You are on page 1of 5

Kapaskohan sa Gitna ng Pandemya

Narrator: Mag dadalawang taon na tayo sa pamdemya dulot ng COVID-19. Pagdiriwang ng mga okasyon
ay di na natin nagagawa ng masayang masaya dahil limitado ang dapat na dadalo. Buwan ng disyembre
ay malapit na, kapanganakan ni jesus ay ipagdidiriwang na. Christmas is coming and here we are still in
time of pandemic.

Scene 1: Sa bahay

Nadia (mom): Anak, gising na at tayo ay magsisimba ngayon(pag gising niya sa kanyang anak na si anna-
panganay na anak)

Anna: wait lang po mommy mag aayos pa muna ako ng aking sarili at damit na susuotin.

(pumunta sa cabinet at nag hanap ng masusuot at nag ayos na ng sarili)

Jay(dad): love, handa naba kayo? We're going!

( naghanda ng sasakyan)

Nadia: sandali lang! Hinihintay ko pa ang mga anak mo!

Anna:(tapos na mag bihis)

Luna(kapatid): Im done mom, dad!

Aaron(kapatid): Same!

(pagkatapos ng pag aayos ng magkapatid pumunta na sila sa sasakyan. Handa ng magsimba dahil
magpapasko na at nakagawian na nila)

Meanwhile...
Scene 2: Magkakapatid na magpapasko na di kasama ang kanilang ina.

Sofia: Ma-mama? Hello po kamusta po kayo diyan? Okay lang po ba kayo? Nay masakit po ba sayo?
(umiiyak habang kausap ang ina sa phone)

Mother: Anak, sofie(umiyak)...okay lang si mama dito nak, di lang ako makahinga minsan..pero okay lang
si mama...magiging okay lang si mama nak(hikbi)

Sofia:Advance Merry Christmas po mama...mahal na mahal ko po kayo.

Mother: Advance Merry Christmas din nak, mahal na mahal kayo ni mama. Nga pala nak asan kapatid
mo?

Sofia: Sa kwarto niya po ma...nakatulog na kakaiyak...miss na miss kana niya po.

Mother: Pausap ako sa kapatid mo nak(sighed)

Sofia:(pumunta sa kwarto ng kapatid at ginising)

Sofia: bunso, vioxx si mama gusto ka makausap (binigay ang phone sa kapatid)

Vioxx: Hello? Mama?

Mother: (umiyak pagkarinig sa anak) anak huhuhu, anak bat ka umiyak? Sabi ni ate umiyak kana naman
daw.

Vioxx: Miss na po kita mama(umiyak) ito po ang kauna-unahang pasko na di ka po namin


makakasama...pagaling ka po mama.

Mother: oo nak, magpapagaling si mama, magpapagaling ako para sa inyo ni ate mo.
Narrator: Dec 24, tumawag uli si sofia para kamustahin ang kanyang ina.

Sofia: mama? Kamusta po pakiramdam niyo? Masakit parin po ba? Inaalagaan ka din po ba diyan sa
hospital?

Mother: Nak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni mama, okay? k-kayo ng kapatid mo(putol
putol na sabi dahil kapos sa paghinga) anak, alagaan niyo ang sarili niyo ha, magpalakas kayo.

Sofia: Ma-ma(hikbi) bat po kayo ganyan?! Wag namn pong ganito oh...lalaban kayo diba po? Sabi mo
lalabanan mo ang virus na yan diba po?

Vioxx: mama? Hihintayin ka po namin ni ate na gumaling... Magpapasko pa po tayong magkasama at


mag ce-celebrate pa tayo ng kaarawan mo diba po?

Mother: sana nga anak maka abot pa ako... Basta lagi niyong tatandaan...k-kahit na mawala na si mama,
mananatili ako sa pusot isip niyo...mahal na mahal ko kayo.

Vioxx&sofia:(umiyak ng umiyak) mama, please po wag po muna kayong susuko...please po wag muna
huhu

Narrator: pagkatapos ng tawagan na iyon pumunta ang magkapatid sa simbahan..

Sofia:(lumuhod) lord, please po bigyan mo po si mama ng lakas para patuloy siyang lalaban. Guide her
po para malabanan niya ang kanyang sakit. Nakikiusap po ako kahit ito lang po ang regalo ko sa
pasko...ang gumaling po si mama at makasama pa namin sya.

