You are on page 1of 14

MAPEH 5

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH


Arts – Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paglilimbag
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Emily L. Macalintal
Editor: Alvin P. Manuguid
Tagasuri: Jane V. Soria
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Manuel A. Laguerta EdD.
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
MAPEH 5
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Paglilimbag
Writer: Emily L. Macalintal
Editor/Validator: Alvin P. Manuguid
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts 5 ng Modyul sa Paglilimbag.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, upang matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts 5 Modyul sa Paglilimbag.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


 nasisiyasat ang bagong pamamaraan sa paglilimbag gamit ang iba’t ibang
bagay na halimbawa linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang
maiukit ang mga linya at kayarian sa paglilimbag;
 nakalilimbag ng iba ibang bagay gamit halimbawa ang linoleum, softwood,
rubber (soles of shoes) upang makalikha ng linya o kayarian mula sa mga
bagay na ginamit; at
 naipagmamalaki ang bagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang iba
ibang bagay halimbawa ang linoleum, softwood, rubber (soles of shoes).

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Bilugan ang mga bagay na maaaring gamitin sa paglilimbag.

https://i.ebayimg.com/images/.jpg
https://www.vector-beer-bottle- https:/httpwww.medicalnews

https://i.ebayimg.com/images/ https://www.google.com/cottonbuds https://www.google.com/istatic.wixstatic


BALIK-ARAL
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kong naaayon sa
proseso sa pagpipinta at Mali kong hindi.
_____1. Ginagamit ang imahinasyon upang hatiin ang isang
larawan sa foreground, middleground at background.
_____2. Hindi nito naipakikita sa pamamagitang ng wastong
pagkulay.
_____3. Ang kaalaman sa tamang kombinasyon ng kulay ay
nakadaragdag sa angking talento sa pagpipinta. _
_____ 4. Ang painting ay isang uri ng sining.
_____ 5. Mahalaga ang wastong pagkakapwesto ng mga bagay sa
larawan, upang maging makatutuhanan.

ARALIN

Paglalahad:

Ang sining ng paglilimbag ay pamamaraan ng paglipat ng larawang iginuhit at


inukit na maaring ginawa mula sa kahoy, goma, metal, at iba pa. Inililimbag ito sa
anumang bagay tulad ng papel at tela gamit ang tinta.

Ang sining ng paglilimbag ay nagsimula sa bansang Tsina dantaon na ang


nakalipas. Ginamit nila ang paglilimbag bilang pamamaraan ng pagtala ng
kasaysayan ng kanilang bansa. Ginamit din nila itong paraan ng pagkukuwento
gamit ang mga larawan.

Sa bansang Hapon, ang paglilimbag ay pinalawak bilang isang sining. Ang


ukiyo-e ay mga larawang nilimbag na nagpapakita ng pang araw-araw na Gawain
at larawan ng buhay.

May ibat-ibang uri ng sining ng paglilimbag na ipinakilala at pinasikat sa


Asya, Europa, Africa, at iba pang bahagi ng mundo.

Ang iba`t ibang uri nito ay monoprint, intaglio, aquatint, engraving, etching,
mezzotint, linocut, block print, lithography, silk screen o serigraph, woodblock
print, at drypoint.
Ngayon ang pag aaral natin ay isa sa mga uri ng paglilimbag ang
monoprinting. Ang monoprinting ay isang uri ng paglilimbag kung saan one of a
kind o natatangi ang bawat malilikhang larawan. Hindi ito tulad ng ibang uri ng
paglilimbag kong saan maaring lumikha ng maraming kopya ng orihinal na
larawan.

Isinasagawa ang monoprinting sa pamamagitan ng paglalagay o pagdaragdag


ng tinta (additive method) o pagtatangal o pagbabawas ng tinta (subtractive method)
sa malinis na plato na karaniwang metal o salamin.

