You are on page 1of 5

Paaralan: SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL Antas: V

Guro: MARILYN M. FORTUNADO Asignatura: MUSIKA


Linggo, Petsa at Oras ng Pagtuturo Ika-8 Linggo: Hulyo 22, 2019 (2:50 – 3:30 pm) Markahan: 1ST QUARTER

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
The learner recognizes the musical symbols and demonstrates understanding of
concepts pertaining to rhythm.
B. Pamantayan sa Pagganap The learner performs with a conductor, a speech chorus in simple time signatures
1. choral
2. instrumental
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
(Isulat ang code ng bawat kasanayan) The learner creates different rhythmic patterns using notes and rests in time
signatures as: 2 3 4
4 4 4 (MU5RH-If-g-4)
II. NILALAMAN 1. Musical Symbols and Concepts:
a. Notes and Rests c. Rhythmic Patterns
b. Meters d. Simple Time Signatures
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
Halinang Umawit at Gumuhit 5 (Manwal ng Guro)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
pp. 8 – 11
2. Mga pahina sa Kagamitang Halinang Umawit at Gumuhit 5 (Batayang Aklat)
Pang-Mag-aaral pp. 10 – 15
3. Mga pahina sa Gabay
p. 43 ng 94
Pangkurikulum
4. Karagdagang kagamitan mula MIMOSA 5 Module 7: Pagbuo ng mga Hulwarang Ritmo
sa portal ng Learning Resource https://lrmds.deped.gov.ph/detail/5915
B. Iba pang mga Kagamitang Panturo  Ang tunay na kahulugan ng Atin Cu Pung Singsing (Sinupan Singsing: Center
For Kapampangan Cultural Heritage)
https://www.sinupan.org/2019/01/12/the-real-meaning-behind-atin-ku-
pung-singsing/
 Atin Cu Pung Singsing Music Sheet
https://www.scribd.com/document/372245852/Atin-Cu-Pung-Sing-Sing-
Grade-2-Lyrics
 Pagsasalingwika sa Tagalog ng Atin Cu Pung Singsing
https://greatmindsmedia.wordpress.com/2014/09/20/virgin-forest-1985-ni-
peque-gallaga/
 Powerpoint presentation, video presentations, activity sheets, flashcards o
metastrips ng mga notes at rests, manila paper, markers, smart TV at laptop
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Pampasiglang Gawain:
pagsisimula ng bagong aralin
Patugtugin ang awiting bayan na Pen Pen de Sarapen. Anyayahan ang mga mag-aaral
na sumabay sa pag-awit habang sinasabayan ang pagpalakpak ng ritmo.

Itanong:
Ano ang inyong nararamdaman habang inaawit natin ang Pen Pen de Sarapen?

Balik-Aral:
Gamit ang mga flash cards, atasan ang ilang mag-aaral na punan ng mga simbolo,
pangalan at bilang ng kumpas ng bawat nota at pahingang nawawala upang mabuo
ang chart.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Itanong:
1. May alam ba kayong awiting bayan na gumamit ng ibang diyalekto?
(Manang Biday, Sarungbanggi, atbp. Maaring mabanggit ng mag-aaral ang
awiting Atin Cu Pung Singsing.)

Patugtugin ang awiting Atin Cu Pung Singsing. Anyayahan ang mga mag-aaral na
sumabay sa pag-awit nito. Maaari rin nilang sabayan ng palakpak o pagtapik ayon sa
ritmo o pulso ng musika.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Itanong:
bagong aralin 1. Ano ang pamagat ng awiting bayan na ating napakinggan?
(Atin Cu Pung Singsing)
2. Ano kayang pangkat-etniko ang pinagmulan ng awitin?
(Kapampangan)
Ipaturo sa mapa ng Pilipinas kung saan matatagpuan ang Pampanga.
(Integrasyon ng Araling Panlipunan-Heograpiya)
3. Nauunawaan mo ba ang wika o diyalektong ginamit sa awitin?
Ipakita sa mga bata ang pagsasalin-wika ng awit.
(Integrasyon ng Wika)

4. Ano kaya ang tunay o mas malalim na kahulugan ng awitin?


Talakayin ng bahagya ang kahulugan ng awiting may kinalaman sa kultura ng
mga Kapampangan.
(Integrasyon ng Araling Panlipunan-Kasaysayan)

5. Ano kaya ang maaring mangyari kung hindi natin pahahalagahan ang sariling
kultura?
(Maari nating malimutan ang ating pagkakakilanlan o identity bilang mga
Pilipino)

Iugnay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sarilling mapagkakakilanlan o


identity ng mga pangkat etnikong Pilipino.

Sabihin:
Paka-ingatan ang kultura ng tiwala, pagmamahalan at pakikipag-kapwa-tao
upang maipamalas ang katangian ng pagka-Pilipino. Huwag tayong
magpapa-alipin sa mga dayuhan na maaaring maging dahilan sa ating
pagtalikod sa ating kultura. (Integrasyon ng Edukasyon sa Pagpapakatao)

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Ipakita ang musical score ng awiting Atin Cu Pung Singsing.
paglalahad ng bagong kasanayan #1
Itanong:
1. Ilang sukat o measure ang mayroon sa awitin? ( 23 sukat )
2. Paano nahati ang mga sukat o measure ng awitin?
(Gamit ang barlines)
3. Ilang bilang ng kumpas mayroon ang bawat sukat o measure? ( 3 )
4. Ano ang palakumpasan o time signature na ginamit sa awitin? ( 3 )
4
5. Ano-anong mga simbolo ng musika ang napapaloob sa mga sukat o measure?
( mga nota at pahinga )

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Bigyang tuon ang unang linya na may apat na sukat ng iskor ng Atin Cu Pung Singsing.
paglalahad ng bagong kasanayan #2
(Integrasyon ng Mathematics)
Talakayin at ipakita ang paraan kung paano bumubuo ng isang rhythmic pattern o
hulwarang ritmo gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba.

