You are on page 1of 4

LAKBAY SANAYSAY

Jhon Paul G. Misare

‘LOURDES GROTTO’

Sa pagkabagot ng pamilya namin sa bahay, naisipan ni inay at ng kanyang mga kaibigan

na pumunta ng parke at naisipan nilang sa Grotto na lamang dahil hindi lamang sa maganda

malawak din daw. At ako naman dahil wala rin akong magawa sa aming bahay at wala namang

pasok online ay sumama ako upang makita naman ang ganda ng lugar. Noong Hunyo 1, 2022

eksaktong 10 ng umaga kami umalis kasama ang mga kaibigan ni inay pati narin ang kanilang

mga anak ata mga kaibigan ng kanilang mga anak ay naglakbay kami patungong Grotto.

Dalawang jeep ang kinailangan naming sakyan mula sa kung saan kami nakatira hanggang sa
nasabing lugar. Sa tagal ng aming pag byahe ako ay dinalaw ng kaantokan at bahagyang nakaidlip

sa sasakyan sa at sa paggising ko ay sa wakas bandang mag 1 ng hapon ay nakarating na din

kami sa aming destinasyon.

Sa labas pa lamang ay akin ng natatanaw ang ganda at napakalaking simbahan at paligid

nitong punong puno ng malulusog na damuhan at mga puno dagdag pa dito ang mga hayop na

nasa paligid nito tulad ng napakaraming kambing. Kapansin pansin din na medyo luma na ang

simbahan at wala masyadong tao dahil noong pumasok kami ay tanging gwardya at tagapag

alaga lamang ng simbahan ang naroroon. Ang aking buong akala ay sa harapan lamang kami ng

simbahan magpipicnic dahil doon ay napakalawak na para mag picnic at laking gulat ko na

mayroon pa palang likod iyon na mas malawak at mas maganda pa kaysa sa harapan nito, kung

gaano ka buhay, lawak, at kaganda ang harapan ng lugar ay tinriple pa ito ng kanyang likuran.

Sa likod ng simbahan ay doon namin ginanap ang pagsasalo-salo kasama ang lahat ng

kaibigan namin pati narin kay inay, masaya ang aming pagkain ng sama-sama para bang isang

buong pamilya dahil may nagpapatawa at nagkukwentuhan na tila ba’y walang mga problemang

kinakaharap, ngunit magkaganoon ma’y hindi ko maitatangging kahit ako ay kahit na sandali
lamang ay nakalimutan ko ang aking mga gawain sa paaralan na nagdudulot sa akin ng stress at

pressure. At sa pagkatapos namin kumain ay naglakad-lakad ako sa paligid.

Sa paglilibot-libot kapansin pansin ang napakaraming bulaklak kaya kumuha ako at

sinabit sa aking tainga, mapapansin din sa spot na ito ang tuktok ng simbahan na natatakpan ng

naglalakihang mga puno na sa sobrang laki ay aakalain mong nasa probinsya kana.

Dahil sa hindi inaasahang hindi pagsang-ayon sa amin ng panahon ay umulan at

kinailangan namin ng masisilungan at sa kabutihang palad ay mayroon ang lugar na maaring pag

silungan ng mga tao sakaling umulan man, kaya nag patila muna kami ng ulan sa kubo. At

habang hinihintay naming matapos ang ulan ay naglaro kami ng mga pambatang laro pampawala

ng bagot.
Sa pagtila ng ulan ay mas lalo pang gumanda ang kapaligiran na para bang paraisong

namumukod tangi sa pagkakaroon ng bahaghari na sinabayan pa ng pag sayaw ng mga puno at

pag-twitt~ ng mga ibon na tila ba’y umaawit sa ganda ng tinig.

Sa aming pananatili sa lugar na iyon ng halos kalahating araw ay natutunan kong dapat

bigyan din natin ang ating mga sarili ng pahinga ito man ay sa trabaho, pag-aaral, at iba pa dapat

bigyan natin ng importansya at reward ang ating mga sarili gaya ng pag treat ng pagkain sa ating

mga sarili tuwing nakakatapos tayo ng mga gawain ito man ay maliit o malaki hindi ito basehan.

Pag punta sa iba’t-ibang lugar upang hayaan ang ating mga sariling mga relax at makalimutan

kahit papano ang ating mga problema nang saganoon ay ma “refresh” ang ating pag-iisip at

magagawa natin ang dapat nating gawin.

You might also like