You are on page 1of 1

YUNIT 1- Aktibidad 2

Pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang karanasan sa buhay ay tunay ngang nakakatuwa


dahil ito ay parang ibinabalik tayo sa pangyayaring minsan nang nangyari sa buhay natin at
bahagi na rin ng nakaraan. Masayang gunitain ang mgba ala-ala lalo na kung ating pagkabata
dahil sa masasaya at kawili-wiling pangyayari sa buhay nitang bilang isang bata. Masaya
sapagkat kadalasan ay mga pangyayaring konektado sa ating kalikasan lalo na kung ikaw ay
lumaki sa probinsya.

Tanda ko pa noong ako’y nag-aaral pa sa aming probinsya noong ako ay nasa unang
baiting pa lamang, masaya sapagkat halos kaibigan ko na lahat ng bata sa aming lugar at iyon ay
likas na sa mga batang lumaki sa probinsya.

Pagsapit ng umaga ay gigisingin ng madaling-araw upang mag-igib ng iinumin sa bomba ng


kapitbahay naming na minsan ding naipit ang aking daliri dahil sa kakulitan, pagkatapos mag-
igib ay mag-aalmusal ng mainit na hotcake na galing na rin sa paninda ng nanay tuwing umaga
at pagkatapos mag-almusal ay pupunta na kami ng lawa upang maligo. Pagkatapos maligo ay
bibihisan upang pumasok sa eskwela.

Ang pinaka nagustuhan ko sap ag-aaral sa probinsya ay likas na malinis ang mga bata dahil kahit
sino man ang mauna sa silid-aralan ay nagwawalis na sa loob at labas ng silid. Nag-uunahan pa
ang mga iyan sa paglilinis dahil likas na sa isang bata ang pagiging bida-bida.

Ang pinaka gusto kong parte noong nag-aral ako sa amin ay ang pagbubungkal ng lupa at
pagpatay sa mga damo upang magtanim ng mga halaman at mga gulay na pinapakinabangan ng
lahat ng tao sa aming barangay, makikitang labag man sa kalooban ng mga bata ang pagtatanim
ay nagkakasiyahan dahil alam nilang pagkatapos nang pagtatanim na iyon ay may pameryenda
ang titser. Makikitang bata pa lamang ay tinuturuan nang maging maka kalikasan aty natutuwa
ako dahil dala-dala ko ang bagay na iyon hanggang ngayon.

You might also like