You are on page 1of 4

Department of Education

Region V
Sipocot South District
SIPOCOT SOUTH CENTRAL SCHOOL

I. Panimulang Konsepto

Sino ang paborito o kinagigiliwan mong mang-aawit? Ano ang nagustuhan mo sa


kanya? Sa araling ito, ating tutukuyin ang iba’t-ibang kalidad o tinig ng boses sa pag-
awit.

Isa sa mahalagang elemento ng musika ay ang timbre. Ito ay natatanging


katangian ng isang tunog na nagdudulot ng pagkakaiba sa tinig ng mga tao, tunog ng
mga hayop at mga instrumento.
May apat na uri ng boses o tinig na ginagamit sa pag-awit. Ang tinig ng babae
ay maaaring tawaging soprano o alto. Kapag ang boses ng babae ay mataas, matining,
manipis, at magaan, ang tinig niya ay soprano. Subalit kung ang tinig ng babae ay
mababa, makapal, mabigat, at di gaanong mataas, ang tinig niya ay alto. Ang mga
lalaki na may mataas at magaan na boses ay may tinig na tenor. Samantala , ang
lalaking mababa, makapal at malalim ang boses ay may tinig na bass o bajo.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


Describes the following vocal timbres:
1. soprano 3. tenor
2. alto 4. Bass

III. Mga Gawain

Gawain I
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay natatanging katangian ng isang tunog na nagdudulot ng pagkakaiba sa tinig


ng mga tao, tunog ng mga hayop at mga instrumento.
a. musika b. timbre c. unitary d. strophic
2. Ang lalaking mababa, makapal at malalim ang boses ay may tinig na ______ .
a. bass b. soprano c. timbre d. tenor

3. Tawag sa boses ng babae na may mataas, matining, manipis, at magaan na tinig.


a. tenor b. soprano c. alto d. bass

4. Tinig ng babae na may mababa, makapal, mabigat, at di gaanong mataas.


a. tenor b. soprano c. alto d. bass

5. Ang mga lalaki na may mataas at magaan na boses ay may tinig na?
a. tenor b. soprano c. alto d. bass

Gawain II

Isulat ang pangalan ng iyong mga kapamilya at ilarawan ang uri ng tinig na
mayroon ang bawat isa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Halimbawa:

Pangalan ng Kapamilya Paglalarawan sa tinig


a. Nanay Emily Magaan

Simulan ang iyong pagsagot

Pangalan ng Kapamilya Paglalarawan sa tinig


a.
b.
c.
d.
e.
Gawain III

Pumili ng isang sikat na mang-aawit. Tukuyin ang tinig ng kanyang boses at


ilarawan ang kanyang tinig sa isa o dalawang salita.
Halimbawa:

Pangalan ng Mang-aawit Timbre ng mang-aawit Paglalarawan sa tinig

Regine Velasquez Soprano Mataas at manipis

Simulan ang pagsagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pangalan ng Mang-aawit Timbre ng mang-aawit Paglalarawan sa tinig


1.
2.
3.
4.
5.

IV. Sanggunian
Grade 5 MELC
DLP Music 5 3rd Quarter pp. 21-23, 27
Halinang Umawit at Gumuhit Batayang Aklat G5 pp. 56-58
V. Susi sa Pagwawasto

Gawain I
1. b
2. a
3. b
4. c
5. a

Gawain II
(Maaaring magkakaiba ang sagot)

Gawain III
(Maaaring magkakaiba ang sagot)

Inihanda ni:

KAREN S. RABIMBI
Substitute Teacher

You might also like