You are on page 1of 10

PILYEGO NG MGA GAWAING

PAMPAGKATUTO
Music 5, Kwarter 4, Unang Linggo

Dynamics, Tempo, at Texture

Layunin

Pagkatapos ng mga araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. nagagamit ang angkop na terminong pangmusika upang ipahiwatig ang mga
pagkakaiba-iba ng dynamics:
a. piano (p)
b. mezzo piano (mp)
c. forte(f)
d. mezzo forte (mf)
e. crescendo
f. decrescendo;
2. nagagamit ang angkop na terminong pangmusika upang ipahiwatig ang mga
pagkakaiba-iba ng tempo:
a. largo
b. presto
c. allegro
d. moderato
e. andante
f. vivace
g. ritardando
h. accelerando;
3. nailalarawan ang texture ng piyesa ng musika.

1
Pag-aralan
Aralin 1
Ang Dynamics

Ang dynamics ay isang elemento sa musika na nagpapakita ng iba’t ibang antas ng


lakas at hina ng tunog.
Ang iba’t ibang antas ng dynamics ay nagpapahayag ng iba’t ibang emosyon o
damdamin. Ang malalakas na tunog at musika ay maaaring magpahayag ng galit,
tagumpay, at lakas ng tao. Ang mahihinang tunog ng musika naman ay nagpapahayag ng
damdamin na may kapayapaan at katahimikan.

Ang Antas ng Dynamics


Ang mga salitang mahina at malakas ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang
dynamics. Subalit may mga salita na maaaring gamitin upang ipahayag nang wasto ang
tamang antas ng lakas o hina ng isang tunog. Ang dynamics ay ipinahahayag sa wikang
Italya.
Antas ng Dynamics Simbolo Kahulugan
piano p mahina
mezzo piano mp hindi gaanong mahina
forte f malakas
mezzo forte mf hindi gaanong malakas
crescendo dahan-dahang paglakas ng tunog sa musika
decrescendo dahan-dahang paghina ng tunog
Halimbawa ng piyesang may antas ng dynamics:
Ako ay Pilipino
Rearranged: John Philip C. Fermin Music & Lyrics by: George Canseco
Sung by: Kuh Ledesma

2
Aralin 2
Ang Tempo

Ang tempo ay isang elemento ng musika na naglalarawan sa bilis o bagal ng musika.


Ito rin ay nagpapahiwatig ng damdamin at ideya ng manunulat. Maaaring rin itong masukat
sa pamamagitan ng metronome na ginagamit upang malaman ang bilang ng kumpas sa
isang minuto.

Ang mga Uri ng Tempo sa Musika


Narito ang ilan sa mga salitang mula sa Italya na kadalasang makikita sa mga awitin
mula sa iba’t ibang bansa.

Tempo Kahulugan
Largo napakabagal (very slow, broad)
Presto mabilis na mabilis (very, very fast)
Allegro mabilis (fast)
Moderato hindi gaanong mabilis, hindi gaanong mabagal; katamtaman
lamang
Andante mabagal (slow)
Vivace mas mabilis at mas masigla (quick, lively)
Ritardando pabagal nang pabagal (gradually becoming slower)
Accelerando pabilis nang pabilis (gradually becoming fast)

Isang halimbawa ng awitin na nagpapakita ng tempo ay ang Pandangguhan. Maaaring


panoorin at pakinggan ang awiting ito sa link na nasa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=TKafi66z_S8&t=192s

Aralin 3
Ang Texture ng Musika

Ang texture ay elemento ng musika na nagsasaad kung gaano karami ang tunog o
melody na maririnig sa isang awit. Kadalasan ang texture ng musika ay inilalarawan na
manipis o makapal. Manipis ang texture ng musika kung ito ay binubuo ng isang tunog mula
sa iisang boses o instrumento. Kapag ang musikang maririnig ay binubuo ng dalawa o higit
pang mga tinig o tunog, ang texture nito ay makapal.

Ang mga Uri ng Texture

1. Monophonic – Ito ay hango sa salitang mono na nangangahulugang isang tunog. Ang


ganitong uri ng texture ay napapansin sa mga komposisyon na may
iisang linya ng musika na pamboses o pang-instrumento. Isang
halimbawa nito ay ang kilalang Gregorian Chant na tanyag na inawit,
ilang siglo na ang nagdaan. Ang pag-awit ng koro nang sabay-sabay sa
iisang tinig o unison ay isang halimbawa ng musika na may monophonic

3
texture. Ito rin ay maririnig sa mga pagtatanghal ang isang manunugtog
ng piyano o hindi kaya gitara o violin.
Narito ang isang halimbawa ng awitin na may monophonic texture.

