You are on page 1of 4

SANA NGAYONG PASKO

A Short Funny Filipino Situation Amid Pandemic

Ang mga Magsisiganap:

Bunso (labis na nangungulila sa aruga ng Nanay)

Nanay (isang NICU nurse; di makauwi dahil sa tawag ng tungkulin at takot na


mahawa ang kanyang anak ng COVID-19 virus)

The COVIDs (ang nakakatakot na virus)

The Background Singers (ang mga tagakanta na ‘di nag practice)

Tagapag-salaysay

Background of the story


Dahil sa nagaganap na pandemya dulot ng nakamamatay na COVID-19 virus, maraming magulang ang ‘di
maiwasan na pansamantalang mawalay mula sa kanilang mga mahal sa buhay, lalo na sila na mga nasa
medical frontlines.

Ito ay isang malungkot at masayang kwento ng isang nanay at anak.

Setting: Noche buena

Narrator: Labis ang kalungkutan na nadarama ni Bunso. Miss na miss na nya si Nanay.
Halos dalawang linggo ng ‘di umuuwi si Nanay. ‘Di siya sanay sa ganito. At alam
niya na kahit kelan ‘di siya masasanay sa ganito. Si Nanay ang kailangan nya!
Lalo na at mamaya lang noche buena na! Naiiyak na naman siya….

*while narrating, the story teller must set up the mood of the scene by
suggesting on what the protagonists should do.

The COVIDs: Hanggang kelan kaya gan’to, walang ngiti mga tao?
Hanggang kelang kaya gan’to, sa loob lang si Lola’t si Lolo?
Hanggang kelan kaya gan’to, ‘di makalaro sa playground ko?
Hanggang kelan kaya gan’to, laging kasama pamilya ko?

Sana lagi ang playground ko, ay ang kwarto ni kuya


Sana lagi ang kalaro, si Lolo at si Lola ko
Sana lagi kong kasama si mama at si papa

Hanggang kelan kaya gan’to, lagi kasama pamilya ko


Para laging may kiss, laging my hug
Laging may Jollibee, sarap kasama’ng pamilya
Sarap kasama’ng pamilya!
*the COVIDs, wearing cut-out image of corona virus, makes random movements
while singing.

Narrator: Tinatawagan ni Bunso ang kanyang Nanay sa cellphone. Panay ang buntong-
hininga ni Bunso. Madalas kasi ‘di niya makausap si Nanay dahil sa dami ng
trabaho sa ospital.

Bunso: (Kausap ang kanyang Nanay sa cellphone) Hello Nanay! Merry Christmas po!
Kumusta ka po dyan? Ok ka lang po ba? Kumain ka na po ba? Nakakatulog ka po
ba dyan ng maayos?

*Nanay on one corner, can be seen with her back facing the audience. She
slowly faces the audience. Her eyes with exaggerated dark circles and haggard
look.

Narrator: Si Nanay na pagod, pinipigilan ang kanyang pag iyak.

Nanay: Hello Bunso! Miss ka na ni Nanay! Hayaan mo anak babawi si nanay ‘pag
nakauwi na ako! Wag ka ng malungkot ha! Sige na anak, umiiyak na ang alaga
ko…. I love you Bunso!

*(Thinking out loud) Mabuti na lang at ‘di ko nasabi na pinayagan ako na


makauwi ngayon! Mabuti na lang at mabait talaga si Mam Jaz at Sir Jeff!
Makakasama ko si Bunso mamayang noche buena! Mabuti pa siguro, mag ayos
na ako at ng maka uwi na ng maaga.

Narrator: At doon nga, nagmamadali na si Nanay na nag ayos. Isang malaking surpresa ang
ibibigay nya kay Bunso ngayong pasko! Magkakasama na sila! Salbaheng nanay
at tinurtyur pa si bunso!

Sa Bahay

Narrator: Makikita si bunso na luluhod at mananalangin.

The Background Singers: Pasko na naman ngunit wala ka pa


Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo
Bakit ba naman kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka
Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko

Pasko na naman ngunit wala ka pa


Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo
Bakit ba naman kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka

Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako


Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko, oh
Sana ngayong pasko?

Bunso: Baby Jesus, Happy birthday! Alam ko ako na ako dapat ang magbibigay sa iyo ng
gift at wishes. Kaya lang gusto ko talagang makasama si Nanay ngayong pasko!
Miss na miss ko na sya! Gusto ko na sana bukas, sa birthday mo, sabay kaming
babati sa’yo ng MERRY CHRISTMAS!

Narrator: Naiiyak na ako! Pero eto na po yung ending… mula sa likod ay dahan dahang
lalapit si Nanay para surpresahin si bunso. Mabibigla si bunso sa biglang
pagdating ni nanay! Magugulat, manlalaki ang mga mata, manginginig ang mga
kamay, mga paa, at buong katawan!

Bunso: NANAY! Nanaykupu!

Narrator: Medyo natakot si bunso sa naging itsura ng nanay nya. Pero kahit ganun man,
nanay nya yun eh. Sabi nga: be careful of what you wish for!

Nanay: BUNSO! (boses na parang sa gabi ng lagim)

Narrator: Magyayakap ang mag-ina ng mahigpit…


Sandaling bibitaw si bunso at titingin sa taas…

Bunso: Maraming Salamat po Baby Jesus! Ambilis mong naibigay ang wish ko!
Maraming salamat po!

Narrator: Si Bunso, haharap sa nanay nya…

Bunso: Kumpleto na ang aking pasko! Maraming Salamat Nanay! Merry Christmas po!
Nanay: Lahat gagawin ko para makasama ka ngayong pasko anak! Merry Christmas!

Narrator: At dito po nagtatapos ang isang bahagi ng kwento ni Nanay at Bunso. Nawa ay
kapulutan ito ng aral. Maraming salamat po sa inyong pasensya sa panunood ng
Maala-ala mo Kaya. Ito po si Charo Santos, bumabati ng Maligayang Pasko.

The Background Singers: Maalaala mo kaya


Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang 'di magmamaliw

Kung nais mong matanto


Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago….(fading…….)

You might also like