You are on page 1of 1

Aralin I: Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika

Petsa: June 13, 2016


I.Layunin:
Nakikilala ang ibat ibang uri ng mga note at rest

II.Paksang-aralin
A. Paksa : Pagkilala sa ibat ibang uri ng mga note at
rest
B. Lunsarang Awit : Lupang Hinirang, G, , do
Magandang Araw, C, , mi
Baby Seeds, G, , so
C. Sanggunian : Music Time (Lower Primary), p. 38, 208
D. Kagamitan : pitch pipe, mga flashcard ng mga note at
rest
E. Pagpapahalaga : Pakikiisa
F. Konsepto : Sa masusing pagsusuri sa mga simbolo
ng musika, maipakikita ang kaugnayan ng ibat ibang
tunog at mga simbolo sa pag-aaral, paglilikha,
pagsusulat, at pagtatanghal ng musika.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Ipalakpak ang sumusunod namga rhythmic patternsa
dalawahan, tatluhan,
at apatang kumpas:

b. Tonal
Awitin ang Lupang Hinirang. Bigyang pansin ang
tamang titik at tono.
Ipaalala ang maayos na pag-awit tulad ng tamang pagupo, hindi pasigaw, at paghinga buhat sa diaphragmsa
halip na sa dibdib.
2. Balik-aral
Ipadyak ang beat. Ipalakpak ang rhythm. Bigkasin ang
chant.

B. Paglinang ng mga Gawain


Pagganyak

2. Paglalahad
- Iparinig ng guro ang awiting Magandang Araw.
- Ituturo ang awitin sa pamamaraang rote.
- Awitin ang Magandang Araw.

3. Pagtatalakay
- Bakit nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog ang
isang awitin?
(Ang isang awit ay nagkakaroon ng maikli at mahabang
tunog dahil
sa uri ng mganote na ginamit.)
- Ilang uri ng mga noteang makikita sa awiting
Magandang Araw?
(May tatlong uri ng mga note ang makikita sa awitin.)
- Bukod sa mga note, ano pang simbolo sa musika ang
inyong
nakikita? (Mayroon ding rest.)
- Isulat/Iguhit ang mga noteat restna ginamit sa awitin.
- Batay sa inyong pag-awit, aling noteang pinakamahaba
ang tunog?
Alin naman ang pinakamaikli ang tunog? Alin naman ang
katamtaman? Alin ang walang tunog?
May mahaba at maikling tunog sa isang awitin dahil sa
mga uri ng note na
ginagamit. May bahagi ring walang tunog at ang ginagamit
na simbolo nito ay
rest.
4. Paglalahat
Tandaan na ang bawat noteay may katumbas/katapat na
rest. Ang bilang ng
kumpas na tinatanggap ng noteay siya ring bilang ng
kumpas na tinatanggap
ng kaugnay na rest.

5. Paglalapat
- Batay sa bilang ng mga note sa loob ng isang
measure, paano napangkat
ang awitin? (tatluhan)
- Tapikin/Ipalakpak ang rhythm ng Magandang Araw
ayon sa bilang ng mga
noteat restna ginamit.
6. Repleksiyon
Ano ang kahalagahan ng mga note at rest sa
pagsusulat/pagrerekord ng
musika? (Ang mga noteat restay ginagamit upang
maisulat ang mga tunog
sa rhythm.)
C. Pangwakas na Gawain
Awitin muli ang awit at lagyan/lapatan ng angkop na galaw
ng katawan.
IV. Pagtataya
Sagutin ang sumusunod.
1. Iguhit ang quarter note.
2.Ano ang katumbas na bilang ng dalawang eighth note?
3. Anong noteang katumbas ng dalawang eighth note?
4. Ano-ano ang mga notena nasa ikatlong measureng
awiting
Magandang Araw?
5. Iguhit ang quarter rest.
V. Takdang-aralin
Pag-aralan ang awit. Lagyan ng kaukulang bilang ng
kumpas ang bawat note at rest.

You might also like