You are on page 1of 3

Lora Corinne T.

Acero
11 HUMSS 3
16 May 2022

Lakbay Sanaysay

Lakbay Mala-Panghimpapawid

Naranasan mo na ba ang pakiramdam na para kang nasa himpapawid ngunit ang iyong mga paa
ay nakayapak at lumalakbay lamang sa lupa? Iyong pakiramdam na parang naabot mo na ang langit
sapagkat kapayapaan lamang ang tangi mong iniisip? Lahat ng iyan ay aking naranasan sa aking lakbay
na mala-panghimpapawid.

Araw iyon ng Biyernes, ika-13 ng Mayo. Nagkayayaan kaming magkaibigan na mamasyal sa


sikat na pasyalan sa karatig-bayan. Maraming haka-haka na akong narinig patungkol sa kagandahang
mayroon nito. Nais naming mapatotohanan ang aming mga narinig kaya binalangkas naming
magkaibigan ang plano. Ngunit noong araw na itinakda, parang uurong muna sana ako sa gala. Marami
akong gagawin. Hindi pa mabuti ang aking karamdaman. Maulan rin ang panahon. At saka, mag-isa lang
ako na ba-byahe mula sa amin. Ako ay nangangamba at nag-aatubili ngunit wala mang ni isa sa mga iyon
ang naging hadlang sa aking paglabas.

“Kitcharao, ma’am?” tanong ng driver ng tricycle na aking sinasakyan habang abala ako ng
kakaisip sa maulan na panahon, mga tambak na trabaho sa bahay na aking iniwan, at patutunguhan kong
pasyalan. Biglang naalala ko na maari ko naman palang puntahan muna si Honeyjean sa Alegria upang
may kasama akong pupunta doon. "Aah Alegria ra kuya, pasuyod sa Ouano, palihog,” tugon ko.

Magtatalumpong minuto akong naghintay sa labas ng bahay nina Honeyjean dahil nag-ayos pa
siya. Sa aking paghihintay, biglang may naramdaman akong pagpatak. May ambon na. Tumaas ang aking
pagkabalisa. Wala akong payong. Madulas ang daan. Ano pa ang aming maaasahan sa nasasabing
pasyalan? Gayunpaman, gumaan ang aking loob nang lumabas si Honeyjean na may dalang payong.
Mabuti rin naman at hindi mapanglaw ang aming byahe sapagkat may kaklase rin kaming sasabay sa
amin papunta sa Viewing Deck sa Kitcharao na naghihintay sa bayan mismo ng Kitcharao, si Jinju.

Nakatira ako sa bayan ng Mainit, at ang pasyalan na aming pupuntahan sa Kitcharao ay mala 35
na minutong byahe mula amin. Sa transportasyon, mainam sakyan ang tricycle dahil mura lamang ang
mas-reyalistiko ang iyong pagbyahe. Mula Mainit, isang byahe papunta sa Magpayang kung saan
naparoroon ang mga tricycle na maghahatid sa atin papunta sa Alegria at Kitcharao. Tagaktak ang 20
pesos sa unang byahe pa lamang. Ang pangalawang byahe ay mula naman sa Magpayang papunta sa
Kitcharao. Ngunit sa aking paggala, pumunta muna ako sa Alegria, karatig-bayan ng Mainit sa hindi pa
ang Kitcharao. Tagaktak na naman ang isa pang 20 pesos sa pangalawang sakay. At mula naman Alegria
patungong Kitcharao ay isang 20 pesos ulit. Lahat-lahat na nagasta ko para sa transportasyon ay 60 pesos.

Sa aming pagbyahe, napagtanto ko na mainam ang pagsakay ng tricycle kung gala ang iyong
layunin. Bakit? Ang tricycle ay bukas na sakayan kung saan mas malapit ang iyong kalooban sa daan,
mga taong-bayan, at mga tanawin. Iyan ang mga bagay na hindi natin mararanasan kung nakasakay
lamang tayo sa seradong mga sasakyan.
Ang pasyalan na aming patutunguhan ay tinatawag na Viewing Deck. Ito ay nakapalagay sa itaas
na bahagi ng bayan ng Kitcharao. Para bang naipalagay ito sa ibabaw na magkalapit na sa langit. Sa
aming pag-arangkada, nakaramdam ako ng pagkabingi. Sabi sa akin ni Papa, normal lang daw ang
ganiyan sapagkat habang tumaas ang altitude ng daan na ating tinatahak ay naapektuhan din ang ating
pandinig. Kahit pa riyan, nabawasan ang aking pangamba nang unti-unti ko nang nakikita ang mababa na
bahagi ng bayan. Natatanaw ko na rin ng mas malawak ang Lawa ng Mainit.