Vioxx: papa god, mahal na mahal po namin si mama hindi po namin kakayanin na mawala siya. Hindi pa
po kami handa.(umiyak)

Narrator: dec. 25 araw ng kapaskohan. Tumawag ulit si sofia sa kanyang ina at hinde inaasahan ang
bubungad sa kanya.
Sofia: hi mama!(smiling while crying) Merry Christmas po and Happy birthday!

Mother: Salamat anak, Merry Christmas din sa inyo. Sensya na nak kung hindi niyo makakasama si
mama ngayong pasko(umiyak) at hindi ko din alam kung gagaling pa ako kase nak sabi ni doc may iba pa
daw akong sakit maliban sa COVID.

Sofia:(natulala)

Mother: Nak, kung mawawala man ako ngayon lagi mong tatandaan na hindi kayo nag-iisa. Nariyan ang
diyos at ako ang magiging guardian angel niyo. Kayo ang pinaka magandang regalo at nangyari sa buhay
ko. Mawala man ako palagi akong nasa puso niyo. Pero nak pagod na si mama, pagod na na ako, di kona
kaya(umiyak).

Sofia:(umiyak) Mama? Kung pagod ka na po pahinga na kayo ma. Di ko po kaya na mawala kayo pero
mas masakit po na nahihirapan kayo diyang mag isa. Di ko po pababayaan ang kapatid. Naging mabuti
po kayong ina sa amin at hindi kayo nagkulang na iparamdam sa amin ang pagmamahal niyo po. Lagi
niyo pong tatandaan(umiyak) mahal na mahal na mahal po kita, mahal ka po namin ina...pahinga na po
kayo tanggap ko na po okay lang kami mama... Paalam...

Narrator: paglipas ng isang taon buwan ng disyembre araw ng kapaskohan. Sa simbahan....

Father: Good Morning brothers and sisters of christ. Merry Christmas. Meron akong ibabahagi na
kwento. Ito ay kwento tungkol sa dalawang magkaibang pamilya kung saan nagkaroon ng masaya at
masalimuot na pasko. Pamilyang sama-sama at masayang nag diwang ng pasko. Sa kabilang banda,
dalawang magkapatid na walang tigil sa pag iyak dahil nawalan ng mahal sa buhay sa mismong araw ng
pasko. Lagi ninyong tandaan pantay-pantay tayo sa mata ng diyos kahit na ano mang pagsubokang
dumating kaya nating lampasan. Siguro nga di pa ito ang panahon, pero sigurado na dadating ang
panahong iyon na mararanasan natin kung gano kasaya ang diwa ng pasko. Kung saan sa panahong iyon
hindi na puro lungkot at sakit ang maalala dahil sa pandemya kung hinde ang kasiyahan dahil ito ay
kapanganakan ng mahal na diyos. Pasko sa gitna ng pandemya, wag kalimutang mag saya kahit na sa
sitwasyon tayong parang susuko na. We accept the situation and to spread love to feel the true spirit of
christmas.

Narrator: Sa kabilang banda, sa loob mismo ng simbahang yon naroon ang mag pamilya na nakwento ng
pari. Masayang inaalala ang mga nangyari pero sa huli masayang tinanggap at binaon sa limot sa sakit na
nakaraan.
Nagpasalamat ang magkapatid sa diyos dahil tinupad nito ang dasal nila na gumaling ang kanilang ina. Sa
gitna ng pag aagaw buhay nito nagkaroon ito ng liwanag para di sumuko sa eksakto na kapanganakan ni
hesus at sa mismong kaarawan nito nabigyan ito ng pangalawang buhay. Ayon na ang pinaka
magandang regalo na natanggap ng magkapatid sa buong buhay nila. Ang pagkaroon ng pangalawang
buhay ng kanilang ina. Wala ng kasing tamis abg ngiti nila tuwing mag didiwang ng kapaskohan na
parang walang bakas ng sakit ng nakaraan.

Narrator: Naging masalimuot man ang pasko mo ngayon dahil sa pandemya, aasahan mong may
darating na biyaya galing sa panginoon na mas higit pa sa inaasahan mo. Walang imposible sa
panginoon.

You might also like