You are on page 1of 1

YUNIT 2-Aktibidad 1

Mga tanong:

1. Nabanggit sa pangalawang talata ang pagtutulad (simile) sa isang ina at Siera Madre, anong talinghaga
ang ipinapahiwatig sa gampanin ng Siera Madre bilang isang karakter?

• Nabanggit na sa ikalawang talata na ang Siera Madre ay maihahalintulad sa isang haling haling na ina
upang maprotektahan nito ang kaniyang mga anak. Ang Siera Madre ang nagsisilbing pader upang
hadlangan ang mga sakuna na maaring mangyari kagaya ng typhoon, at pinatitibay rin nito ang daloy ng
tubig at lupa upang makaiwasa sa mga sakuna. Nagiging kalasag rin ito ng Central Luzon at sa iba pang
malalaking lungsod upang mabagal ang atake ng bagyo at siya ring sumasalo ng pinsala na dala ng isang
malakas na unos. Hindi lang pagpoprotekta ang ginagampanan ng Siera Madre, ito rin ay nagbibigay ng
isa sa mga pinaka kailangan ng bawat indibidwal upang mabuhay sa mundo kagaya ng sariwang tubig.

2. Anong ibigsabihin na dahil sa kakulangan sa sustinableng kabuhayan ay winasak ang Siera Madre?

• Ito ay nagpapahayag ng dahil sa kawalan ng pinagkukunan ng kita ng mga indibidwal na siyang ipinang
bibili ng mga pangunahing pangangailangan ng isa tao ay winasak o sinira ang isa sa mga pinagmumulan
ng buhay ng mga halaman, hayop at kahit tayong mga tao. Ngunit para sa akin hindi sapat ang dahilan
na "kakulangan sa sustinableng kabuhayan" upang wasakin ang bagay or lugar na pagaari ng diyos dahil
naniniwala ako na ipinahiram lang sa atin ito ng diyos upang mapadali ang pamunuhay natin sa mundo
at kaya ito nilikha ng diyos ay dahil may layunin o may magandang dulot ito sa atin. Napaka daming
magaganda at mabubuting pinagkukunan ng kabuhayan na laganap sa bansa kaya hindi sapat na dahilan
ito upang sirain ang kalikasan.

3. Ang Siera Madre ay isang gulugod (backbone) ng Pilipinas, tulad ng gulugod ng isang tao bakit hindi ito
dapat mapinsala/masira?

• Kung walang gulugod (backbone) ang isang tao mawawalan ng suporta ang buong katawan ng isang
tao at hindi na rin ito gagana o di kaya ay hindi na muli itong makakakilos (magpafunction). Mawawalan
ng silbi ang iba pang parte o bahagi ng katawan ng tao kung wala itong gulugod (backbone), maaari
nating ihalintulad ang gulugod (backbone) sa isang pader na may nakasandal na taong walang balanse
ang katawan. Kung aalisin o tatanggalin ang pader na sinasandalang ng taong ito ay tiyak na ito ay
matutumba, sa madaling salita, ang gulugod (backbone) ang nagbibigay balanse at lakas sa isang tao
upang manatili itong nakatayo.

You might also like