabilang sa mga isla ng
Visayas na unang ipinakikilala ng mga espanyol noong sila ay dumating sa
pulo noong 1569.Ito ay itinuturing na Pambansang Sayaw ng Pilipinas.Ang
ibig sabihin ng salitang ito ay “malambing “ o mapagmahal sa pagsasayaw
nito ay kailangang gumamit ng panyo at abaniko.Ang mga mananayaw na
animo’y nagliligawan at nagtataguan .Orihinal na isinasayaw ang Cariñosa na
suot ang damit Maria Clara at Barong Tagalog dahil ito ay isang Kastilang
sayaw nang ito ay ipakilala ng mga Kastila ang kanilang kultura.
Ang Tugtog ng Cariñosa ay nagpapakita ng malaking impluwensiya ng
mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ay may 3 4 sa kumpas gaya ng ilang mga
sayaw na Kastila. Ang Rondalla ang tumutugtog sa tugtog ng sayaw kung
saan ito ay isang pangkat o isang orchestra ng mga instrumentong na may
pisi na binubuo ng mga Bandurya , Mandolin, gitara , triangle , tambol at
banjo.Kadalasang lalaki ang tumugtog sa rondalla.
Ang isang babae ay may hawak na abaniko o panwelo kung saan
siya’y patago -tago sa kanyang napupusuan na nagsasaad na ibig rin niya
ang lalaki .Subalit, hindi pa niya ito masagot ng oo, samantalang gayundin
ang binata na humahabol –habol at nagpapahiwatig na sinisinta rin niya ang
dalaga . Ang sayaw na ito ay napakaraming bersiyon subalit ang indak ng
pagtatatguan ay isang pangkaraniwan na sa kahit saan mang panig ng
Pilipinas.
Ang sayaw na Cariñosa ay isang katutubong sayaw na dapat
pahalagahan ng kabataang Pilipinas. Ito ay sinasayaw sa tugtuging may
ritmong 3 4 na palakumpasan.

3
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng sayaw na Cariñosa
Paghahanda: Nakatayong pareho at magkaharap ang lalaki at babae.
Magkaharap ang lalaki at babae.
Simulang tugtog”
Magkaharap ang lalaki at babae, iikot pakanan sa lugar sa loob ng tatlong bilang;
nakahawak sa saya ang babae, samantalang nakalagay sa baywang ang kamay ng
lalaki.

Unang Pigura – Tatlong Hakbang Paturo

1. Humakbang patagilid, pakanan (1,2,3). Ituro ang kaliwang paa sa harap


(1,2,3), ang kanyang kamay ay nasa baligtag na T posisyon habang ang
kaliwang kamay ay nasa baywang. Ikumintang ang kanang kamay kapag
itinuturo ang kaliwang paa.
2. Gawin muli ang unang hakbang na nagsisimula sa kaliwang paa, pagilid sa
kaliwa. Ang kamay ay baligtad ang posisyon.
3. Gawin ng tatlong beses ang 1 at 2.

Ikalawang Pigura - Paturo

Magkaharap parin ang babae at lalaki.

1. Gamit ang kaliwang paa, humakbang ng tatlo pasulong sa gitna (1,2,3).


Gamit ang kaliwang paa humakbang palapit sa kanan (1).Tumigil ng (2,3)
sumandi.
2. Mag touch step ng apat paharap, gamit ang pang pinagpapalit-palit. Tingnan
ang kapareha.
3. Humakbang pasulong gamit ang kanang paa papunta sa kanang balikat ng
kanang paa sa kaliwang paa (2,3).
4. Gawing muli ang 1-3, Bumalik sa puwesto.

Ikatlong Pigura- Talikuran

1. Magkita sa gitna ang magkapareha (1,2,3,) at umikot pakanan (2,3).


2. Gamit ang kanang paa, ituro ito paharap at iwasiwas ang hintuturo sa
kapareha sa tapat ng kanag balikat, ang kamay ay nakahawak sa baywang
(1,2). Humakbang patagilid-pakanan upang magkita ang isa’t-isa sa kaliwang
balikat (3). Gawin ito ng tatlong beses na itinatama ang kaliwa, kanan,
kaliwang paa at iwasiwas ang kaliwa, kanan, kaliwang hintuturo ng salitan sa
kapareh.

