You are on page 1of 6

Laguna State Polytechnic University

Lopez Satellite Campus


Lopez, Quezon

Detalyadong Banghay Aralin sa Musika 5

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng texture


B. Nakikilala ang kaibahan ng iba’t ibang uri ng texture sa mapapamgitan ng pakikinig
at pag-awit; at
C. Napapahalagahan ang gamit ng texture sa musika.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Mga uri ng texture sa musika.
B. Sanggunian/Batayan: MAPEH 5 Learning Materials – Alvin P. Manuguid
C. Kagamitang Panturo: Speaker, Laptop, Instrumento.
D. Pagpapahalaga: Kooperasyon

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Tumayo ang lahat at tayo ay manalangin Amen

2. Pagbati
Magandang Araw mga bata. Magandang Araw din po Ma’am

3. Pag-tsek ng mga liban sa klase


Tumingin nga kayo sa inyong mga katabi.
May liban ba ngayon araw? Meron/Wala po Ma’am

4. Balik-aral
Sino sa inyo ang nakaka-alala kung ano
ang pinag-aralan natin kahapon?
(Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang
Ikaw nga________? kamay.)

Ma’am ang pinag-aralan po natin


kahapon ay tungkol sa mga tempo po!

(Mag bibigay pa ng ibang kasagutan ang


mag-aaral)
4. Paghahabi ng Layunin ng Aralin
(Pagganyak)

Bago tayo dumako sa ating aralin


mayroon akong inihandang awitin.
Papakinggan at sasabayan natin ang
awiting Leron-Leron sinta.

Handan naba kayo? Opo!

Magsitayo nga kayo ng maayos. (tatayo ang mag-aaral sa naayos na


lugar)
https://youtu.be/firHRhLsprc
Leron, leron, sinta, buko ng papaya
Dala-dala'y buslo, sisidlan ng sinta
Pagdating sa dulo'y nabali ang sanga
Kapos kapalaran, humanap ng iba
Gumising ka, Neneng, tayo'y
manampalok
Dalhin mo ang buslong sisidlan ng hinog (sasabayan ng mga mag-aaral ang
Pagdating sa dulo'y lalamba-lambayog kanilang inaawit)
Kumapit ka, Neneng, baka ka mahulog
Ako'y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y
siyam
Ang lalakarin ko'y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban
Leron, leron, sinta, buko ng papaya
Dala-dala'y buslo, sisidlan ng sinta
Pagdating sa dulo'y nabali ang sanga
Kapos kapalaran, humanap ng iba
Gumising ka, Neneng, tayo'y
manampalok
Dalhin mo ang buslong sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo'y lalamba-lambayog
Kumapit ka, Neneng, baka ka mahulog
Ako'y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y
siyam
Ang lalakarin ko'y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban

(pagkatapos nilang awitin ito ay


magtatanung ang guro)

Ano ang napansin niyo sa ating inawit? (sasagot ang mga mag-aaral)
Ano sa tingin niyo ang ating aralin
ngayong araw?

Mahuhusay!
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad/Pagtatalakay
Anong musika ang hilig mong pakinggan?
Ito ba ay soloista, koro o mga pangkat ng
mga manunugtug?
Bakit ito ang iyong hilig o nais
pakinggan?

Bawat tao ay may kanikaniyang nais na


musika, mayroong musika na mukulay
tulad ng maraming nakikinig na boses at
maraming nakikinig na instrumento ang
iba naman ay hindi.
Ang ating aralin ngayong araw ay ang
Texture ng Musika. Ito ay ang
MONOPHONIC, HOMOPHONIC AT
POLYPHONIC.

Ang TEXTURE- ay ang elemento ng


musika na nagsasaad kung gaano karami
ang tunog o melody na naririnig sa isang
awit. Kadalasan ang texture ng musika ay
inilalarawan na manipis at makapal.
Manipis ang texture ng musika kung
ito ay binubuo ng isang tunog mula sa
iisang boses o instrumento. Kapag
ang musikang naririnig ay binubuo ng
dalawa o higit pang mga tinig o tunog,
ang texture nito ay makapal.

MGA URI NG TEXTURE NG MUSIKA

MONOPHONIC- Ang salitang


monophonic ay hango sa salitang MONO
nangangahulugang isang tunog. Ang
ganitong uri ng texture ay napapansin sa
mga komposisyon na may iisang linya ng
musika na pamboses o pang-
instrumento. Isang halimbawa nito ay ang
kilalang Gregorian Chant na tanyag na
inawit, ilang siglo na ang nagdaan. Ang
pag-awit ng sabay- sabay sa iisang tinig o
unison ay iisang halimbawa ng musika na
may monophonic texture. Ito rin ay
maririnig sa pagtatanghal ng isang
manunugtog ng piyano o hindi kaya ng
guitara at violin.
Unang Halimbawa: Tunog mula sa boses
Row, Row, Row your Boat
Row, row, row your boat
Gently down the stream
Merrily, merrily, merrily
Life is but a dream
Pangalawang halimbawa: Tunog mula sa
instrumento.
HOMOPHONIC- Ito ay binubuo ng
dalawang tunog, ang isa ay mula sa
boses at ang isa naman ay mula sa
instrumentong nagsasaliw ng melody.
Ang ganitong uri ng texture ay
mapapansin sa mga awiting bayan.
Halimbawa ng Homophonic tunog mula
sa boses at tunog mula sa instrumento.