1. Ano-anong mga nota at/o rest ang pinangkat sa unang sukat o measure?
(dalawang quarter rest at dalawang eighth note)
2. Ilang kumpas o beat ang mayroon sa bawat nota o pahinga?
(Isulat sa ilalim ng bawat nota o rest ang bilang ng kumpas.)

1 1 ½ ½

3. Ano ang kabuuang bilang ng kumpas na mayroon sa unang sukat?


(Lagyan ng plus sign ang pagitan ng bawat nota at rest at kunin ang
kabuuan.)

1+ 1 +½+½ = 3

4. Gawin din ang halimbawa sa ikalawa hanggang ikaapat na sukat.


Sabihin:
Ito ay tinatawag nating isang rhythmic pattern o hulwarang ritmo.
5. Paano ang pagbuo ang isang rhythmic pattern o hulwarang ritmo?
6. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng rhythmic pattern o hulwarang ritmo?

Pangkatang Gawain (Laro)

Bigyan ang bawat pangkat ng isang manila paper at envelop na naglalaman ng


metastrips ng mga rhythmic pattern o hulwarang ritmo.
2 3 4
 Magpabuo ng rhythmic pattern sa palakumpasang 4 , 4 at 4 .

 Ang unang grupo na makabubuo ay mananalo.

F. Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang Gawain


(Tungo sa Formative Assessment)
 Paalalahanan ang mga bata sa panuntunan sa pangkatang gawain.
 Bigyan ang bawat grupo ng activity sheets at mga kagamitan.
Pangkat 1 at 4
1. Bumuo ng tatlong sukat ng rhythmic pattern o hulwarang ritmo na may
palakumpasan o time signature na 2 .
4
2. Ipakita ang bilang ng mga nota at rest na ginamit sa pagbuo ng inyong
rhythmic pattern.
3. Ipaskil at iulat sa klase ang inyong natapos na gawain.
3
Pangkat 2 at 5 : Palakumpasang Pangkat 3: Palakumpasang 4
4 4
 Bigyan sila ng 5 minuto upang matapos ang gawain. Ipaulat sa klase ang
kanilang output.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Bilang pakikiisa ng San Francisco Elementary School sa selebrasyon ng Buwan ng
araw na buhay Nutrisyon sa buwan ng Hulyo, nagdaos ito ng iba’t ibang paligsahan o mga contest.
Napili ang inyong pangkat na kumatawan sa inyong seksyon sa isang cooking contest.
Ano-anong mga dapat mong gawin upang maging maayos ang pagganap ng inyong
pangkat? Paano ka makakatulong sa pagpapagaan sa gawain ng iyong pangkat?

H. Paglalahat ng Aralin Itanong:


1. Ano ang rhythmic pattern o hulwarang ritmo at paano ang pagbuo nito?
(Ang rhythmic pattern ay ang pinangkat o pinagsama-samang mga nota at
pahinga na may kabuuang bilang ng kumpas na naaayon sa isang
nakatakdang time signature o palakumpasan.

I. Pagtataya ng Aralin Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

3
4
hq d qeeq
1. Ilan ang measure o sukat mayroon ang linya ng rhythmic pattern sa itaas?
2. TAMA O MALI. Ang rhythmic pattern na nasa itaas ay may apatang kumpas.

4
4
qeeqQ w h q
3. Aling nota o note ang bubuo sa rhythmic pattern sa itaas ayon sa nakatakdang
time signature.
A. q B. e C. h D. s
4. Aling pahinga o rest ang bubuo sa rhythmic pattern sa itaas ayon sa nakatakdang
time signature.

A. E B. H C. Q D. S
5. Bumuo ng isang sukat ng rhythmic pattern sa palakumpasang 2 .
4

J. Karagdagang gawain para sa Panlunas/Pagpapahusay na Gawain


takdang aralin at remediation (LM p. 23)

Remedial:
Lumikha ng rhythmic pattern o hulwarang ritmo sa pamamagitan ng pagpapangkat ng
mga nota at pahinga gamit ang bar lines. Isaalang alang ang nakatakdang time
signature.

V. MGA TALA
5= MPS: _______
4= Mn: _______
3= HP: _______
2= AP: _______
1= LP: _______
Cases= HS: _______
LS: _______

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
sa na mag-aaral ang nakakuha ng 80% sa pagtataya
80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang sa na mag-aaral ang nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
Oo Hindi
ng mag-aaral na nakaunawa sa
sa na mag-aaral ang nakaunawa sa aralin
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
sa na mag-aaral ang magpapatuloy sa remediation
magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong mga suliranin ang aking


naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Prepared by:

MARILYN M. FORTUNADO
Teacher – 1

Reviewed and Checked by:

DIGNA D. FALCULAN
Principal – 1

You might also like