You are on page 1of 4

Ang mala-paraisong La Mesa Eco Park

Ni: Kristine Jane E. Mendoza

Ang paglalakbay ang pinakamagandang gawin habang tayo ay nabubuhay pa.


Masayang gawin ito kung kasama ang buong pamilya at mga kaibigan. Ang
paglalakbay ay siyang nagbibigay saya, tuwa at mangha sa mga tao. Maraming mga
alaala at pagsasamahan ang nabubuo sa paglalakbay. Maraming mga bago na hindi
ordinaryo sa paningin nila. Isa sa mga gawain o kaugalian ng mga Pilipino ang
maglakbay sa iba’t ibang lugar o bansa. Isa sa mga aking paglalakbay ang talagang
hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko, ang mamasyal kasama ang pamilya sa
La Mesa Eco Park sa Novaliches, Quezon City, Metro Manila.
Noong nakaraang taon, napagpasyahan naming magbakasyon kasama ang
aking nag iisang kapatid na babae at ang aking pinakamamahal na ina sa Maynila.
Hindi naming kasama ang aming ama sapagkat naroon na siya sa Maynila upang
magtrabaho. Pagbaba namin sa sinasakyan naming bus ay sinalubong agad kami ng
aming ama at pinatuloy na muna niya kami sa tinitirhan niyang bahay sa Marikina.
Makalipas ilang araw na pamamalagi namin doon, pumunta naman kami sa
Caloocan upang bisitahin ang mga kamag-anak namin doon at inimbitahan nila
kaming sumama na mamasyal sa La Mesa Eco Park dahil kaarawan ng aking pinsan
na bata ng mga sumunod na araw na iyon.
Nang dumating na ang araw na
pinakahihintay ko ay maaga akong
nagising dahil siguro sa sobrang
tuwang naramdaman ko dahil yun ang
unang beses kong makapunta doon.
Nung dumating na kami hindi
maipaliwanag ang saya ko dahil
narating ko na iyon at hindi nalang
puro sa social media ang nakikita ko. Kasama ko ang tito at tita, lolo at lola, mga
pinsan ko at lalong lalo na ang pamilya ko maliban sa tatay ko dahil may trabaho
siya nung mga oras na iyon. Nalungkot ako kaunti dahil hindi siya nakasama sa amin
at nanghinayang dahil minsan na nga lang namin kasama, may trabaho pa siya. Pero
mabilis na napawi ang lungkot ko nang makapasok na kami sa loob mismo na
aakalain mong Paraiso sa sobrang ganda. Maganda ang nasa paligid lalo na kung
ikaw ay nature lover.
Sinasabing ang La Mesa Eco Park
ay isang sanctuary na
kinatatabihan ng La Mesa
Watershed at dinevelop sa pag
tutulungan nang MWSS, ABS-CBN
at Local na pamamahalaan ng
Lungsod Quezon. Ito ay may
sukat na 33 hectares na tanging
mithiin ay mapanatili at
maprotektahan ang La Mesa
Watershed. Layunin din na
maipabatid ang importansya at
kung paano mapapanatili ang
kagandahan ng ating likas na
yaman.
Sobra kaming nag enjoy doon at sobrang nakakatuwa talagang mamasyal
doon. Minsan pa ngang kumukuha kami ng mga litrato para naman sulit ang
pamamasyal. Maraming mga pagkain rin ang mga dala namin at doon na rin
ipinagdiwang ang kaarawan ng pinsan kong
bata. Sobrang lawak ng lugar na iyon,
siguro’y aabutin kami ng gabi kung lalakarin
namin yun lahat. Umakyat rin kami sa
mahaba at pataas na hagdan at sobrang
nakakapagod umakyat doon dahil sobrang
taas. At pag nakaabot kana sa pinakadulo ng
hagdan makikita doon ang tinatawag na La
Mesa Dam. Hindi naman masyado kita ang
Dam dahil napapagitnaan ito ng mahabang
tulay.
Hindi lang pala ito tambayan lang, marami rin palang mga aktibidad at mga
atraksyon na pwedeng bisitahin at gawin dito. Ilan lamang sa mga ito ay ang Lopez
Picnic Grounds, Petron Fitness, Mountain Bike Trail, Salt Water Swimming Pool,
Butterfly Trail at Hatchery, Superferry Boating Lagoon, Wall Climbing at Rappelling,
Zipline, Bungee Fun, Pavilion na pwedeng rentahan, Fishing at ang Horseback
Riding. Mayroon ding Eco race o kaya mga Team Building
Activities. Nakakalungkot mang isipin na isa lang ang
nasubukan kong gawin, at iyon nga ang Horseback Riding.
Gustuhin ko mang subukan lahat ngunit kukulangin na
kami sa oras, malayo layo pa yung aming lalakbayin pauwi.
Ito ang unang beses kong makasakay ng kabayo. Sa una
nakakakaba talaga dahil hindi ko pa kabisado ang galaw ng
kabayo, pero pag tagal tagal nakakaya ko na man mag isa
kahit na walang alalay na kasama. Natatakot ako na baka
bigla itong tumakbo ng mabilis at mahulog ako.
Gayunpaman, sobra akong natuwa dahil ang bait ng mga tao dito lalo na ang
tauhan nila dito. Mararamdaman mo talaga na welcome ka sa lugar na ito. Hindi ka
makakaramdam ng inip, sa halip ay mas makakapahinga ang utak mo kun nandoon
ka sa lugar na iyon. Marami kang makikitang bagay na kaaakit-akit tingan. Mga
bulaklak na kay gandang pagmasdan. Nakakamanghang pagmasdam ang kalikasang
nilikha ng Panginoon simula sa lupa, dagat at pati na mga hayop. Mararamdaman
mo ang tunay na saya kapag nandoon ka kasama ang pamilya at kaibigan.

You might also like