Maaaring panoorin at pakinggan ang awiting ito sa link sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=-xs67InkZ3A

2. Homophonic – Ito ay binubuo ng dalawang tunog, ang isa ay mula sa boses at ang isa
naman ay mula sa isang instrumentong nagsasaliw ng melody.
Kadalasang ginagamit ang piyano at gitara bilang pansaliw. Ang
ganitong uri ng texture ay mapapansin sa mga awiting bayan.

Narito ang isang awitin na may homophonic texture.

4
3. Polyphonic – Ito ay mula sa salitang poly na ang ibig sabihin ay marami. May mga awitin
o tugtugin na binubuo ng dalawa o higit pang melody nang sabay-sabay.
Naipapakita ang ganitong uri ng texture sa pamamagitan ng pag-awit ng
mga round song at partner song.
A. Round song - mga awitin na may dalawa, tatlo o higit pang bahagi na inaawit ng
dalawa, tatlo, o higit pang mga pangkat. Inaawit ng grupo ang parehas na
melody, ngunit nagsisimula sa iba’t- ibang pagkakataon. Mahalaga sa pag-
awit ng ganitong mga kanta ang kakayahan sa pagsunod sa tamang rhythm
at pitch. Makikita sa itaas ang hudyat ng bawat bahagi ng awit
B. Partner song - binubuo ng dalawang melody na mula sa dalawang magkaibang kanta
o awit na maaaring awitin nang sabay. Upang malaman kung ang dalawang
awit ay maaaring pagsabayin, dapat magkaparehong awitin at may parehas
na rhythm at haba. Ang mga ito ay isinulat sa parehas na meter at scale.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng awiting may polyphonic texture.


Round song:
Row Row Row Your Boat

Partner song:
Leron-Leron Sinta at Pamulinawen

5
Mga Gawaing Pampagkatuto
Gawain 1 Pampagkatuto
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A (kahulugan) sa Hanay B (antas ng dynamics). Isulat ang
titik ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

Hanay A Hanay B

1. Ito ay ang dahan-dahang paghina ng tunog sa musika. a. piano


2. Ito ang antas ng dynamics kapag hindi gaanong b. mezzo piano
mahina ang boses mo.
3. Ang simbolo nito ay mf. c. forte
4. Ito ang antas ng dynamics kung saan nilalakasan d. mezzo forte
nang dahan-dahan ang ating boses o pagtugtog e. crescendo
5. Mahina ang ibig sabihin ng antas ng dynamics na ito. f. decrescendo

Gawain 2

Panuto: Isaayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng tamang salita sa tulong ng
katangian o paglalarawan sa tempo.

ALGOR 1. napakabagal
LELARGO 2. mabilis
ICAVEV 3. mas mabilis at mas masigla
OTSERP 4. mabilis na mabilis
DANRITDORA 5. pabagal nang pabagal

Gawain 3
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga piyesa ng musika. Isulat ang salitang MONO
kung ito ay monophonic texture, HOMO kung homophonic texture at POLY kung
polyphonic texture. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1.

6
2.

3.

4.

5.

7
Repleksyon
Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan tungkol sa dynamics, tempo, at
texture.

Ang Natutunan ko…

bagay na
3 natutuan
1. ___________________________
2. ___________________________
3. ___________________________

Ang bagay na nakapupukaw sa aking interes ay …

bagay na 1. ___________________________
2 nakapukaw
ng interes 2. ___________________________

Kailangan ko pang matutunan ang…


bagay na
1 nakapagpalito 1. ____________________________

8
9
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. f 1. LARGO 1. HOMO
2. b 2. ALLEGRO 2. POLY
3. d 3. VIVACE 3. POLY
4. e 4. PRESTO 4. MONO
5. a 5. RITARDANDO 5. POLY
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat:

Copiaco, Hazel P., and Emilio Jr. S. Jacinto. 2016. Halinang Umawit at Gumuhit 5-
Batayang Aklat. Quezon City: Vibal Group Inc.

Copiaco, Hazel P., and Emilio S. Jacinto, Jr. 2016. Halinang Umawit at Gumuhit 5-
Batayang Aklat. Quezon City: Vibal Group Inc.

Online:
Barcelo, Jose O., and John Philip C. Fermin. Music Grade 5 Quarter 4 Learner’s
Material, Cabanatuan City, p.18

https://www.bethsnotesplus.com/2013/08/row-row-row-your-boat.html

https://www.slideshare.net/edithahonradez/mapeh-3-music-learners-manual-4th-
quarter

Published by the Department of Education, Caraga Region


Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Laila F. Danaque

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheets (LAS)

Manunulat : Melcharie C. Escol

Editor : Babylyn V. Josol

Tagasuri : Tessie C. Dolores, Richard B. Antallan, Jose Joemer M. Tuisa,Jr,


Kareen Jane C. Paronia, Hasmin L. Eniola
Tagalapat : Melcharie C. Escol

Tagapamahala : Karen L. Galanida


Laila F. Danaque
Carlo P. Tantoy
Venus M. Alburuto
Tessie C. Dolores

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

10

You might also like