Ikaapat na Pigura-Taguan sa Pamaypay


1. Magkita sa Gitna.
2. Gamit ang kanang kamay, bubuksan ng babae ang pamaypay. Ituro ang
kanang paa sa harap at takpan ng bahagya ang mukha ng pamaypay.
Humakbang gamit ang kanang paa palapit sa kaliwa , ibaba ang kanang
kamay. Ang lalaki naman ay ituturo ng salitan ang mga paa paharap at
sisilipin ang babae sa ilalim ng pamaypay.
3. Magpalitan ng puwesto.
4. Ulitin ang 1-3. Bumalik sa dating puwesto.

4
Ikalimang Pigura-pagluhod at Pagpaypay
1. Humakbang ng 3 pasulong sa pamamagitan ng kanang paa. Ang babae ay
luluhod gamit ang kanang tuhod habang ikutan siya pakanan ng lalaki, tatayo
sa likuran ng babae at nakaharap sa direksyon ng babae. Ilagay ang mga
kamay sa baywang.
2. Ituturo ng lalaki ang kanan at kaliwang paa ng salitan sa harap at titingnan
ang babae sa kanyang kanan at kaliwang balikat. Titinganan naman siya ng
babae pasalungat.
3. Ang lalaki’y babalik pakanan. Magpapalit sila ng lugar.
4. Ulitin ng 1-3. Ang lalaki naman ang luluhod.

Ikaanim na Pigura-Taguan sa Panyo

1. Magkita sa gitna. Hahawakan nila parehas ang apat na sulok ng panyo, ang
mga kamay nglalaki ay nasa itaas sa pantay nag mukha.
2. Ituro ng salitan ang mga paa ng apat na ulit. Salitan ding iingat ang mga
kamay habang hawak ang panyo na nakapagitan sa mukha ng babae at lalaki.
Sisilpin lalaki ang mukha ng kapareha.
3. Bibitiwan ng babae ang panyo at magapapalitan sila ng lalaki ng puwesto.
4. Gawin ang 1-3, bumalik sa lugar. Hahawakan na ng babae ang panyo.

Ikapitong Pigura-Pagsusuyuan sa Panyo

1. Gamit ang kanang paa, gumawa ng dalawang balseng hakbang pupunta sa


gitna. Ang mga bisig ng babae ata lalaki ay magka agapay sa posisyon na
papunta sa gilid pakanan at pakaliwa.
2. Gumawa ng anim na balseng hakbang pasulong at pakanan na gagawin ng
babae. Lilingunin ang lalaki sa balikat ng salitan.
3. Bumalik. Ulitin ang papuntang kaliwa na salungat sa takbo ng orasan. Una
ang lalaki. Magtapos na kaagapay. Nasa gilid sa kanan ang babae.

Mahalaga sa pagsasayaw ang pagsaulo sa mga hakbang at mga terminong


sayaw . Makatutulong ang tama at palagiang pagsasanay upang mapagbuti ang
pagsasayaw at mapaunland ang koordinasyon ng mga kamay at paa.. Subukin
ninyong sundan ang mga hakbang sa pagsayaw. Gamitin ang Rubrik na nasa
ibaba.

5 puntos 3 puntos 1 puntos


Mga Sukatan

1. Nasusunod ang mga Nasunod lahat Iilan lamng ang Isa lamng ang
hakbang sa pagsayaw. ang mga nasunod na nga nasunod na
hakbang hakbang hakbang
2. Naipapakita ang Naisagawa ang Iilan lamang ang Isa lamng sa
magandang katangian ng lahat ng nasunod na mga katangian
isang mabuting magandang magandang ng isang

5
mananayaw. katangian ng katangian ng magandang
isang mabuting isang mabuting mananayaw ang
mananayaw mananayaw nasunod
3. Nakasasayaw ng may Napakahusay Hindi Hindi nagawa
kahusayan at pakikiisa sa ang pagsayaw at masyadong ang tamang
kapareha o grupo. pakikisama sa nagawa nang pagsayaw at
kapareha o mahusay ang pakikisama sa
grupo pagsayaw at kapareha o
pakikisama sa grupo
kapareha o
grupo

Gawain I.
A. Panuto : Lagyan ng tsek (/) ang kolum na makapagsasalarawan ng inyong
sagot. (5 puntos)
Mga Katanungan Mahirap Katamtaman Madali
1. Naisagawa ko ba nang maayos ang
sayawna Cariñosa?
2. Naisagawa ko ang mga galaw na tama
satiyempo at ayon sa tugtog.
3. Nagawa ko nang tama ang mga hakbang
sa Figure I at II.
4. Naglaan ako ng oras upang
makapagsanay kasama ng aking
mgakamag-aral.
5. Naisagawa ko nang maayos ang sayaw
na Cariñosa ng aking kapareha.

