You are on page 1of 1

Ma’am Vilma Haay!

Ma’am Rosyl (bugtong hininga)


Ma’am Rosyl Oh! Napano ka Ma’am Vilma (nabigla, nagtataka)
Ma’am Vilma Magpapasko na naman! Marami na namang bumabalik sa aking alaala kapag
sumasapit ang kapaskuhan.
Naaalala ko kung paano magdiwang ng kapaskuhan ang Teresa NHS. (malungkot
ng konti, bumabalik ang mga alaala)
Ma’am Rosyl Ma’am Vilma, tama ka nga po d’yan. Kahit ako rin, hinahanap ko yung mga
panahong tayo ay nagdidiwang ng simple pero masayang kapaskuhan kasama ang
ating mga kapwa guro. (malungkot ng konti, bumabalik ang mga alaala)
Ma’am Vilma (masaya ang tono habang naikukwento ang nakaraan) Alam mo ba noon…
(magkwento ng ilan sa mga naaalala Ninyo noong mga nagdaang Christmas
party)
Ma’am Rosyl (excited na nakikinig) Nako! Ma’am Vilma ako rin …. Alam mo po ba na…
(magkwento ng ilan sa mga naaalala Ninyo noong mga nagdaang Christmas
party)
Ma’am Vilma (Ngiti na may pag-asa) Pero alam mo, masaya pa rin ako, dahil sa kabila ng
pandemya na nararanasan natin ay buo pa din ang pananampalataya natin sa
Poong Maykapal. Di tayo nagpatinag sa pandemya, bagkus ito pa ay naging
sandata natin para ituloy ang laban para sa bata at para sa dakilang lumikha.
Ma’am Rosyl Basta tayo ay may pagkakaisa, pasasalamat, at pananampalataya ay malalabanan
natin ang pandemya na ito.
Ma’am Vilma Tama ka d’yan. Tara na nga at tayo pa ay mag sosort ng ating mga modules at may
gift giving para sa mga estudyante natin.
Ma’am Rosyl Ay oo nga po pala! Pero bago po muna yun ay kailangan ko po palang mag home
visit doon sa aking estudyante na di na nagparamdam noong nakaraang linggo.
Ma’am Vilma Ingat ka!

You might also like