You are on page 1of 3

Paglalakbay

Isa ako sa mga kabataan na nais maglakbay at makapunta sa iba’t-ibang


lugar. Lalong-lalo na sa mga sikat na destinasyon at may magagandang
tanawin. Alam naman natin nakakapagod ang isang paglalakbay, ngunit hindi
makakaila ang matututunang aral sa bawat paglalakbay na maaring maidagdag
sa kaalaman.

Naalala ko pa noong pumunta kami sa Eden Nature Park of Davao.


Pumunta kami d’un kasi inaya kami ng kapatid ng tatay ko kaya sumama ako,
kaso hindi sumama ang nanay at tatay ko kasi okupado ang kanilang oras. Kaya
kami na lang ng mga kapatid ko, pinsan, tita, tito, at lola ang pumunta sa Eden
Nature Park.

Habang nagbibyahe pa syempre marami kang madadaanang mga tao at


iba’t-ibang kilalang lugar. At dahil maaga kami umalis nadaanan namin ang
dagat na kasabay sa pagbungad ng araw ay napakainit din. Nakukwentuhan
kami sa van, may nagpapatawa at di rin mawawala ang taong kung magkwento
na ay kayang ubusin ang oras. Ibang-iba talaga ang saya na mararamdaman
sa paglalakbay lalong-lao na kapag kasama ang pamilya.
Mga isang oras din ang byahe namin papunta sa Eden Nature Park, nang
dumating na kami doon ay kumain muna kami. Habang ako’y kumakain
tumitingin ako sa paligid at makikita mo talaga na ang lugar ay napapaligiran
ng mga punong kahoy, at malalanghap ang sariwang amoy ng hangin. Tama
nga lang na tinawag itong Eden Nature Park.

Pagkatapos naming kumain, kumuha agad kami ng litrato sa bawat


magagandang tanawin na aming makikita. Una naming pinuntahan ang horse
riding area, kaso di ako sumukay kasi takot ako na baka ihulog ako ng kabayo.
Ang sumakay lang ay si tita at pinsan kung walong gulang. Habang nag horse-
riding sila, lami naman di naman pinalagpas na makapag masid-masid sa
paligid. Nakita ko talaga na napakaganda talaga ng kalikasan.

Pagkatapos nilang sumukay ng kabayo ay pinuntahan namin ang lugar


kung saan may zipline at sky cycling. Hindi ko talaga pinalagpas na subukan
ang sky cycling, kahit takot ako tumadyak tumadyak talaga ako, at isa yun sa
mga napakasayang karanasan ko. Yung damang habang nasa itaas ka na takot
pero mas umiiral parin ang saya na para bang walang problema. Labis kong
ipinagmalaki ang karanasang iyon. Pagkatapos naming mag-skycycling ay
pumunta kami kung saan makikita mo ang mga ibat-ibang klase ng hayop,
pagkatapos ay pumunta at sinubukan namin ang pond fishing, tapos ang nahuli
namin ay ‘yon din ang pinaluto at kinain namin para sa tanghalian. Pagkatapos
naming kumain kami sa kanilang resort, resort na sa unang titig palang
kaysarap ng ligoan, at sa pagligo namin naramdaman ko talaga ang
maligamgam na tubig sa swimming pool.

Sobrang saya namin ng mga araw na ‘yon, makikita mo talaga na


kayganda ng ating kalikasan. At mas gaganda pa kung gagamitin ito sa maayos
at mabuting paraan. Kaya dapat nating gamitin ang kalikasan sa mabuting
paraan kasi isa din ito sa mga tumutulong upang tayo’y mabuhay. At dapat din
nating pahalagahan ang oras at pagkakataon na kasama ang ating pamilya.

You might also like