B. Panuto : Isalaysay ang inyong naramdaman habang sumasayaw .Isulat


sagutang papel ang mga sagot. (5 puntos)

Gawain lI.

6
Gamit ang Venn Diagram ay bumuo ka ng isang masining at makabuluhang
paglalarawan sa sayaw na Cariñosa.

Katangian
1.
2.
3.

Sayaw na Cariñosa

Kasuotan
1.
2.

Gawain III.
A. Panuto : Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Titik lamang ang
isulat sa patlang.

Hanay A. Habay B.

_____ 1. Cariñosa A. 3
4

_____ 2. Ritmo ng musika B. taguan at hanapan

_____ 3. Abaniko at panyo C. salitang masintahin

_____ 4. Kasuotan ng mga mananayaw D. balintawak at barong tagalog

_____ 5. Kilos na panligawan na tampok E. kagamitan sa pagsasayaw


sa sayaw na Cariñosa

B. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat sa patlang

Cariñosa Abaniko Balintawak

Pagmamahalan Panyo Barong Tagalog

7
______________1. Ito ay nakalaylay sa kanang tagiliran ng baywang ng babae.

______________2. Kilalang sayaw sa pagliligawan.

______________3. Ito ay isinusuot ng mga babae sa pagsasayaw ng Cariñosa.

______________4. Ang mga mananayaw na mga lalaki ay may isinuksuk sa bulsa


ng kanilang pantalon.

______________5. Ito ay isang pormal na kasuotan ng mga lalaki hanggang


ngayon.

Polka sa Nayon
Noong panahon ng Kastila popular ang ballroom polka sa lalawigan ng Batangas.
Sinasayaw ito sa mga kapistahan at malaking pagtitipong sosyal.
Kasuotan : Babae- kasuotang Maria Clara o estilyong Balintawak
: Lalaki- Barong tagalog at itim o puting salawal/pantalon
Bilang : 1 at 2 sa isang sukat
Musikas : May 3 bahagi : A,B at C (Aneks D)
Kaayusan : Kung gagamitin sa pagtatanghal (demonstration) ang mga
mananayaw at maaring pangkitin at set na may 4 na pareha.
Inaayosito ng hugis parisukat n gang bawat pareha ay nasa sulok o di
kaya ay sa kaayusang longways. Kung ito ay gagamitin sakaayusang
pambulwagang sayawan, ang mga pareha ay maaring humarap sa iba-
ibang at nakakalat sa bulwagan.

Paunawa : Ang lalaki ay magsisimula sa kaliwang paa samantalang ang babae ay


sa kanang paa sa Figure I,II,III. Ang letra o salita na nakapaloob sa
panaklong sa (parenthesis) sa panuto ay sa babae

8
Panimula
Panimulang Musika
Nakaharap sa manonood ang mga kapareha, ang mga babae ay nasa kanan
ng lalaki at ng mga kamay ng babae ay nakahawak sa gilid ng saya, ang sa lalaki
nasa baywang.
(a) I tap ang kanang paa sa bawat bilang ng sukat ……………….. 8 s

(a) Simulan sa KI (Kn) paa, gumawa ng 4 na polks step sa kanan sa (clockwise)


at magtatapos sa dating lugar…………….. 4 s
(b) Ituro ang KL (Kn) pakaliwa (pakanan) (blg.
1), Ituro ang KI (Kn)
Itabi sa KL (Kn) blg.
2). Gumawa ng 1 polka step pakaliwa
(pakanan) (blg. 1 at 2)……………..2 s
(c) Ulitin (b), simulant sa Kn (KI) paa……..2 s
(d) Uliting lahat (a-c) , 3 beses pa …………………………………………… 24 s

Figure II
Musika B
Magkapareha magkaharap sa nanonood. Magbitiw ng mga kamay. Tumayo
ng magkatabi, babae sa Kn (mga panloob na kamay magkahawak). Malayang
kamay ng babae sagilid ng palda, sa lalaki sa baywang.
(a) Simulan sa panlabas na paa, gumawa ng
2 heels and toe polka pasulong………………………….4 s
(b) Humakbang ng 1 polka step palabas (1 s) .
At 1 polka step. Papasok………………………………………..2 s
(c) Magbibitiw ng kanang kamay pangloob. Simulan sa panlabas na paa,
gumawa ng 2 polka step para makaikot sa lugar na nakaharap sa bilang
direksyon………..2 s

Maghawak-kamay na panloob. Malayang kamay


Tulad ng nasasaad sa itaas.

