You are on page 1of 1

YUNIT 1-Aktibidad 3

Ang napili at nagustuhan ko sa loob ng Agakhan Museum ay ang lambat o Poket na


ginagamit sa panghuhuli ng isda.

Makikita sa larawan nito ang pagiging malikhain ng mga ninunong Pilipino, at ginagamit din ito
ng mga Meranaw sa panghuhuli ng mga isda sa lawa ng Ranao na hanggang ngayon ay ito pa rin
ang ginagamit ng mga kapwa nating mangingisda saang man sulok ng Pilipinas.

Hindi lamang ang lambat na ito ang likha ng mga ninuno kung hindi lahat ng kagamitang
nagawa nila. Makikita sa lambat na ito ang likas na mapagmahal ang mga Meranaw sa kalikasan
dahil nakakaisip at nakakagawa sila ng paraan sa paghahanapbuhay at paghahanap ng mga unang
pangangailang ng tao tulad ng pagkain, bahay at damit ng hindi nasisira ang kalikasan. Hindi
tulad ngayon na gumagamit na ang mga mangingisda ng mga bawal na kagamitani sa dagat tulad
ng daynamita at ang pagsira sa mga korales sa dagat.

Aking ding napagtanto na kung gaano magpahalaga ang mga ninuno noon sa kalikasan ay gayun
din ang ibinabalik ng kalikasan sa kanila kung kaya’t sagana noon ang pamumuhay nila noong
wala pang teknolohiya dahil pawing galing lang din sa kalikasan ang mga pangangailangan nila
kaya’t lubos na lamang ang pag-aalalaga nila sa kalikasan at dahil doon ay nagkaroon matibay na
koneksyon at relasyon noon ang mga tao at ang kalikasan.

You might also like