You are on page 1of 4

Department of Education

Region V
Sipocot South District
SIPOCOT SOUTH CENTRAL SCHOOL

LEARNING ACTIVITY SHEET


QUARTER 3 – W1
MUSIC 5

I. Panimulang Konsepto

Lahat ng uri ng sining ay may anyo o form. Ang anyo o form ay may kaugnayan
sa hugis, estruktura ng organisasyon, at pagkakaugnay-ugnay ng mga elemento ng
sining. Maraming uri ng anyo sa musika na maaaring gawing basehan sa paglikha ng
isang awit o musika.

May mga simpleng anyo ng musika tulad ng unitary at strophic. Ang unitary ay
isang anyo ng musika na iisa lang ang bahaging hindi inuulit. Isang halimbawa ng
awiting may anyong unitary ay ang “Sampung mga Daliri”.

Isa pang simpleng anyo ng musika ay ang strophic. Ang isang awitin o musika ay
maituturing na may anyong strophic kung ito ay mayroong iisang melody na naririnig
nang paulit-ulit sa bawat taludtod ng buong kanta. Kahit magbago ang mga titik ng awit,
ang melody nito ay nananatiling pareho lamang sa buong awit. Ang bawat taludtod na
may isang melody ay tinatawag na A. Kung ang melody ay inuulit ng ikalawang beses
sa ibang taludtod, ito ay may anyong AA. Kung tatlong beses inuulit, ito ay may anyong
AAA. Isang halimbawa ng awiting may anyong strophic ay ang “The Wheels on the
Bus”.
II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Recognizes the design or structure of simple musical forms;


1. Unitary (one section)
2. Strophic (same tune with two or more sections and two or more verses)

III. Mga Gawain

Gawain I

Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang sumusunod na mga pangungusap.

1. Hindi lahat ng sining ay may anyo.


2. May mga simpleng anyo ng musika tulad ng unitary at strophic.
3. Ang bawat taludtod na may isang melody ay tinatawag na A.
4. Ang strophic ay isang anyo ng musika na iisa lang ang bahaging hindi inuulit.
5. Ang isang awitin o musika ay may anyong strophic kung ito ay mayroong iisang
melody na naririnig nang paulit-ulit sa bawat taludtod ng buong kanta.

Gawain II

Hanapin sa talaan ng mga salita sa Hanay B ang tinutukoy ng bawat pangungusap na


nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Ito ay may kaugnayan sa a. unitary


hugis,estruktura ng organisasyon, at
pagkakaugnay-ugnay ng mga
elemento ng sining. b. The wheels on the
bus
2. Ito ay mayroong iisang melody na
naririnig nang paulit-ulit sa bawat
taludtod ng buong kanta.
c. strophic
3. Isang anyo ng musika na iisa lang ang d. Anyo o form
bahaging hindi inuulit.

4. Isang halimbawa ng awiting may


anyong strophic e. Sampung mga daliri

5. Awiting may anyong unitary

Gawain III

Tukuyin ang anyo o form ng bawat musika (unitary o strophic). Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Halimbawa: tsy Bitsy Spider - unitary

1. Bahay Kubo
2. Twinkle-Twinkle Little Star
3. Marry Had a Little Lamp
4. Old Mac Donald had a Farm
5. Happy Birthday

IV. Sanggunian

Grade 5 MELC
DLP 3rd Quarter p.1-4
Halinang Umawit at Gumuhit Batayang Aklat G5 p.51-55
V. Susi sa Pagwawasto

Gawain I
1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama

Gawain II
1. d
2. c
3. a
4. b
5. e

Gawain III
1. unitary
2. unitary
3. strophic
4. strophic
5. unitary

Inihanda ni:

KAREN S. RABIMBI
Substitute Teacher

You might also like