Pagkarating naming sa nasasabing pasyalan, naglakad muna kami ng mahigit kumulang 50 steps
na hagdan. Bilang pagsunod sa protocols, nilista naming an gaming pangalan at nagbayad ng entrance fee
na 25 pesos.

Napagtanto ko na kanina pa palang naghihintay sa amin ang iba naming mga kaklase. Nadatnan
namin sila na kumakanta sa karaoke sa ilalim ng isang cottage. Nakisabay kami sa kanilang kasiyahan at
syempre, kumanta rin kami kahit na sintunado at hindi maabot-abot ang tono ng kanta. Puro tawa at
sabay sa kanta nga lamang ambag ko doon.

Iilang minuto ang lumipas, niyaya ko sina Honeyjean at Jinju na lumibot sa pasyalan kasi sayang
naman kung hindi naming mapapatunayan ang sinasabi nilang kagandahan ng Viewing Deck. Sumabay
sa amin sina Christal at Shaina na pawing mga kaklase rin namin.

Habang naglalakad-lakad kami, nadaanan namin ang samu’t saring photobooths na nakikita ko sa
mga litrato ng aking mga kaibigan mula sa facebook. Umabot kami sa itaas kung saan may photobooth na
nakadesenyo na parang balcony ng isang bahay kung saan matatanaw mo ang kalakihang bahagi ng
Kitcharao. Kalakip rin ang malapit-lapit na bahagi ng Alegria ay makikita. Kahit struktura ng Alegria
Stand Alone SHS ay matatanaw sa malayo.

Dumako naman kami sa mas itaas na bahagi ng pasyalan kung saan sabi nila ay nakapalagay ang
telescope. Umaakyat kami ng mahigit 20 steps upang marating iyon. Nakakalungkot lang kasi wala
kaming nadatnan na telescope ngunit binawi naman ng kahanga-hangang tanawin ng nag-aagaw na Lake
Mainit at kabundukan na nakapalibot sa amin. Pakiramdam ko tuloy na para akong ibon kung saan na
natamo ko na ang sinasabi nilang bird’s eye view. Kapag nasa itaas kana, pakiramdam mo na langit na.
Malayo sa mga tao. Malayo sa mga sasakyang nagdudulot ng polusyon. Malayo sa lahat ng dilemma.

Kapag nasa itaas kana, malilimutan mo lahat ng mga problema. Ang pangamba na aking
naramdaman sa unang minuto ng aking paglabas ng bahay, mga pag-aatubili habang nakasakay sa tricycle
na bumabyahe papunta sa natatanging mala-panghimpapawid na lugar, at pagbabanta ng maulang
panahon ay napawi lahat. Pinalitan ito ng pagkahanga na hindi ko man inasahan. Doon sa ibabaw na
bahagi ng pasyalan ay marami akong natutunan. Naranasan ko na makipagkuwentuhan kasama ang mga
kaibigan na hindi ko gaanong nakasanayan. At ang pinakamakabuluhang bahagi para sa akin ay ang
paglawak ng aking kaisipan sa mundo na aking ginagalawan.

Hindi ako pala-gala, at nasa bahay lang ako halos lahat ng oras kaya parang limitado lamang
aking papanaw sa mundo. Ngunit ang aking gala noong araw ng ika-13 ng Mayo ay hindi ko malilimutan
sapagkat diyan ko napagtanto na kung mas malawak pa sa ganito ang mundo, mas marami pang mga
bagay na hindi pa natin natahak ni naranasan pero maari naman nating masubukan sa hinaharap. Dagdag
pa ang kalidad na oras na aking ginugol kasama ang mga kaibigan ay nagpbigay-daan sa amin na
mabuklod hindi lamang bilang magkaklase kung hindi ay magka-ibigan rin.

Ang aking lakbay na mala-panghimpapawid ay waring nagbigay-daan sa akin na maranasan ang


matalinghagang paglipad sa paraan ng katiwasayan at kapayapaan na tanging ang mga pasyalan na
nakapalagay sa ibabaw kagaya ng Viewing deck sa Kitcharao lamang makakapag-alay. Walang
swimming pools ni boulevards; tanging ikaw lang, iyong mga kaibigan, at ang iyong sariling isipan.

You might also like