You are on page 1of 2

Simula ng nagkaroon ng pandemya ako at ang aking pamilya ay hindi na

madalas makalabas o mamasyal sapagkat dahil narin sa pagiging maingat para sa


aming kalusugan. Kaya lubos ang aming pagkadismaya sapagkat wala kaming
ibang magawa kundi sa bahay lamang.
Isang araw buwan ng Disyembre 23,taong 2021 napagkasunduan naming
ng aking magulang na magpunta sa 1,000 steps Eco-Park sa Alfonso Lista Ifugao
upang mamasyal. Dahil nga ngayon lang kami ulit mamamasyal dahil sa
pandemyang ito lubos ang tuwa,kaya’t ako’y sabik na sabik noong araw na iyon sa
sobrang saya ko ay halos abot tainga ang aking ngiti habang ako’y namimili ng
aking susuotin.
Sa bandang 7:00 nga ng umagang iyon kami ay nagsimula ng magbyahe.
Habang kami ay nagbabyahe lubos na masaya at nasasabik ang bawat isa sa amin
na makarating sa lugar na iyon sapagkat madaming mga bali-balita na tunay
ngang maganda at tampok sa mga tao na magpunta roon.
Makalipas nga ang halos apat na oras naming pagbabyahe kami ay
nakarating sa aming destinasyon. Pagkarating doon ay agad kaming bumili ng tiket
upang kami ay mapayagang makapasok sa Eco-park. Ang isang tiket ay
nagkakahalaga ng 50 pesos para sa mga matatanda (Senior Citizen) at 30 pesos
naman para sa mga bata o estudyante.
Pagkatapos naming makabili ng tiket, maraming tsuper ng mga traysikel
ang nagaabang upang maihatid kami papuntang eco-park. Pagkarating sa eco-
park, ay agad na naming sinimulan ang pag-akyat sa mga hagdan papunta sa taas
ng bundok.
Habang kami ay paakyat,nararamdaman namin ang pagod at panghihina ng
aming katawan sapagkat bukod sa malayo ito ay matarik na bundok ang aming
aakyatin. Ngunit sa kabila ng pagod na ito agad rin naman itong napapawi
sapagkat habang kami ay naglalakad makikita mo ang tunay na ganda ng
kapaligiran rito. Hindi namin mapigilan ang pagkuha ng litrato sa bawat isa,hindi
pa man namin nararating ang aming destinasyon ay alam na namin na tunay
ngang maganda ang lugar na ito.
Sa halos isang oras naming pagakyat sa lugar na ito matagumpay kaming
nakarating sa itaas ng bundok. Agad dumampi sa aking balat ang malamig at
sariwang hangin ng Ifugao. Agad ding bumungad sa amin ang napakagandang
tanawin. Makikita rin mula sa itaas ng bundok ang Magat dam. Kaya hindi naming
mapigilan ang pagkuha ng litrato dito sapagkat hindi lamang ito isang litrato kundi
nakapaloob dito ang ganda ng lugar na ito at mga karanasang aming nagawa nang
sagayon ay hindi naming ito malilimutan.
Matapos nga ang paglibot namin sa lugar na ito kami ay agad ng bumyahe
pauwi sa aming tahanan. At habang kami ay pauwi hindi ko lubos maisip na
nakapunta kami sa isang napakagandang lugar at agad akong nagkaroon ng
realisasyon na hindi lamang pera ang mahalaga sa ating buhay kundi isang
mahalagang memorya na tatatak sa ating puso’t isipan na sakabila ng kahirapan
sa panahon ngayon ay hindi matatanggal ang saya kung kasama natin ang buong
pamilya sa isang lugar na tunay na maganda at nagbibigay ng masasayang
memorya.
Kaya sa kabila ng karanasang ito lubos na madami ang nagbago sa aking
pamumuhay(lifestyle) sapagkat naintindihan ko sa puso’t isipan ko ang halaga ng
isang buong pamilya na magkaroon ng buo at matatag na relasyon sa bawat isa na
dapat huwag natin isipin ang kahirapan at problema kundi tayo’y magkaisa at
bumuo ng magaganda at masasayang memorya.

You might also like