POLYPHONIC- ay mula sa salitang


POLY na ang ibig sabihin ay marami.
May mga awitin o tugtugin na binubuo ng
dalawa o higit pang melody nang sabay-
sabay. May iba’t ibang uri ng awitin at
mga gawain na nagpapakita ng ganitong
uri ng texture. Ito ay sa pamamagitan ng
pag-awit ng mga round song at partner
song.
Ang mga ROUND SONG ay mga awitin
na may dalawa, tatlo o higit pang bahagi
na inaawit ng dalawa, tatlo o higit pang
mga pangkat. Inaawit ng grupo ang
parehas na melody, subalit nagsisimula
sila sa iba’t ibang pagkakataon.
Mahalaga sapag-awit ng ganitong mga
kanta ang kakayahn ng pagsunod sa
tamang rhythm at pitch. HALIMBAWA:
Apat na bahagi ng round song
Bukod sa mga round song, nakabubuo rin
ng polyphonic texture ang partner song.
Ang PARTNER SONG ay binubuo ng
dalawang melody namula sa dalawang
magkaibang kanta o awit na maaring
awitin ng sabay hindi lahat ng awitin ay
maaaring awiting ng sabay. Upang
malaman kung dalawang awit ay maaring
pagsabayin, dapat ang magkaparehong
awitin ay may parehas na rhythm at haba.
Ang mga ito ay isinulat sa parehas na
meter at scale. HALIMBAWA: London
Bridge at Merrily We Roll Along.

Naunawaan niyo ba ang ating aralin OPO!


ngayon?

Magaling!

2. Pagsasanay
a. Gawain
Ang klase ay mahahati sa tatlong pangkat
para sa magkaibang Gawain.
Ngaunit bago tayo magsimula, ano nga
ang mga dapat gawin kapag may Nagkakaisa po.
pangkatang gawain?

Mahuhusay nagkakaisa!

Bawat pangkat ay may isang awit


susundin niyo lang kung anong uri ng
musika ang mapatapat sa bawat pangkat,
magkakaroon kayo ng limang minuto
para magawa ang inatas at pagkatapos
ng limang minuto ay ang bawat membro
ng pangkat ay pupunta dito sa unahan
para ipresenta ang kanilang nabuong
mga uri ng musika. Opo.

Maghanda na kayo mga bata at sisimulan


na natin.

Pangkat 1

Leron-Leron Sinta (Homophonic)

Pangkat 2

Row, Row, Row your boat


(Monopholic)

Pangkat 3

Kalesa (Polyphonic)

Mahuhusay mga bata!

b. Paglalahat (sasagot ang mga mag-aaral)

Ano nga ulit ang tatlong uri ng texture sa Ma’am ang tatlong uri po ng texture ay
musika? Monophonic, Homophonic at Polyphonic.

Ano naman ang kahulugan ng texture? Ma’am ito po ay ang elemento ng musika
na nagsasaad kung gaano karami ang
tunog o melody na naririnig sa isang awit.
Kadalasan ang texture ng musika ay
inilalarawan na manipis at makapal.
Magagaling.

3. Paglalapat

Panuto: Sa inyong sagutang papel, isulat


kung TAMA o MALI ang ipinahahayag ng
mga pangungusap.

1. _______Ang partner song ay binubuo


ng awitin na inaawit na may dalawa, tatlo
o higit pang bahagi.
2._______ Ang Round song ay
nakabububuo ng Monophonic texture.
3._______ Manipis Ang tekstura ng awit
na may tatlong linya.
4._______ Ang pag awit ng solo ay
nakabubuo ng Polyphonic texture.
5. _________Ang tekstura ay elemento ng
Musika na tumutukoy sa kapal o nipis ng
tunog ng Musika.

IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang kung


ang mga sumusunod ay MONOPHONIC,
HOMOPHONIC AT POLYPHONIC.

1._______ ito ay tunog mula sa boses at


tunog ng instrument.
2._______ sa pamamagitan ng pag-awit
ng mga round song at partner song.
3._______ tunog mula sa instrumento.
4._______ Ang pag-awit ng sabay- sabay
sa iisang tinig o unison ay iisang___?
5._______ May mga awitin o tugtugin na
binubuo ng dalawa o higit pang melody
nang sabay-sabay.

V. Takdang Aralin

Panuto: Sa tulong ng iyong magulang


o nakakatandang kapatid, pumili ng
anumang instrument o mga bagay na
maaring makalikha ng tunog sa
awiting mapipili niyo sa ibaba ng
kahon.

Leron-Leron Sinta Bahay Kubo

Row,Row,Row your Boat Inihanda ni: Scedeerose S. Reyes


BEED II-A
Ikaw At Ako (moira) Tala(Sarah G.)
Isinulit Kay: Mrs. Marla Ortiz
Instructor

You might also like