You are on page 1of 1

YUNIT 1- Aktibidad 5

1. Sa mga temang ibinigay sa bawat linggo, pumili ng isa na sa tingin mo ay magandang gawing hakbang
sa kasalukuyang awtoridad upang epektibong magising ang mga kamalayan ng mamamayang Pilipino at
mamamayang Global?

• Ang temang "Wika'y kailangan sa Pandaigdigang Impormasyon sa Pangangalaga sa Kalikasan" ay ang


sa tingin kong magandang gawing hakbang sa kasalukuyang awtoridad upang epektibong magising ang
kamalayan ng mamamayang Pilipino at mamamayang Global. Sa temang ipinapahayag na ang wika ay
magiging instrumento upang mapukaw ang kamalayan ng mga indibidwal sa kung ano ang nangyayari sa
kalikasan at nagsisilbi ang wika bilang kasangkapan upang mabatid natin kung paano natin
mapapangalagaan ang kalikasan. Sa panahon ngayon hindi lamang ang bansang Pilipinas ang may
suliranin patungkol sa kalikasan bagkus ang iba ring mga nasyon o bansa, sa pamamagitan ng wika o sa
wastong paggamit nito ay maaari tayong makapag bigay kaalaman sa iba kung ano nga dapat ang mga
hakbang na dapat ay isaalang-alang natin upang hindi masira ang kalikasan. Sa dami ng nasyon o bansa
sa mundo may ibat-ibang mga lengguwahe o wika na ginagamit ang mga mamamayan sa bawat nasyon
kung kaya't dapat ay tugma ang wika o hindi kaya ay gamitin ang nakasanayan o nakinasgisnang wika ng
isang nasyon. Sa madaling salita gamitin lamang natin ang laganap na wika sa isang nasyon sa
pagpapalaganap ng impormasyon upang mapukaw ang kamalayan at isipan ng bawat isa sa
pagpapahalaga sa kalikasan. Malaki ang maitutulong ng wika upang magbigay o magpalaganap ng
kaalaman at impormasyon tungkol sa pagpapahalaga ng kalikasan.

2. Sa pahayag ng sumulat ng artikulo hinggil sa kaugnayan ng wika at kalikasan, ano pang dapat
banggitin sa tingin mo na maaaring ikalawak pa ng kanyang dahlia opinyon (magdagdag ng supporting
argument)?

• Ang mundo ay binubuo ng kalikasan at ibat ibang lahi na may ibat ibang wika. Ang isang tiyak na wika
na ginagamit o alam gamitin ng iba pang mga nasyon katulad ng wikang Ingles ang maaring maging tulay
nating lahat sa pakikipag komunikasyon sa iba pang mga bansa. Sa pamamagitan ng wika pinagiisa nito
ang ibat ibang lahi sa mundo, ngunit sa iisang partikular na bansa dapat ay ang pambasang wika o ang
kinagisnang wika ang ginagamit ng lahat upang magkaroon ng maayos na daloy sa pakikipag
komunikasyon at pagpapalaganap ng impormasyon upang ang lahat ay makaugnay sa mga bawat
pahayag na ibinibigay natin. Patungkol naman sa ugnayan ng kalikasan at wika nagiging instrumento ang
wika upang mamulat ang isipan ng lahat sa mga kaganapan sa ating kalikasan, kumbaga hindi tayo
makakagawa ng aksyon upang mapangalagaan ang ating kalikasan kung walang wikang ginagamit. Hindi
natin maisasalba ang kalikasan kung ang sarili natin ay hindi natin maisalba sa kamangmangan, bakit?
Dahil kung ating papansinin bago tayo makagawa ng aksyon ukol sa pagpapahalaga ng kalikasan
kailangan muna natin malaman kung ano nga bang mga aksyon ang dapat isagawa. Malalaman natin ito
sa pamamagitan pasalitang pagtuturo na ginagamitan ng wika. Sa madaling salita, ang wika ang
pundasyon ng lahat ng kaalaman

You might also like