Pagmasdan ang mga larawan ng paglilimbag na ginamitan ng linoleum, softwood


at rubber (sole shoes).

monoprint&source=images
www.megapixl.com.shoe workshop.myshopify.com

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Gawaing Pansining


Mga Kagamitan:
Oslo paper, water paint o kaya ay water color, linoleum (matatagpuan sa inyong
tahanan), softwood o malambot na kahoy na nilagyan ng disenyo, rubber (sole
of shoes), brush (gagamitin sa pagpipinta)
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin sa isasagawang paglilimbag na
nakalap sa inyong tahanan
2. Gayundin ilahad ang Oslo paper na gagamitin, water paint o water color,
at brush.
3. Kulayan ang mga bagay na may bakas na bahagi na ipinadala ng guro at
pagkatapos ay ilapat ito sa kung ito ay di na gaanong basa ang
pagkakapinta o kulay
4. Lumikha ng magandang disenyo sa pamamagitan ng mga bakas na nasa
mga kagamitan
5. Upang lalong maging kaakit-akit ang inyong gawain ay paganahin ang
inyong imahinasyon sa paglilimbag sa pamamagitan ng pag-iwan

Pagsasanay 2
Bigyan ng kaukulang puntos ang inyong nagiging pagganap gamit ang
rubric

Naisagawa ng Naisagawa ng Naisagawa ng


Kasanayan higit sa maayos may kaunting
inaasahan pagkukulang
3 2 1
1.Nakapaglimbag
ako ng disenyo
gamit ang bagay
na nasa paligid
2.Nakagawa ako
ng maayos at
malinis na
likhang sining.
3.Nakatapos ako
ng gawain sa
inilaang oras.
4.Naging
malikhain ako sa
pagsasagawa ng
disenyo.
5.Naipakita ko
ang maliit at
malaking hugis
sa disenyong
nilimbag.

PAGLALAHAT

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel.

Ano ano ang mga bagay na ginamit mo sa bagong pamamaraan ng


paglilimbag?

1.__________ 2. 3.

PAGPAPAHALAGA

Panuto : Punan ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Ano ang nararamdam mo habang ginagawa ang iyong paglilimbag?

Sa paggawa ng paglilimbag _______________ ko ang mga bagong


pamamaraan gamit ang iba ibang bagay halimbawa ang linoleum,
softwood, rubber (soles of shoes) upang makabuo ng likhang sining.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto : Piliin sa loob ng kahon ang mga bagay na ginamit sa paggawa ng mga
sumusunod na disenyo . Isulat ito sa inyong sagutang papel.

https://www.google..instructables.com https://www.shutterstock.com/vectors
https://www.stormthe.paper-
Paglalahat Pagpapahalaga
Maaring kasagutan
1. linoleum
2. softwood 1. naipagmamalaki
3. rubber (sole shoes ) 2. masaya
3. magiliw
4. nahihirapan
5. nasasabik
Paunang Pagsubok Balik_Aral Pagsasanay 1
1. Tama 15 Puntos- Ang
1. okra
2. Mali Pinakamahusay
2. dahon ng bayabas 3. Tama
3. tansan 4. Mali
5. Tama
4. cotton buds
5. kalamansi
SUSI SA PAGWAWASTO
Okra Banana Stalk
Sole of shoes Rubber
Softwood Linoleum
5 .____________ 4.____________
www.google.com/vickismithartwi www.google.com/vickismithartwithkids
3.___________
2.___________ 1.____________
banana stalk 5.
linoleum 4.
rubber 3.
soles of shoes 2.
softwood 1.

Panapos na Pagsusulit

SANGGUNIAN

Prototype, 2016. Music and Arts Lesson Plan with


https://aqdegamon.wordpress.com/2010/01/12/ugnayan-ng-
mga- sinaunang-pilipino-at-mga-dayuhan
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
https://www.megapixl.com.shoe
workshop.myshopify.com
https://www.google..instructables.com
https://www.shutterstock.com/vectors
https://www.stormthe.paper-making
www.google.com/vickismithartwithkids
https://www.google.com/cottonbuds
https://www.google.com/istatic.wixstatic
SANGGUNIAN
Copiaco, Hazel P. et al. Halinang Umawit at Gumuhit. Vibal Group, Inc. 2016.
Ferrer, Edgar R. et al. MAPEH and Me. Missionbook Publishing, Inc. 2014.

You might also like