(d) Ulitin (a-c) Simulan sa panloob na paa.


Baligtarin ang direksyon sa (b) at (c) ………………………………… 8 s
(e) Uliting lahat (a-d) …………………………………………………16 s

Figure III
Musika C
Mga pareha magkahawak sa closed ball dance posisyon, mga kamay
nakaunat na nakaturo sa nanonood.

9
(a) Simulan sa KI (Kn), gumawa ng 4 na polka step paikot pakanan tulad ng
Sa Figure I…………………………………………. 4 s
(b) Gumawa ng 3 galop step patagiliran KL (Kn) papunta sa harapan (3 blg.),
hinto (1 blg.). Huwag ilagay ang bigat sa inilalapit na paa sa ikatlong gallop
step
(c) Ulitin (b), simulant Kn (KL) papunta sa
Kabilang direksyon………………………………. 2 s
(d) Ulitin lahat (a-c), 3 beses pa …………………………………. 24 s

Pauwana : Ang lalaki ay magsisimula sa kaliwang paa samantalang ang babae ay sa


kanang paa sa Figures I,II,III. Ang letra o salita na nakapaloob sa panaklong
sa (parenthesis) sa panuto ay sa babae.

Ngayon, subukin mong sundan ang mga hakbang sa pagsayaw ng Polka sa


Nayon.Humanap ng kapareha (isang lalaki at isang babae).Sa tulong ng iyong
kapareha subukin ninyong sundin ang mga hakbang sa pagsayaw .
Task: Kayo at ang iyong kapareha, Isang lalaki at isang babae ay isasagawa at
sundan ang mga hakbang sa pagsasayaw ng Polka sa Nayon. Gamitin ang
Rubrik na nasa ibaba. Isulat ang iyong puntos sa sagutang papel.

5 puntos 3 puntos 1 puntos


Mga Sukatan

4. Nasusunod ang mga Nasunod lahat Iilan lamng ang Isa lamng ang
hakbang sa pagsayaw. ang mga nasunod na nasunod na
hakbang nga hakbang hakbang
5. Naipapakita ang Naisagawa ang Iilan lamang Isa lamng sa
magandang katangian lahat ng ang nasunod mga katangian
ng isang mabuting magandang na magandang ng isang
mananayaw. katangian ng katangian ng magandang
isang mabuting isang mananayaw
mananayaw mabuting ang nasunod
mananayaw
6. Nakasasayaw ng may Napakahusay Hindi Hindi nagawa
kahusayan at pakikiisa ang pagsayaw masyadong ang tamang
sa kapareha o grupo. at pakikisama nagawa nang pagsayaw at
sa kapareha o mahusay ang pakikisama sa
grupo pagsayaw at kapareha o
pakikisama sa grupo
kapareha o
grupo

10
Gawain I.

A. Panuto :Lagyan ng tsek (/) ang kolum na makapagsasalarawan ng inyong


sagot.
Mga Katanungan Mahirap Katamtaman Madali
1. Naisagawa ko ba nang maayos ang sayaw na
Polka sa Nayon?
2. Naisagawa ko ang mga galaw na tama
satiyempo at ayon sa tugtog.
3. Nagawa ko nang tama ang mga hakbangsa
Figure I at II.
4. Naglaan ako ng oras upang makapagsanay
kasama ng aking mgakamag-aral.
5. Naisagawa ko nang maayos ang sayaw na
Polka sa Nayon ng aking kapareha.

B. Panuto :Isalaysay ang inyong naramdaman habang sumasayaw .Isulat


sagutang papel ang mga sagot. (5 puntos)

Gawain II.
Panuto : Sa pamagitan ng Factstorming Web, ay ilarawan ang sayaw na Polka sa Nayon.

Polka sa Nayon

Gawain III.

11
Panuto : Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung naglalarawan ng sayaw na polka at
ekis (X) kung hindi.

