You are on page 1of 3

YUNIT III

Aralin 2

I. Layunin:Nakalilikha ng apat na linyang awit na nasa anyong unitary

II. PaksangAralin:

A. Paksa: Apat na linyang unitary song

B. Lunsarang Awit: Magtanim Tayo ng Gulay

C. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide p. 43


Umawit at Gumuhit 4 p.28
http://image.slidesharecdn.com
Wikipedia, Study.com

D. Kagamitan: Iskor ng awit at mp3 player


E. Pagpapahalaga: Pagtatanim ng gulay
F. Konsepto: Ang unitary song binubuo ng isang verse na di inuulit ang
pag-awit o tugtog

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay: Vocalization
2. Balik Aral:

Itanong:

- Ano ang istruktura ng anyong unitary? Strophic?


- Magbigay ng awitin na nasa anyong unitary. Strophic.

B. Panlinangna Gawain:
1. Pagganyak:
Itanong:
- Sino sa inyo ang may pananim na gulay sa inyong bakuran?
- Anu-ano ang inyong mga tanim?
- Anong benipisyo ang naibibigay sa atin ng pagtatanim ng gulay?
2. Paglalahad:
(Gawain 1) Ipakita ang iskor ng awit na “Magtanim Tayo ng Gulay”
Iparinig at ituro ang awit.

- Ipaawit muli ang “Magtanim Tayo ng Gulay” ng sabay-sabay.


Sabihin:
Subukan nating paltan ang mga titik ng awit na ang magiging
pamagat ay “Ang Paborito Kong Alaga”
- Ipaawit sa mga bata ang nagawang lyrics

(Gawain 2)
Sa nagawa nilang lyrics na may pamagat na “Ang Paborito Kong
Alaga” Palitan ng mga bata ang tono o himig ng awit ng pangkatan.
Iparinig ang nabuong awit sa klase.

3. Pagtatalakay:
- Anong anyong musical ang awit na “Magtanim Tayo ng Gulay”?
Ipaliwanag.
(Ito ay anyong unitary dahil binubuo lamang ito ng isang verse at
hindi inuulit ang pag-awit. Ang awit na ito mayroon lamang apat
na linya.)
- Pinaltan natin ang lyrics ng awit, paano ninyo ito nagawa?
(Sa pamamagitan ng patnubay na pamagat at sinundan lamang
ang apat na linyang lyrics)
- Matapos nating palitan ang lyrics ay binago naman natin ang tono
o himig. Naibigan ninyo ba ang himig na inyonh ginawa?(opo)
4. Paglalahat:
Upang makagawa ng awit na may apat na linyang anyong unitary
dapat tandaan ang istruktura o disenyo ng anyong nito.

5. Paglalapat:
Pangkatin sa apat ang klase.
Lumikha ng sariling awit na nasa anyong unitary na may apat na
linya.
Ipresent ito sa harap ng klase.

6. Repleksyon
Ano ang iyong nararamdaman nang makalikha kayo ng sarili
ninyong awit?

C. Pangwakasna Gawain
Awiting muli ang “Magtanim Tayo ng Gulay”

IV. Pagtataya
Panuto:
Gumawa ng sariling awit na nasa anyong unitary na may apat na
linya. Gamitin ang pamagat na “Aking Kaibigan” bilang patnubay.

Gumamit ng rubric at lagyan ng tsek ang tamang kahon.

Kasanayan Napakahusay Mahusay Di-


(3 puntos) (2 Gaanong
puntos) Mahusay
(1
puntos)
1. Nakagawa ng
apat na linyang
lyrics
2. Nakagawa ng
sariling himig
3. Akma ang titik
sa himig

V. TakdangAralin:
Gumawa ng sariling awitin na nasa anyong unitary.

You might also like