______1. Ito ay popular na sayaw sa Batangas.


______2. Naglalahad ng pagmamahalan at pag-iibigan.
______3. Isinasayaw sa mga kapistahan at malaking pagtitipon.
______4. Gumagamit ng panwelo ang mga babae sa pagsasayaw ng Polka sa
Nayon.
______5. Ang lalaki ay magsisimula sa kanang paa samantalang ang babae ay
kaliwang paa bilang panimula sa pagsasayaw.
______6. Ang sayaw ng Polka sa Nayon ay itinuturo ng mga kastila noong
panahon.
______7. Ang mga babae ay nakasuot ng Maria Clara habang ang mga lalaki
ay nakasuot ng barong tagalog.
______8. Ang Polka sa Nayon ay pambasang sayaw ng Pilipinas.
______9. Sa kasalukuyan sinasayaw pa rin ang Polka sa Nayon sa mga
kapistahan at mga pagtitipon.
______10. Ginaya ng mga Amerikano ang sayaw na Polka sa Nayon mula sa
mga kastila.

Repleksyon
Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa mga
kasanayan sa katutubong sayaw na Cariñosa at Polka sa Nayon . Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

12
Panapos na Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa
hiwalay na papel.

1. Anong kasuotan ng mga babae sa pagsasayaw ng ballroom polka?


A. Kimona B. Maria Clara C. Balintawak D. Patadyong at Kamisa

2. Saang lugar unang naging ang sayaw na ito?


A. Cebu B. Panay C. Palawan D. Bukidnon

3. Ano ang ibig sabihin ng Cariñosa?


A. Masaya B. Malungkot C. Matapang D. Malambing

4. Paano inilarawan ang sayaw na polka sa nayon?.


A. Kilalang sayaw sa pagtatanghal.
B. Namanang sayaw sa mga kanunununuan.
C. Sayaw sa pakikipaghalobilo sa mga panauhin.
D. Ito ay kilalang sa sayaw sa panahon ng kastila

5. Anu-ano ang mga kailangan sa pagsayaw ng Cariñosa?


A. Bilao at panyo
B. Panyo at abaniko
B. Tsinelas at salakot
D. Bulaklak at abaniko

6. Ano ang sinasayaw sa mga kapistahan at malalaking pagtitipong sosyal noong panahon
ng kastila sa Batangas?
A. Kuratsa B. Tinikling C. Cariñosa D. Ballroom Polka

7. Sino ang grupo ng mga dayuhan na nagpakilala ng sayaw na Cariñosa?


A. Amerikano B. Espanyol C. Hapon D. Tsino

8. Anu- ano ang mga hinahawakan ng mga mananayaw ng Cariñosa?


A. Panyo B. Abaniko C. Panwelo D. Abaniko at Panyo

9. Paano isinasayaw ang Polka sa Nayon?


A. Sosyal B. Kasalan C. Pakikidigma D. Paghahanapbuhay

10. Saan isinasayaw ang ballroom polka noong panahon ng mga kastila?
A. Butuan B. Bataan C. Baclaran D. Batangas

13
14
Paunang Pagtataya Mga Gaawaing sagot sa
A Cariñosa
B
C
GAWAIN I
B
A.Iba-iba ang maaaring sagot
D
B.Iba-iba ang maaaring sagot
D
GAWAIN II
C
Iba-iba ang maaaring sagot
D
C
GAWAIN III
D
A.B.
1. C1. Abaniko
2. A2. Cariñosa
3. D3. Balintawak
4. E4. Panyo
5. B5. Barong Tagalog
Repleksyon
Iba-iba ang maaaring sagot
Gawaingsagot sa Polka
Gawain I
A.Iba-iba ang maaaring sagot
B.Iba-iba ang maaaring sagot
Gawain II
.Iba-iba ang maaaring sagot
Gawain III
/6. /
X7. /
/8. X 10. D
/9. X 9. A
X10. X 8 D
7. B
6. D
5. B
4. D
3. D
2. B
1. B
Panapos na Pagtataya
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian

Mga Aklat:
Rico, Lennie V., Rene L. Balinton. 2020. “PE 5 Quarter 2 Module 3.” In
MAPEH 5 Quarter 2 Module 3, by Lennie V., Rene L. Balinton, 13-18.
Ozamis City:
NONE

Tayo Nang Magpalakas 6 page 140-.145

Online:
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-pe-
q1q4
Published by the Department of Education, Caraga Region
Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden

146 of the Self-Learning Module (SLM)


Development Team

Writer : Oliva A. Cordova


Editor : Babylyn V. Josol
Evaluators : Tessie C. Dolores, Richard B. Antallan,
Melcharie C. Escol Kareen Jane Paronia
Hasmin L. Eniola
Management Team : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Tessie C. Dolores

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

15

You might also like